By: Dalisay
Part 3: Rafael Iñigo
“Again from the TTTTOOPPPP!!!” Sigaw nya. Halos mapatid ang litid nya sa pag sigaw. “Ilang beses bang kailangang ulitin yan?! Simpleng toss lang di nyo pa maayos?! Ilang taon na kayong member ng squad, di nyo pa rin makuha ng tama yan!!
Lahat ay naka yuko. Lalo nag ang 4 na members na nagkamali sa toss nila. Hingal kabayo ang lahat. Walang umiimik. Walang nag tataas ng ulo.
Tuloy pa rin sya sa pag sesermon sa apat. Halos kainin nya ng buo ang mga ito sa sobrang galit nya.
Siya si Rafael Iñigo Cruz. Team Captain and Head coach of DSU Black Condor Pep Squad. 4th year Communication Arts students. Pero ito na ang ikalima at huling taon nya sa Domiquez State University. Nahuli sya ng pag graduate dahil na rin sa pag pe Pep Squad. Nasa High School sya ng mahalin nya ang sports na ito. Dahil na rin sa huyas nya at pag pupursigi ay nakuha nya ang kanyang posisyon nung 3rd year sya kay di sya nakatapos sa takdang panahon. Walang kaso sa kanya dahil na rin s full scholarship at allowance na nakukuha nya mula sa University.
Huling taon na nya. Huling pagkakataon para masungkit ang pinakaka asam na pangarap. Ang makuha ang Championship trophy na matagal ng pinakaka asam. Ilang taon rin nila itong tinangkang makuha. Mula nung 1st year sya ay pinukpok na nila na makuha ito, ngunit sadyang mailap ito sa kanila. Tatlong sunod sunod na taon silang 2nd placer. Ang pinaka mahigpit nilang kalaban.. Mariano Guzman University. Di talaga maikakaila na malupit ang Pep Squad nila. Ilang international cheering competition na rin ang naipanalo ng Mariano Guzman University.
Eto ang pangarap ni Rafael. Bago man lang sya umalis sa school nila ay may maiiwan naman sya na legacy sa kanilang pep squad na hindi naibigay ng mga naunang Head Coach at Team Captain. Kaya ganun na lang ang pagpupursigi nya na ma perfect ang kanilang routine. Isang buwan na lang at Elimination na. After that 3 weeks for the Finals. Kaya nais nyang maging maayos lahat bago sila sumabak sa labanan.
“Hindi tayo titigil hangga’t di natin na pe perfect lahat ng dance steps at stunts natin.” 1 month na lang at Elimination na. Di na basta basta ang mga kalaban natin. Lahat sila nag improve na. Kaya sure ako na pukpukan na ang laban sa elimination pa lang” tuloy tuloy nyang sabi.
Sa totoo lang, mabait na tao si Rafael. Sa edad nya 25 ay sya na ang kuya di lamang sa mga classmates nya pati na rin sa mga ka Team mates nya. Maihahanay na rin sya sa mga campus crushes dahil sa pisikal nitong katangian. He stands 6’0, toned and lean body, Moreno sya na nakuha nya sa kanyang Ama. Ang tawag nga sa kanya ay Derek Ramsey ng Comm. Arts Dept at DSU. Maraming babae at bading ang naghahabol sa kanya. Pero ang puso nya para lamang sa isang tao. Si Darwin. Ang taong pinaka mamahal nya.
Pero hanggang doon lang yun. Dahil hindi pwede maging sila. Si Darwin ang best friend nya simula pa nung High School. Alam ni Darwin ang nararamdaman nya para dito pero bago pa man mangyari ang di dapat mangyari ay pinag usapan na nila ang tungkol dito. Tinanggap ni Rafael ito kahit masakit at nakuntento na lang sya sa pagiging mag best friend nila. Wala namang nagbago sa kanilang pagkakaibigan, at di na rin nila muli pang pinag usapan ang tungkol sa bagay na un. Pero lihim pa ring minamahal ni Rafael si Darwin. Para sa kanya, walang ibang tao ang magpapa tibok ng puso nya katulad ng pagmamahal nya kay Darwin.
Tuloy pa rin ang rehearsal. 6 minutes routine. Hataw ang sayaw. Pyramids, stunts at tosses. Back flip dito. Front walk doon. Yan ang routine nila. Kailangang makipag sabayan sa stunts ng ibang school. Lalo na sa Mariano Guzman. Hindi na nila pa palalagpasin ang pagkakataon na ito. Kitang kita sa mga dancers ang determinsyon at pagka gusto na makuha ang inaasam na tropeyo. Maging si Rafael ay hataw na hataw sa pag sasayaw. Nang matapos ang huling toss natapos ang routine nila ng isang 3 level pyramid. Almost perfect na ang routine. Konting polish na lang.
“Good job guys!!” sigaw nya habang hinihingal pa. “Konting polish pa and we’re all set.” Sabay sabay na nag palakpakan ang lahat ng members ng squad. Konting bilin pa habang lahat ay naka upo ang lahat sa sahig ng gymnasium.
“Practice on Saturday, whole day tayo so magpa alam na kayo sa mga dapat pagpa alaman, Okay?” si Rafael ulet.
YES KUYA RAF!!! Sabay sabay na sigaw nila.
Pagka tapos makapag bihis at mag ayos ng gamit lumubas na ng gym si Rafael. Habang nag lalakad ay napansin nya ang isang pamilyar na tao. Napangiti sya ng ma kompirma kung sino ito.
“Ganda ng routine nyo ah. Pang champion na talaga.” Si Darwin habang sinasalubong nya si Rafael. “Salamat. Teka, bakit nandito ka pa? past 10pm na ah. Di ka ba hahanapin sa bahay nyo?” sunod sunod na tanong ni Rafael.
“Nag paalam ako sa bahay to congratulate you in advance” si Darwin habang naka ngiti sa kanya. “If you guys don’t win the championship this year. Ewan ko na lang” sunod na sabi nito.
“Don’t jinx me, baka di matuloy at elimination pa lang ligwak na kami” si Rafael. Nagtawanan silang dalawa. “Tara na nga, hatid na kita sa inyo. Si Darwin. Sumunod naman si Rafael.
Mga 10 minutes ding nag drive si Darwin gamit ang kayang Toyota Camry. Walang imikan habang nasa byahe sila. Pero lihim na kinikilig si Rafael. Mahal nya pa rin ang best friend nya, un ang nasabi nya sa kanyang sarili. Nang makarating na sila sa bahay ni Rafael ay inaya nya itong pumasok sa bahay ngunit tumanggi si Darwin. Nag paalaman ang dalawa. Tuluyang umalis si Darwin habang si Rafael ay hinatid sya ng tanaw. Pumasok si Rafael sa loob ng bahay diretso sa kanyang kwarto. Matapos maka pag shower ay nahiga sya sa kama. Kinuha nya ang kanyang cellphone at nag text.
Salamat sa pag hatid sa akin. See you tomorrow, best.
Pagka sent ng message nya at napapikit na si Rafael. Dala na rin ng pagod sa school at practice ay tuluyan na syang naka tulog.
Ilang linggo na lang at Elimination na. Handang handa na ang lahat para kay Rafael. Handa na syang kunin ang pinakaka asam na kampyonato.
Ngunit hindi pala ito magiging madali para sa kanya.
Anu ang magiging papel ni Aki at Austin sa buhay ni Rafael?
Part 4: Ang Pagtatagpo
Friday na at huling araw ng klase for the students of College of Education. Walang klase tuwing Saturday aside sa mga may NSTP or ROTC. Patapos na rin huling klase nila.
“Class, next week will be having a group reporting and since there’s 24 of you. I’ll be dividing you in a group of 2. I’ll be announcing the groupings next meeting then we’re going to start the reporting the following meeting the grouping has been announced.” Pag papa alala ng kanilang professor.
“Sana sya maka partner ko” kilig na sabi ng babaeng estudyante sa likuran ni Austin. “Sino naman un? Tanong ng bading na animo’y lalaban sa beauty pageant sa kapal ng make up. “Si Aki, sino pa ba?” sabi ng babaeng kilig na kilig sa pagkaka sabi ng pangalan ni Aki. Biglang napalingon si Austin nang banggitin nila ang pangalan ni Aki. Nagulat naman sila sa pag lingon ni Austin sa kanila.
“Hi, Austin. Gusto mo tayo na lang magka partner?” sabi ng bading sa kanya. “Okay lang sa akin. Kung ikaw ang mapipili ni Sir na ka partner ko.” Sabay tawang sagot ni Austin. Mukhang kinilig naman ang bading sa sinabi niya. Ibinalik ni Austin ang tingin nya sa harapan ng klase. Tuloy pa rin sa pag e explain ang kanilang professor tungkol sa reporting at groupings. Biglang sumagi sa kanyang isip ang sinabi ng babae nyang classmate. Dapat si Aki maging ka partner nya sa reporting. Isang linggo na nyang minamatyagan ito ngunit wala syang lakas ng loob para magpakilala or makipag usap dito. Na totorpe sya in short. Bigla syang nag taas ng kamay bilang tanda na may nais syang itanong sa kanilang professor.
“Yes, Mr. Hernandez?’ agad na pansin sa kanya. “Sir, I would like to ask if we can choose our partner or you’re the only one who’ll choose it for us. Tuloy tuloy nyang tanong. “Well, if you want to choose your partner, I can let you do that provided that you have to impress me on your report. Because the meer fact that you choose that person it simply means that you have a good chemistry or good connection. In that way, you can come up with a good presentation”. Sagot sa kanya ng professor nya.
“I guess that wont be a problem, sir. We'll give you a good presentation.” Si Austin naman.
“Is that okay with you class?” ang professor nila.
Yes, sir! Sabay sabay nilang sagot.
Lihim na napa ngiti si Austin. Sa wakas makakaroon na sya ng rason para makasama at maka usap si Aki. Bumilis ang tibok ng kanyang dibdib. Halong excitement at kaba ang nararamdaman nya.
“Okay Mr.Hernandez, since you’re the one who suggested it. Mauna ka ng pumili ng partner mo.” Ang kanilang professor.
“Ako na lang piliin mo, papa Austin!” sigaw ng isang babae nilang kaklase. Nagtawanan naman ang iba. Pati sya ay natawa ng bahagya. He cleared his throat and stood up from his chair. “I choose Mr. Aki Uy as my partner” si Austin. Pagka sabi nya nito ay bigla nyang nadama ang pag init ng kanyang mukha. Pakiramdam nya ang kulay pula ito. He composed himself, he didn’t mind all the giggling among his classmate. He remained standing.. waitng for Aki’s reply.
“Mr. Uy, Mr. Hernandez wants you to be your partner for our reporting.” pag tawag ng pansin ng kanilang professor kay Aki.
Nabigla si Aki sa narinig. Hindi sya agad naka sagot dahil na rin sa impit na hiyawan ng mga kaklase. Tila nabingi at na pipi sya. Di nya alam kung ano magiging reaksyon nya.
“Ah..eh… Sure. No problem.” Si Aki sabay yuko nya. Hindi nya alam kung bakit ganun ang nararamdaman nya. Pero di na nya ito initindi pa. Kahit sino naman ay pwede nyang maka pareha sa reporting. Hindi sya mahirap pakisamahan. Hindi rin sya mapili sa mga taong makaka sama nya.
“Ang swerte naman nila sa isa’t- isa.” Sabi ng isang nilang kaklase.
“Ako na lang sana naka partner ni Aki.” Sabi naman ng isa pa nilang bading na kaklase.
Tawanan at kulitan ang mga huling minuto ng klase. Natapos na rin pumili ng ka partner ang iba pang estudyante. Pagka tapos ng ilang minuto ay na dismiss na rin ang klase.
Habang nag aayos ng gamit si Aki ay panay ang tingin sa kanya ni Austin. Balak nya itong sabayan pauwi or kung saan man ito pumunta. Bahala na usal ni Austin sa sarili. Tumayo si Aki at aktong palabas na sa classroom ng tawagin sya ni Austin.
“Hey, Aki. You got a minute?” habol nya kay Aki. “Ah..eh.. bakit?” pautal na sagot ni Aki. “I just wanna ask kung okay lang ban a pinili kita as my partner?” si Austin. “Ah, yun ba, oo naman. Actually I was not expecting it but anyways, thanks.” Si Aki.
Dun napansin ni Aki ang angking ka gwapuhan ng kaharap. Nung una ay di nya ito pinapansin. Ilang linggo nya na rin itong kaklase at nakaka salubong sa loob ng campus pero ngayon nya na appreciate ito. Very manly ang itsura. Ang sarap pakinggan ng speaking voice nya. Di nakaka sawang titigan ang mukha nya.
“is everything okay? Natulala ka na dyan” takang tanong ni Austin. Biglang natauhan si Aki. Di nya napansin na matagal na pala syang naka titig dito. Biglang binawi ni Aki ang kanyang tingin, naramdaman nya ang biglang pag init ng kanyang mukha. Anu ba itong nararamdaman nya? Bakit ganito?
“Ah eh..wala naman, pasensya ka na. Ma..may naalala lang kasi ako..” si Aki na ngayon ay pulang pula na.
“Ah okay.. ahmm, Aki pwede bang maki sabay sa’yo pauwi? Kung okay lang sa’yo” si Austin. “Ha?! Ah..eh… anu kasi eh.. ahmm..” si Aki na di malaman ang isasagot sa tanong ng kaharap.
“Ah sige, di bale na lang. Mukhang may pupuntahan ka pa ata. Sensya na sa abala. Sige, una na ako. Kita na lang tayo sa Monday” si Austin na bakas sa mukha ang pagka dismaya. Gustong gusto nyang maka sabay si Aki kahit palabas lang ng gate ng campus nila. Pero mukhang imposible.. mali ata ang timing nya. Napansin naman ni Aki ang pagbabago ng mood ni Austin. Na guilty sya sa nakitang pagka lungkot sa mga mata nito. Napansin nya na lang na naka layo na sa kanya si Austin pababa sa 1st floor ng building kung saan sila nag ka klase. Di na nagawang pigilan pa ni Aki si Austin. Nakaramdam sya ng guilt sa di pag payag sa pag sabay nito pauwi sa kanya.
“Kasi naman, Aki.. sasabay lang yung tao, ayaw mo pa” usal nya sa sarili. Isang buntong huninga ang kanyang pinakawalan saka naglakad pababa sa 1st floor. Iniisip nya pa rin ang reaksyon ni Austin sa ginawa nya dito. Iniisip nya na baka magtampo or magalit ito sa kanya. “Bakit ba nya kasi ako natanong ng ganun? Nakaka gulat kasi. Don’t tell me, katulad ko din sya or pinag ti tripan nya lang ako” kinakausap nya ang sarili habang nag lalakad. Nasa kalagitnaan sya ng pag iisip ng bigla tumilapon ang kanyang katawan kasabay ng mga gamit na hawak nya. Parang humiwalay ang kanyang kaluluwa sa lakas ng pagkaka bangga sa kanya. Nakita nya na lng ang sarili na naka upo sa walkway papuntang gym. Nagkalat ang gamit nya.
“Naku, sorry!! Pasensya kana. Okay ka lang ba? Gusto mo dalhin kita sa clinic? Sunod sunod na sabi ng taong nakabangga sa kanya. Tila wala pa rin sya sa sarili. Nakatitig lang sya dito. Pakiramdam nya nasa Ancient Greek era sya. Kaharap nya ang isang mala Adonis na lalaki. Tall, dark and handsome ika nga nila. Ipinikit nya ang kanyang mga mata at sa pag mulat nya ay naka luhod na ito malapit sa kanya.
“Hey, are you okay? Am soo sorry about that” and lalaki ulit. “Yeah am okay. I guess..” si Aki. “Pasensya ka na talaga. Eto mga gamit mo. Di ko talaga sinasadya” ang lalaki sabay abot sa kanya ng mga gamit nya. “Naku, wala yun. Di rin kasi ako naka tingin sa dinadaanan ko. Okay na ako. Pasensya rin sa abala.” Si Aki habang patayo. Sandali nyang pinagpag ang kanyang uniform na puro alikabok. Sabay baling ng tingin sa naka bangga sa kanya. Ngumiti it okay Aki sabya sabing “am glad you’re okay.”
Tila para syang bakal na hinihigit palapit sa isang magnet. The guy in front of him is so commanding. Even in his simple way of saying “SORRY” is enough make him mesmerized. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso nya. Tila huminto ng sandali ang mundo nya. Parang walang tao. Sila lang dalawa. Tanging tibok lamang ng puso nya ang narirnig nya. Ngunit bumalik sya sa reyalidad ng mahina syang tapikin nito sa balikat.
“Bro, sorry ulet ah. Sige una na ako. If you feel something or if you’re in pain. Puntahan mo ako sa gym. Andun lang ako. Okay?” sabi nito sa kanya.
“Ah..eh.. sige. Sure. Okay na naman ako eh.” si Aki habang naka titig pa rin sa kausap.
“Sige. Ingat ka, bro. I’ll see you around.” Sabi ng lalaki habang palayo sa kanya.
Tila napako sya sa kanyang kinatatayuan. Bakit ganun ang naramdaman nya nung kaharap nya ang lalaking iyon. May parte sa puso’t isip nya na nagsasabing kailangan nya itong makita ulit. Pero paano? At saan? Bigla nyang naiisip ang sinabi nito sa kanya.
If you feel something or if you’re in pain. Puntahan mo ako sa gym. Andun lang ako.
Napa ngiti sya ng maalala ito. Inaayos nya ang kanyang sarili at tuluyang binaybay ang daan papuntang gym. Excited sya na makita ulet ang lalaking kanina ay nasa harapan nya. Hindi nya alam kung bakit ganun ang nararamdaman nya. Pero kung anuman ito. Wala na syang paki alam, ang mahalag ay makita nya itong muli.
Ngunit lingid sa kaalaman nya ay kanina pa pala naka masid si Austin sa di kalayuan. Bakas dito ang lungkot. Tila tumigil ang tibok ng puso nya sa nakitang eksena kanina. Hindi maalis sa kanyang isipan kung paano titigan ni Aki ang lalaking kaharap kanina. Ibang iba sa pag titig nito sa kanya.
Selos ba itong nararamdaman ko? Oo, selos nga ito. Alam ko sa sarili ko na gusto ko si Aki. At ang gusto ko ay akin lang sya. Sabi nya sa sarili.
Nang marating ni Aki ang gym agad hinagilap ng kanyang mata ang lalaking nag dala sa kanya sa lugar na yun. Nasa gitna sya nag paghahanap nang bigla syang mabulabog ng ingay ng mga drums. Nakita nya na isa-isang lumilipat ang mga babae. Nakita nya rin ang mga lalake na nagba back flip. Doon nya na realized na nag pa practice pala ang cheering squad ng University. Pansamantalang nawala ang atensyon nya sa taong hinahanap. He was amazed and caught himself at awe seeing the routine of their University’s cheering squad. Marami na syang nakitang routine pero this is different. Sobrang flawless ng mga stunts. Sobrang linis ng dance steps.
Tuluyan ng nawala ang atensyon ni Aki sa kanyang pakay sa pag punta sa gym. Nag enjoy sya sa panunuod nya. Hanggang sa matapos ang buong routine. Wala sa sariling napa palakpak sya sa napanuod. Buti na lang may mga grupo ng mga estudyante din na pumalakpak pagka tapos ng routine kung hindi ay napahiya siya. Aalis n asana sya sa gym ng biglang may pamilyar na boses na tumawag sa kanya.
Nang lingunin nya ito ay biglang bumilis ang tibok ng puso nya….muli ay tila tumigil ang mundo at oras ni Aki. Di nya maigalaw ang kanyang katawan. Hindi nya maibuka ang kanyang mga bibig. Muli ay tanging tibok lamang ng puso nya ang kanyang naririning habang nakatitig sa kanya ang lalaking nasa harapan. Naka ngiti sa kanya…Tanging mga mata lamang nila ang nangungusap.. wala ni isang salita ang maririnig sa kanila… patuloy silang naka titig sa isat-isat.
Habang may mga matang na ma tyagang naka tingin sa bawat kilos nila…
ITUTULOY..
No comments:
Post a Comment