Wednesday, February 19, 2014

TASK FORCE ENIGMA 6

By: Dalisay
"NAKATAYO si Bobby paharap sa papasikat pa lang na Haring Araw. Nakatanaw sa malawak at tahimik na karagatan na animo'y may hinihintay. Ikatlong araw na nila sa safehouse na iyon sa Calatagan. Kahapon ay natanong na rin ito ni Rick ng mga impormasyong maaaring makatulong sa kanila. Sa ngayon, kailangan nilang protektahan ang mag-tiya mula sa galamay ni Park Gyul Ho. May mga nagpunta raw kasi sa tinutuluyan ng magtiyahin kahapon ayon na rin sa iniwan nilang magmamasid doon.

Humugot ng malalim na hininga si Rovi bago ipinasyang lapitan si Bobby na hindi pa rin natitinag sa pagkakatayo sa harap ng dagat. Dinala niya ang dalawang mug ng kape at muling tumingin dito. Nakadagdag ito sa dati ng magandang tanawin. Ang pagkakatingin niya sa lalaki ngayon ay parang isang modelong lumabas mula sa magasin.

Naka-board shorts ito na bulaklakin pero hindi nagmukhang masagwa dahil sa totoo lang. Parang gusto niyang maiinggit sa tela ng suot nitong short. Mukha kasi iyong mga binti ng babae sa pagkakahapit sa hita nito. Namumukol ang dapat mamukol. Naalala na naman niya ang eksena sa kwarto nito. Lastug!

Itinaas niya ang paningin sa katawan nito. Nakabukas ang lahat ng butones ng polo nito. Revealing his perfect and gorgeous torso. Kahit nakatagilid ito sa paningin niya ay nakikita niya ang namumutok na pandesal nito sa tiyan. Sturdy features with a look an angel. Iyona ng naisip niya ng ibaling naman niya ang tingin sa maamong mukha nito.

Shit! Si Rico Yan talaga ang kamukha niya. Sigaw ng isip niya. Pero mas, gwapo ng di hamak si Bobby sa aktor at buhay na buhay. Tama! Sang-ayon ng malanding parte ng isip niya. Inaagiw na naman ang utak mo, Rovi. Singit naman ng kabilang bahagi. Napu-frustrate at marahas na napabugha na lamang siya ng hangin habang hindi inaalis ang tingin sa lalaki.

ANG MARTYR, ANG STUPID AT ANG FLIRT 9

by: DALISAY
Chapter 9 (The Lowest of Low)

"Orly?" 

Ang nalilitong tanong ni Monty sa nobyo ng maramdaman niya ang hindi nito pagtugon. Akala niya guni-guni niya lang ang kawalan nito ng reaksiyon pero totoo pala. Hindi nga ito tumutugon sa paghalik niya. Sa halip isang nakakunot-noong Orly ang nakatingin sa kanya. Napapahiyang kumalas siya rito.

"Orly? What's wrong?"

Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito mula sa pagkakakunot sa pagiging blangko. Hindi niya maiwasang mangamba sa nakita. Lumapit siya rito.

"Orly? I said I'm sorry. Please, huwag ka ng magalit."

Parang piniga ang puso niya ng tinalikuran lang siya nito at hindi pinansin. Nag-aalalang sinundan niya si Orly ng maupo ito sa bench na naging piping saksi rin ng kanilang pagmamahalan.

"Why did you come here Monty?" kapgakuwan ay tugon nito.

Di siya makaapuhap ng sasabihin. Parang may mali. Bakit parang ayaw siya nitong makita? Hindi ba kanina lang eh gustong-gusto nito na makausap siya?

Asaness teh? Ipinagtabuyan mo lang naman siya kanina. Need I remind you that? Sabi ng malditang bahagi ng isip niya.

"I wanted to talk to you Orly. And to say sorry as well. I guess I got up at the wrong side of my bed." aniya ng mabawi ang boses.

PARAFFLE 13


By: Mike Juha
Sobrang naaaliw talaga ako sa ginawa niya. Pakiramdam ko ay tuluyan nang nawala ang pagkahilo ko.

Habang kinakain namin ang siopao, may mga durog-durong na nalalaglag sa harap namin na siya namang dahilan upang lalo naming higpitan ang pagkakayakap sa isa’t-isa, upang di tuluyang malaglag ang mga ito sa kama. At syempre, malalagkit ang mga pira-pirasong nagkalaglagang palaman at iniipit pa ng aming mga katawan. Parang “Ewwwww!!!”

Pero sige lang. Wala kaming pakialam. Para kaming sumali sa isang parlor game kung saan kailangang huwag ilaglag ang siopao sa pagkadikit nito sa aming mga bibig.

At sa pagkakagat at pagkakain naman namin ng siopao na hindi hinahawakan ng kamay, ang naisip ko na lang ay kapag siya ngumunguya, ila-lock ko sa aking ngipin ang siopao upang hindi malaglag. At kapag natapos na siya sa kanyang pagnguya, ako naman ang ngunguya at kakain habang sa ngipin naman niya naka-lock ang siopao upang hindi ito malaglag. Syempre, may pagkakataong halos malalaglag na ito, na lalao namang nakadagdag kiliti dahil pipilitin talaga niyang saluhin ito ng kanyang nguso, ibababa pa niya ang ulo niya upang masalo atsaka iangat uli. Ganoon din ang ginagawa ko kapag siya ang nakalock at ako ang kakain at biglang bumaba ang siopao. Ganyan ang aming technique. Iningatan namin ang siopao na huwag malaglag habang alternate kaming ngumunguya at nila-lock sa aming bibig ang siopao bagamat hindi rin maiwasang magkalaglagan ang pira-pirasong mga malalagkit na palaman.
  
Hanggang sa naubos na ang siopao at nagpang-abot ang aming mga labi at naglpat ang mga ito. Pakiramdam ko, mas masarap pa sa siopao ang aking sinamsam. Sinipsip namin ang bawat labi, ang kanyang dila ay mistulang isang panlinis na foam na ikiniskis pa niya sa kailalimang parte ng aking bibig.

Friday, February 7, 2014

BOOM BOOM JAIRUS 7

By: Jaime Sabado
Chapter 7

Tumaas ang kilay ni Noime sa nabasa niya......

Noime: "Anu to? nagsosorry siyang di siya nakatext sayo kagabi dahil nakatulog siya agad?" sabay bitiw ng pagak na tawa

AKO: "Alam ko namang kasinungalingan yan Noims, kasama niya si James kagabi" naging malungkot na naman ang mood ng mukha ko.

Lumapit si Noime sa likod ko at niyaka niya ako.

Noime: "baby Jai, gaya nga ng sinabi ko, you don't deserve all of this" nanginginig boses niya.

Sobrang pasasalamat ko sa diyos na nakakilala ako ng isang katulad ni Noime, nung mga oras na yun naisip kong sana si Noime nalang.. masarap sa pakiramdam ang yakap niyang iyon. feeling ko sobrang safe ako at di ako tatablan ng kahit anung pananakit ng mundo.

AKO: " maraming salamat noims, sana di ka magsawang damayan ako" naiyak na naman ako

Noime: "baby jai, dito lang ako parati sa likod mo, di kita iiwan sa ere" naiyak na din si noime.

AKO: "Noims, pede ba mag request?"

Noime: "anu yun jai?"

AKO: "pwede bang sakyan ko ang panloloko ni Gabriel kahit tatlong araw lang? gusto ko lng siya makasama and after that lalayuan ko na siya"

ANG MARTYR, ANG STUPID AT ANG FLIRT 8

by: DALISAY
Chapter 8 (Painful One)

“KAYA MO ‘YAN MONTY !” 

Paulit-ulit na sabi ni Monty sa sarili. Actually, kagabi pa siya nagiisip ng maaari niyang gawin para makaganti sa ginawa sa kanyang panloloko ni Orly. Hindi pa rin matanggap ng damdamin niyang nagmamahal dito na nagawa nitong paikutin ang ulo niya at gawing katawa-tawa sa mga ka-frat member nito. Duda niya kung ang mga ito lang ang nakaka-alam ng totoong dahilan sa likod ng pakikipaglapit sa kanya ni Orly. Baka nga pati mga ka-team nito sa football eh lihim rin siyang pinagtatawanan dahil sa pagkahaling niya rito. Pwes ! Gaganti siya. Kung paano ? Hindi pa niya alam.

Ipakain kaya niya ito sa shark ?

Masyadong di makatotohanan.

Pabanatan kaya niya ito sa mga pinsan niyang pulis ? 

Naku, baka magalit pa ang mga taga-crame sa kanya.

Yayain kaya niya ito ng sex tapos pipiringan niya at igagapos sa kama saka niya ipapagamit sa mga barkadang bakla ?

Not a very good idea. Saka baka mapatay siya ni Orly pagkatapos.

Paano kaya ? 

Isumpa niya kaya ito ?

Weh ? Ano ka ? Sanggre ?

LANCE NA LANG PARA POGI 3

By: Dalisay
Akda ni Jaime Sabado
Habang papalapit kami sa parking space na inihanda para sa amin sa loob ng school
na dati kong pinapasokan ay lalo namang nagiging matindi ang kabang nararamdaman ko sa dibdib. Mejo malayo ang parking space dahil nasa sulok ito ng campus.

CHRIS: "Landz?? antahimik mo ata.. tsaka you look so nervous.. grabeh na naman pawis mo bro" sabay dukot ng panyo sa bulsa niya at pinunas ang pawis sa noo at mukha ko.

AKO: "First time ko kasi sa contest na ganito tol.... naku nadumihan pa ata panyo mo tol pinampunas mo kasi sa pawis ko..sorry ah" bitiw naman ng medyo nahihiyang ngiti

CHRIS: "ok lang yan bro... think positive mananalo din tayo..tsaka wag mo na isipin tong panyo ko... mas bumango pa nga eh" sabay amoy sa panyo niya..wahehe

AKO: "hehehe bumaho kamu.. mabaho ako eh"

CHRIS: " Paamoy nga(sabay dikit ng mukha niya sa leeg ko).. hmmmmm bango namana ah..hehehe"

Ramdam ko ang mainit na hininga ni chris sa leeg ko, di ko man aminin ay kinilig ako sa eksena naming iyon lalo pa nung maamoy ko ang napaka bango at mainit niyang hininga.

Mejo napaiwas ako ng kunti sa dahilang nasa leeg din ang kiliti ko.

AKO: "ah eh.. tol, wahehehe mejo nakikiliti ako" sabay ng nahihiyang gesture

ANG FRESHMAN, ANG SOPHOMORE AT ANG VETERAN 7


By:Dalisay
“Ang bilis naman ng araw. Nakaka tatlong linggo na agad tayo” si Austin habang punong puno ang bibig ng fish balls. “Anu ka ba. Don’t talk when your mouth is full.” Saway ni Aki. “At saka ayaw mo nun? Madali tayong makaka tapos.” Si Aki ulet. “Eh di ikaw na excited maka graduate.” Si Austin na tumutusok ulit ng fish balls. Nasa labas sila ng campus. Walang klase ang buong College of Education dahil sa College week nila. Pumasok lang sila para ayusin ang booth na ginawa ng year nila. “Ayoko na. Busog na ako.” Si Austin. “Buti naman. Naka 50 pesos ka ata eh. Takaw takaw mo di ka naman nataba.” Si Aki. “Oy! 30 pesos lang ah. At saka di talaga ako tabain kasi I exercise regularly.” Sabay flex ng mucles sa mga braso nya. “At kung mag salita ka, akala mo naman ang taba mo.” Pang aasar ni Austin. “Wala kasing mataba sa lahi naming.” Si Aki.

“Maiba ako, kalian ang practice mo with the squad?” si Austin sabay tungga ng juice. “Bukas. Sabado. Whole day from 8am onwards” si Aki. “Grabe naman un. 8am onwards.” Si Austin. “Ganun talaga. May competition na sasalihan ang squad. Natural lang na mag practice ng matagal.” Si Aki. Tumango lang si Austin. “Oo nga pala. Ung report natin ah. Wag mong kalimutan. Ako na sa visual aids, ikaw sa written report.” Si Aki. “Bakit ako sa written report? Ang daya mo naman.” Si Austin na nanlalaki ang mata. “Oh sige palit na lang tayo. Pero gusto power point presentataion ah.” Si Aki ulet. “Ang choosy mo naman. Manila paper at cartolina na lang. Isulat ko na lang doon.” Protestang sagot ni Austin. “AYOKO! Napaka old school nun. Hi-tech na tayo ngayon.” Angal ni Aki. “Oo na! Sige na! ang arte naman nito.” Si Austin.

Inaya ni Austin si Aki na mag punta sa bahay nila. Pumayag naman si Aki. Nang makarating sila ay diretso sila sa kwarto ni Austin. Iniwan siya ni Austin para magpahanda ng meryenda nila. Nung mag isa na lang sya ay doon nya napansin na magulo ang kwarto ni Austin. Nag kalat ang mga gamit nito. “Anu ba naman itong si Hernandez. Ang dugyot sa kwarto” sabi nya sa sarili. Isa isa nyang inayos ang mga libro at magazine sa study table malapit sa kama. Inayos nya rin ang bedsheet at itinupi ang kumot nito at inilagay ang mga laruan sa isang build-in shelf malapit sa study table. Makalipas ang ilang minuto ay nakabalik na si Austin. 

“Wow, ang linis ng room ko ah. Dapat pala araw-araw kang pumunta dito” birong sabi ni Austin. “Mangarap ka. Di ako katulong noh! Ayoko lang ng nagulo ang paligid ko.” Si Aki. “Sabi mo eh. Anyways, salamat! Swerte ng magiging boyfriend mo. Kasi marunong ka sa bahay. Ako? Naku. I’d rather sleep than to clean my stuffs.” Si Austin. “Swerte talaga si Raf pag naging jowa nya ako. Kasi aalagaan ko sya ng husto.” 

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...