Friday, February 7, 2014

ANG MARTYR, ANG STUPID AT ANG FLIRT 8

by: DALISAY
Chapter 8 (Painful One)

“KAYA MO ‘YAN MONTY !” 

Paulit-ulit na sabi ni Monty sa sarili. Actually, kagabi pa siya nagiisip ng maaari niyang gawin para makaganti sa ginawa sa kanyang panloloko ni Orly. Hindi pa rin matanggap ng damdamin niyang nagmamahal dito na nagawa nitong paikutin ang ulo niya at gawing katawa-tawa sa mga ka-frat member nito. Duda niya kung ang mga ito lang ang nakaka-alam ng totoong dahilan sa likod ng pakikipaglapit sa kanya ni Orly. Baka nga pati mga ka-team nito sa football eh lihim rin siyang pinagtatawanan dahil sa pagkahaling niya rito. Pwes ! Gaganti siya. Kung paano ? Hindi pa niya alam.

Ipakain kaya niya ito sa shark ?

Masyadong di makatotohanan.

Pabanatan kaya niya ito sa mga pinsan niyang pulis ? 

Naku, baka magalit pa ang mga taga-crame sa kanya.

Yayain kaya niya ito ng sex tapos pipiringan niya at igagapos sa kama saka niya ipapagamit sa mga barkadang bakla ?

Not a very good idea. Saka baka mapatay siya ni Orly pagkatapos.

Paano kaya ? 

Isumpa niya kaya ito ?

Weh ? Ano ka ? Sanggre ?


Bakit hindi? There’s nothing worst than the wrath of a woman scorned. 

WOMAN nga teh ! Nabobo ka na ? epal na naman ng isip niya. Bakit ba lagi na lang itong epal sa kanya kahit noon pa ? Parte ba talaga ito ng katawan niya o isang malaking excuse lang ito sa buong pagkatao niya at ibang entity talaga ito.

Hay ! Tama na nga ang joke Monty. Isa lang ang naguumukilkil na dahilan sa isip niya kung bakit wala siya o hindi siya makabuo ng kongkretong plano para gumanti sa kawalanghiyaan ni Orly.

Sa kaibuturan kasi ng puso niya ay hindi niya magagawang saktan o gantihan ng kasamaan ang lalaking nagpapatibok ng puso niya ngayon. Duda siya sa sarili niya. Duda siya sa tapang niya. Kaya nga kahit panay ang tawag ni Orly sa kanya kagabi ay hindi niya ito masagot. Natatakot siyang traydurin siya ng kanyang pusong umiibig at nagtatangi pa rin dito sa kabila ng lahat.

Isang malaking shades ang suot niya kahit makulimlim. Ilang kaeskwela na nila ang bumati sa kanya na iniignora lang niya. Wala siya sa mood makipaghuntahan at baka makapaninghal pa siya ng wala sa oras. Masyadong down ang sistema niya. Kumbaga sa internet connection, limited or no connectivity ang signal niya.

Patuloy lang siyang parang zombieng naglalakad. Hinahayaan niyang dalhin siya ng paa sa kung saan siya pwdeng dalhin nito. Automatic naman na ang tinatahak ng paa niya ay sa kanilang department.

“Monty !” anang isang tinig na pinagsusumikapan niyang iwasan mula pa kagabi.

Dedma lang siya kahit pa biglang nanginig ang kalamnan niya. Halu-halo ang emosyong biglang umusbong sa kanyang dibdib. Takot, galit, kaba, pangungulila at marami pang iba. Palapit ng palapit ang tinig habang siya naman ay diretso lang sa tila sundalong paglalakad. Malalaki ang hakbang at tuwid na tuwid ang katawan niya sa paglakad.

“Monty ! Pet ! Wait up !” nagmamadaling sabi ng tinig. Ikinabigla niya ng maramdaman ang kamay nito sa kanyang balikat. Napahinto siya. O mas tamang talagang huminto siya sa paggalaw. Pati ang kanyang paghinga ay nahigit niya. Nakatingin lang siya rito. At ang mga mata niyang akala niya’y wala ng iiiyak pa ay muling pinagbukalan ng luha.

“God ! Monty. Bakit di mo ako… teka, umiiyak ka ba ?” nag-aalalang tanong ni Orly sa kanya sa halip na magalit sa pangdededma niya. Pilit nitong tinanggal ang shades na suot niya kaya tumambad dito ang namumugto niyang mata.

“Pet ? What’s wrong ? Why are you crying ?” sincere na tanong nito. Ikinulong pa nito ang mukha niya sa dalawang palad nito. Dahilan para lalo nitong mabistahan ang kanyang hapis na hitsura.

Dahil sa’yo ! sasabihin sana niya pero di niya kaya.

Tinangka niyang bumaling ng tingin sa ibang direksiyon but Orly wouldn’t let him. Nag-isang linya ang kilay nito. Seryoso ang gwapong mukha.

“Why are you crying Pet ?” matigas na ang tinig nito. Nagbabadya ng panganib.

“I’m okay, Orly.” Aniya sa pilit na pinatatag na tinig.

“You’re not okay. Dam it, Pet, tell me what’s wrong ?” naiinis na sabi nito.

“It’s personal. Besides, there’s nothing you can do to help me.” Because you’re my goddamn problem, you good-for-nothing-son-of-a-bitch ! Idudugtong niya sana sa sinabi.

“Too personal you can’t tell even you’re boyfriend ? sarcastic na sabi nito.

“I don’t have to tell you everything Orly. Kahit pa boyfriend kita.” Malamig niyang tugon saka inagaw ang shades niya dito at muling isinuot. 

Napatda ito sa itinugon niya at agad na bumalatay ang sakit sa maamong mukha. Kulang pa iyan hunghang ! Ngali-ngaling isigaw niya rito.

Nagpasya siyang magpatuloy sa paglalakad.

Nakaka-dalawang hakbang na siya ng pigilan siya nito sa braso at muling iniharap dito. Nalilito ang tumambad sa kanyang hitsura nito. Bakas din ang pag-aalala sa mga mata nito at ang bahagyang iritasyon.

“Tama ba ang narinig ko ?” tanong nito.

“Alin doon ?” ang patamad naman niyang tugon.

“You know damn well kung anong tinutukoy ko Monty.” Naiirita ng sabi ni Orly.

“Hindi ko ugaling manghula Orly kaya sana diretsahin mo ako. Ano bang tinutukoy mo ?” naiinip niyang tugon dito.

Kung tutuusin ay madali lang para sa kanya ang layasan ito ng mga oras na iyon. Pero dahil alam niyang madali itong mainis kapag hindi nagugustuhan ang naririnig ay hinayaan niyang tumagal ang paguusap na iyon. Kahit man lang sa pangiinis dito ay makaganti na muna siya ng kaunti.

“Geez ! What’s with you Pet ? You’re not making… ? 

“Making what ? I’m not making what ? Any sense ?” sansala niya sa dapat na sasabihin nito. “Ikaw ang hindi makaintindi o maka-gets sa sitwasyon ko. Anong parte ng hindi ka makakatulong sa akin ang hindi malinaw sa iyo ? O gusto mong inglesin ko pa ? YOU CAN NOT HELP ME ! There ! I hope you got the message Orly.” Gigil na gigil na sabi niya. Bahagyang lumabo ang paningin niya sa loob ng shades. Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya at napupuno na ang loob ng kanyang salamin. Naiinis na hinubad niya iyon at pinunasan saka nagmamadaling tumalikod para lumayo kay Orly.

Sa awa ng diyos ay hindi na siya sinundan ng nobyo. Paglingon niya ay tulala itong nakatingin sa espasyong kinatatayuan niya kanina. Tigagal at pagkamangha sa katatapos lang na eksena ang malinaw na nakarehistro sa magagandang mata nito. Mas dumoble ang sakit na naramdaman niya. Parang dinakot ng kung sino ang puso niya at piniga iyon saka inapakan. Nararamdaman niya ang pagbabago ng isip at ang piping bulong ng damdamin na la^pitan ito at sabihing okay lang ang lahat. Pero bago pa siya makahakbang palapit dito ay may isang pares na kamay ang humila sa kanya.

“Hayaan mo na muna siya. Serves him right.”

“J-jordan ?” 

“Huwag kang lalapit sa kanya. Kapag lumapit ka babalian kita ng tadyang.” Naiinis na banta nito sa kanya. Marahil ay naramdaman rin nito ang pagbabago ng isip niya.

“But…”

“Tara na. May mas maganda pang bagay na dapat ayusin kaysa ang kaawaan ang taong nanakit sa’yo.” Sabi nito sabay hila sa kamay niya paakyat sa room nila.

Nilingon niya ulit si Orly na tulala pa ring nakatayo sa pinag-iwanan niya rito. Walang pakialam sa curious na tingin ng mga nagdadaang estudyante. 

“Bilisan mo.” Jordan commanded. Walang magawang sumunod siya dito.


“I CAN’T BELIEVE I’M HEARING THIS !”

Galit na galit na sabi ni Jordan sa kanya pagkatapos niyang aminin na binalak niyang balikan at makipag-ayos kay Orly. Nagtatatalak itong hinila siya papunta sa CR ng department nila. Maaga pa para sa first class nila kaya may oras pa ito para sabunin siya ng husto.

“Hindi ko kayang magalit sa kanya, friend.” 

“Ay ! At talaga namang inulit mo pa.” Jordan friend rolled his eyes in frustration.

“Anong magagawa ko ? Eh love ko siya.” Sabi pa niya.

“Ay tanga !” panglilibak pa nito sa kanya.

“Nakakarami ka na ha.” Naiinis na sita niya rito.

Tinapunan siya nito ng matalim na tingin. “Uulitin ko pa. Tanga ! Tanga ! Tanga ! Tanga ! Tanga ! T-A-N-G-A ! Tanga !” sigaw nito sa kanya.

PAK !

Nagitla ang hitsura nito pagkatapos ng matunog na sampal na iyon. Naikuyom niya rin ang palad sa pagkabigla. Hindi niya sinasadyang masampal si Jordan pero nakakarami na ito ng pangiinsulto sa kanya.

“S-sorry.”

Sinapo nito ang nasaktang pisngi saka blangkong tumingin sa kanya. Isang napakalamig na titig na nagpanginig sa kanyang kalamnan. Hindi siya kailanman tiningnan ng ganoon ng kaibigan.

“Sorry. Hindi ko sinasadya. Ikaw naman kasi…” 

“You should be. And I hope you have other friends aside from me. Because from now on, you’re going to need one.” Malamig na tugon nito sa kanya.

“J-jordan.” Naiiyak na sabi ni Monty.

Kinuha nito ang inilapag na gamit kanina saka siya nilagpasan. Sinubukan niya itong pigilan ng hawakan niya ito sa braso pero isang malutong na sampal ang iginawad nito sa kanya. Nasapo niya ang nasaktang pisngi.

“Hindi libre ang sampal sa akin.”

Umiiyak na napadausdos siya paupo. Hindi alintana kung basa man ang sahig ng CR. Napakamalas naman ng araw niyang iyon. Pati ba naman ang kaibigan niya mawawala pa sa kanya? Hindi naman niya sinasadya na masaktan ito. Ramdam naman niya ang concern nito para sa kanya. Ayaw lang iyon tanggapin ng kanyang puso.

Sa mga nangyayari, napaisip siya ng husto. Kakayanin niya bang mawala ang lahat sa kanya kapalit ng pagmamahal ni Orly? Kaya ba niyang sugalan ang kaunting pag-asang totoo ang nararamdaman sa kanya ng nobyo kahit pa planado ang pagtatagpo ng landas nila? Anong katiyakan ang mapanghahawakan niya? Pinahid niya ang luha at tumayo saka mabilis na inayos ang sarili.

Hindi na muna siya papasok ulit. Hahanapin niya si Orly at magso-sorry dito. Susubukan niya. At least, kung sakali mang hindi nito tanggapin ay sumubok siya. Hindi na rin niya sasabihin ditong alam na niya ang naganap na ‘pagsubok’ dito ng fraternity. Makakagulo lang iyon. Lahat naman dumadaan sa ganoon kapag sumasali sa mga ganoong grupo. Nagkataon lang na siya ang napadaan sa field. Dapat niyang ituring na blessing in disguise iyon. Nang dahil kasi sa ‘pagsubok’ na iyon ay naging sila ng tanging lalaking pinangarap niya. 

Nagmamadali ang kilos niya. Kailangan niyang mahanap si Orly. Kailangan niyang ipaglaban ang kung anong meron sa kanila. Kahit pa nagsimula iyon sa pagpapanggap. Naniniwala siyang maaayos din nila ang lahat. Martir na kung martir. Nagmamahal lang siya. At hindi iyon pagpapakatanga. Ipinaglalaban lang niya ang pag-ibig niya. Nang maayos na ang hitsura niya ay mabilis niyang tinungo ang Architecture department.


“NASAAN SIYA?” 

Pang-apat na iyon na kaklase ni Orly na napagtanungan niya pero hindi pa rin maituro sa kanya kung nasaan ito.

“I-try mo sa field. Baka nandoon siya.” Sagot nito sa kanya.

“Sige. Salamat.” At nagmamadaling tinungo niya ang field. Nakarating na siya doon kanina pero hindi niya nilibot ang buong lugar. Nakahiyaan din niyang tunguhin ang locker room ng mga ito. 

Inikot niya ang paningin sa napakalawak na lupain ng matanaw niya ang isang lugar doon na naging parte din ng kanilang tagpuan ni Orly. Oo nga! Bakit hindi ko naisip iyon? Naiinis na sabi niya sa sarili.

Kailangan niyang tawirin ang field dahil nasa kabilang dulo iyon. Binilisan niya ang pagtakbo dahil nararamdaman na niya ang mabining pagpatak ng ulan sa kanyang pisngi. Habang palapit sa lugar na iyon ay lalong lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib. Umaasang madaratnan doon ang hinahanap.

And there he was. 

Sitting on that very bench na naging saksi ng ilang lambingan at kulitan nila. He seemed oblivious to the rain that was slowly pouring. Nakatitig lamang ito sa damuhan.

“O-orly…”

Napatingin ito sa kanya. Namamasa ang mata. Puno ng sakit. Puno ng kalituhan. Walang ipinagkaiba sa batang iniwan ng magulang.

“I’m sorry…” Monty threw himself to Orly’s waiting arms. 

And he felt home. He reached for his nape and gave him a longing kiss. Nang dahil sa paglalapat na iyon ng kanilang labi, lahat ng masamang pangyayari sa buhay niya nitong nakalipas na araw ay naitapon ng lahat sa hangin. For he was now with the man he dearly loved. 


Itutuloy…

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...