Wednesday, February 19, 2014

LANCE NA LANG PARA POGI 4

By: Dalisay
Akda ni Jaime Sabado
Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

AKO: "Diyos ko naman ba't sila pa ang naglaban sa finals" sa isip ko

Tensyonado narin ang lahat, walang kaingay ingay, kalos pati langgam na dumadaan lng ay madidinig mo ang yapak..wahehehe

Makalipas ang ilang sandali ay tumayo na ang scorer at lumapit sa microphone.

SCORER: " The champion for this year's scidamath..............."

Di ko alam kung san ako kakampi..hehe pero mas matimbang yata sa akin kung school ko ang mananalo.wahehe

SCORER: " Asian High School!!!! congratulations"

Wala sa isip ko na napasigaw at napatalon ako sa tuwa. Pero bigla nalang naramdaman ko ulit ang isang matulis na bagay na parang sumasaksak sa likod ko, ng lingunin ko ay si Bugoy ulit at sobrang talas ang tingin sa akin. Muli ay namutla at napalunok ako ng matindi.

Nabigla naman ako ng mapansin kong papalapit si Cris at niyakap ako ng mahigpit.

CHRIS: "nanalo ako Landzzz.... and it's because nanjan ka at nakikita ko habang nasa floor ako"

Imbis na kiligin ay lalo akong nanlamig dahil sa ang pakiramdam na parang may sumasaksak sa akin kanina ay parang bumabaril na..... at ng tingnan ko ay si Bugoy talaga na ayaw alisin ang napaka talim na tingin sa amin.

AKO: "anu ba to.. wag moko tingnan ng ganyan please natatakot ako" sa isip ko


Napalitan naman agad ng kirot ang takot na nararamdaman ko ng lapitan ni Jessa si Bugoy at nagyakapan sila ng mahigpit at hinalikan nila ang isa't isa.

At iyon ang dahilan ng pagbabago ng mood ko buong araw. Kahit anung pilit ni Chris na sumama ako sa victory blowout sa bahay niya ay mas pinili kong sumabay na kay naynay pauwi ng bahay.

SA KOTSE............

NANAY: "baby? you problems?"

AKO: "actaully naynay PROBLEM lang naman po kasi isa lang naman" sabay buntung hininga.

NANAY: "oh sorry.. bakit baby? ok lng naman natalo ka ngayon kasi it's your first time"

Kahit di iyon ang dahilan ay napaiyak at hugugol ako at napayakap ng bigla sa naynay ko. Akala ko magiging ok na ko pag nakalipat na ko ng school pero andun parin pala ang sakit sa tuwing makikita ko sila.

NANAY: "Mang carding.. derecho muna tayo sa jollibee...tahan na baby ko"

Basta iyak lng ako ng iyak ng mga sandaling iyon at namayani naman sa naynay ko ang pagiging isang tahimik na ina para damayan ang anak. :)

Para akong paslit na nagpupunas ng luha sa mata ng pumasok na kami ni naynay sa jollibee.

NAYNAY: "baby hanap ka ng sit doon oh.. oorder lng si naynay ng peyborit natin."

Highschool na ko pero di parin talaga nagbabago ang bagay na nakapagpapagaan ng loob ko... ang jollibee..hehehe.. Naupo ako sa may gilid para makita ko ang tanawin sa labas na makakatulong sa malalim kong pag eemote.

GIRL: "excuse me?"

Napatingin ako sa babaeng kasing edad ko lng yata.

AKO: "Yes?"

GIRL: "I'm carol.. sa Our lady of refuge ako nag-aaral, sa Asian ka right? I heard it's a good school.. mag isa ka lang?"

AKO: "Lando here.. kasama ko mother ko" sabay ngiti ng mejo nahihiya

CAROL: "ah really.. cge can I get your digits nalang?"

Namangha ako sa gesture niyang iyon. Grabeh na talaga ang mga babae ngayon. Ayun at wala sa loob kong ibinigay ang number ko sa kanya.

CAROL: "thank you... bye.." sabay ngiti ng napakatamis.

Sa kabila ng matamis na ngiting iyon ay nabasa ko sa mga mata niya ang isang napakalalim na kalungkutan.

Ilang sandali pa ay dumating si naynay at ang chicken joy na kanina ko pang gusto madilaan este makain pala. :)

Pero hindi mapawi sa isip ko si carol. Iniisip ko kung anu ang misteryong bumabalot sa kalungkutan niya. Parang may urge sa dibdib ko na malaman iyon at pawiin iyon.

Pagkatapos namin kumain ay dumaan muna kami sa mall, pagkatapos ay umuwi na kami. derecho ako sa kwarto ko at binagsak ko ang katawan ko sa kama. Nakatulugan ko na ang ganoong posisyon at pagkagising ko ay umaga na pala. Grabeh pala haba ng tulog ko.

Martes noon, walang pasok kasi holiday. Napagpasyahan kong maligo sa tabing ilog pero di ko na nagawa iyon dahil sa tawag na natanggap ko.

CHRIS: "hello landz.. sunduin kita jan, punta ka dito sa bahay..bye"

Wala na kong chance na sagutin pa ang sinabi niyang iyon kaya naligo at nagbihis ako agad agad. Ilang sandali pa ay dumating si CHRIS at sinundo ako sa bahay.

CHRIS: "I'm sure matutuwa ka sa surprise ko landz..." sabay yakap sa akin ng mahigpit

AKO: "toinks! birthday ko ba ngayon?wahehehe"

CHRIS: "adik.. syempre mahalaga kana sa akin kaya dapat lang talaga na isama kita"

AKO: "hehehe cge... anu kaya yun? pagkain ba?"

CHRIS: "secret" sabay pisil sa ilong ko

Pagdating namin sa bahay nila chris ay dinerecho niya ko sa garden nila.. Nahiya ako ng sobra dahil nandun ang pamilya niya. Ipinakilala niya ko sa buong pamilya nila at sinamaha ako ni Chris na kumuha ng pagkain sa buffet. 

CHRIS: "ito masarap to" sabay subo sakin at pinanakagat sakin yung shanghai.

AKO: "Ah oo nga masarap" nahihiya kong sagot

Bumalik kami sa table nila at nagsimula na kaming kumain at tinatanong nila ako ng kung anu anu lang.

"HI!!!! sorry I'm late"

CHRIS: "Mimi... oo nga late ka talaga" sabay beso

AKO: "wow naman ganda ganda ng babaeng to" sa isip ko

CHRIS: "ah nga pala mimi.. meet my bestest bestest freind.. Lando.. siya lagi nakkwento ko sayo"

MIMI: "hi" sabay ngiti

Grabe talaga ang ganda ng babaeing nasa harap ko ngayon.

CHRIS: "haha Landz, natulala ka ata... by the way she's mimi my girlfriend, ganda niya diba?"

Bomba..........oo bombang sumabog sa utak at dibdib ko ang mga katagang iyon. Hindi ko man alam kung bakit pero sobrang sakit din ng naramdaman ko. Sa napakabata kong edad at sa napakabata kong puso ay naranasan ko na agad masaktan ng dobladas.

AKO: "ah..eh.. kaya naman pala maganda kasi nobya mo" wala sa loob kong sabi

Buong oras ng salo salong iyon ay wala akong ibang gustong gawin kundi ang umuwi na lamang at magpahinga sa bahay. Napakasweet din ksai nila ni mimi. Per paminsan minsan ay lalapit si chris para eentertain ako at bawat lapit niya ay pinipisil ang ilong ko.

Natapos ang tagpong iyon. Tumawag ako kay naynay kaya sinundo nila ako.Ayoko ko kasi makasama sa kotse si Chris at mimi. Parang ganun din kasi ang mararamdaman ko yung kay Bugoy at Jessa.

AKO: "tol, dito na si naynay.. una na ko ah? iapagpaalam mo nalang din ako kay mimi at sa family mo, nakakahiya aksing abalahin ang usapan nila"

CHRIS: "ok cge Landz.. ah.... landz.."

AKO : "anu yun tol?"

CHRIS: "can i hug you?" nahihiya niyang sabi

AKO: "ah..kasi..anu"

CHRIS: "please"

AKO: "ah cge"

At niyakap ako ni Chris. Habang yakap niya ako ay parang maiiyak naman ako kaya nauna akong bumitiw at tumalikod na at patakbong tinungo ang kotse namin.

SA KOTSE......................................

Malungkot ako habang nasa biyahe, di ko naman magawang umiyak kasi nakakahiya kay mang carding.

MANG CARDING: "oh iho, mukha atang may problema tayo ah?"

AKO: "Oo nga po eh... masama po nito eh bata pa ko para sa ganitong problema" sabay buntong hininga.

MANG CARDING: "haha.. pag-ibig ba lando?... Huwag mo muna masyadong seryosohin iyan kasi bata kapa. Magsaya ka muna, wag mo sayangin ang panahon mo para jan"

Tama si Mang Carding. Bata pa ko kaya eeenjoy ko muna buhay ko, sana... Madali kasing sabihin ang mga bagay na iyon pero mahirap gawin lalo na't nasa sitwasyon kana.

nakadungaw lng ako sa bitana ng kotse ng makita ko sa parke ang isang pamilyar na tao, nakaupo sa bermuda grass at nakahawak ng mga bulaklak na animoy nilalaro niya ang mga ito.

AKO: "Si jollibee girl yun ah.. carol ba yun name niya?" sa isip ko.

Agad kong ipinatigil kay mang carding ang sasakyan at patakbo akong lumapit sa kanya.

AKO: "Hi!"

CAROL: "Hi!... namamasyal ka din ba?"

AKO: "hindi.. pauwi na ako actually ng makita kita, mejo nakilala kita kaya lumapit na ko"

CAROL: "ah ganun ba?, gusto mo samahan mo muna ako dito?"

AKO: "cge.. uupo ako sa tabi mo ah?.. wow!!! ang gaganda naman ng mga bulaklak na yan?"

CAROL: "pinadala sakin ni papa to, lagi kasi siya nasa work eh"

AKO: "Ah ganun ba.. si taytay ko nga walang work eh..hehehe lagi nasa bahay kinakausap mga manok niya"

Natawa naman si carol sa sinabi kong iyon.

AKO: "Pero paminsan minsan siyang pumupunta sa city para maningil ng paupahan namin doon."

CAROL: "may ginagawa naman pala si daddy mo eh..hehehe.. lika Lando"

Hinawakan ni carol ang kamay ko at patakbo akong hinila papunta sa direction ng isang itim na van.

AKO: "huh? san tayo pupunta?"

CAROL: "Sa bahay, may papakita ako sayo.."

Dahil nga sa mala anghel niyang ngiti ay di ako nag dalawang isip na sumakay sa Van at tinext ko nalang si mang carding na sundan kami. Nabigla ako ng makita ko ang bahay nila carol. Dito pala siya nakatira malapit lng sa amin. Jan pala siya nakatira sa malaking bahay na parang walang tao sa laki.

AKO: "Wow dito ka lng pala nakatira? tatlong bahay lang pagitan natin ah? ba't di kita nakikita?"

CAROL: "Di kasi ako maxadong lumalabas, jan lang ako sa torch naka tayo lagi para tingnan ang kapaligiran"

Pumasok na kami sa gate. Napakaganda sa loob at pang mayaman sobra ang landscape ng garden nila. Pagpasok namin sa bahay nila ay parang palasyo sa ganda ng mga mwebles.

AKO: "nakakahiya naman.. nandito ba mama mo kasi sabi mo nasa work si papa mo eh"

CAROL: "ah wala na si mama" sabay ngiti ngunit bakas ang pait dito

AKO: "I'm sorry" sabay yoko

CAROL: "wala yun.. tara dun tayo sa taas.. nanay meding padala po ng snack sa taas, thank you nanay meding i love you"

MEDING: "opo mahal naming prensesa" sabay ngiti, ngumit may lungkot din akong nababasa sa mga mata nito.

Pumasok kami sa isa sa mga pinto sa taas ng bahay nila, laking gulat ko ng makita ko ang napakaraming laruang pambabae at panlalaki sa silid na iyon.

AKO: "wow andaming laruan ah... sayang nga lang at binata na ko" sabay pa cute

CAROL: "ay ang cute nga" sabay pisil sa magkabila kong pisngi.

Natuwa naman akong makita siyang napapasay ko ng ganun, alam ko at ramdam kong malungkot siya.

Napakadami naming napagkwentuhan at mga ginawa ni carol. Masaya siyang kausap, mahinhin ang boses niya, pati tawa niya ay mahinhin din. Binasahan niya ko ng isa sa mga tulang ginawa niya. maganda iyon. Pabiro ko din siyang hinamong kumanta, di ko akalaing kakanta siya ng isa pa sa mga paborito kong patugtugin ng malakas sa bahay.

(FIRST LOVE by utada hikaru english version)(try niyo) :)

CAROL: 

You will always gonna be the one
And you should know
How I wish I could have never let you go
Come into my life again
Oh, don't say no
You will always gonna be the one in my life
So true, I believe i can never find
Somebody like you
my first love 

AKO: "wow.. ganda ng boses mo carol, lamig"

CAROL: "Thank you" sabay ngiti

Tinitigan ko siya ng maigi, pumasok bigla sa isip ko na dapat palaging masaya ang anghel na kasing ganda niya.

CAROL: "wala na pala tayong snack.. wait kukuha lang ako ah?"

Bumaba si Carol at aniwan naman ako sa sili mag isa. Tiningnan ko ulit ang palibot noon at mejo nilakad lakad, maluwag kasi iyon. Napansin ko ang isang pinto na kulay pink at may smiling nakasabit dito. 

Lumingon muna ko sandali para pakiramdaman kong papasok na si carol, ayun at binuksan ko ang pinto. Madilim kaya naghanap ako ng switch ng ilaw sa gilid.. Swerte at mayroon nga.

Nagulat ako sa nakita ko. Isang maliit na kwarto na punong puno ng litrato sa ding ding. Mga litrato ng isang babaeng kasing ganda niya at kamukha, iba dito ay buntis siya ang iba naman sa larawan ay may kasama siyang baby, sa iba naman ay munting batang babae, napagtanto kong mommy iyon ni CAROL. Patuloy kong pinagmasdan ang mga iyon, ngunit ng lingunin ko sa gawing kanan ko ay laking gulat kong mga larawan ko ang naroon. Andun ang picture habang nasa taas kami ni bugoy ng puno ng bayabas, habang naliligo sa ilog, pati simpleng paglalakad ko ay may litrato siya. Di ko ala kong matatawa ako nung makita ko ang picture na bumibili ako ng sorbetes na nakashorts lang ako at walang damit pang itaas.. Elementary pa ata ako noon..hehehe

AKO: "anu to? bakit kaya meron siya nito?" labis akong nagtaka.

(RING NG PHONE KO)..............................

Dali dali akong lumabas sa silid na iyon at pinatay ang ilaw para sagutin ong sino ang tumtawag sa akin.

AKO: "si chris?" sa isip ko

Nagtataka kong sinagot ang phone ko.

AKO: "Hello? anu satin tol?"

CHRIS: "hello Landz, check ko lang if nasa bahay kana, anu ginagawa mo?"

AKO: "ah tol, wala pa ko sa bahay.. andito ako sa bahay ng isang bagong kaibigan"

CHRIS: "saan? sino?... ba't wala kang nabanggit sakin?" may diin ang bawat kataga

AKO: "ah eh, biglaan lng kasi Chris eh, nakita ko lng siya sa park tapos yun naimbitahan na ko, nagkakilala kami kahapon sa jollibee"

CHRIS: "kahapon? sumama ka agad? akala ko dederecho kna pauwi kahapon, may lakad ka pala ng di ko alam, iniinvyt kita sa victory party pero di ka umattend"

AKO: "sorry naman po.. ah tol mamaya nalang ah pag uwi ko ng bahay"

Sabay off ng cp ko.. Mejo nairita kasi ako, naalala ko kasi bigla na may girlfriend siya. 

AKO: "Ba't di ka dun sa girlfriend mo tumawag" singhal ko sa cp ko..wahehehe

AKO: "parehas lang kayo ni Bugoy eh" sa isip ko

Ilang sandali pa ay dumating na si carol na may dalang snacks..

CAROL: "sorry mejo natagalan ako"

AKO: "ok lng po..Wow!!!!!!! malalaking hotdog!"

Carol: "paborito ko kasi to, nakaktuwa naman naging reaction mo" 

AKO: "Ako din kasi" sabay lapit at kuha ng isang hotdog.

Naaliw naman ako ulit sa pkikipag usap kay carol. Hindi ko napansin ang Oras at inabot na pala ako ng 6pm. Kaya nagdesisyon na kong magpaalam.

AKO: "Ah carol...mejo madilim na magpapaalam na ko"

Mejo nabasa ko ang biglang lungkot na gumuhit sa mukha niya.

AKO: "ah eh kung gusto mo babalik ako sa sabado" tarantang pagbawi ko sa kalungkutan niya.

Bigla namang nagliwanag ang mukha niya at anlaki ng ngiti.

CAROL: "talaga? cge maghahanda ako.."

Gumaan naman ang loob ko na iwanan siyang may ngiti sa labi. Hinatid ako ng yaya niya papunta sa gate at nandun si mang carding na naghihintay sa akin.

 AKO: "salamat po nanay meding ah?"

NANAY MEDING: "ah ako dapat magpasalamat sa iyo iho.. ngayon ko lang nakitang sumaya siya ulit ng ganun.. naway manatili siyang ganun kasaya"

Napansin ko ang mga luhang pumatak sa mga mata ni nanay meding. Kaya inialok ko ang aking panyo.

AKO: "nanay meding gamitin niyo po to" sabay abot ng panyo

NANAY MEDING: " basta iho.. nakikiusap ako.. panatilihin mo siyang ganyan kasaya hanggang..........."

At napahagulgol na si nanay meding. wala akong nakuha sa mensahe niyang iyon, ang alam ko lng is gusto niyang pasayahin ko si Carol.

AKO: "pangako po... " sabay ngiti

Nagpaalam na ko kay nanay meding at patakbo kong tinungo ang kotse at umuwi na.. Malapit lng naman kami kaya agad naman akong nakauwi sa bahay. Di ko alam kung matutuwa ako sa bago kong kaibigan o malulungkot ako dahil sa reactiong iyon ni nanay meding.

Pagpasok ko ng bahay ay laking gulat ko kung sino ang naroroon sa sala. Si Chris.... Sana nga si Chris lng pero kasama niya si mimi.

Mimi: "Hi!... sinama ako ni chris.. kanina pa kasi na nagpipilit na puntahan ka daw namin"

Chris: "tagal ng bonding niyo ni new frend mo ah" sabay bitiw ng mapait na ngiti

AKO: "ah sorry napasarap lng ang kwentuhan" sabay kamot sa ulo

NANAY: "oh may lovable baby anjan kana pala kanina ka pa hinihintay ng frendzzz mo, tara lets.. dinner na kayo dito sa dining hall"

AKO: "naynay dining area ho... ang dining hall po malaki ata yun..hehe"

NAYNAY: "parehas na din yun baby ko" sabay pamaypay. anyways RED po ang color of the day ni naynay today.hehe

AKO: "tara mimi chris kain na tayo"

Sabay sabay naming tinungo ang lamesa at kumain na. Pinagsisilbihan ni Chris si Mimi habang kumakain kami at dahil dun ay nawalan ako ng gana kumain. Gusto ko magalit sa diyos. Lahat nalang kasi may girlfriend. Panu naman ako. Mukhang masasanay ata akong dinadaanan lang ng mga tao sa buhay ko.

Sweet na sweet naman si mimi kay chris. Pilit kong tinago ang discomfort na nararamdaman ko.

NANAY: "baby love, bakit kunti lng ata kain mo ngayon?"

KUYA: "nahihiya sa bisita yan naynay.. ayaw ipakita ang halimaw style na pagkain niya" sabay ngiti ng nang aasar.

AKO: "hindi ah! kumain kasi kami ni carol ng malalaking hotdog sa bahay nila, dami ko nga naubos eh tska nga pala naynay jan siya nakatira sa malaking bahay na parang palasyo, dun kami sa kwarto niya nagbonding, masaya siya kasama" sabay ngit kay naynay

CHRIS: "sweet niyo naman" 

napatingin ako kay chris. ngingiti na sana ako sa kanya pero matalim na tingin ang ibinato niya sa akin. Di ko na pinansin iyon. 

AKO: "makasarili din to gaya ni bugoy, gusto sila lang ang masaya. Tapos ako ang nasasaktan" sa isip ko sabay tingin sa kanila ni mimi

Hindi ako nagpadala sa tingin na iyon at mas sinadya ko pang magkwento ng magkwento tungkol kay carol. Inaasahan ko ng madaming beses ako tinapunan ni Chris ng masamang tingin.

After ng dinner ay mejo nagrelax kami ng kunti at nagpaalam na si chris at mimi para umuwi. Papalapit na si chris sakin para yumakap siguro, pero inunahan ko na siya ng kaway at tapik sa balikat bilang pag iwas..

Sa kwarto................................

 Nagbihis na ko at nahiga sa kama. Tiningnan ko ulit cp ko, nabasa ko napakadaming text mula kay chris nagtatanong kung asan na ko at bakit antagal ko. Pero higit na nakabigla sa akin ang text ni bugoy.

BUGOY: " Pinagpalit mo na ba ako sa Chris na yun ha?!!! tapos kanina Sino kasama mo sa park? ba't hawak niya kamay mo? san kayo pumunta?.. ba't ganyan kana lando?!!"

Nangilid ang luha ko sa mga mata ko at tulluyan ng umiyak.

AKO: "pareparehas kayo.. ganda ng pakikisama niyo sakin pag nag iisa o pag wala kayong choice. Sana pang magkaibigang kilos o trato lng pinaramdam niyo sa akin para di ako nasasaktan ng ganito pag nakikita ko kayong ksama ang mga mahal niyo" sabay punas sa luha

AKO: "adik na puso toh.. dalawa ang pinagseselosan" sabay iyak..

Muling tumunog ang phone ko, ng tingnan ko ay si chris. 

AKO: "hello?"

Chris: "wait moko babalik ako, jan ako mag oovernyt kukunin ko lng stuffs ko sa bahay, give me 30 minutes jan na ko" sabay patay ng cp

Kumatok naman si naynay sa pinto........................

NAYNAY: "baby love.. andito si bugoy hinihintay ka sa sala.. baba kana ah? 

dali akong bumaba sa sala at naabutan ko si bugoy dun.

AKO: "anu atin bogzz"

BUGOY: "talagang BOGZ nalang tawag mo sakin huh. Dinalaw kapa ng Chris na yan kanina" mahina niyang sabi pero halata ang galit sa mukha niya.

AKO: "kaibigan ko siya kaya di masamang dumalaw siya. Nga pla ipagpapaalam ko na po na dito siya matutulog tonight baka kasi magalit ka na naman pag makita mo siya mamaya"

Nagdilim ang mukha niya at yumuko.........

BUGOY: "dito ako matutulog" matigas niyang pahayag..............
  
ITUTULOY.....................

3 comments:

  1. Ang ganda naman po ng story nyo :) sana po ma-update mo na kasi nakakabitin eh. hehehe. Anyway, two thumbs up ka po sa akin :))

    ReplyDelete
  2. naks hhahaha kakatuwa san na next chapter?

    ReplyDelete
  3. Ganda nito. Sarap basahin habang nakahiga. Hehehe...

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...