By: Dalisay
Namutla ang dati ng maputing mukha nito. Bumakas ang takot ngunit hindi ang rekognisyon sa magandang mukha ng babae. Ang pagkalito at pag-aalinlangan na nadama nito ay naglaho agad marahil dahil biglang bumangis ang hitsura nito at umigkas ang kamao nito patungo sa kanyang mukha.
Mabilis niyang nasalo ang kamao nito at pinilipit iyon. Umuklo ito sa sakit kaya sinamantala niya iyon para hawakan ito sa lalamunan at pindutin ang chakra point nito doon para siya ma-immobilize ito pansamantala.
Natigilan si Apple at namamanghang tumigil sa kanya na nakataas pa ang isang kamay. Animo isang mannequin. Natigagal naman na napatulala ang driver sa kanila. Hindi niya namalayan na nakahinto na pala sila.
"Ituloy mo lang ang pag-drive manong. Sa pinakamalapit na presinto tayo." aniya sa mapanganib na boses. Nagmamadaling nagmaneho ulit ito.
Tiningnan niya ang babaeng nakahinto at hirap na hirap na marahil sa paghinga. Tiningnan niya ang relos at tinantiya ang oras ng pagkakatigil nito. May apat na minuto pa.
"Ibabalik kita sa normal kung ipapangako mong sasagot ka ng maayos. Tandaan mo, kaya kitang patumbahin kahit anong oras dito." sabi niya rito.
Umungol ito at nagtaas-baba ang kilay, senyales na sumasang-ayon ito. "Good!" saka niya ito tinapik sa bandang dibdib at likuran para makakilos muli. Nauubong nagpakawala ito ng hangin. Nang maayos-ayos na ito ay saka siya nagtanong.
"Anong ginagawa mo rito Apple? Kasabwat ka ba ni Park Gyul Ho?"
Hirap na nag-angat ito ng mukha.
"Hindi ako si Apple." sabi nito.
Natigilan siya sa sinabi nito. Kapagkuwan ay pagak siyang natawa.
"Anong kalokohan ito Apple? Pati ba naman ako lolokohin mo?" sarcastic niyang sabi rito.
"Hindi ako nagsisinungaling. Hindi ako si Apple. Nasaan nga pala siya?" seryosong sagot nito.
Maang na tinitigan niya ang mukha nito saka pinag-aralan iyon ng husto. Inabot siya ng ilang minuto ngunit di pa rin niya matandaan kung ano ang kulang sa mukha nito para maging hindi ito si Apple.
"May nunal sa ibabaw ng labi si Apple sa bandang kaliwa. Ako si Alexa. Kakambal ko siya." pagpapakilala nito sa sarili.
Mula sa malalim na pag-iisip ay naalala na niya ang sinabi nito. May nunal nga si Apple sa labi. May kaliitan iyon kaya alam niyang tunay. At saka, nakita na rin niya itong basa ang mukha mula sa paliligo sa dagat kaya imposibleng drawing ang nunal na iyon.
Lahat ng pagdududa sa pagkatao nito ay agad ng naglaho. Isinugal niya ang kaalamang naiwan nila si Apple sa rest house kasama ni Bobby at ng tiyahin nito.
Ayan ka na naman! Nagtitiwala ka na naman Rovi!
Iwinaksi niya ang pangangaral ng kanyang isip.
"May ID ka?" paniniguro niya.
Naglabas ito ng ID mula sa bulsa. Kinuha niya iyon at tiningnan saglit saka ibinalik sa babae.
"Okay na?" tanong ni Alexa.
"Hindi pa masyado. Anong ginagawa mo doon sa drop-point nila Gyul Ho?"
"Ako ang espiya sa sindikato nila Mr. Park." sagot nito
"Hindi ba si Apple ganoon din?" tanong niya.
"Ha? Siya ba ang tao sa club?" takang tanong nito.
"Hindi mo alam?"
"Siya pala ang sinasabi sa akin ni Rick na ilalagay niya sa club ni Gyul Ho." tiim-bagang na sabi nito na mukhang mas kausap ang sarili.
"Kilala mo rin si Rick?" naalibadbarang tanong niya.
"Oo. Kaming magkapatid ay malaki ang utang na loob kay Rick. Isa kami sa mga na-train niya para sa mga covert and infiltration missions na tulad nito." matter-of-factly na sabi nito.
"Whew! Bakit ba di ko nalalaman ang mga ganyang bagay?" frustrated na sabi niya.
"Bakit? Dapat ba lahat alam mo?" balik-tanong nito sa kanya.
Di agad siya nakasagot pero tinapunan niya ito ng masamang tingin. Hindi naman ganoon ang gusto niyang ipunto. Ang dapat niyang tanong kanina ay bakit hindi niya namamalayan na may mga ganitong tao si Rick? Ano ba ang pinaggagagawa niya?
Napabugha siya ng hangin sa iritasyon.
"Hindi ko sinasabing ganoon. Alam mo, magkapatid nga kayo ni Apple." sabi niya.
Nagtaas ito ng kilay. "Paano mo nasabi iyon?"
"Parehas matalas ang dila niyo. Manahimik ka na at haharapin natin si Rick sa presinto. Di ka pa cleared sa akin." maangas na sagot ni Rovi sa babae.
"Okay. Fine." balewalang sagot nito.
Kinuha niya ang cellphone at nag-dial. Maya-maya ay sumagot si Rick pero maingay ang background.
"Saan ka tol?" tanong niya.
"Nandito sa Macapagal Ave. Nakipaghabulan pa kami ni Perse. Si Cody hindi sumasagot. Pina-check ko na kay Jerick kung anong nangyari. Pero nahuli na namin ang mga ungas na ito. Bakit pare? Kasama mo si Alexa?"
"Pare, manghuhula ka ba?" namamanghang tanong niya.
"Ungas! Duda ko kasi na siya ang ipapadala ni Gyul Ho sa drop-point. Di nga ako nagkamali." natatawang sabi nito.
"Langhiya ka tol. Gaano ba karami tuta mo? Ilan pa itong di namin alam?" naiinis na sabi niya rito.
"Baliw! Kung malalaman niyo kung ilan sila at kung sino-sino sila, hindi na sila secret agents. Kaya nga undercover pare. Mas maganda ng di mo kilala ang tulong na pwede mong makuha." paliwanag nito.
Nakuha naman niyaa gad ang punto nito. Ilang beses na nga bang nailigtas sila sa misyon ng mga kaibigan nitong ala-casper na bigla na lang susulpot sa kung saan.
"Sabagay tol. Sige, kita tayo sa headquarters." ayon niya kay Rick.
"Hoy! Ingatan mo yang si Alexa. Babalian kita kapag nagalusan mo yan." bilin nito sa kanya.
"Oo na. Walang galos kahit ano itong tuta mo." inis na balik niya rito.
"Ulol! Ginawa mo pa akong aso. Talipandas ka!" sagot ni Alexa sa tabi niya. Tingnan niya ito at nakatanggap siya ng masamang titig mula rito.
Pinatay niya ang parato at nginisihan ang babae. Nilapit niya ang mukha sa mukha nito at pinakatitigan ang magandang tanawin na iyon.
Umatras ito ng bahagya at nag-iwas ng tingin. Nakita niyang namumula ng bahagya ang pisngi nito. Sa dami ng mga lalaki at babaeng nakasalamuha na niya. Alam niya kung kailan apektado ng presensiya niya ang isang tao. At di nalalayo doon ang ekspresyon ni Alexa. Napagpasyahan niyang inisin ito ng husto at tuksuhin na rin.
"Hmm... A beautiful lady should never swear." sabi niya sa pina-husky na boses.
"A-a-ah e-eh... I-i didn't m-mean i-it." tarantang sagot nito.
Napahalakhak siya sa isip niya. Panalo! Mukhang engot lang si ate!Matagal na siyang di nakaka-arte. Paborito niya iyon noong highschool. Madalas siyang sumali sa play.
"Buti naman. Kasi, may alam akong paraan para parusahan ang mga labing iyan kung sakaling magmumura ka ulit." tukso niya rito.
"Ha? A-ah hin-hindi na ako magmumura. Prom--ise!" namumula at nara-rattle pang lalo na sabi nito.
"Good." sabi niya sabay kindat dito saka inilayo ang sarili rito.
Naramdaman niya ang marahas na pagpapakawala nito ng hininga saka inayos ang sarili. Sinabi niya ang direksiyon sa driver patungo sa pakay na presinto saka inabala ang sarili sa tanawin sa labas ng kotse. Ganun din ang ginawa ni Alexa. Walang kibuan na nagpatuloy ang kanilang biyahe.
NANANAKIT ang ulo at katawan na bumangon si Bobby. Nasapo niya ang pumipintig na sentido. Naramdaman di niya ang pagkirot ng kanyang ilong. Dahil doon ay naalala niya ang nangyari.
Nagsukatan nga pala sila ng lakas ni Rovi. Hindi niya inaasahan na mapupuruhan siya nito at mapapatulog ng ganun-ganun lang. Kunsabagay, malakas talaga ito at nakapag-training. Hindi niya matatapatan ito kung hindi niya dadayain.
Napapatiim-bagang siyang bumangon ng dahil sa kirot. Pilit niyang tinungo ang banyo saka binuksan ang gripo sa sink. Mula sa lagaslas ng tubig ay napatitig siya doon at may isang pangyayaring pilit na sumisiksik sa kanyang ala-ala.
Ang ala-ala ng paglalapat ng kanilang labi ni Rovi. Mula sa malabo niyang alaala, at sa nahihilo niyang memorya. Naalala niyang kahit nahihilo siya ay naramdaman niya ang pag-aasikaso nito sa kanya at ang pagpahid nito ng pamunas sa kanyang katawan at mukha.
Hindi lang siya makapagbukas ng mata at makagalaw ng maayos dala ng sobrang pagkahilo mula sa head-butt nito. Kaya naman ng halikan siya nito ay wala siyang magawa kahit pa ayaw niya. Ngunit kahit ayaw niya ay parang may sariling isip ang kanyang labi at tinugon din ang halik nito at nagawa pa niyang higupin ang dila nito.
"Shit!" di makapaniwalang sambit niya sa naging tugon ng katawan niya sa pagka-alala ng halik na iyon. Pinatay niya ang gripo.
Ang kayo ng kanyang short ay halatang-halata sa pamumukol. Salamat na alng at nasa loob siya ng banyo. Bakit ganoon ang epekto ng halik sa akin ni Rovi? Bakla na rin ba ako? Hindi pwede! Kailangan ko lang siguro ng sex? Sunod-sunod na tanong sa isip niya.
Hinubad niya ang short at tumapat sa malamig na tubig na nangagaling sa dusta. Iyon ang kailangan niya sa ngayon. para malinawan ang isip niya.
No comments:
Post a Comment