Friday, February 7, 2014

BOOM BOOM JAIRUS 7

By: Jaime Sabado
Chapter 7

Tumaas ang kilay ni Noime sa nabasa niya......

Noime: "Anu to? nagsosorry siyang di siya nakatext sayo kagabi dahil nakatulog siya agad?" sabay bitiw ng pagak na tawa

AKO: "Alam ko namang kasinungalingan yan Noims, kasama niya si James kagabi" naging malungkot na naman ang mood ng mukha ko.

Lumapit si Noime sa likod ko at niyaka niya ako.

Noime: "baby Jai, gaya nga ng sinabi ko, you don't deserve all of this" nanginginig boses niya.

Sobrang pasasalamat ko sa diyos na nakakilala ako ng isang katulad ni Noime, nung mga oras na yun naisip kong sana si Noime nalang.. masarap sa pakiramdam ang yakap niyang iyon. feeling ko sobrang safe ako at di ako tatablan ng kahit anung pananakit ng mundo.

AKO: " maraming salamat noims, sana di ka magsawang damayan ako" naiyak na naman ako

Noime: "baby jai, dito lang ako parati sa likod mo, di kita iiwan sa ere" naiyak na din si noime.

AKO: "Noims, pede ba mag request?"

Noime: "anu yun jai?"

AKO: "pwede bang sakyan ko ang panloloko ni Gabriel kahit tatlong araw lang? gusto ko lng siya makasama and after that lalayuan ko na siya"


Noime: "kahit sabihin ko namang wag, alam kong gagawin mo padin yun, kaya cge pinapayagan nakita pero mag iingat ka Jai, wag ka magpapadala masyado sa nararamdaman mo" 

Pinagmasdan ko ang mukha ni Noime, sobrang kalungkutan ang nakikita ko, sobrang lalim ng nababasa kong kalungkutan sa mga mata niya.

Noime: "Anu ba? don't look at me like that, naeestress ako, alam kong maganda ako kaya wag mo nang gawing obvious ok?..wahehehe"

AKO: "hehe para tayong mga adik noims, iiyak tapos tatawa.. i love you noims, swerte ko at ikaw naging kaibigan ko"

Noime: "i love you too baby jai" sabay pahid niya sa basa kong mata..

Di na namin napansin ang pagdating ng kuya glen ni Noime.

Glen: "Good morning!!!! wow! tamang tama almusal na pala" sabay ngiti

Noime: "oh kuya halika na sabay kana samin, naku nakipagsex ka na naman kagabi noh? manyak ka talaga" wahehehe

Glen: "hoy! anu kba? nakakahiya kay Jaitus..hehe"

AKO: "Ok lang yan tol, wahehehe mukhang totoo naman eh: sabay tawa na rin

Noime: "wahehehe alam mo kuya nagsex din kami ni baby jairus kagabi kaya patas lang"wahehe

Halata sa mukha ni glen ang pagkabigla, at tinitigan niya akong mabuti at parang nagtatanong..

Noime: "charing!!!!! anu kaba kuya,joke lng"hahaha

Glen: "hehehe akala ko totoo na, ipapakasal ko na sana kayo..hehe"

AKO: "haha magiging kuya glen na pala kita kung nagkataon"wahehehe

Right after ng breakfast ay naligo na muna ako at tuluyang nagpaalam kay noime at glen para umuwi na sa bahay.

Noinme: "baby jai?"

AKO: "yes?"

Noime: "pahug nga ulit, gusto ko yakapin si baby jai para di na siya malungkot"

AKO: "hehe cge, lika noims hug me tight please, i need that now" sabay yakap ng mahigpit..

Ayun at tumalikod na ko sa kanya, palabas na ko ng gate when..............

Noime: "baby jai!!!!"

AKO: "yes noims? yakap ulit?hehe"

NOime: "di ah!!!.. ingat ka.."sabay bitiw ng napakatamis na ngiti

AKO: "likewise" sabay flying kiss naman sa kanya..wahehe

Pagdating ko ng bahay ay nadatnan ko si mama sa sala at parang hinihintay talaga ako.

Mama: "beboy? may problema ba?"

AKO: "mama akala ko po ba ok na?"

Mama: "Nag-aalala lng ako, unang beses mong ginawang hindi umuwi ng bahay ng hindi nagpapaalam man lng"

AKO: "biglaan lang kasi mama" sabay yakap ng mahigpit "love you mama"

Mama:"naku ginamitan mo na nman ako ng powerful na paglalambing na yan, anu nag almusal kna ba?"

AKo: "done na po ma, akyat na po ako sa taas ah mama"

Pagkaakyat ko sa kwarto ay binagsak ko ang katawan ko sa kama, at nag isip ng malalim kung panu ko susulitin ang tatlong araw with gab.Tamang tama pagtingin ko sa phone ko, ay tumatawag si gab.

AKO: "hello?"

GAbriel: "kanina pa ko tawag ng tawag, ba't di mosinasagot?" may himig pag aalala ang boses niya


AKO: "ah eh silent mode kasi phone ko gab eh..hehe sorry" (sarap sana ko\ung totoo ang pag aalala niyang yun)

Gabriel: "I'm sorry pala di kita na natext o natawagan man lng kagabi, nakatulog kasi ako kaagad"

AKO: "ayos lang yun, atleast nakapagpahing ka, ayos ba tulog natin kagabi?"

Gabriel: "ayos na ayos..hehehehe,"

Parang dinudurog ang puso ko ng madinig ko yun because i know na ang sinabi niya ay may double meaning, alam kong ayos na ayos ang gabi niya dahil kaama niya si James.

AKO: "ahh mabuti naman..hehe" tumawa ako ngunit may mga luhang dumadaloy sa mga mata ko

Gabriel: "ahh Jai me, james and the rest of our friends are going on a vacation sa tagaytay.. ok lang ba?, bale sa isang araw na yun"

AKo: "sa isang kondisyon"

Gabriel: "anu yun jai?"

AKO: "pde ba tayong lumabas ngayon?"

Gabriel: "talaga? ansaya ko jai!!!! cge cge punta ako jan ngayon na susunduin kita"

AKo: "ok cge ingat"

Gabriel: "i love you"

AKO: "I love you too gab" inoff ko phone ko at tuluyan na kong umiyak na NAMAN.

Nakakasawa ng umiyak kung tutuosin, pero di ko maiwasan kasi kung magbabakasyon sila with friends, bakit di ako inayang sumama?, part na ba to ng paghihiganti niya? di ko alam kung anu ang tumatakbo sa niya.

AKo: "bahala na, adik ka jairus. ngawa ka ng ngawa.. pinasok mo yan kaya matuto kang lumabas jan sa sitwasyon mo" wahehehe baliw

At napag disisyunan ko na ang tatlong araw ay gawing isang araw, susulitin ko na to.. kahit ganu kasakit tatanggapin ko ang paghihiganti niyang yun, kasi mahal ko siya. Nagbihis na ko at lumabas na ng gate para hintayin siya dun. After 5 minutes ay nandun siya.

Pagpasok ko kotse ay ginawaran ako ni gab ng halik sa labi, ginantihan ko iyon, di ko alam baka ito na ang huling halik namin.

Gabriel: "wow sarap nun ah"

AKO: "wahehehe adik, masarap talaga ako" sabay tawa

Tawanan naman kami pareho. 

Everything went well sa date naming yun, kumain kami, nanood ng sine, namasyal kung san san. Sobrang sweet ni gab, isang bagay na pinanghihinayangan ko. Pinakita ko din naman ang sweetness ko sa kanya.

Gabriel: "grabeh jai, lalo kitang naging mahal na mahal..sobrang sweet ng mahal ko"

AKO: " kaya malas mo pag pinakawalan mo pa ko"

Nagulat ako sa sinabi kong yun..Napakagat labi ako..

Gabriel: "sino naman nagsabing pakakawalan pa kita, over my dead body jai, i love you"

AKo: "hehehe wala lng expression ko lng yun.. love you 2"

Nasa isnag mall kami ni Gab ng makasalubong namin si james. Iyon ang pinakamasakit na moment na nangyari sa buhay ko. Nung makita namin si James ay bumitaw si gab sa pagkakahawak sa kamay ko. Siguro akala niya di ko napansin iyon pero gusto kong umiyak sa pagkakataong iyon.

James: "hey hey.. sweet naman, andito pala kauo" sabay ngiti at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

Gabriel: "hehe syempre naman,"

James: "oh Hi. Jairus.. kumusta pamamlengke?" hehe

AKO: "Ayos lng, ganun padin, mahal padin amga bilihin" sabay bitiw ng pilit na ngit.

Di pa pala nalilimutan ni james yung moment sa bahay nila gab nung sinabi ko sa kanila ni gab na mamamalengke pa ko..

Gabriel: "haha psensya kana Jai, palabiro kasi tong si james"

AKO: "hehe ok lng"

james: "Nga pala Gab.. yung lakad natin baka makalimutan mo ah?" sabay tapon ng tingin sakin na parang may ibig ipagiwatig

Gariel: "di ko nakalimutan yun, ako pa"hehehe

James: "cge i'm sure mag eenjoy tayo dun. cge una na ko sa inyo...." 

gabriel: "cge ingat"

AKO: "bye"

Napatingin ako sa isang side ng nall at nung bigla kung binalik ang tingin ko kay gab ay nakita kong may sinabi siya kay james, yung tipong LIP READING ang ginawa ni james at sa tingin ko ay nagkaunawaan naman ang dalawa.. malakas ang kutob ko na I love you ang sinabing iyon ni Gab.

Ang sandaling kaligayahan ay biglang napalitan ng lungkot, takot, at panghihinayang.

Gabriel: "san tayo now?"

AKO: "pagod narin ako Gab, tara uwi na tayo"

Gabriel: "cgurado kaba?,"

AKO: "oo naman"

Gabriel: "tara cge"

Hinatid ako ni Gabriel sa bahay, di ko na siya inayang pumasok, ginawaran ulit ako ni gab ng isang napakatamis na halik sa labi.. gustong sumabog ng emosyon ko that time kasi alam kong iyon na ang huling halik ko sa kanya at huling sandali na magkasama kami..

Una akong bumitiw sa halik na iyon at tuluyan ng nagpaalam at pumasok na ko sa gate.


Nagtext pa si gab: I LOVE YOU JAI, KAHIT ANU MANGYARI MAHAL NA MAHAL KITA.

Binura ko ang text na iyon dahil alam kong walang katotohanan ang sinabi niyang iyon. Pagkapasok ko ng kwarto ay pinigil ko na ang umiyak. Nakakpagod na kasi mula pa kahapon.

Nahiga ako sa kama at pinatugtog ang player ko sa kwarto, pumili ako ng kantang bagay sa mood ko.

Forever ni Martin Nievera at Regine Velasquez ang napili kong pakinggan. (hehehe emo)

We've come so far
To leave it all behind
I wonder why

Or did you go away?
And left me all alone
No words can say
My love, please stay.

REFRAIN:
You and I, we have moments left to share
(Moments left to share)

You and I, we can make it anywhere
(Make it anywhere)
You and I, we belong in each other's arms
There can be no other love
Now, I know that we could have it all forever

Each night I pray
That we can be together once again

Forever more
We'll stay and love this way
No matter what they say

Until the end.

Now I know that we could have it all forever.

Ramdam na ramdam ko ang melody ng kantang yun, naalala ko si Gab at kasabay nito ang sakit na nararamdaman ko. Lumipas ang buong araw na napaka lungkot. At di na naman nagtext o tumawag si gabriel kinagabihan.

KINABUKASAN........................................

Nagising ako ng maaga at nabasa ko sa phone ko ang text ni gab na maaga silang umalis papuntang tagaytay. Ang isiping solong solo siya ni james dun ay parang patalim na sumasaksak sa dibdib ko, pero pinilit konh maging matapang at wag ng umiyak. Pinalipas ko ang araw na iyon ng walang iyakang naganap.

Lumipas ang isang araw.. dalawang araw.. isang linggo, dalawa, isang buwan, dalawang buwan. Wala na kong nabalitaan kay Gabriel, kay James,. Masakit ang mga unag araw na hindi ako kinocontact ni gabriel.. iyak ako ng iyak.. Ilang gabi din kaming nag inuman si nOime..

FLASHBACK..........................

Isang linggo matapos magpaalam ni gabriel para magbakasyon. Nakita ko sa common frends namin ng RC FB ACCOUNT angFB account ni Gabriel, swerteng hindi naka private ang photos niya. Dun ka nakita ang pictures nila ni James.. mula sa unang taon nilang magkasama hanggang sa bakasyon nila sa tagaytay, Open pala ang reayon nila sa ibang tao. nasabi ko iyon dahil marami sa mga litratong iyon ay magkayakap sila. Halatang masayng masaya silang dawala..Dun ko na pagtanto na ang biglang pag alis ni gab ay ang katuparan ng paghihiganti niya sa akin. At nagtagumpay nga siyang saktan ako.

Isang gabi habang umiinom ako sa bahay nila Noime ay humagulgol ako, malakas na iyak ang ginawa ko dahil sa sakit..

Noime: "Jairus! anu ba??!!! hahayaan mo nalang ba na lamunin ka na kalungkutan mo?" umiiyak na si Noime..

Noime: "Nasaan na ang jairus na kilala ko? ang jairus na matatag at masayahin?.. Ibalik mo siya sa amin!!!!!!..Napapariwara na ang buhay mo dahil sa kakaisip sa walang kwentang taong yun!!!" at tuluyan akong niyakap ni Noime.

AKO: "Noims, masakit talaga eh, lagi nalng akong dinadaanan ng mga tao sa buhay ko.. di ko na kya.. ayoko na.. ayoko na..."

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko, ngunit di niyon napatigil ang pag iyak ko. nayoko nalng ako sa hiya ko kay Noime.

Noime: "Jai, andaming taong nagmamahal sayo, di lang ikaw ang nasasaktan sa nangyayari a buhay mo, maawa ka naman sa sarili mo at sa amin na nagmamahal sayo"

Ang mga sinabing iyon ni Noime ang nagpa isip sa akin ng malalim. Unang una ay ayoko ng may mga tao akong nasasaktan, at si noime ang nagpaalala sa akin na madami silang nagmamahal at nasasaktan para sa akin. Ayoko ng ganun, gusto ko masaya silang lahat.

Kaya mula ng sinabi iyon ni Noime ay, binago ko ang takbo ng buhay ko, tinulungan ako ni Noime na mag apply sa ospital na pinapasukan niya.. Luckily ay natanggap ako at magakasama kami ni Noime sa area, dahil narin cguro sa malakas ang mga magulang ni Noime sa Administration..hehehe

Ginawa kong busy sa trabaho ang sarili ko, hanggang sa unti unting nanunumbalik ang dati kong disposisiyon kahit na sa loob loob ko ay mahal ko parin si gabriel, walang ni katiting na galit para sa kanya.

KASALUKUYAN SA OSPITAL.....

Noime: "haay naku, masyadong reklamador na pasyente, arrrggggghh nakakawala na poise" sabay bulatlat ng bag at retouch na naman

AKO: "wahehehe kasalanan mo, ba't ka nag nurse kung di mo ala kaya ihandle pasyente mo"

Noime: "naku babay jai tigilan moko ah at baka sayo ko maibaling ang inis ko"

AKO: "waaaah parang awa mo na wag po..huhuhuh"

wahehehe pag naiinis kasi si Noime sa akin ay sinasama niya ko sa bahay nila ng kuya niya pag mag general cleaning kami dun..wahehehehe

Noime: "kaya behave ka jan, wala na nga ako boyfriend ngayon, nakakalungkot talaga"

AKO: "e di sagutin mo lahat ng manliligaw mo.. adik to"

Noime: "hello? sa ganda kung toh? wala sa kanila pumasa sa standards ko" sabay bitiw ng tawang malutong

AKO: "cge na cge na..hehehe tama na yang kaka make up mo, nasa ospital ka, wala ka sa mall"

Noime: "napapanisin ko ayaw mong masyado akong nagpapaganda, gandang ganda ka siguro sakin no?"

AKO: "oo gandang ganda ako sayo.. yuckssss!!!"

Noime: "Dahil jan, sa off natin ponta ka sa bahay.. Wag kang sasagot!!!!!!!!!" wahahaha

AKO: "Noims naman eh.. libre kita gusto mo?"

Noime: "Go go go..." wahehe

Basta libre talaga nawawala galit ni Noime.....

Nasa mall kami ni noime paponta ng food court para kumain muna ay bigala kong hinila ni Noime..

NOime: "doon tayo baby jai, ayoko jan... ah wag nalang tayo kumain.. tara dali na.."

Namumutla si Noime kaya nag alala ako...

AKO: "bakit may problema ba? anu nakita mo dun?" lumingon ako pabalik ng food court

BUong pagkatao ko ay nagulantang when I saw James, Gabriel at friends sa lugar na yun.
Huli na nung makita ako ni Gabriel na nakatingin din sa kanila..

Nagulat ako dahil papalapit si gab sa direction namin ni Noime. nakita iyon ni noime at dali dali akong hinila palayo..

Gabriel: "jai!! jai!! wait"

Naabutan kami ni gabriel..

Noime: " anu? anu kelangan mo?"

Gabriel: "so musta kana "WHORE"..hehehe"

Noime: "Anung sinabi mo?.. Ba't ganyan ka magsalita kay Jairus? napaka walang hiya mo gabriel!! sa ginawa mo sino sa tingin mo ang whore?!!"

gabriel: "isa ka pa eh, magsama kayo"

Noime: "Aba't"

AKO: "Noims tama na.. tara na"

Gabriel: "tama nga mag-hanap akyo ng laman jan sa tabi tabi..Akala mo ba di ko pa alam, befor tayo magkita ulit alam ko na at nakita ko na mga patunay na madumi kang tao jairus"

James: "well well well.. nandito din pala kayo, dito na ba ang bagong tambayan ng mga bayaran, at naka uniform pa kayo, hinay hinay at baka matanggal kayo sa ospital huhu?" sabay tawa

Gabriel: "3 years ago james showed me you're account sa website na yun, kapal ng mukha mong magpost ng hubad at magpabayad... magkano kaba? ng mabili kita" tawanan sila ni james

AKO: "wala akong alam sa sinasabi niyo, at wala akong interes na intindihin kung anu man yang pinagsasasabi ninyo"

At tuluyan na akong tumalikod palayo. nasa malayo na ako when i saw Noime na humahabol sa akin, kaya tumigil ako at hinitay siya doon..

Noime: "Tara sa bahay dali" .....

Nagtataka man ngunit sumama ako sa kanya sa bahay nila..

Noime: "they gave me the website, titingnan natin"

AKO: "anu ba noims? papatulan mo sila?"

Ngunit tila walang narinig si NOime, she turned the pc aon at pinuntahan ang website..
Sa gulat ay napatakip ng bibig si noime when she saw the pictures in there.

Noime: " Jai, is that you on the picture? sagutin moko?!!!!!!!!!"

Tuluyan nang bumagsak ang luha sa mga mata ko....

AKO: "Oo noims ako yan"

Noime: "jai? bakit? bakit?"

AKO: "Noims matagal na yan, nawala sa isip kong idelete ang account na yan"

Noime: "sagutin moko kung bakit? nakakadiri ka jai"

Ako: "Noims" lalapit na sana ako ngunit tinulak ako niya ko

NOime: "bakit?!!!!!!!!!!!!!"

Natahimik ako at tuluyan kung isinalaysay kay Noime ang mga pangyayari..

"Kamamatay lang ni Morris, galit ako sa lahat, galit ako maging sa diyos. Nung una kasi ay nagalit muna sakin ang pamilya ni MOrris, ni sa libing ay di ako pinapunta, pinagtabuyan ako dun. Sinabayan pa ng problema sa pamilya, sa pera, sa lahat ng bagay.. wala akong maisip na gagawin noims.. Walang ani sa palayan at coprahan namin.. wala trabaho si papa that time.. wala kami pambayad sa bahay, kuryente, tubig, wala na ko matakbuhan.. Nung mag open ako ng pc para magbaka sakaling makahanap ng sulosyon ay natagpuan ko ang site na yan, in one week ay palalayasin na kami sa apartment kaya yun nalang talaga ang sulosyong nakikita ko.. Pinost ko ang mga litratong yan para maka ingganyo ng papatol sa akin at bibigyan ako ng pera.. Noims.. may isang nag message sa akin dun at nakipagkita sa akin. Nag check in kami noims, madami siyang tinanong tungkol sa buhay ko at naikwento ko sa kanya lahat. Noims mswerte ako at nakilala ko siya..Di niya sinamantala ang sitwasyon kong iyon, Pinahiram niya ako ng pera sa kundisyong magsisimba ako linggo linggo at aattend ako ng stress debreifing sessions na siya ang sasagot sa bayad.. Tumupad ako sa usapan namin,at naging mabuti ko siyang kaibigan. Pinakilala niya ko sa asawa't mga anak niya, naging malapit ako sa pamilya niya. Bihira lang ang taong gaya niya. Pinayuhan niya akong magpaliwanag sa pamilya ni Morris no matter what it takes ipagtanggol ko daw sarili ko. Ginawa ko nga din yun at aawa ng Diyos ay napatawad ako nila Tita Lina at naintindihan nila na ako man ay sobrang nasaktan sa pagkawala ni MOrris. Bumalik ako sa dating pamumuhay ko ng wala na sa piling ko ang tangi kong karamay na si MOrris, at yun ay dahil sa lalaking nakilala ko sa website, ibinalik niya ang tiwala ko sa diyos at tinulungan niyang maka ahon ulit ang pamilya namin. Kaya yun Noims nawala sa isip ko yung website at di ko na na delete ang account ko doon."

NAKATINGIN LANG SI NOIME SA AKIN.

AKO: "ikaw, si gabriel, si james lahat kayo di niyo naman kasi naranasan ang maghirap kaya yan agad ang initial reaction niyo, pero naiintindihan ko kayo. Pero wag niyo naman sana akong husgahan at itulak palayo. masakit ang pakiramdam ng ipagtabuyan kaya di ko na hihintaying gawin mo na iyon sakin noims "


At tumalikod na ko kay Noime habang umiiyak, masakit madinig mula sa kanya ang sinabi niyang nakakadiri ako.

NOime: "jai!!!!" sigaw niya


Ngunit di na ko humarap pa sa kanya at pinagpatuloy ko ang paglalakad palayo. Sa puntong to, nag iisa na naman ako, panu ko ipagtatanggol ang sarili ko sa mga taong nanghuhusga sa akin, ang masakit pa dun sila pa ang mga taong mahalaga sa akin.


Patawid ako ng kalsada ng madinig ko ang isang malakas na busina, pagtingin ko sa kaliwa ay dalawang nakakasilaw na ilaw ng sasakyan at sinundan ng malakas na kalampag....

" TUMAWAG KAYO NG AMBULANSIYA!!!"

Yun na ang mga huling salitang nadinig ko..........................................





Itututloy..................

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...