By: Mike Juha
Habang papalapit na ang graduation ni Aljun, pinaghahandan na rin ang kasal na gaganapin kinabukasan at sa lungsod nila.
Simple lang ang pinagkasunduan nilang plano sa kasal: sa simbahan gaganapin, walang masyadong preparasyon at piling-pili lamang ang mga bisita. Ito kasi ang hangad ni Aljun dahil kinabukasan pagkatapos na pagkatapos ng kasal ay tutungo ang pamilya sa Canada. Kumbaga, tatlong araw na sunod-sunod ang mga kaganapan sa buhay ni Aljun: graduation, kasal, at ang pag-alis nila ni Kristoff patungong Canada.
At malaking “Ouch!” iyon para sa akin. Ngunit naisip ko rin na makabubuti din ang pg-alis ng mag-ama. Kasi, bagamat napakasakit nito, mabilisan lang. Kung pagpipiliin ako kung sa pagsasaksakin ako at mamatay agad sa isang oras, mas pipiliin ko iyon kaysa matagal nga akong mabubuhay ngunit unti-unti naman akong pinapatay. Doon na ako sa isang beses na mabilisan lang ang sakit.
Anyway, kinuha si daddy na isa sa mga sponsors. Hindi lang dahil hiniling ko ito kundi napamahal na rin kasi si Aljun kay daddy na palaging kalaro niya sa lawn tennis at dahil na rin kay Kristoff. Sa pamamagitan nito, magkakaroon pa rin ng connection ang daddy sa bata; may ceremonial bond pa rin siya sa pamilya. Ibig sabihin, kahit papaano, lolo pa rin ni Kristoff si daddy.
At ako ang best man ni Aljun. Obvious naman siguro. Sa totoo lang, hindi ko nai-imagine ang sarili na magiging best man sa isang taong aking minahal. Kahit naman siguro sino, napakasakit. Ewan ko lang din kung kakayanin ng iba. Ngunit dahil na-kundisyon ko na ang utak kong pag-aralan at pilitin ang sariling tanggapin ang lahat ng maluwag sa kalooban, kaya kakayanin ko talaga ito at panindigan. Atsaka, kapag best man ka ng groom, ang role mo sa kanya ay isang sandalan kapag kailangan niya ng karamay sa mga problema sa buhay. Best buddy, best friend a shoulder to lean on... Bagamat sa panalangin ko na lang madadaan ang kung ano mang suporta ko sa kanya dahil kapag natuloy ako sa pagka-monghe, wala nang pagkakataong makakapag-usap pa kami...
Habang hinihintay namin ang nabanggit na dalawang malalaking kaganapan sa buhay ni Aljun, wala namang nagbago sa set up namin. Kami pa rin nina Aljun at Kristoff ang nagsasama sa sa flat habang si Emma ay sa isang hotel tumira. Naintindihan naman daw ni Emma ang kalagayan namin, lalo na ang kalagayan ko. Habang hindi pa raw sila kasal, hayaan lang daw niyang kahit papaano, magkakaroon pa rin kami ni Aljun ng private moments sa mga nalalabing araw na “single” pa si Aljun. Ok lang daw sa kanya. Hindi daw siya ganyan ka possessive. At ayaw din niyang sirain ang nakasanayan namin lalo nang sa mga araw na iyon kung saan busy na si Aljun sa mga final examinations at requirements para sa graduation. Isa iyon sa mga bagay na ikinatutuwa ko rin ay Emma. Sobrang understanding.
Habang papalapit na ang takdang araw, pakiramdam ko ay isa akong taong may taning na ang buhay. Binibilang ang bawat oras, ang bawat paglubog ng araw. At sa bawat paglubog nito, pakiramdam ko ay isa akong kandilang unti-unting nauupos, natutunaw. Ang sakit, ang lungkot...
Pati si Kristoff ay marami na ring tinatanong; tungkol sa kasal ng papa niya, kung kasama ba ako sa pagpunta nila sa Canada, kung ganoon pa rin ba kami ng papa niya na natutulog sa iisang kuwarto, kung makikita ba uli niya ang lolo niya…
Mahirap ipaliwanag ngunit pinilit kong sabihing mag-iiba na ang buhay namin; na hindi ako kasama sa pagpunta nila sa Canada dahil mag-aaral pa ako, at ang lolo niya ay bagamat maaring pupunta sa Canada ngunit baka hindi ganoon kadalas.
“Malayo po ba ang Canada papa Jun?”
“Ah... oo malayong-malayo iyon.”
“Hindi na po ako ipapasundo ni lolo kapag malayo iyon...?”
“Si lolo mo ang pupunta doon. Kasi nagpupunta naman talaga ang lolo mo doon paminsan minsan e.”
“E kayo po... hindi na po kita makikita?”
Mistula na namang piniga ang aking puso sa tanong na iyon ni Kristoff. “Ah... p-punta din si siguro ako doon pagkatapos ng pag-aaral.” ang naisagot ko na lang.
“Ay, ayoko po. Malayo pa iyon. Ayoko pong sumama kay papa. Dito na lang po tayo papa Jun. Gusto ko dito na lang mag-aral kasi po, alam ko na dito, marami po akong kaibigan dito at gustong-gusto po ako ng mga teachers ko dito. Ayoko po sa Canada.”
“Maganda kapag nandoon ka sa Canada upang maging mas maganda ang buhay mo. English-speaking ka kapag nandoon at may snow pa doon.”
“Ah, ayoko ng snow. Marunong naman ako mag English e. Basta, papa Jun, ayoko doon. Dito na lang po ako sa inyo at kay lolo, atsaka kay lola ko po sa bukid.”
“Ang kulit kulit talaga ng baby Kristoff ko.” ang nasambit ko na lang sabay talikod sa kanya at tumbok sa kuwarto, iniwasang makita niya ang pagpatak ng aking luha. Napaka-inosente kasi ng bata. Walang kamuwang-muwang sa mga pangyayari sa kanyang paligid. Hindi ko alam kung paano ipaliwanag na ang lahat ay para sa kinabukasan niya, para kabutihan niya, para mabuo ang pamilya niya, para magiging normal ang takbo ng buhay niya... “Manood ka lang muna na TV d’yan ha?”
At doon sa kwarto ko hinayaang pumatak ang aking mga luha.
Ang mommy ko naman ay text nang text sa akin at ipinaalam na nalulungkot nga daw ang daddy. Syempre, naawa ako. Sa pagsulpot ni Kristoff sa buhay niya lang kasi nakita ko ang daddy na sumigla ang buhay. Ngunit wala akong magagawa. Hindi namin kontrolado ang lahat.
Ganyan talaga siguro ang buhay... masalimuot. May pera nga ang daddy ngunit may mga bagay na hindi niya kayang bilhin. Ako... may hitsura, hinahangaan, maraming nagka-crush ngunit hindi rin masaya sa pag-ibig. Maraming tao ang nagmamahal sa akin ngunit ang nag-iisang taong mahal ko ay iba ang nagmamay-ari. Halos nakukuha ko ang lahat ng gusto ko ngunit ang kaisa-isang bagay na ninanais ko sa buhay ay hindi ko kayang abutin... Ang gulo!
Biyernes iyon ng gabi bago ang araw ng graduation ni Aljun. Naisipan naming kumain sa labas, sa paborito naming kainan, ang restaurant na nakalutang sa dagat. Dahil si Kristoff ay ipinasundo ng lolo niya, gusto ring maka-bonding ang apo bago sila tuluyan maghiwalay, kaya may private time kaming dalawa ni Aljun.
Malungkot ang tagpo naming iyon. Iyon na marahil ang pinakamalungkot naming bonding. Imagine, dalawang araw na lang at hindi na kami magkikita pang muli.
Tama nga ang sinabi sa akin ng isang kaibigan. Ang buhay daw ng isang tao ay mahalintulad sa isang paglalakbay. Sa bawat destinasyon na ating marating, may mga tao tayong makikilala. Ang iba sa kanila ay mabilis na maglaho ngunit ang iba naman ay mananatiling bahagi ng ating buhay. Ang iba ay makapagbigay sa atin ng aral o dagdag-kaalaman, at ang iba ay mag-iwan ng sakit sa ating puso. Ngunit may iba rin na bagamat makakasama lang ng panandalian subalit ang hatid na dulot nila sa ating buhay ay mag-iwan ng bakas na gusto nating balik-balikan...
Siguro ay advanced lang akong mag-isip. Para kasing sa mga oras na iyon ay wala na sya sa aking piling at ang kasama ko sa malungkot na bonding na iyon ay ang kanyang ala-ala na lamang.
Habang nag-order kami ng makakain, ramdam ko ang tension na namuo sa pagitan naming dalawa. Tahimik, malungkot ang kanyang mukha at kitang kita sa aming mga kilos at galaw ang tila kawalan ng gana.
Gusto kong sabihin sa kanya na 70 short hours na lang ang nalalabi bago tuluyan na siyang mapalayo sa akin at maghiwalay ang aming landas. Gusto kong ipadama sa kanya na baka iyon na rin ang huling pagkakataon namin sa lugar na iyon, na paborito pa naman naming kainan.
"Graduation mo na bukas... At summa cum laude ka pa.” ang pagbasag ko sa katahimikan.
Ngunit hindi niya pinansin ang sinabi ko. Ibang topic ang binuksan niya. “Sigurado ka na ba talagang papasok sa monasteryo?”
Tumango ako.
Binitiwan niya ang malalim na buntong-hininga, ibinaling ang paningin sa kalawakan ng dagat.
Tahimik.
“H-hindi ba pwedeng huwag na lang? Nandito naman ako. Ipagpatuloy pa rin natin ang ating relasyon kahit kasal na ako kay Emma...”
Ewan. Para akong nabigla sa kanyang proposal. Hindi ko alam kung matuwa o intindihin na lang ang pagkalito ng kanyang isip. “Ayoko sa ganoong setup boss. Magulo iyan. At kawawa naman ang magiging pamilya mo...” ang sagot ko na lang.
Hindi siya nakaimik.
Naalala ko ang binili kong isang gold na crucifix pendant na ang tali ay itim na bibiluging tila isang sintas ng sapatos. Dinukot ko ito sa aking bulsa. “Ingatan mo ito boss... Ito ang magsilbing alaala mo sa akin habang nasa loob ako ng monasteryo.” At inabot ko ito upang maisukbit sa kanyang leeg.
Bahagya naman niyang inilapit ang kanyang katawan atsaka yumuko upang tuluyang maisukbit ko ito sa kanyang leeg. “Palagi mong tandaan boss... mahal na mahal kita. Ikaw ang kauna-unahang taong minahal ko at ikaw na rin ang huli kong mamahalin. Isasara ko na ang puso ko; upang habang may buhay pa ako, tanging pangalan mo lamang ang isisigaw sa bawat pagpintig nito.”
Tinitigan lang niya ako, kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang namumuong mga luha. Noong hinaplos ko ang kanyang mukha tuluyang pumatak ang mga ito sa aking kamay.
“S-sana... dalawa ang katauhan ko…” ang nasambit lang niya.
“Sana nga… Ngunit iisa lang boss. At iyan ang masakit na katotohanan. Kaya, huwag mo na akong isipin pa. Kaya ko naman e. At least sa akin, wala akong habol sa iyo. Walang nawala sa akin. Sa katunayan, malaki ang pasasalamat ko na nabigyan mo ako ng kasiyahan, ng opportunity na makilala ka, na maging bahagi ng aking buhay, na maging kaibigan ang isang Aljun Lachica at maranasan ang pagmamahal mo… kahit sa sandaling panahon lamang. Masaya na ako doon boss. At dapat akong magpasalamat sa mga unang karanasan ko sa iyo; sa mga napakamasalimuot na ilang buwan nating pagsasama.”
Hindi pa rin siya kumibo. Kitang-kita ko pa rin ang mga luhang dumaloy sa kanyang pisngi habang ibinaling niya ang kanyang mukha sa lawak ng dagat.
Alam ko naman. Nahirapan siya sa kanyang kalagayan. Naawa siya sa akin ngunit may pananagutan siya kay Emma na alam kong may puwang pa rin sa kanyang puso. At... may responsibility din siya kay Kristoff at sa magiging pangalawa nilang anak. “Huwag mo na akong intindihin boss. Ok lang ako promise.” ang sambit ko bagamat hindi ko rin napigilan ang pagdaloy ng aking mga luha.
“Di ba sabi ng paring monghe na kung may kahit kaunting pag-aalangan sa sisip mo ay huwag ka nang tumuloy sa monasteryo?”
Tiningnan ko lang siya. Nakuha ko kasi kung ano ang ibig niyang tumbukin.
“Wala bang kahit na kaunting pag-aalangan d’yan sa isip mo ngayon?”
“Mayroon...” ang deretsahan kong sagot.
“Pwes bakit ka pa tutuloy?”
“Dahil sa ngayon lang ito. Ngunit kapag nakasal ka na; kapag wala ka na... mawawala na rin ito.” Ang sagot ko.
Natigilan siya. “P-paano kung babalik ako sa iyo?”
“Kapag bumalik ka at nasa loob na ako ng monasteryo, huli na ang lahat. Hindi na ako puwede pang lumabas.”
“P-paano kung hindi ako tutuloy sa pagpapakasal?”
“Ano ang sasabihin ng mga tao tungkol sa akin kung ako ang magiging dahilan ng iyong pag-back out?”
“Di ba... napagkasunduan nating hindi dapat maging basehan ang kung ano man ang sasabihin ng mga tao sa gagawin nating desisyon?”
“Ayokong ako ang magiging dahilan ng pagkasira ng buhay ng dalawang walang kamuwang-muwang na mga bata boss...”
Hindi na siya nakakibo pa. Ibinaling niya uli ang paningin sa dagat.
Maya-maya, kumuha ako ng song book at pinatugtug ang videoke. Kinantahan ko siya. Pinilit ang sariling buuin ang pagbigkas ng mga lyrics at hindi mabasag ang aking boses bagamat walang patid pa rin ang pagdaloy ng aking luha.
try over and over again
Keepin' on to a day when it ends
But there does'nt seem to be any answer left for me
I go over and over it all
Every detail I dont need recall
But there does'nt seem to be any answer left for me
Just the day and the night and the thought of what we used to be
Never knew a day could be so long
Never knew a love could be so wrong
Never guessed that from such joy
Would come this hurt
So I take to a road paved in green
I'll return when i wake from this dream
But the pain does'nt leave
The distance makes it grow
All I have are the ashes
And once more spark from your glow
Please dont stop remembering
Even though im not there
My mind knows you've gone
But my heart does'nt care
Oh please dont stop remembering
Though time fades away
The love still lives on
And memories stay
Now I live in a place by the sea
It took time but I set myself free
And I’m starting to feel that I’m not such a fool
Cause I know that i tested the ledge
I almost over the edge
But life is worth so much
So I go on
With the day and the night and a dream
And I Still got my song
Please don’t stop remembering
Even though I’m not there
My mind knows you've gone
But my heart doesn’t care
Oh please don’t stop remembering
Though time fades away
The loves still lives on
And the memories stay
Oh Please don’t stop remembering
Even though im not there
My mind knows you've gone
But my heart does'nt care
And if by chance you see me
Well I'll smile and say hi
You think I look fine
But I’m weepin inside
Please don’t stop remembering
Even though im not there
My mind knows you've gone
But my heart does'nt care
Oh please dont stop remembering
Though news may go by
The love still lives on
And memories fly
Pagkatapos kong kumanta, siya naman ang pumili ng kanta at kinanta...
Ipagpatawad mo, aking kapangahasan
Hinihiling ko, sana’y maintindihan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sa ‘yo, ayaw nang lumayo
Ipagtawad mo, ako ma’y naguguluhan
‘Di ka masisi na ako ay pagtakhan
‘Di na dapat ako pagtiwalaan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sa ‘yo, ayaw nang lumayo
Ipagpatawad mo, minahal kita agad
Aah, minahal kita agad
Aah, minahal kita agad
Ipagpatawad mo, oh hoh
Oh…hoh, woh…
(Minahal kita, aah)
(Kay tagal-tagal aah)
Sana nama’y ipagpatawad mo
Ang malabis na kabilisan ko
Ngunit ang lahat ng ito’y totoo
(Ipagpatawad mo)
Aah minahal kita agad...
Sa araw ng graduation, ako, si Kristoff at ang inay ni Aljun ang pamily niya. Hindi dumalo si Emma kasi may pamahiin daw na sa araw bago ang kasal, hindi dapat magkita o magsama ang ikakasal. At naniwala naman daw si Emma dito. At imbes na sa graduation siya pupunta, sa pagawaan na lang ng kanyang suot pagkasal. Napag-usapan na daw nila na ako ang dadalo sa parte ni Emma at bilang bahagi ng pamilya ni Aljun.
Syempre, na appreciate ko naman din iyon, na walang tutol si Emma na ako ang magrepresenta sa kanya na dumalo bagamat may tanong din ang isip ko na parang hindi yata tama na wala siya doon. Noon ko lang naman kasi narinig ang ganyang pamahiin.
Sa loob ng graduation hall, bakas sa mukha ng mga tao ang ibayong saya et excitement. Pakiwari ko ay ang lahat ng mga tao ay sobrang saya ang naramdaman maliban lang sa akin. Ang stage ay puno ng mga palamuti na parang perpekto ito sa ganda at preparasyon. Ang mga magulang at kaanak ng mga garaduates ay may kanya-kanyang dalang mga naggagandahan at nagbabanguhang corsage at garlands kung saan ang magkahalong bango ng kalatchichi, rosal, at sampaguita ang nanaig. Hindi ko malilimutan ang bangong iyon....
Sobrang proud ako noong makita ko si Aljun, suot ang kanyang toga na nagmamartsa kasama ang mga kapwa niya graduates habang nagpalakpakan ang mga tao. Nasabi ko tuloy sa sarili ko na ang suwerte-swerte talaga ni Emma. Kasi, hindi lang guwapo si Aljun, matalino pa, mabait, at may anak silang kasing bait at talino din.
At habang pinagmasdan ko siya, hindi ko maiwasan ang pamumuo ng aking luha, Iyon bang feeling na nadoon na sana, akin na sana siya ngunit may malaking hadlang kaya hindi ako puwede. At naisip ko rin ang na kasal niya kay Emma kinabukasan, at ang pag-alis nilang mag-ama patungong Canada.
Hindi ko na napigilan pa ang mga luhang tila ay may sariling buhay na kusa na lang nagbabagsakan galing sa aking mga mata...
“Papa Jun, umiiyak ka po ba?” Ang sambit ni Kristoff na nakakandong lang sa akin. Nakita kasi niyang basang-basa ang aking mga mata at nagpahid pa ako ng luha.
“H-huwag kang maingay. N-natutuwa lang ako dahil graduate na ang papa mo eh...”
“B-bakit ka umiiyak kung natutuwa ka?” ang inosenteng tanong ni Kristoff.
“Pag sobra-sobrang tuwa mo, umiiyak ka rin ah.” Ang pag-aalibi ko pa.
“Alam ko naman kung bakit ka umiyak eh.”
“H-ha? Bakit?”
“Kasi bukas ikakasal na si papa atsaka sa sunod na araw, aalis na rin kami papuntang Canada...”
At sa narinig ko, tuluyan ko na lang na hinyaan ang pumatak nang pumatak ang aking mga luha. Niyakap ko ang bata ng mahigpit. Tinalo ang hiyang naramdaman ko na makitang sa ganoong pag-iiyak sa matingding lungkot sa pagparamdam sa akin ng bata na alam ang aking saloobin. Hinahalik-halikan ko na lang ang ulo ni Kristoff.
“Tama ka Kristoff.. tama ka.” Ang bulong ko sa kanya. “Ma-miss ko ang papa mo at ma-miss din kita.”
“Huwag na po kayong umiyak papa Jun. Hindi naman ako sasama sa kanila eh... Dito lang ako sa iyo. Atsaka kay lolo.”
“Ma-miss mo rin ba ang lolo mo?”
“Opo.”
“Ngunit sila ang mga magulang mo, Kristoff. Sila ang mas may karapatan sa iyo...”
“Ah... basta. Ayoko pong sumama sa kanila. At kapag pinilit nila ako, sasabihin ko kay papa na umuwi na kami sa iyo. Ayaw ko po doon sa Canada papa Jun. Gusto ko po dito. Ma-miss po kita at si lolo.”
“O sya.... sabihin mo na lang kay papa Aljun mo iyan kapag nasa Canada na kayo...” ang sagot ko na lang upang matapos na ang kanyang pangungulit.
Noong isa-isa nang tinawag na ang mga graduates, halos babagsak naman ang buong gymnasium sa ingay ng palakpakan at hiyawan noong pangalan na ni Aljun ang tinawag. “Mr. Aljun Lachica, summa cum laude!!!”
“Ang daming pumalakpak kay papa!” sambit ni Kristoff.
“Oo naman. Pinakamatalino ang papa mo sa lahat e. Kagaya mo.” Sagot ko.
“Matalino pa si papa kaysa sa akin?” ang nakakatuwang tanong ng bata.
“Hmmmm. Oo. Kasi mas matanda siya kaysa sa iyo.”
“Sana ganyan din ako kay papa. Para pag tinawag na ang name ko, madami ding pumapalakpak.”
“Di ba last week noong closing ng nursery school, madami ding pumalakpak sa iyo dahil ikaw ang may first honors? At accelerated ka kaagad sa Grade 1!”
“Mga bata po naman iyon e... atsaka kaunti lang ang mga tao. Kay papa madami...”
Natawa naman ako. “Di bale... pag laki mo, ganyan ka rin kay papa mo. O sya, tahimik na tayo at mag-speech na ang papa mo.”
At nagsimula nang magsalita si Aljun. Una, kino-congratulate niya ang mga kapwa estudyante. At habang isinigaw ni Aljun ang salitang “CONGRATULATIONS TO ALL OF US, GRADUATES OF BATCH 2011!!!!” hiyawan ang lahat at nagpalakpakan.
Sinundan niya iyon ng seroyosong pagpapasalamat sa maykapal. Pagkatapos ay ang pasasalamat niya sa kanyang ina na pinuri din niya ang kabaitan, pagkamaalalahanin, supportiveness, katapangan na sa pagtaguyod sa pamilya nila bagamat single mother lang ito. Nagpasalamt din siya sa kanyang mga professors, administrators at lahat ng teachers at perrsonnel ng university, sa mga kaibigan at tagasuporta niya (na nagpalakpakan muli at nag hihiyawan noong nabanggit sila). At ang pinakahuli niyang binanggit ay si Kristoff na pinangalanan niyang kanyang little angel at dahilan upang magpursige siya sa kanyang mga adhikain at pangarap. “Kristoff gave me the reason to pursue my dreams; he is the source of my happiness.” Ang sabi niya. At ang pinakahuli niyang pinasalamatan ay ang ina ng kanyang anak, si Emma.
May kirot akong nadarama sa aking puso sa hindi niya pagbanggit ng pangalan ko, lalo na pinasasalamatan pa niya talaga ang ina ni Kristoff. Ngunit, inintindi ko na lang kasi, napag-isip-isip ko na nakakahiya naman din sigurong banggitin pa niya ako. Alam ng mga tao ang relasyon namin, alam nila ang kuwento ng pag-ibig namin, at naisip din siguro niya na hindi akma na isingit at banggitin pa ang panglan ko, lalo na may mga estudyante na ring nakaalam na ikakasal na siya kay Emma sa susunod na araw.
Nagpatuloy siya, “It is a sad thing that after sometime being here, we will be bidding our final adieus to our alma mater. This is a mixed feeling on our part because on one hand, there is the happiness of having succeeded in our scholastic endeavors. But on the other hand, there is also the pain of leaving behind the treasured friendship and the shared moments. It’s like being “Torn Between Two Lovers”, as a song goes; one love is for the future, and the other, for the memories we all wil be leaving behind. But as there is no other way but move forward, ‘Smile Though Your Heart Is Aching’, as another song goes.
There are many ‘goodbyes’ in life. Some of them happen because people want them; some, because circumstance compels them to happen. But whether they are for good or for temporary, all “going-aways” are bittersweet.
Life is a ‘Constant Change’, so another song goes. In life, nothing is permanent. There is a time to say ‘Hello’ and a time to say ‘Goodbye’. We bid goodbyes to places, to people, to fond moments, to friends and loved ones... One time or another in a man’s life, he moves from place to place, meets people, and establishes relationships. And after a while, when he moves again to a new place, he bids goodbye to the people in whose friendship and camaraderie he had learned to treasure. Then again, he meets new faces, new friends, new relationships. This cycle goes on and on for as long as man aims for a higher goal, or strives for a greater happiness or value, or simply adjusts to the changing needs of time. Goodbyes therefore, are an inevitable part of life. And as man overcomes hurdles in this cycle of hellos-and-goodbyes, he becomes wiser, better, and stronger person. Nothing is indispensable to change; not even the greenness of the mountains; the depth of the oceans, nor the immensity of the universe. Even butterflies undergo metamorphosis before they soar freely through the air.
For many of us graduates, this change maybe abrupt, if not difficult to tackle. There is the fear of the unknown, the fear of heights, the fear to fail, the fear to be rejected, and the fear to fall short from the expectations of loved ones. But the good thing about change is that there is always something new to begin with. There are unchartered frontiers to find, feats to reach, and things to discover. Whichever road we take from here, there are hard works to do, huge amount of courage to bear, and strong determination to rise above the challenges. But if one has prepared himself for the proverbial ‘rainy days’ there is nothing much to worry. In this university, our professors prepared us to face storms, sail through tough seas, and deal with life’s struggles. We learned that in order to get to the top of our ambitions, we need to do our best; to work hard, and get armed with the right values. If we have all what it takes to persevere, then nothing can prevent us from succeeding no matter what the costs, no matter how many times we have fallen. We will get there...
So to all of us, graduates, the best of luck. Today, we’ve completed one milestone in our lives. We have bid one painful goodbyes to places, people and fond moments, but another threshold is waiting to be unraveled and a new door is opened. Let us embrace them. Let us give them our best shots, rise above the challenges, and be the best persons that we can be. Then maybe a time will come when we would all look back and discover that over time, we’ve learned so many lessons, overcame obstacles, touched lives, made friends, loved someone, built or achieved something, conquered dreams, and, finally became the person that we always wanted. It’s not far off. The future is ours for the taking…
Again, congratulations to all of us! Thank you and... GOOD BYE!”
Naantig ako sa kanyang speech. Nakarelate kasi ako. Bagamat hindi pa ako graduate sa unibersidad na iyon ngunit dahil kagaya niya ay iiwanan ko na rin ang paaralan, at ang mga matatamis na mga ala-ala sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. Kaya isa din ako sa mag maggo-goodbye at haharap sa threshold na sinasabi niya, isang panibagong yugto at pagsubok sa aking buhay.
Nagpalakpakan na ang mga tao. Ang buong akala namin ay tapos na ang speech ni Aljun. Ngunit nagsalita pa itong muli. “This is a little unconventional but allow me express my deepest and greatest appreciation and gratitude to the one person, an angel in disguise sent from above; the person who has brought out the best in me, who stood by me thruogh thick and thin, and helped me discover the beauty of life.” At dali-daling tumakbo ito sa gilid ng stage at noong bumalik ay dala-dala ang gitara.
Pumuwesto uli siya sa harap ng mikropono. Noong tinipa na niya ang kanyang gitara, nagsalita siya. “To my boss, Mr. Gener Flandez, Jr... thank you for the short but best moments that you shared with me. Thank you for coming into my life.”atsaka kumanta.
And as I look into your eyes,
I see an angel in disguise
Sent from God above for me to love,
To hold and idolize
And as I hold your body near,
I'll see this month through to a year
And then forever on till life is gone,
I'll keep your loving near
And now I've finally found my way,
To lead me down this lonely road
All I have to do is follow you,
To lighten off my load
You treat me like a rose,
You give me room to grow
You shone the light of love on me,
And gave me air so I can breathe
You open doors that close,
In a world where anything goes
You give me strength so I stand tall,
Within this bed of earth
Just like a rose
And when I feel like hope is gone,
You give me strength to carry on
Each time I look at you there's something new,
To keep our loving strong
I hear you whisper in my ear,
All of the words I long to hear
Of how you'll always be here next to me,
To wipe away my tears
And now I've finally found my way,
To lead me down this lonely road
All I have to do is follow you,
To lighten off my load
You treat me like a rose,
You give me room to grow
You shone the light of love on me,
And gave me air so I can breathe
You open doors that close,
In a world where anything goes
You give me strength so I stand tall,
Within this bed of earth
Just like a rose
And though the seasons change,
Our love remains the same
You face the thunder,
When the sunshine turns to rain
Just like a rose,
You treat me like a rose,
You give me room to grow
You shone the light of love on me,
And gave me air so I can breathe
You open doors that close,
In a world where anything goes
You give me strength so I stand tall,
Within this bed of earth
Just like a rose
You give me strength so I stand tall,
Within this bed of earth
Just like a rose
Napaiyak na naman ako sa ginawa niyang iyon. Akala ko, sadyang kinalimutan niya akong banggitin sa kanyang pasasalamat. At bagamat maraming mga pormal na tao, mga madre at may mga pari pa, hindi niya ako ikinahiya. Kahit papaano, napasaya din niya ako kahit sa huling pagkakataon sa unibersidad a iyon.
Nagpalakpakan ang mga tao. Syempre, maganda ang boses ni Aljun at napakaganda ng kanyang kinanta. Ngunit hindi rin mapigilan ang ibang lumingon sa kinaroroonan ko, ang iba ay nagbubulungan at may sumisigaw ng “Al-Gen! Al-Gen! Al-Gen!” mga tagahanga niya na sumusuporta sa aming love team.
Huling gabi bago ang kasal. Magkasama pa rin kami sa pagtulog ni Aljun. Nasa lolo niya si Kristoff kung kaya libre kaming dalawa lang sa aking flat.
“H-hindi na talaga mapipigilan ang kasal mo boss... ilang oras na langg.” ang bulong ko sa kanya habang nakahiga kami.
“Oo... at nasaktan ako dahil iiwan kitang mag-isa. At hindi ko alam kung tama ba itong mga desisyon natin. Dapat sana, ay kasama mo ako upang harapin ang buhay. Magsama sa saya, sa hirap...”
“Tama ang lahat boss. At huwag kang mag-alala sa akin. Walang mas tatama pa sa isang desisyon na ang pinagbasehan ay ang kapakanan at kaligayahan ng nakararami. Isang tamang desisyon kung saan may mabago tayong mga buhay, may magandang kinabukasan na mabubuo, may mga taong sa bandang huli ay lilingon at magbigay ng kanilang pasasalamat dahil bagamat masakit ang dulot nito sa atin, ay ginawa pa rin natin ang lahat para sa kapakanan nila...”
“N-napakabait mo boss...”
“Napakabait mo rin sa akin... Salamat sa lahat. Hindi ko malimutan ang mga bagay-bagay na ginawa mo para sa akin, ang mga ala-ala natin. Ang lahat ng iyon.”
“Ako rin boss. Palagi kang nandito sa aking puso... Sana ay mapatawad mo ako..”
“Wala kang kasalanan boss. Hindi mo kasalanan ang lahat. Ako nga ang may kasalanan ng lahat eh. Hindi ko napigil ang sariling mahalin ka”
“Nagsisisi ka ba?”
“Hindi naman. Hindi ako nagsisisi. At wala akong dapat pagsisihan dahil sa maiksi nating pagsasama doon ako natuto ng mga bagay-bagay sa buhay at pag-ibig, Doon ko naranasan kung paano ipaglaban ang isang pagmamahal, kung paano panindigan ang isang desisyon. Doon ko naranasan ang sarap ng pakiramdam na may nagmahal. Ibinigay mo sa akin ang isang napakasaya at napakagandang ala-ala boss. Paano ko pagsisisihan iyan?”
Siniil niya ng halik ang aking mga labi. At pagkatapos, “I love you very much boss...”
“I love you too boss... so much...”
At sa buong magdamag, hinayaan naming pakawalan ang matinding init ng aming pagnanasa sa isa’t-isa. Nagtalik kami na nakatatak sa isip na iyon na ang huli namin. At ang hiniling ko sa kanya sa huling pagtatalik naming iyon ay na lagyan niya ng kissmark ang aking kanan kong dibdib. Kahit na kagatin pa niya ito, titiisin ko ang sakit, para lamang may bakat pa akong makikita sa aming huling pagniniig.
Ginawa naman niya. Sinipsip niya ng matindi ana aking dibdib at noong pulag-pula na ito, kinagat pa niya ng malakas. Napaluha ako sa sakit at halos matanggal ang balat ko sa kanyang pagkagat.
At dahil hiniling din niya na magkaroon din siya nito, gainawa ko rin sa kanya ang ginawa niya sa akin.
Para kaming mga hayup na gutom sa laman sa huli naming pagtatalik na iyon. Paulit ulit. Tila wala kaming kapaguran. Hanggang sa sumapit ang bukang-liwayway...
Una akong nagising sa umagang iyon, araw ng kanyang kasal. Habang nakahiga siya sa kama, pinagmasdan ko ng maigi ang kanyang mukha, inuukit sa aking isip ang kaliit-liitang detalye na nakikita ko. Ilang minuto ko itong tinitigan. Inikot ko ang aking paningin sa kanyang kabuuan ng kanyang mukha – sa noo, sa makakapal niyang kilay na tila inisa-isang itinanim ang mga ito at pinorma ang isang perpektong desenyo, ang matangos na ilong, naggagandahang mga mata, ang mamula-mula at makinis na mga pisngi, ang nakakabighaning bibig kung saan ilang ulit ko ring natikman at nasamsam ang bango ng kanyang hininga. Kahit ang hibla ng kanyang makapal at maiitim na buhok ay hindi nakalagpas sa aking paningin. At muli, hindi ko namalayang tumulo na pala ang aking mga luha.
Nagsabay pa rin kami sa aming paliligo. At sa banyo, muli naming sinamsam ang bawat isa. Halos wala kaming sinayang na oras. Bawat segundo ay mahalaga.
Ako na rin ang nagbihis sa kanya, damit, sapatos... Pati ang brief na isinuot niya, ako ang pumili at ako na rin ang nagpasuot sa kanya.
Pinagmasdan ko si Aljun noong matapos na siyang magbihis. Napaka-guwapo niya sa suot na coat na may puting longs leeves na pang-ilalim at may ternong pantalon at sapatos. Iyon ang unang pagkakakita ko sa kanyang nakasuot ng ganoong attire. Para siyang isang modelo. Sabagay, kahit ano naman ang kanyagn isusuot, bumabagay ang mga ito sa kanya. Kahit pa isang lumang t-shirt at maong o kahit anong klaseng pantalon, bumabagay ang mga ito sa kanya. Kasi, hindi lang siya matangkad at guwapo, proportionate pa ang lahat ng anggulo ng kanyang katawan.
Habang nasa ganoon akong paghanga sa kanya, bigla niya akong niyakap at hinila paupo sa gild ng aking kama. Para kaming mga baliw na nakaupo sa gilid nnoon. Nag-iiyakan habang yakap-yakap ang isa’t-isa. Sobrang higpit na pakiwari ko ay hindi kami maaring paghiwalayin. Halos hindi a kami makapagsalita pa. Ang naalala ko lang na pabalik-balik naming sinasabi ay ang mga katagang “Mahal kita” “Huwag mong pabayan ang sarili mo” “Huwag kang umiyak” bagamat ang bawat isa sa amin ay walang patid ang pagdaloy ng mga luha sa aming mga mata.
Natigil lang kami noong dumatin na sina daddy at Kristoff. Sinundo nila kami at sabay na kaming umalis patungong simbahan.
Napaka-guwapo ng mag-ama. Si Kristoff at naka tuxedo at may ternong pantalon at sapatos. Pakiramdam ko ay naramdaman din ni Kristoff ang aking paghihinagpis. Tumabi siya sa akin at hinahawak-hawakan ng kanyang malilit na daliri ang aking kamay habang ang isa niyang bisig ay pilit na inilingkis sa aking beywang.
Hanggang sa nakarating kami sa simbahan. Halos hindi kami nag-uusap sa umagang iyon. Pansin kong tuliro si Aljun, wala sa sarili, at balisa. Hindi na rin kami halos nagkikibuan. Hindi ko lang alam kung ano ang nasa isip niya. Ngunit ako, ang ninais ko sa sandaling iyon ay ang sana matapos na ang kasalang iyon at maka-uwi na ako, magmukmok sa aking kuwarto na mag-isa at doon hayaang mapagod ang aking mga mata sa pag-iiyak.
Noong nasa harap na kami ng altar at nagmartsa na si Emma patungo kay Aljun, parang hindi na kaya ng aking saloobin ang aking nakikita. Napakaganda ni Emma sa kanyang suot na damit pangkasal. At bagamat halata na ang paglaki ng kanyang tiyan, lutang na lutang pa rin ang kanyang angking kagandahan. Nakangiti siya, bakat sa mukha ang saya at kasabikan na kanyang naramdaman sa pagkakataong iyon.
Hanggang sa sinalubong na siya ni Aljun at sabay silang tumungo sa altar, sa harap ng pari.
Parang hindi ko kayang tingnan silang dalawa. Ngunit pinilit ko pa rin ang sarilnng ngumiti, at ipakitang ok lang sa akin ang lahat. Alam kong hindi lingid sa kaalaman ng ibang nandoon ang aming relasyon ni Aljun. Nakikinita kong may mga nagbubulungan, may mga nagtatanong sa kani-kanilang mga isip, may mga nagmamasid sa aking mga kilos at galaw, kung paano ko harapin ang lahat.
Ngunit wala akong pakialam. Gusto kong ipakita sa lahat na ang tali na nagbuklod sa aming dalawa ni Aljun ay mas matatag at mas malalim pa kaysa aming relasyon bilang magkasintahan. Na kahit mawala man ang aming pagmamahalan, nandoon pa rin ang aming pagkakaibigan, ang pagsuporta namin sa isa’t-isa. At gagawin ko ang lahat upang lumigaya lamang siya... kahit ilang beses mang magsdurugo ang aking puso; kahit buhay ko pa ang kapalit.
“I, Aljun, take you, Emma, to be my wife. I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honor you all the days of my life. I, Aljun take you, Emma, for my lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, until death do us part..” At tila mawalan na ako ng ulirat sa sobrang sakit noong narinig ko na ang mga salitang “I do” na nanggaling sa kanilang mga labi.
Hindi ko na nakayanang pigilin ang aking mga luhang pumatak sa sementong sahig ng altar. Parang tuluyan nang gumuho ang mundo ko. Yumuko na lang ako at pilit na pinigilan ang sariling huwag humagulgol.
Hinipo ko ang parte ng aking dibdib kung saan ramdam ko pa ang hapdi at kirot ng kanyang pagkagat sa gabing nagdaan ng aming pagtatalik.
Nanginginig ang aking kalamnan, nanlulumo ang aking isip. Pinilit ko pa ring magpakatatag. May isang parte ng isip ko ang nag-udyok na umalis na ako sa lugar na iyon. Ngunit ang parte ng utak kong nagsabing lalo ko pang pag-ibayuhin ang pagpakatatag, magpaubaya, at ipakitang tanggap ko ang lahat ang nanaig.
Palihim ko na lang na pinahid ang aking mga luha...
Nasa ganoon akong sitwasyon noong sa hindi inaashang pagkakataon, napalingon ako upang hanapin ang kinaroroonan ni Fred, hinangad na kahit makakita man lang ako ng isang taong alam kong nakakaintindi sa akin ay mapawi ng kaunti ang aking iniindang sakit.
Nungit imbes na si Fred ang mahahanap ng aking mga mata, natuon ang aking paningin sa isang babaeng nasa bungad ng simbahan, naka-jeans, puting t-shirt, at rubber shoes at direderetso itong pumasok sa loob, ang mga mata ay mistulang nagbabaga sa galit, bitbit-bitbit sa kanyang kamay ay isang baril.
Si Giselle.
Noong nasa gitna na siya ng pasilyo, huminto ito ng saglit at inaninag sina Aljun at Emma na nakaharap sa pari.
Parang naging slow motion sa paningnin ko ang pag-angat niya sa baril at hawak-hawak na ng dalawang kamay, ipinuntirya niya ito kay Emma.
Noong mapagtanto kong kakalabitin na talaga niya ang gatilyo, pakiwari ko ay bigla ding bumilis ang takbo ng pangyayari na hindi ko na nagawang mag-isip pa. Para akong si superman sa bilis ng pagtakbo ko patungo sa pwesto ni Emma at iniharang ang aking katawan.
“BANG!!! BANG!!!”
Tila umikot ang aking paningin at bumagsak ako sa sementong sahig ng simbahan.
Narinig ko pa ang sigawan ng mga tao, ang iba ay nag-uunahan sa pagtakbo palabas.
Naghihingalo man na nakalatag ang katawan sa sahig, naaninag ko pa si Giselle na pagkatapos niyang iputok ang baril, ay lumapit pa ng bahagya sa altar at inangat muli ang kanyang hawak na baril at pinuntirya ang aking ulo. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata, ang tanging nasa isip ko ay kamatayan.
At maya-maya lang ay narinig ko uli ang malakas na, “BANG!!!”
Iyon na ang huli kong natandaan.
(Itutuloy)
IM CHINITO MAY DIMPLES MAPUTI NICE EYES LIPS TEETH 5 9 135 09204089906 FOR SER REL/SOP/SEB NO LNDLINE NO REPLY
ReplyDeleteGALING NG TAPING FOR SERIOUS RELATION/SOP/SEB TEXT UR LNDLINE 09204089906 NO LANDLINE NO REPLY
NEED KAUSAP SA LANDLINE AT YUNG MAGTETEXT NG LANDLINE 09204089906 FOR SER REL