By: Dalisay
Akda ni Jaime Sabado
LOLA: "iho?, anu nangyari at napa isip ka ng malalim jan? excited kana cguro sa bagong negosyo no?"
AKO: "ah eh.. baka nga po..hehe"
LOLA: "oh siya't asikasuhin mo muna ang mga bisita mo, bukas pag uusapan natin ang mga detalye ng bago nating negosyo.
AKO: "ok po lola"
Naging ok naman ang takbo ng party, naging masaya dahil narin sa mga bago kong kaibigan. Ipinagtataka ko lang kung bakit ayaw imbitahan ni lola ang mga dati kong kaibigan.
Kinabukasan ay may ideyang pumasok sa isip ko.
AKO: "ito na yun....wuhooooooo!!!"
Sabay pindot ng cellphone para tawagan si Alexander.
AKO: "hello? best?"
ALEXANDER: "Hello? oh ang aga mo namang mambulabog?" kakagising lang
AKO: "Bihis ka na! pupunta tayo manila!!! Hindi naman peak season ngayon kaya malaki chance natin makakuha ng sit sa eroplano..bilis, dito kna sa bahay in 45 minutes ah? bye" sabay patay ng cp
Ako naman ay naligo na at nag bihis. Napakaganda ng mood ko ngayon. Pagbaba ko para mag agahan, lahat ng katulong ay nakisali sa kagandahan ng mood ko.
KATULONG 1: "naka naman senyorito, ang saya ng gising natin ah?"
AKO: "Diyos ko naman, sa ganda ba naman ng katulong na bubungad sa akin dito sa dinning area eh sino ba naman ang di gaganda ang araw...hehehe.. Good morning Yolly (katulong )!!!!!"
YOLLY: "Sa bagay may point kayo" sabay tawa ng malakas
AKO: "One hundred points pa nga..haha"
LOLA: "iho, mag iingat ka doon ah? wag masyadong gagagala. Sundin mo lang mga payo ni Alexander"
AKO: "opo Lola..hehe mamimiss niyo ko noh?" sabay yakap kay Lola
Natawa ako dahil umiyak si Lola.
AKO: "wahehe Lola naman.. sandali lng naman po ako dun" sabay kiss sa pisngi
LOLA: "basta umuwi kayo agad apo ah?"
AKO: "Si! Lola"
Pagkatapos kng kumain ay tila batang naiinip akong naupo at naghintay kay alexander sa sala. Anjan ang tatayo ako at dudungaw sa pinto, anjan ang pagttripan ko ang piano, sa inip ko ay pati ang alaga ni Lola na pusang si Mushpoi ay kina kausap ko na
AKO: "So mushpoi, kumusta naman kayo ng Boyfriend mo?"
AKO: "ah ganun ba?.. ok, ba't mo pala dinidilaan ang sarili mo?" wahehehe kinakausap ang pusa
Maya maya ay dumating na ang mukong na Alexander na sobrang late na.
AKO: "15 minutes!!!" sabay dabog na lumapit sa kanya
ALEXANDER: " huh? best sabi mo 45 minutes. OA naman ng 15 minutes"
AKO: "Hindi yun!! what i mean is 15 minutes kang late!!"
ALEXANDER: "sorry na best, alam mo namang nagpapogi pa ko, di pwedeng ikaw lang ang pogi..hehe"
AKO: "wahehehe adik! patas tayo pogi..tara na nga at baka mawala ang manila, di na natin mapuntahan pa..hehehe"
Habang nasa kotse kami ay tinawagan ko si Lola para mag paalam ulit. pero 3days lang daw ang maximum stay namin doon.hehe
Pagdating sa Airport ay nakakuha naman nakakuha kami agad ng sit in no time.wahehehe wala masyadong bumibyahe ngayon.
AKO: "Best kinikilig ata ako, makakapamasyal na ko sa manila... manila! humanda ka coz here I come!!!" wahehe
ALEXANDER: "Best mahiya ka naman Airport to hindi kwarto mo..hehe"
AKO: "sorry naman po, excited lang talaga ako" sabay yakap sa bestfrend ko at kiss sa pisngi
ALEXANDER: "laway mo best, oily na tuloy pisngi ko" sabay tawa
AKO: "Arte nito, dilaan ko pa yan eh"
Maya maya pa ay nakapag check in na kami, at ilang sandali pa ay dyaraaaaan!!!!!!!! Nasa manila na kami.
ALEXANDER: "Best controllin mo ang emosyon mo, kinakabahan ako sa anu mang balak mong gawin at puntahan natin dito"
AKO: "adik!!!!!!! kaya nga ako nagpasama kayo kasi ikaw gusto ko mag isip sa punta, ikaw naman kasi ang mas may experience dito..hehehe"
ALEXANDER: "ganun ba? well well well... since ako ang magdidisesyon, una pupuntahan muna natin ang mga negosyo niyo at ipapakilala kita doon"
AKO: "best bakasyon ko to, maawa ka naman sakin" pagmamakaawa ko
ALEXANDER: "Dont worry sandali lng to" sabay ngiti
AKO: "promise mo yan best"
ALEXANDER: "promise! let's go"
Ayun pagdating ng sundo namin ay isa isa naming pinutahan ang mga negosyong tinutukoy ni Alexander. Bagot na Bagot ako sa gingawa naming paglilibot. Nakatulog na ko sa kotse dahil sa kabagutan ng mga pinupuntahan namin.
ALEXANDER: "oi best gising na.. wala na tayo pupuntahan, gusto mong kumain?"
AKO: "kanina ko pa gustong kumain, wala kang awa best..huhuhuh nabawasan ng ilang oras ang bakasyon ko..huhuhu"
ALEXANDER: "hehehe arte nito para kang bata best, san mo gusto kumain tayo?"
AKO: "(nag isip) hmmmmmmmmm, san ba?, wait ah (sabay dungaw sa bintana ng sasakyan).. doon best oh!"
ALEXANDER: "naks! (kanta) sa jollibee bida ang sarap! hehehe"
AKO: "Sa tuwing lalabas kasi tayo puro boring ang pinupuntahan natin, nakikita ko kasi sa tv ang commercial ng jollibee, at unang kita ko palang ay naakit na ko, parang may connection kami ni jollibee best..wahehehehe"
ALEXANDER: "Gutom ka na nga best..hehehe, cge kuya pakipark nalang po jan, sa tapat ng jollibee"
AKO: "naks! parang tatay lang kita best eh.. ako baby mo, dadalhin mo sa jollibee..hehe"
ALEXANDER: "sira! gusto mo dilaan kita ha?"
AKO: "ewww kadiri ka best"
ALEXANDER: "parang di ka naninila ah? mas malaway ka nga dumila sa pisngi ko eh..haha"
AKO: "sinungaling ako lagi ang naghihilamos ng laway mo adik ka!..hehe"
ALEXANDER: "wahehehe sensya magaling ako eh.. tara anak este best dito na tayo jollibee..hehehe"
Naging common asaran na namin ni Alexander ang magdilaan sa pisngi dahil ito ang alam naming isang bagay na masyadong nakakairita pag ginawa sayo.hehehe
Pagkapasok namin sa jollibee ay may kung anung kasiyahan na bumalot sa buong pagkatao ko.hehehe OA
AKO: "wow best pagpasok mo palang amoy mo na ang chicken joy..wahehehe"
ALEXANDER: "oo kasi jan lang naman ang lutuan oh?" sabay turo sa counter
AKO: "oo nga no? mabuti yan kasi nakikita ng mga consumer kaya wala silang masasabi in terms of kalinisan.hehe"
ALEXANDER: "yup! oh best hanap kana upuan doon sa taas, ako na mag oorder"
AKO: "Cge best, damihan mo ah? madaming madami" bulong ko sa kanya
Umakyat ako sa 2nd floor para maghanap ng upuan, maluwag doon at wala masyadong tao. Pinili ko ang mesa sa gilid dahil mula doon ay kita mo ang tanawin.
Tuwang tuwa ako habang pinagmamasdan ko ang mga tao na mabilis na naglalakad,
Ilang sandali pa ay dumating na si Alexander, dalawang waiter ang kasamang nagdala ng mga pagkain namin.hehehe
AKO: "wow best andami.wahehehe ubusin natin to ah?"
ALEXANDER: "oo ba!!! ako pa!!..haha"
AKO: "nga pala best, anung lugar to?"
ALEXANDER: "ah ***** city.. pansin mo mejo di nalalayo sa tacloban ang setting noh mejo maliit kasi ang city na to?, mamaya punta tayo makati dun suydad na syudad tsaka daan tayo sa opis nyo doon..hehe"
AKO: "na naman...huhuhu"
Mejo natigilan naman ako ng makita ko ang isang esudyanteng lalaki na naka uniform ng Blue na polo na may neck tie at Blue na pants.
ALEXANDER: "oi!! natulala ka?"
AKO: "best parang pamilyar sakin ang uniform nung batang yun oh?"
ALEXANDER: "ah ang alam ko sa Asian highschool yan, exclusive yan for boys, tapat kaya ng school nila ang Main Branch ng Bookstore niyo"
AKO: "ah kaya pala..hehe cguro may nakita ako kanina na naka ganyan kaya mejo pamilyar.hehe"
ALEXANDER: "best CR lang ako ah?"
AKO: "cge, hugas kamay ah? ewww..hehe"
ALEXANDER: "sira!!!"
Hindi ko alam pero sarap na sarap ako sa kinakain ko.hehehe para bang natikman ko na to dati pa, pakiramdam ko namiss ko ang mga pagkaing ito.hehe
BABAE: "excuse me po?"
AKO: "yes?"
BABAE 2: "ay kamukha nga oh" bulong niya sa isa
BABE 1: "Ako ng pala si Kikay, pasensya na po ah? sobrang kamukha mo lng kasi yung kababata ko"
AKO: "It's ok, akala mo siguro ako" sabay ngiti
KIKAY: "mejo, pero wala na kasi siya eh" nalungkot ang expression ng mukha
AKO: "oppss, Im sorry miss, I did'nt know"
KIKAY: "ok lng yun.. cge ah? pasensya na po ulit.
ALEXANDER: "aheeem"
AKO : " ah nga pala bestfrend ko"
ALEXANDER: "hi!"
KIKAY: "Hello.. cge dun na kami ah.. sorry po ulit"
AKO: "Ok lng po" sabay ngiti
ALEXANDER: "tinik mo best, nalingat lang ako sandali ay naka hanap ka agad ng dalawang chick..haha"
AKO: "haha, kamukha ko daw kasi kababata nila na patay na" sabay tawa while eating hehe
ALEXANDER: "style lang nila ng pagpapapansin yun?" sabay tawa na rin
Nagconcentrate muna ako sa pagkain ko dahil nga sa gutom na gutom na nga ako. Mula sa Likod ko ay nadidinig ko sila kikay at lahat ng mga kasama niya halos dikit kasi ang sandalan ng upuan namin, Di maka move on sa katotohanang kamukha ko ang kaibigan nila. kaya nangiti nalang ako.
After namin kumain ay tumayo na kami at lalabas na sana at nakatalikod padin ako dahil ang pinto ay nakaharap sa dako namin ng tinawag ulit ako nung kikay..
KIKAY: "Sir?!!!" wait lang po"
AKO: "yes?"
KIKAY: "one last na po, pde ko po bang magpapicture kasama kayong dalawa?"
AKO: "ha?.. ah eh..hehehe panu ba to"
KIKAY: "cge na po please? please po"
AKO: "Ok cge.. Jake Villaron nga pala here tsaka bestfrend ko si Alexander"
KIKAY: "salamat po, tara .. salamat po talaga.. Oi Marie halika kunan mo kaming tatlo ng picture, yung malinaw ah?"
Ayun at tatlong beses niya kaming kinuhaan ng litrato. Natatawa nalang ako sa naging reaction ng babae na kikay ang pangalan. Kinuha pa number namin ni Alexander.
Nagpaalam na kami ni Alexander sa kanila.
_________________________________________________________________
KINAGABIHAN SA BLOWOUT PARTY NI BUGOY.............
TITA MINDA: "kunchita girl, awesome ang outfit natin ngayon ah?"
NAYNAY: "syempre, big day ng baby bugoy natin ngayon dapat bongga tayo"
TITA MINDA: "oo nga eh, parang kelan lang eh bata pa si bugoy natin, ngayon ay nurse na"
Iyakan ang dalawang fashonista kuno..hehehe (color of the night PINK-naynay at RED-tita minda)
BUGOY: "mga nanays tulungan niyo na po ako mag entertain..wag na kayo umiyak jan at mabubura ang make up niyo..hehe"
Maya maya ay dumating na si Bubble.
BUGOY: "oh mabuti at nakarating ka! salamat ah?" sabay yakap
BUBBLE: "mas lalo akong dapat magpasalamat sayo, kasi lagi kang anjan nung mawala si Lando.."
BUGOY: "kaw din naman di moko iniwan" sabay ngiti
BUBBLE: "wala ng iwanan to?hehe"
BUGOY: "oo ba...hehehe"
Naging masaya ang pagdiriwang ng Blowout party ni Bugoy ngunit hindi nakadalo si Kikay dahil nagkasakit ito. Buong gabi ay hindi napaghiwalay si Bugoy at Bubble.
Pagkatapos ng party ay napagpasyahan ni Bugoy na dun na sa bahay nila patulugin Si bubble.
BUGOY: "tol uulitin ko lng.. salamat talaga ah?"
BUBBLE: "ako din uulitin ko.. salamat din,tagal din tayo di nagkita ulit noh? pero di ko nakalimutan yung pagdamay mo sa akin noon"
BUGOY: "kinailangan ko din kasi ng makakasama"
KATAHIMIKAN........................................
Sabay silang dalawa ng tumagilid at nagkatapat ang mga mukha nila.
BUGOY: "oppss sorry..."
BUBBLE: "ok lng.. sabay halik sa labi ni Bugoy"
Itutuloy.........................
No comments:
Post a Comment