Wednesday, February 19, 2014

TASK FORCE ENIGMA 6

By: Dalisay
"NAKATAYO si Bobby paharap sa papasikat pa lang na Haring Araw. Nakatanaw sa malawak at tahimik na karagatan na animo'y may hinihintay. Ikatlong araw na nila sa safehouse na iyon sa Calatagan. Kahapon ay natanong na rin ito ni Rick ng mga impormasyong maaaring makatulong sa kanila. Sa ngayon, kailangan nilang protektahan ang mag-tiya mula sa galamay ni Park Gyul Ho. May mga nagpunta raw kasi sa tinutuluyan ng magtiyahin kahapon ayon na rin sa iniwan nilang magmamasid doon.

Humugot ng malalim na hininga si Rovi bago ipinasyang lapitan si Bobby na hindi pa rin natitinag sa pagkakatayo sa harap ng dagat. Dinala niya ang dalawang mug ng kape at muling tumingin dito. Nakadagdag ito sa dati ng magandang tanawin. Ang pagkakatingin niya sa lalaki ngayon ay parang isang modelong lumabas mula sa magasin.

Naka-board shorts ito na bulaklakin pero hindi nagmukhang masagwa dahil sa totoo lang. Parang gusto niyang maiinggit sa tela ng suot nitong short. Mukha kasi iyong mga binti ng babae sa pagkakahapit sa hita nito. Namumukol ang dapat mamukol. Naalala na naman niya ang eksena sa kwarto nito. Lastug!

Itinaas niya ang paningin sa katawan nito. Nakabukas ang lahat ng butones ng polo nito. Revealing his perfect and gorgeous torso. Kahit nakatagilid ito sa paningin niya ay nakikita niya ang namumutok na pandesal nito sa tiyan. Sturdy features with a look an angel. Iyona ng naisip niya ng ibaling naman niya ang tingin sa maamong mukha nito.

Shit! Si Rico Yan talaga ang kamukha niya. Sigaw ng isip niya. Pero mas, gwapo ng di hamak si Bobby sa aktor at buhay na buhay. Tama! Sang-ayon ng malanding parte ng isip niya. Inaagiw na naman ang utak mo, Rovi. Singit naman ng kabilang bahagi. Napu-frustrate at marahas na napabugha na lamang siya ng hangin habang hindi inaalis ang tingin sa lalaki.

May ilang dipa na lamang ang layo niya rito ng mapagpasyahan niyang umibis ng direksiyon at ibaba ang mga mug sa isang tabi sa napakatahimik na paraan. Maigi na rin iyon at ng mapraktis niya ang stealth moves na paboritong-paborito niya.

Nang maibaba ang mug ay dahan-dahan niya itong nilapitan ng parang isang pusa at walang kaingay-ingay ang bawat hakbang. May isang metro na lamang siya ng magsalita ito ng hindi tumitingin sa kanya.

"Ano na naman iyang plano mong gawin, Sarhento?" matabang na sabi nito.

Natigilan siya. Hindi agad nakahuma si Rovi. Kinakalawang na ba ang stealths niya? Mukhang kailangan na niyang mag-training uli. Pero hindi, something must've gone wrong. Siguro nakita na siya nito kanina pa at ipinasya lang na magpatay-malisya.

"Kanina ko pa alam na paparating ka." sabi ulit nito na hindi tumitingin sa kanya.

Putsa! Nabasa pa yata nito ang isip niya. Naiirita siyang lumayo rito at kinuha ang mugs ng kape sa buhanginan. Naiinis pa rin siyang bumalik dito na ngayon ay nakaharap na sa kanya at tinititigan siya. Showcasing his chiseled upper-body all for his eye's satisfaction. Busog na busog ang mata niya sa napakagandang tanawin sa harap niya. 

Nang itaas niya ang tingin sa mukha nito ay nahimasmasan siya ng kanti pagkakita sa nakakalokong ngiti sa labi nito. Grr.. I'm gonna wipe that stupid grin off your face someay. Nangangalit na sigaw niya sa isip. Pinili niyang gawing blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha. Iniabot niya ang mug dito, kinuha naman nito iyon pero kasama ang kamay niya. Nalukot muli ang mukha niya sa ginawa nito. Nananadya ang hudyo! Well, kung ganoon, tingnan niya kung kaya ng sikmura nito ang igaganti niya. Napapangiti na humakbang siya palapit dito. Nasa kalahating-dipa na lang ang layo nila sa isa't-isa.

"Oopss. Sorry." nang-iinis na sabi nito at binawi ang kamay sa kanya. Inignora ni Rovi ang kuryenteng pumaikot sa sistema niya sa simpleng pagkakadaiti na iyon ng mga balat nila. Hindi pwede iyon. Erase! Erase!

He chose to remain passive. Walang magandang patutunguhan kung papatulan niya ang pang-aasar nito. "Binigyan lang kita ng kape Bobby. Huwag kang maangas sa akin." matabang niyang sabi rito.

"Talaga lang ha? Eh, bakit kailangan mo pang ilapag muna ito kung ibibigay mo rin lang naman?" nakakalokong sabi nito.

Hindi agad siya nakasagot. Sasabihin ba niyang, "Balak ko kasing gulatin ka sa pamamagitan ng pagbali sa leeg mong talipandas ka!" Naiinis na talaga siya ng husto. Feeling close ang ugok na ito sa kanya. "Bakit ikaw ba hindi feeling close? Bakit mo siya ipinagtimpla ng kape?" Nangiinis na balik ng isip niya sa kanya. Humugot siya ng malalim na hininga at marahas na pinakawalan iyon bago sumagot.

"Gugulatin sana kita kanina para malaman kung may alam ka sa selfe-defense." kalmadong sagot niya. Gusto niyang palakpakan ang sarili at nagawa niya iyon ng walang kahirap-hirap gayong gusto na niyang pilipitin ang leeg nito sa inis.

"Hindi nga, Rovi?" sabi nito sa kanya. Halatang hindi naniniwala. Ngumiti pa ito ng pagkatamis-tamis. Be still, my heart! 

"Oo. Marunong ka bang depensahan ang sarili mo?" tanong na lang niya rito ng makabawi ng hininga sa ginawa nitong pagngiti.

"Siyempre naman no. Anong akala mo sa akin? Kaya kong protektahan ang sarili ko gaya ng kahit na sinong lalaki sa mundo." mayabang nitong sabi saka humigop ng kape.

Typical chauvinist. Tingnan nga natin. Gustong-gusto na niyang parusahan ito sa kayabang nitong taglay. "Ows, di nga? Baka naman away-kalye lang ang alam mo?" pang-aasar niya.

"Eh ano naman? Sa kalye ako lumaki, Miss. Para sa kaalaman mo, hindi ako basagulero pero matigas ang kamao ko sa mga naghahamon ng away sa akin. Miss." nakakalokong sabi nito.

Ang walang-hiya! Inalis na nga ang Sarhento at naging Rovi na lang kanina. Ngayon naman, Miss?! Ah! He just waged war! Inalis na niya ang pagkukunwaring hindi naiinis pero kalmado pa rin siyang nagsalita.

"Hindi ka talaga marunong gumalang no?" mababa ngunit mapanganib niyang tugon.

Mukhang na-sense nito ang pagbabago ng tono niya pero sa halip na matakot ay mukhang ikina-excite pa ng kumag. Ibinaba nito ang mug sa lupa, ganoon din siya.

"Bakit? Apektado ka ba, Miss?" panggagatong pa nito sa umaalagwa na niyang inis.

"Sige nga, tingnan natin ang ibubugha mo sa bakbakan?" 

"Sigurado ka ba, Miss?" sagot ni Bobby. Nang-aasar pa rin.

"Naku, huwag mo kong alalahanin. Sige na, subukan natin kung kaya mo akong tamaan. Mukha kaisng ang lampa-lampa mo eh." panghahamon niya sa pagkalalaki nito.

Mukha namang epektibo. Lumaki ang butas ng ilong nito sa hayagang insulto niya. Nag-girian sila paikot na para bang may isang malaking bilog kung saan sila nakapaloob. Unti-unti nang sumisikat ang araw.

"Huwag mo akong sisihin kapag napuruhan kita." asar na tugon nito.

"Ang daming daldal. Bading ka ba?" balik ni Rovi dito. Iyon lang ang kailangan niyang sabihin at umunay na ito ng suntok.

Mula sa fighting stance niya ay sinalag niya ng kaliwang braso ang suntok na nagmula sa kanang-kamao nito at sa isang iglap ay binigyan niya ito ng isang bira sa sikmura nito. Napagibik ito at napapaluhod na bumagsak sa buhanginan.

Nakita ni Rovi na halos pangapusan ito ng hininga sa ibinigay niyang jab sa upper abdomen nito. Mukhang napalakas yata masyado.Nangingiwing sabi niya sa isipan. Umubo-ubo pa si Bobby at nagpipilit na tumayo. Ah, mukhang kaya pa niya. 

"Tang-ina, ang sakit nun ah." galit na galit na sabi nito.

"Iyon lang, masakit na? Hindi pa nga bigay-todo yun eh." pang-aasar niya rito.

"Humanda ka! Ha!!!" sa nagagalit na ekspresyon ay sumugod ito sa kanya. Bobby charged to him with his might. Pulang-pula ang mukha nito sa galit.

As Bobby approached him, Rovi he spinned with his left foot clockwise and cupped the right wrist of his attacker with his left hand. Swiftly grabbing his wrist with a solid grip then twisted it while moving his left-foot anti-clockwise and knee-led down fast for a throw that caught Bobby for a surprise. Umaringking ito sa sakit ng pagkakapilipit ng kamay. Nakahiga ito sa buhangin habang ang kanyang kanang tuhod ay iniipit ang braso nitong karugtong ng pinipilipit niyang kamay.

"Aaaah! Gago ka, masakit yan!" sigaw nito sa kanya.

Hearing those words ay lalong umapaw ang inis niya rito. "Nakukuha mo pang magmura hayup ka ha." pang-iinis niya. Hindi ito makapalag. Naglalabasan ang ugat nito sa mukha at sentido. Tanda ng tinitiis na sakit. Pinagpapawisan na rin ito. 

"Tama na! Tama na! Aray!" namimilipit na sigaw nito.

Binitiwan niya ito saka gumulong palayo at mabilis na tumayo. Dumapa si Bobby habang hinihimas ang nasaktang kamay.

"Ayan lang naman ang kayang gawin sa iyo ng Miss na ito!" mayabang na askad niya rito.

"Hayup ka! Makakaganti rin ako sa'yo!" sigaw nito sa pagkakadapa nito.

"Huh! Nanginginig naman ako sa takot." saka siya humalakhak.

"Puta, binali mo yata ang kamay ko." naiinis na sabi nito. Mamasa-masa ang mata nito sa pinipigil na luha. Sabagay, kahit sino naman maluluha. Pero ang ikinagulat niya ay, kahit sobrang galit na nito. It only mae him more appealing. The more dangerous he looked, the more it excite him. Hala! Naloko na! Napansin niya iyon?

Napatitig tuloy siya sa nakahantad na pang-taas nito. He looked delectable with the sands all over his muscled stomach and perfect chest. Umakyat siguro ang lahat ng dugo niya sa ulo at sa isa pa niyang... ulo? His manhood stood up in attention easily from the visual stimulation in front of him. He swallowed a lump on his throat. Nanuyo yata ang lalamunan niya bigla dahil napakahirap lunukin ng laway niyang biglang naging maramot sa kanya. Marahas siyang tumalikod.

"Hoy! Saan ka pupunta?" sigaw nito.

Lumingon siya ng may pagtataka. Nakatayo na ito bagama't hawak pa rin ang nasaktang kamay. From there, he already gave him his respect. Malakas ito. Hindi basta mapapatumba. He just need training. And He could give him that.

"Bakit? Lalaban ka pa ba?" Rovi's face still passive.

"Oo naman. Anong akala mo, napatumba mo na ko? Di pa uy!" mayabang pa rin nitong sabi sa kanya. Again with that stupid grin on his face.

"Buburahin ko iyang ngiti mong iyan sa susunod na gagawin ko sa iyo. At hindi pa napapatumba? Last I checked, ikaw ang umaaringking sa sakit kanina habang nakadapa sa buhanginan." he retaliated with insult to his ego.

"Huh, sinuwerte ka lang. Mano-mano lang. Walang balian ng kung anu-ano. Sapakan lang. Tang-ina, may training ka lang Miss. Ako, labang-kalye lang alam ko." umaapoy sa galit na sabi nito sa kanya.

"Sure. Kung makakatama ka." panghahamon niya.

Muli sa isang imaginary na bilog ay umikot sila. Desperasyon at galit sa mga mata ni Bobby ang nakikita niya. Gusto niya itong inisin sa pamamagitan ng pagtawa rito at pagpapakita ng pagka-aliw pero minabuti niyang huwag ng dagdagan ang galit nito. Kapag galit ang tao ay dumodoble ang adrenaline nito at lalong lumalakas.

Sumuntok ito. Umiwas siya. Sunod-sunod na suntok ang pinakawalan nito habang iwas lang siya ng iwas. Papagurin niya na lang ito. "Tang-ina! Lumaban ka. Suntok!" galit na galit nitong sabi.

Sa isang suntok na mula sa kanang kamao nito ay sinalag niyang muli iyon. Sinadya niyang bagalan ang pagpwesto ng kanang kamay sa beywang at iminuwestra iyon para sa isang suntok. Nakita niya ang pagbaba ng tingin ni Bobby doon at alam niyang napaghandaan na nito iyon. 

Sinuntok niya ito at tulad ng inaasahan ay nasalag nito iyon. Ang hindi nga lang ito inaasahan ay ang sumunod niyang gagawin. Sa isang iglap. Ipinatama niya ang noo sa ilong nito. Isang perpektong head-butt. Ikinaduling niya ng bahagya iyon. Pero dahil sanay na ay madali niyangnabawi ang huwisyo.

Sa isang banda ay nawalan ng lakas ang mga kamay na nakakapit sa braso niya at unti-unting dumausdos ang katawan nito pababa. Duguan ang ilong nito. Knock-out. Napabuntong-hininga siya. Great! Napalakas yata. 

Sa mabilis na kilos ay binuhat niya ito at isinampa sa likod. Basic na sa kanya iyon. Kapag may napupuruhan silang kasamahan dati ay ang one-man rescua ang laging option nila para mabilis na makatakas. Tinungo niya ang bahay. Mataas na ang sikat ng araw. Hindi nila iyon namalayan.

Malapit na siya ng bumukas ang pinto at lumabas si Rick. "Anong nangyari diyan?"

"Pinatulog ko." kaswal na sabi niya.

"May bukol ka. Huwag mong sabihing..." 

"Oo. The Devil's Kiss. Ang paborito kong pampatulog ng kalaban." putol niya sa sasabihin nito.

"Walang-hiya ka, Pare. Pinatulan mo pa iyan, paano kung napuruhan iyan?" natatawang iling nito.

"Kung ikaw ang naka-sparring nito kanina, malamang tulog ito ng tatlong araw. Swerte siya. Mababa na ang dose oras niyang tulog sa inabot niya." sabi niya rito kahit ang totoo ay mahilo-hilo pa rin siyang konti, dagdagan pa ang dead-weight ni Bobby sa likuran niya. 

"O siya sige. Ipasok mo na iyan. Buti hindi pa bumabangon ang matanda." tukoy nito sa tiyahin ng binata.

"Sige." paalam na rin niya.

Pagdating sa looba y ini-akyat na niya agad ito at inihiga pagpasok ng kwarto. Kumuha siya ng basang bimpo at pinunasan ang ilong niotn duguan pa. Nang maampat niya ang pagdurugo ay binihisan niya ito. Puno kasi ng dugo ang polo nito. Malamang ang damit rin niya sa likod.

Pinunasan niya ang mabuhanging katawan nito. Grabeng torture iyon para sa kanya. Imagine, nagpupunas ka ng napakagandang katawan ng isang lalaking walang-malay? Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isip niya habang pinupunasan iyon. Natutukso siyang hawakan din ang umbok na iyon na tuksong nakahain sa harap niya.

Lord, tulungan mo ko please! Dasal niya sa isipan. Napansin niyang may mga buhangin din sa bandang tuhod paakyat sa hita nito. Napalunok siya ng husto ng madaiti na naman ang kamay niya sa balat nito. Nagmamadaling pinagpagan niya ang mga parteng iyon. Itinagilid din niya ang katawan nito para pagpagan ang likuran nito.

Pawis na pawis siya kahit nakatutok ang electric fan sa kanila na binuksan niya pagkalapag sa binata. Panay rin ang lunok niya.Kaunting tiis na lang! Sigaw ng isip niya. Nang matiyak niyang wala ng buhangin sa katawan nito ay nagmamadali siyang lumayo. Humakbang siyang paatras para pagmasdan ito.

Napaka-amo ng mukha nito. Malalantik na pilik-mata. Matangos na ilong na bahagyang namamaga at namumula dahil sa head-butt niya at mapupulang labi. Natural ang pagkapula. Napalunok na naman siya. Binatukan niya ang sarili para mawala ang agiw doon na tumatakip sa naturalesa niya.

Nagtagumpay na sana siya kung hindi lang kumilos ito at kumamot sa harapan. Napatulala siya. Ano ba? Parang ngayon ka lang nakakita ng lalaking nagkakamot ah? Virgin? Salakay na naman ng isipan niya.

Lapitan mo na, tulog naman eh. Dadamahin mo lang naman. Sabi naman ng pilyong isip niya. Nalilito na siya sa nararamdaman. Siguro, dahil na rin sa tagal na wala siyang ka-sex. Tinatalo siya ng libido niya. Sa huli, nanaig ang tukso. Lumapit siya sa kinahihigaan nito. 

He traced the contour of his angelic face equipped with a luscious lips. What a lethal combination indeed! Napapalunok niyang ibinaba ang mukha para dampian ito ng halik sa labi. Naramdaman niya ang payapang paghinga nito. Itinuloy niya ang pagbaba ng labi sa mga labi nito hanggang sa magdikit ang mga iyon.

Rovi was astounded by the kiss. Napapa-igtad na lumayo siya ng bahagya rito. It sent electrical waves down his spine and through his stomach and then to his aching loins. It was heaven. His lips are sweet. Ayaw niya ng dampi lang. His lips descended to Bobby's once again and claimed it gently. So gentle he left out a soft groan. Like a wounded wolf from a hunter's gunshot. 

He let the kiss deepened. Wala na sa isip ang pananamantala sa lalaking bumagsak sa head-butt. To his horror, when he tried to part Bobby's lips with his invasive tongue, the sleeping man's lips sucked it that he was momentarily at a loss for words. The meeting of their mouth sent him to another dimension. He was already oblivious to his surrounding when the realization of how this sleeping man could return his kisses with equal fire and intensity dawned on him. 

He abruptly ended the kiss and stared to Bobby. Ganoon pa rin ang paghinga nito. Payapa. Dahil sa mga training niya sa Task Force kaya alam niya kung tulog o nagtutulog-tulugan ang isang tao. And Bobby was not faking his sleep. He must have been dreaming kissing someone else. From that thought, Rovi felt a strong pang in his chest. Something akin to jealousy. Wait a minute? He uttered in his consciousness. I am not falling for this guy already, aren't I?

Flabbergasted, he stood up. Kailangan niyang makalayo rito. Hindi siya pwedeng ma-involved dito. Straight ito. Magiging kumplikado ang lahat. Nalilitong lumabas siya ng kwartong iyon ni Bobby without taking a second glance to the man who evoked feelings familiar to him. 

Not again. Not now. Not with Bobby! 

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...