Friday, December 28, 2012

TOL... I LOVE YOU 11 - VERSION 1 FINALE


By: Mikejuha
Pakiwari ko ay napakabigat ng aking mga paa habang nagmamartsa. Ngunit pinilit ko pa rin ang sariling tapusin ito hanggang sa makarating ako sa altar. Habang nakatayo ako doon at hinintay ang ang aking bride na nagmartsa na rin papuntang altar sampu ng kanyang mga bridesmaid, ibayong kaba naman ang naramdaman ko. Tila may kung anong emosyo ang nagbabadyang sumabog ano mang sandali. 

Hindi ko lubos maipaliwanag ang naramdaman. Sa kabila ng napakalaking okasyon na iyon sa buhay ko, tila hindi ko na naramdaman ang excitement na dulot nito. Ang bumabagabag sa isip ko ay si Lito, kung bakit hindi siya nakarating, at kung bakit wala man lang siyang paalam kung ano ang nangyari. Sa pagkakilala ko sa kaibigan, alam kong hindi niya magagawa ang hindi pagsipot sa okasyong para sa akin lalo na sa isa sa pinakaimportanteng bahaging iyon ng buhay ko.

Noong magsimula na ang misa at nasa parteng tinanong na ako ng pari kung tatanggapin ko ba si Sarah bilang kabiyak ko sa habambuhay… hindi kaagad ako nakasagot. Natulala ako at tila may kung anong bagay ang bumara sa aking lalamunan. 

Tinanong uli ako ng pari. “Warren, tinatanggap mo ba si Sarah na maging katuwang mo sa habambuhay, sa hirap at ginahawa…?”

Sa pangalawang tanong ng pari, naramdaman ko ang sobrang pagkalampag ng aking dibdib. At imbes na sumagot sa tanong niya, bigla akong tumayo, tumalikod at nagmamadaling tumakbo palabas ng simbahan.

IDOL KO SI SIR 2 (BOOK 2)



By: Michael Juha
Dahil nakahubad na ang pang-itaas nyang damit, nag-enjoy na lang akong pagmasdan si Sir James habang nagtuturo. Sa porma nyang naka-faded jeans at walang sinturong suot, para syang isang model ng sikat na pantalon o di kaya brief. Morenong moreno ang balat, napakakinis at kung pagmasdan ang waist area nya, lapat na lapat ang pantalon sa mismong waistline dahil sa walang kataba-taba sa katawan. Makikita din ang puting garter ng brief nya na nakausli ng bahagya. 

Pansinin din ang bilog na umbok ng butt kapag tumalikod, at ang mga animoy alon sa abs area at upper part ng oblique muscles pag nakaharap. Hayup ang appeal at porma – matipuno, matangkad, ganda ng tindig at proportioned ang lahat ng parte ng katawan. Kumbaga, hunk na hunk. At ang ibang plus factors pa sa kanya ay ang angking kakisigan, nakakabighaning ngiti, ganda ng ngipin at mamula-mulang mga labi, at mga matang animoy nangungusap. Sa tagpo pa lang na iyon naalipin na ako ng sobrang pagnanasang mayakap sya, mahaplos ang mukha, o kaya’y siilin ng halik ang mga labi.

Mga five minutes ulit at isinuot na nya ang t-shirt. “OK class, I am putting on my shirt now. No one should turn his head to our visitor anymore, ok?”

“Yes Sir!” ang sabay na sagot ng mga estudyante.

Sumunod naman ang mga bata, hindi na nila ako tinitingnan-tingnan. Halos isang oras pa ulit akong naghintay, tuwang-tuwa sa pagmamasid sa kanya na para namang nanunukso sa akin. Hanggang sa napansin ko ang bigla nyang pamumutla, tila nahihilo, at umupo sa harapang

Sunday, August 26, 2012

IDOL KO SI SIR 1 (BOOK 2)

By: Michael Juha
Eksaktong isang taon ang lumipas simula nung huli kaming magkita ni Sir James. Sa isang taon na malayo ako sa kanya, marami din ang nangyari. Tumulong ako sa pagpapatakbo ng negosyo namin habang ipinagpatuloy naman ang pag-aaral ng MA in Business Administration tuwing Sabado. Tuwang-tuwa ang mommy dahil kahit wala pa akong karanasan sa pagdadala ng tao at pagpapatakbo ng negosyo, nakita nya ang kakaiba kong approach na naging dahilan upang tumaas ang morale ng mga empleyado. Ganado silang magtrabaho at masaya sila sa trabaho nila. Ipinadama ko sa kanila na kahit anak ako ng may-ari, pweding-pwedi nila akong lapitan upang mahingi-an ng advice o tulong. Kahit makikipag-biruan pa sila sa akin ok lang, sa tamang lugar at oras nga lang. Kahit anong liit na bagay na natatandaan ko tungkol sa mga buhay-buhay ng mga empleyado, ipinadama ko sa kanila iyon.

Malaking bagay iyon upang maramdaman nila ang pagpapahalaga. Gaya na lang nung malaman kong nakakuha ng honors ang anak ng isa sa mga janitors namin, pinatawag ko kaagad. “Kumust po Mang Domingo. Nabalitaan kong nakakuha ng honors ang panganay mong si Marlon! Congratulations po! Heto, may regalo ako para sa kanya, de-bateryang kotse. Sabihin mo po sa kanya na magsikap pa kamo para marating nya ang kung ano man ang gusto nyang maging paglaki.” At ang sarap ng pakiramdam nung makitang tinanggap ni Mang Domingo ang regalong para sa anak nya na mangiyak-ngiyak sa sobrang galak, hindi makapaniwalang naalaala ng amo nya ang isang maliit ngunit importanteng personal na bagay sa kanya.

TOL... I LOVE YOU 10


By: Mikejuha

“Bakit ganito ang ginawa mo sa akin, tol? Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa iyo? Wala naman, diba…?” ang panunumbat na sambit ni Lito, ang boses ay may bahid ng pagmamakaawa. Habang patuloy na dumaloy ang mga luha sa kanyang pisngi, hinayaan lang niyang bumagsak ang mga ito. 

Bumalot sa katauhan ko ang panlulumo sa narinig na tanong niya. Alam ko na ang tanong na iyon ang sukdulan na ng aking pagtitis na itago ang pinakalilihim kong sikreto. Bagamat hindi ko alam kung paano harapin ito, alam kong napatunayan na sa isip niya na magkasintahan nga kami ni Sarah. Hindi kaagad ako nakasagot. Tila may bumara sa aking lalamunan, hindi malaman kung ano ang sasabihin at paano sisimulan ito. “A… tol… pwede bang hayaan mo muna akong magpaliwanag?” ang nasambit ko na lang.

“Napakanda ng ating pagsasama tol. Sa simula pa lang, sinabi ko na sa iyo na ayaw kong ipilit ang sarili mo sa akin; na ayaw kong ang pakikipagrelasyon mo sa akin ay labag sa kalooban mo. At nangako ka pa sa akin sa beach na iyon, na wala tayong sikreto sa isa’t-isa. Bakit? Bakiiiittttt?!!!“ at tuluyan nang kumawala ang matinding hinanakit niya na kinimkim. Napahagulgol siya na parang bata sabay tayo at sinusuntok nang sinuntok ang sementong dingding ng kwarto niya hanggang sa nakita kong nabalot na ng dugo ang mga kamao niya.

Dali-dali ko siyang niyakap upang ilayo sa dingding at pinaupo sa kama. Noong makaupo na, hinahaplos-haplos ko ang likod niya at ang balikat. “Tol… I’m sorry. Ayaw ko lang naman sanang masaktan ka eh, kaya ko itinago sa iyo ang lahat.” Paliwanag ko.

ANG KUYA KONG CRUSH NG BAYAN 7



by: Mikejuha

Mistulang nakakita ako ng multo sa nasaksihan. Bumalikwas kaagad ako sa pagkahiga at pinulot ang t-shirt at jeans na nagkalat sa sahig at dali-daling isinuot ang mga iyon.


Nagising naman si Julius at tila normal lang itong kinuskos ang mga mata, tumagilid sa direksiyon ko. 

“G-gising ka na pala kuya…” ang ang sambit niya, nakatingin sa akin habang pilit kong itinaas ang pantalon.

“Ah… O-o. Maliligo na ako, Julius. May tubig ba ang banyo?” ang sambit ko, halata sa boses ang mistulang panginginig ng boses sa magkahalong hiya at pagkalito.

Agad-agad naman itong bumalikwas din, itinakip ang kumot sa harap niya na tila alam na nakahubad lang siya, hinahanap sa kama ang shorts na siyang suot-suot bago matulog sabay sabing, “Ah... mag-iigib muna ako kuya, walang pondong tubig ang banyo.”

“Ay, huwag na kung ganoon. Sa ilog na lang ako maliligo.” Ang mabilis kong sagot sagot gawa ng pagkahiya.

“Ah… sige Kuya, sasamahan na rin kita doon.”

Noong makita na ni Julius ang shorts na pamapatulog, agad niya itong isunuot. Iyon lang ang suot-suot niya habang lumabas kami ng kuwarto. Ako naman ay nagpalit din ng shorts pampaligo. Sa porma na iyon ni Julius na naka-shorts lang at walang saplot ang pang-itaas na katawan, hindi ko maiwasang hindi mapahanga sa ganda ng hubog ng kanyang katawan.

SI UTOL AT ANG CHATMATE KO 7


By: Mike Juha
Mistulang nasa suspended animation ang aking isip. Naalimpungatan ko na lang na itinulak ko si Zach at akmang lalabas ng banyo upang lapitan si kuya. Subalit noong lapitan ko na sana siya bigla ding tumalikod ito at dali-daling umalis.

Tumakbo ako hanggang sa may pintuan ng banyo. “Kuyaaaaaa!” sigaw ko. 

Ngunit tuloy-tuloy lang si kuya palabas at hindi man lang lumingon.

Bigla akong nanlalanta. Nahuli niya kami ni Zach sa akto. At ang nangingibabaw sa akin ay ibayong kaba sa galit na nakita ko sa mga mata ni kuya. 

Tiningnan ko si Zach na itinuloy ang pagsa-shower, parang wala lang nangyari. Noong makita niyang nakatingin ako sa kanya, nagsalita, “Halika na! Ituloy natin…” 

Parang bigla riin akong nawalan ng gana sa nakitang reaksyon niya na parang wala lang hindi man lang naisip kung nasaktan ba ako o nagalit ba ang kuya ko sa akin, bagamat naisip ko ring normal lang marahil ang reaksyon niyang iyon dahil dapat lang naman talaga na magalit ang kuya ko. Ngunit sa kabilang banda naisip ko rin na dapat din sana niyang respetuhn ang galit ni kuya at hindi na niya sasabihin pa sa akin na ituloy panamin ang naunsyaming romansa dahil kung tutuusin, siya din ang dahilan kung bakit nangyari ang ganoon at nahuli tuloy kami. Parang ano ba to? Sinadya ba niya iyon upang pagselosin si kuya na siyang tunay niya talagang type? Wala bang halaga sa kanya ang naramdaman ko? Ang naramdaman namin ni kuya?

Hindi ako sumagot sa sinabi niyang iyon bagkus nanatili akong nakaupo lang at nagyuyukyok sa gilid ng pintuan, hindi malaman kung babalik pa ba sa shower o tuluyang hahabulin na si kuya.

KUNG KAYA MO NANG SABIHIN 12

KANINA pa naiinip si Pancho sa lamesa nila ni Gboi. Paano ay kasama pa rin nila hanggang ngayon si Jim or James na ayon na rin dito ay palayaw nito. Ang dalawa lang ang kanina pa nag-uusap kahit na panaka-naka ay sumasabat siya. Kinakain ng matinding inis ang sistema niya sa kaalamang hindi niya solo ang atensiyon ngayon ni Gboi.

Pinagmasdan niya ang nagsasalitang si James. Gwapo rin ito at halatang maykaya sa buhay. Ito pala ang may-ari ng napakaganda at napakasosyal na resort na iyon na paborito niyang puntahan dati pa. Napakaganda doon at moderno ang halos lahat ng facilities. Mukhang pinagkagastusan talaga ng may-ari. At ito nga iyon ngayon sa harap niya.

"You can use one of the yachts here, Gboi. Promise pare, walang bayad yun. Treat ko na sa iyo since matagal din tayong hindi nagkita." nakangiting sabi ni James kay Gboi. Ipinatong pa nito ang kamay sa hita ng huli na bahagya na lang niyang sinulyapan.

Naramdaman niya ang uneasiness ng kasama. Ngali-ngaling singhalan niya ang nagpapapansing si James. Kanina pa niya napapansin ang mga pasimpleng hawak nito sa katawan ni Gboi ngunit hindi lang siya kumikibo. Duda pa nga niya ay gusto iyon ng huli.

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...