Wednesday, February 19, 2014

ANG MARTYR, ANG STUPID AT ANG FLIRT 9

by: DALISAY
Chapter 9 (The Lowest of Low)

"Orly?" 

Ang nalilitong tanong ni Monty sa nobyo ng maramdaman niya ang hindi nito pagtugon. Akala niya guni-guni niya lang ang kawalan nito ng reaksiyon pero totoo pala. Hindi nga ito tumutugon sa paghalik niya. Sa halip isang nakakunot-noong Orly ang nakatingin sa kanya. Napapahiyang kumalas siya rito.

"Orly? What's wrong?"

Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito mula sa pagkakakunot sa pagiging blangko. Hindi niya maiwasang mangamba sa nakita. Lumapit siya rito.

"Orly? I said I'm sorry. Please, huwag ka ng magalit."

Parang piniga ang puso niya ng tinalikuran lang siya nito at hindi pinansin. Nag-aalalang sinundan niya si Orly ng maupo ito sa bench na naging piping saksi rin ng kanilang pagmamahalan.

"Why did you come here Monty?" kapgakuwan ay tugon nito.

Di siya makaapuhap ng sasabihin. Parang may mali. Bakit parang ayaw siya nitong makita? Hindi ba kanina lang eh gustong-gusto nito na makausap siya?

Asaness teh? Ipinagtabuyan mo lang naman siya kanina. Need I remind you that? Sabi ng malditang bahagi ng isip niya.

"I wanted to talk to you Orly. And to say sorry as well. I guess I got up at the wrong side of my bed." aniya ng mabawi ang boses.


"And you expect me to believe that? Kailangan talaga ipahiya ako when you could've just tell me what's wrong? Sinabi mo pa na hindi kita kayang tulungan sa problema mo. What the hell is the matter with you?!" tuluyan ng humulagpos ang galit na pinipigilan nito.

"I-i'm sorry. I didn't mean to embarrass you Orly. Its just that..."

"Its just that ano? You were a little bit out of sorts? That you woke up at the wrong side of your bed? That's bullshit Monty! That is bullshit!" gali na putol nito sa kanya.

Maang na tinitigan niya si Orly. He was almost sure his boyfriend was palpitating. Nag-iigtingan ang ugat nito sa sentido at leeg. Pulang-pula rina ng mukha nito sa galit.

Bakit siya nagagalit? Eh siya nga ang dahilan kaya rin siya napahiya kanina. Tanong iyon mula sa bahagi ng isip niya na kamag-anak yata ni Rubi.

Tell him the real reason of your outburst Orly. Hindi iyong siya pa ang nagagalit sa iyo ngayon. Sabi pa ni Rubi, este ng isip niya.

It's now or never. Dagdag pa nito.

Pumikit siya at huminga ng malalim. Taking all the time in the world before he explain to Orly his side.

Pagdilat niya ay alanganin niya itong nginitian. Nagtataka namang tumitig ito sa kanya.

"Alam ko na Orly." sabi niya.

"What?"

"Alam ko na ang totoong dahilan sa pagkakakilala natin Orly. Yuna ng dahilan kung bakit ako ganoon sa'yo kanina." ngumiti siya ng mapakla.

Bigla ang pagbabago ng reaksiyon nito. From a bit confused but raging cow, ay nagkulay suka ang mukha nito. Parang natuklaw ng ahas sa pagkakatayo.

Inabot niya ang mukha nito at marahan iyong hinaplos. Waring sa pamamagitan nun ay makakabisado niya ang features nito. From his har jaw, to the contour of his cheekbones and his luscious lips. Pinagala niya ang kamay at mata sa gwapong mukha nito. Natigilan lang siya ng abutin nito ang kamay niya at tabigin iyon.

"Paano mong nalaman?" naniningkit ang matang sabi nito.

"Hindi na mahalaga iyon Orly. Kung utos man iyon ng master ninyo sa frat o ng kung sino mang herodes sa campus na ito, ang mahalaga eh yung nararamdaman natin. Hindi ba?"

"How can you be so sure na totoo lahat ng ipinakita ko at sinabi sa iyo?" Orly retaliated mockingly. 

Itinago niya sa ngiti ang sakit na naramdaman sa sinabing iyon ng katipan. "I can feel it. Alam kong totoo ang lahat ng iyon. Nadarama ko." sambit niyang puno ng pag-asa.

"Hindi totoo ang lahat ng iyon Monty. Huwag mo ng paasahin pa ang sarili mo."

Hindi pa rin siya nawalan ng loob. "Please don't say that. Alam kong galit ka lang kaya mo nasasabi ang lahat ng iyan."

"Makulit ka rin eh no? Ano bang hindi mo maintindihan sa sinasabi ko, ha Monty?"

"I want to give us a chance. Alam kong mali ang naging pundasyon ng pagkakakilala natin but we can work this out." pagsusumamo pa niya.

"There is no "us" Monty." Orly quoted. 

"Meron. Kahit anong gawing tanggi mo, alam kong natutunan mo na rin akong gustuhin Orly. Feel it, ikaw lang ang itinitibok niyan." kinuha niya ang kamay nito at ipinatong sa dibdib niya.

Bahgyang nagbago ang ekspresyon nito. Nakasilip siya ng bahagyang pag-asa.

"At ano ang gusto mong mangyari? Maging tayo for real? Hindi pwede iyon Monty. That was just a task para makapasok ako sa frat. And besides you are really not my type." Orly taunted.

Napapikit siya sa masasakit na salita. Kaya ko pa! "Kung ang intention mo ay pasakitan ako Orly at gantihan sa nagawa ko kanina sa'yo. But please, let's work things out. Alam ko, may nararamdaman ka rin sa akin kahit paano." aniyang pinipigilan ang pagbagsak ng luha na kanina pa namimintana sa kanyang mata.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo Monty." 

"Sigurado ako sa mga sinasabi ko Orly. Please, tell me that you'll stick with me. Okay lang kahit magsimula ulit tayo." sabi niya ng tuluyan ng bumagsak ang kanyang luha.

"Don't cry Pet." masuyo nitong hinaplos ang pisngi niyang dinaanan ng luha.

Hinawakan niya ang kamay nito na nasa pisngi pa niya. "I don't mind crying kung ikaw rin lang naman ang rason Orly. I love you so much." 

"Lalo mo lang pinahihirap ang sitwasyon Pet. I can't love you back. Babae ang gusto ko talaga. All that there was to our so-called relationship was lie. Nothing but lies."

"Hindi totoo yan Orly." umiiyak na yumakap siya dito. "Sabihin mong nagsisinungaling ka lang at ako pa rin ang mahal mo. Please!"

Bumuntong-hininga ito. Saka pilit na inaalis ang kamay niyang nakapalupot sa katawan nito. 

"Listen Monty. Please stop this. Huwag mo ng saktan ang sarili mo ng husto. Lalo lang nagiging mahirap para sa atin ito." sabi ni Orly ng matagumpay na nailayo siya nito.

"It won't be hard if only you'll take me back. I need you Orly. I love you. Huwag mong gawin sa akin ito." umiiyak pa rin niyang sabi.

"Maawa ka nga sa sarili mo Monty. Hindi na tama ang ginagawa mo. Huwag kang magpakatanga. Hindi bagay sa'yo. Dapat nga nagagalit ka pa sa akin ngayon" napipikon na namang sabi nito.

Monty stood still. Basa ang mukha ng luha na tinitigan ng taimtim si Orly. Pilit niyang ipinararating ang kanyang damdamin para dito sa pamamagitan ng tingin.

"I-i can't l-let you go that easy Orly." he said in between sobs.

"Monty..." frustrated na sabi nito.

"I can't be mad at you too. Pero... do you want to hear the truth Orly?" aniya na pumiyok pa ang boses. Akala niya kumalma na siya ng kaunti. Hindi pa pala. Nagbabadya ang pagbuhos ng mas marami pang luha.

Tumingin lang si Orly sa kanya.

"Totoo. Nagalit ako. Pero mas mahal kita kaya balewala lang sa akin ang mga nalaman ko Orly. Sobrang mahal kita. At hindi ko kayang bumitaw sa'yo ng ganun-ganun lang. Hindi kita mabibitawan basta Orly. Dapat alam mo iyan." Umaagos ang luha niyang sabi.

"Let go Monty. Walang idudulot na maganda atin ito." 

Umiling siya. "Mas madaling maging tanga kaysa mabuhay ng wala ka Orly. Mas madaling mabuhay sa kasinungalingan kaysa harapin ang katotohanan na wala ka na. Please. Kahit di mo ako mahalin. Just let me love you. Please, let me love you Orly." madamdamin niyang sabi. Nauupos na napaluhod siya sa lupa.

"Anong ginagawa mo Monty? Tumayo ka diyan." galit na sabi nito sa kanya.

"No! Hindi ako tatayo dito hangga't di mo ako tinatanggap ulit." that was his last resort. Pagkatapos nun, kung di pa rin siya tatangapin nito ay aalis na siya.

pilit siya nitong itinayo at niyugyog ang kanyang balikat pagkatapos nun. "What is wrong with you? Bakit mo ako pinahihirapan ng ganito Monty? Ganito ba ang klase ng pagmamahal na meron ka?"

Hinaplos niya ang mukha nito. "Kaya kong gawin ang lahat para sa'yo Orly. Sukdulang maging tanga ako, Gagawin ko."

"Fine! But don't expect me to be the same Monty. And I'll give you until the end of this semester. After that, we're through!" saka siya binitiwan nito at tumalikod.

Natigilan siya. "I'll give you until the end of this semester. After that, we're through!" Umaalingawngaw sa isip niya ang huling sinabi nito.

Natutuwang hinabol niya ito at niyakap mula sa likuran. "Oh God! Thank you Orly!" lumuluha sa kasiyahan na sabi niya.

"Whatever." sabi nito at kinalas ang braso niya saka nagpatuloy sa paglalakad. Napaupo siya sa damuhan. Tinangap siya ulit ni Orly. Hay!!!

Matuwa ba kahit may time limit ang pagbabalikan niyo? atake na naman ni Rubi.

Okay lang yun. For now. At least, sila pa rin ni Orly. Gagawin niya ang lahat para lang tuluyan nitong ibaling ang pagmamahal sa kanya. Hindi siya mawawalan ng pag-asa kahit anong mangyari. 


"Can I claim my second date?" 

Napaigtad sa pagkagulat si Monty ng marinig ang tinig na iyon ni Ronnie. Pero kaagad siyang nag-iwas ng mata dahil na rin sa pngingitim ng paligid nito.

Napasinghap siya ng hawakan ni Ronnie ang mukha niya at pilit na iniharap iyon dito. Muntikan na siyang makapag-ingay ng wala sa oras. Nasa library pa naman sila.

"Bakit namumugto at nangingitim iyang paligid ng mata mo? Have you been crying?" Ronnie asked.

Iniwas niya ang mukha at isinuot ang shades na kanina pa niya kinakapa sa bag. "No. Nagka-allergy lang ako." paiwas rin niyang tugon.

"Hindi iyan ang hitsura ng nagka-allergy sa mata. Sigurado akong dahil iyan sa pag-iyak mo." he said knowingly.

Ibinuhos niya ang atensiyon sa librong hawak at hindi na ito pinansin. Kahit pa naupo ito sa katabi niyang silya ay dedma siya.

"I heard na nag-away kayo ni Orly. Totoo ba?" tanong nito.

Di pa rin siya sumagot kahit pa nainis siya sa kaalamang may nakapag-tsismis na agad dito ng mga pangyayari.

"Monty..."

Inilapit pa niya ng husto ang libro sa mukha. Hoping that with that gesture, Ronnie will leave him at peace. At least for a while.

"Look. I'm just trying to start a conversation Monty. Please?" nangungusap pa ang matang tumingin ito sa kanya. As if kaya nitong makita ang mata niya sa likod ng makapal niyang shades.

Nagpakawala siya ng hininga. "I don't want to talk Ronnie. Please, not now." mahina niyang sabi.

"Okay. But let me know kung gusto mong pag-usapan ang problema mo. Hindi lang ako ka-date mo, pwede ka ring mag-confide sa akin." nakangiti nitong sabi.

Monty's heart almost leaped out of his ribcage when Ronnie flashed his killer smile. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya dito samantalang di naman niya mahal ito. 

"Kinikilig ka no?" nanunuksong sabi nito.

Namumulang umingos siya dito. Inilagay niya ulit ang libro sa harap niya at nagkunwaring nagbabasa. 

"Okay. Maganda pala makipag-date sa loob ng library no?" nangilabot siya ng maramdaman ang hininga nito sa gilid ng kanyang tainga. Sa sobrang concentration niya sa pag-iwas dito ay di niya namalayan ang ginawa nito.

"R-ronnie... Anong ginagawa mo?" tarantang tugon niya.

"Nakikipagdate sa'yo." He said grinning.

Susme! Nakakaloka ang hudyong ito. Please! Ilayo niyo po ako sa tukso.Natatarantang sigaw din niya sa isip.

"Anong date ang sinasabi mo?" pambabalewala niya sa kilig na nararamdaman. Hindi tama iyon. Pagtataksil ng maituturing kay Orly yun.

"Mukha kasing ayaw mo akong kausapin. So, I took the liberty of having our second date here kaysa naman hindi pa matuloy yun. Mawalan pa ako ng chance na maagaw ka sa boyfriend mong kumag." nang-iinis pa nitong turan.

"Hindi kumag si Orly. Baka masyado kang natutuwa sa paglapit-lapit mo sa akin." nakasimangot na sabi niya.

"Tuwang-tuwa talaga ako kapag kasama kita. Wala kang idea kung gaano ako kasaya Monty." Seryosong saad nito saka mabilis na kinuha ang kamay niya at hinalikan ang likuran nito.

He went still. Ano daw? Kumain na ba ito? Ano bang pinagsasabi nito?

Binawi niya ang kamay at hinubad ang shades para tingnan ito ng masama. Sinalubong naman siya ng malamlam na mata nito. Puno ng... pagmamahal? At bakit?

"I h-have to go." Inimis na niya ang mga gamit.

Hinawakan siya nito sa braso. Nilingon niya ito.

"Don't cry Monty. Sana maintindihan mo na hindi lang si Orly ang kayang magmahal sa'yo. Marami diyan. Lumingon ka lang sa tabi mo." malungkot na sabi nito.

"Ronnie..."

Tumayo na ito. "Thanks for the date. See you tomorrow." Sambit nito saka siya mabilis na kinabig and gave him a smack.

Nanlalaki ang matang sinundan niya ito ng tingin at wala sa loob na hinaplos ang labing kinintalan nito ng halik.


Itutuloy....

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...