Friday, January 17, 2014

HIRAM NA PAGMAMAHAL 2

By: Rikiboypalaboy
Nagkabalikan ngang muli ang magkaibigang Junard at Rex matapos ang anim na buwang walang komunikasyon. Di lumipat ang isang buwan matapos ang kanilang muling pag-uusap ay sinabi ni Rex na luluwas siya ng Maynila para maghanap ng trabaho. Tinanong naman siya ni Junard bakit biglang nagbago ang kanyang plano at paano ang naiwan nitong special someone. Sinabi ni Rex na nagpaalam na siya kay Jovi at naintindihan naman siya nito. Si Jovi man ay abala na rin sa kanyang paghahanapbuhay kung kaya't madalas ay wala na rin silang time na magkasama. Natuwa naman si Junard at sinabing abisuhan na lang siya kung kelan siya luluwas at nang magkita na rin sila.

Naka-settle na si Rex sa kanyang kamag-anak dito nang muli niyang i- text si Junard at sinabing nasa Maynila na siya at naghahanap na ng mapapasukan. Laking tuwa ni Junard nang malaman ito at nagtanong kung kelan sila pwedeng magkita na. Sinabi naman ni Rex na saka na lamang pag may trabaho na siya para di nakakahiya kay Junard. Di na umapela pa si Junard at hinayaan na lamang ang kanyang kaibigan ang mag-imbita sa kanya.

Matapos ang isang buwan ay mismong si Rex ang nagsabing may trabaho na siya sa Makati at sa unang sweldo niya ay iti-treat niya ang kanyang kuya. Natuwa naman si Junard sa gesture na ito ni Rex at sinabing dapat niyang i-treat ay ang kanyang mga pinsan at tiyo't
tiya na kanyang tinutuluyan dito. "Naku, iba yun. Basta gusto ko i-treat kita kasi special ang first meeting natin eh." Pumayag na rin si Junard at napagkasunduan nilang sa Glorietta na lang magkita sa araw ng sweldo ni Rex.


Nasa may magazine section na ng National Bookstore si Junard dahil duon ang usapan nilang magkikita. Nai-text na rin niya kung ano ang kanyang suot para madali siyang makilala ni Rex. Nagbubuklat-buklat siya ng isang magazine nang maramdaman niya ang isang tao sa kanyang likuran na nagsabing "Maganda ba ang article na binabasa mo, kuya?" Nang pag-angat niya ng mukha ay bumulaga sa kanya ang isang nakasalaming chinito na kahawig ni Gilbert Remulla. Napangiti siya at saka patakang nagsalita nang patanong na 
"Rex, is that you?" 
"Yes, kuya Junard." Sabay ngiti nito.

Ngani-ngani na lamang na magyakapan ang dalawa dahil sa pananabik sa isa't isa. Ngunit nakapagtimpi sila at minabuti nilang lumabas na nang NBS at maghanap ng mapupuntahan para makapag-usap na rin sila ng sarilinan. Habang naglalakad ang dalawa ay di iisipin ng
makakasalubong na first time lang nilang magkita. Kahit si Junard ay di makapaniwala na at ease na at ease silang dalawa sa isa't isa. Nakaakbay na ito kay Rex at panay-panay ang tawanan nila habang naglalakad. Napagkasunduan nilang kumain na lang sa isang chinese
restaurant. Sinabi ni Junard na masarap sa Kwan Tong dahil sa bukod sa masarap ang pagkain ay cozy pa ang place. Nakakairita ng lang ang chinese songs na maya't maya ay pinatutugtog. Ok lang naman kay Rex iyon dahil biro pa niya kay Junard ay "may chinese blood naman ako kuya eh."

Habang kumakain ay panay ang titigan ng dalawa. Matindi kung makatitig si Junard bagay na nakakaasiwa naman kay Rex. Pero katwiran ni Junard ay gustung-gusto niyang tingnan ang mga mata nitong singkit. Lalo namang namula si Rex sa sinabing ito ng kanyang kuya.
Matapos ang kanilang kainan (na si Rex talaga ang nagbayad) ay minabuti nilang maglakad-lakad muna sa mall dahil maaga pa naman. Panay pa rin ang tawanan nila, laluna't madalas magbiro si Junard nang kung anu-ano.

Nagtungo sila sandali sa restroom para jumingle at nang lumabas ay umandar ang pagiging pilyo ni Rex. Isang nakaw na halik ang idinampi niya sa pisngi ng nabiglang si Junard. Biglang binatukan siya ni Junard at sinabing magtino siya sa pakikiharap sa kanya. Akala ni Rex ay nagalit si Junard at halos mangiyak na siya dahil sa kapilyuhang ginawa. Hinila siya ni Junard sa isang sulok at saka tinitigan. Walang imikan. Nakatitig lang sa kanya si Junard at tanging mata nito ang nangungusap. Nang may sumilay na ngiti sa mga labi nito at saka ginulo ang buhok niya ay naunawaan na niya ang ibig sabihin ng kanyang kuya Junard. At muli masaya silang naglakad..

Nang patungo na sila sa MRT station ay parang ayaw pang maghiwalay ng dalawa. Palibhasa'y magkaibang landas ang kanilang uuwian. Si Junarday pa-south, samantalang si Rex ay pa-north. Kaya nang nasa akto na silang maghihiwalay ay nagdaop ang kanilang mga palad at saka nagpaalaman. Nagpasalamat si Junard sa masarap na treat at si Rex naman ay nagpasalamat sa masayang pakikisama ng kanyang kuya. Pababa na sila kapwa sa kani-kanilang platform ng mag-text ang bawat isa. Nagtama pa ang paningin nila habang hinihintay ang pagdating ng kani-kanilang train.

Di naglipat-linggo at muling nagkasundo ang dalawa na magkita. Kapwa sabik dahil sa masayang mga pangyayari sa unang pagkikita kaya minabuti nilang sa dating tagpuan na lang maghintayan at bahala na kung saan sila pupulutin ng kanilang mga paa pagkatapos. Akala mo'y matagal na nga silang magkakilala nang personal dahil sa hindi man lang kinakitaan ng pag-aalinlangan ang dalawa habang sila ay nag-uusap o naglalakad man lang sa mall. Kinalaunan ay isinasama-sama na rin ni Junard si Rex sa kanyang tahanan at duon nga nito nakilala ang asawa ng kanyang kaibigan, si Alice.

Dahil sa magkalapit lang ang opisinang pinapasukan nina Rex at Junard ay naging madali para sa kanila ang magkasama parati. May mga pagkakataon pa nga na sabay silang nananghalian o kaya nama'y sabay na maglalakad patungong MRT Station. Habang naglalakad ay nagkukwentuhan sila kung ano ang nangyari sa araw na iyon at kung ano
ang balak sa mga susunod na araw. May mga pagkakataon din na sabay silang nanonood ng sine kung maganda ang palabas. Kung tutuusin ay hindi talaga palanood ng sine si Junard, ngunit sa kagustuhang mapagbigyan na rin ang kaibigan ay sinasamahan na rin nya ito.
Habang tumatagal ay lalong nagiging open ang isa't isa sa kanilang mga saloobin sa buhay. 

May mga pagkakataon na naihihinga ni Rex ang kanyang mga problema ka Jovi. At kadalasan ay pinapayuhan siya ni Junard na gawin ang lahat ng magagawa para maalagaan ang kanyang relasyon sa kasuyong naiwan sa probinsiya. Kapag ganun ang mga naririnig na salita ni Rex ay hindi niya maisip kung bakit nuon lang sila nagkakilala nang lubusan ng kanyang kuya. Sa isip niya ay sana naging babae na lang siya at si Junard ang nakatuluyan niya.  Si Junard naman ay hindi na rin naglilihim kay Rex. At isang gabing papalabas na sila ng mall ay naihinga niya ang kanyang suliranin tungkol sa asawa.

Junard : Alam mo bang ang tagal-tagal ko nang nire-request kay misis na mag-anak na kami. Pero ano nakita ko sa medicine cabinet ng bathroom namin, pills. Kaya pala di mabuntis-buntis si Alice, nagpi-pills.
Rex : Baka naman may dahilan kaya ayaw pa niyang magbuntis, kuya.
Junard : Ano pa ba ang magiging dahilan nya? Ilan taon na kami, bunso. At gusto kong makitang lumalaki magiging anak ko habang malakas pa ako. Minsan tuloy nawawalan na akong ganang makipag-sex sakanya eh.

Imbes na sumagot pa ay nanahimik na lang si Rex hanggang sa magkahiwalay na sila pababa ng platform. Pagkauwi ng bahay ay nasa isipan pa rin ni Rex ang sinabi ng kanyang kuya. "Minsan tuloy nawawalan na akong ganang makipag-sex sa kanya eh." Paulit-ulit niyang naririnig ito sa kanyang isipan. Hanggang sa dalawin siya ng antok.

Isang araw biglang nagyaya si Junard na mag-videoke daw sila at nang mabago naman ang pinagkakaabalahan nilang dalawa. Since it's a Friday, maaari naman siyang gabihin at alam naman ni Alice na si Rex lang ang kasa-kasama niya sa mga lakaran. Masayang-masaya ang dalawa habang nagkakantahan. Dito rin nalaman ni Rex na may itinatago palang galing sa pagkanta ang kanyang kuya Junard. Habang patuloy sa pagkanta ang dalawa ay panay-panay rin ang inom ng beer ni Junard, bagay na nakatawag ng pansin kay Rex.

Rex : Kuya, nagpapakasaya ka ba o nagpapakalasing?
Junard : Wala. Minsan lang naman eh. Sige pa, kanta ka pa. Inom lang ako.
Rex : Eh mukhang lasing ka na eh. Baka di ka na makauwi niyan.
Junard : Akong bahala. Pag di ko kaya, magtaksi na lang akopauwi. Sige na. Kanta ka na. Hehehe
Rex : Ay ayoko na, hatid na lang kita, kuya.
Junard : Wag ka magulo. Kaya ko pa.
Dahil sa medyo malagihay na si Junard ay napagpasyahan ni Rex na sa bahay niya na lang ito dalhin at baka mapahamak pa kung hahayaang umuwing mag-isa. Matapos bayaran ang kanilang bill ay tumawag ng taksi si Rex at nagpahatid sa may Pag-asa, Quezon City. Nagtaka pa ang kaniyang tiyahin kung bakit me kasama ito at sinabi ni Rex na kaopisina niya at nagkayayaang mag-inuman. Dahil sa malayo pa ang bahay ay sinabi na lang niyang duon sa kanila matulog. May sariling kwarto si Rex sa bahay ng tiyahin. Naging magalang naman si
Junard at humingi ng paumanhin sa istorbo.

Umakyat na sila sa kwarto at saka tinanong ni Rex kundi man lang ba tatawagan ni Junard ang kanyang asawa. Dahil sa may tampo nga ito kay Alice ay sinabing hindi, kaya nagpasya si Rex na siya na lang ang tatawag at ipaaalam ang kinaroroonan ni Junard.

"Hello, ate Alice! Oo, si Rex ito. Ate, ganito… Nalasing nang husto si kuya Junard kaya dito ko na lang dinala sa bahay para dito magpalipas ng magdamag. Worried kasi ako kung pauuwiin ko eh baka kung ano mangyari… Oo, ate. Kadarating lang namin… Oo, bagsak ang tuka, ahahaha… Ano?... Naku wala yun, si ate naman. Alam na ng auntie ko,.. Oo, sinabi ko naman sa kanila ang dahilan… So pano, ate, wag kana mag-alala ha. Yaan mo, pagsabihan ko bukas. Akong bahala," mahaba-habang pag-uusap nila ng asawa ni Junard.

Nang bumalik siya sa kwarto matapos ang pagtawag sa telepono ay nakita niyang nakahiga na si Junard at tulog, ni hindi man lang nakuhang maghubad ng kasuotan. Habang pinagmamasdan ni Rex ang nakalatag na katawan ng kanyang kaibigan ay hindi niya maiwasang may kung anong nararamdaman dito. Oo nga't matagal na rin silang magkaibigan at malaki ang paggalang niya dito, subali't hindi rin maitatatwa na nagkakagusto siya sa kanyang kinikilalang kuya. Dahil sa mga ipinapakita nitong kabaitan sa kanya ay unti-unting nahuhulog ang kanyang kalooban dito. At pag nalalaman niyang may problema ito ay nalulungkot din sya at nakikisimpatiya sa nararamdaman nito. 

Nasa ganon siyang pag-iisip nang marinig niya ang mahinang katok sa kanyang kwarto. Nang pagbuksan niya ang pinto, ang tiyahin pala niya ang naroon at sinabing makabubuting punasan niya ng maligamgam na tubig si Junard nang mahimasmasan ito at makatulog nang ayos. Sinabi pa ng tiyahin na nagpainit na siya ng tubig at kunin na lang ito sa baba at sya man ay ganon din ang gawin. Nagpasalamat si Rex sa kanyang tiyahin at sinabing magpapalit lamang ng damit pambahay at gagawin ang utos nito. Sinabi na rin ni Rex na matulog na ang tiyahin at sya na ang bahala sa baba.

Maya-maya lang dala ang isang maliit na palangganitang naglalaman ng maligamgam na tubig, kumuha sa kanyang tokador si Rex nang face towel at kanya ngang pupunasan si Junard. Tinanggal niya muna ang suot nitong sapatos at medyas at saka iniayos ang pagkakahiga sa kama. Sumunod ay binuksan ang polong suot at tumambad sa kanyang harapan ang dibdib nito na may ilang mga balahibo. "Balbon pala si kuya," sa isip-isip niya. At pinagala niya ang kanyang mata mula sa dibdib nito hanggang sa puson kung saan makikita pa rin ang mga balahibo nito.

Binasa ni Rex ang face towel at saka ipinunas sa natutulog na mukha ni Junard. "Unnngghhh, ano ba yan?" parang inis na sabi ni Junard. "Shhh, wag kang maingay, pinupunasan lang kita para mawala amoy-alak mo," mahinang sabi naman ni Rex at muling ipinagpatuloy ang pagpupunas sa mukha ng kaibigan. Mula sa mukha ay naglakbay ang basang face towel sa katawan ng natutulog na kaibigan. Halos manginig ang kamay ni Rex nang dumampi ito sa pinakadibdib ni Junard. Ngunit pinaglabanan niya ang sarili at ayaw niyang magkaroon ng dahilan ang kaibigan na mag-isip na pinagsasamantalahan niya ito. Nasa may puson na ang face towel at maya-maya lang kailangan niyang hubaran ng pantalon ang kaibigan. Di niya malaman kung ano ang gagawin sa sandaling makita niya ang kabuuan ng katawan ni Junard.

Isang pasya ang nabuo sa kanyang isipan. Matapos punasan ang buong katawan ay niyugyog ni Rex ang kaibigan para maalimpungatan. Nang magdilat ng mata si Junard ay sinabi ni Rex na magpalit ito ng shorts para maging maaliwalas ang pakiramdam nito sabay abot dito ang
shorts. Tumayo sandali si Junard at tumalikod kay Rex. Halos himatayin si Rex nang makitang naghubo si Junard at saka isinuot ang shorts na ibinigay niya. Hinubad lahat ni Junard ang suot—ang pantalon at briefs--kaya naman muntik nang himatayin ang Rex. 

Muling bumalik sa pagkakahiga si Junard at tinanong kung hindi pa rin matutulog si Rex. Sinabi nitong kailangan niyang tapusin ang pagpupunas sa kanya. "Huwag na, Ok na ako. Salamat na lang, bunso," saway ni Junard.

Napatitig si Rex kay Junard at may namuong luha sa kanyang mga mata. "Bakit, may nasabi ba akong masama?" ang takang tanong ni Junard. "Wala, kuya. Na-miss ko lang ang pagtawag mo sa akin ng bunso," paliwanag naman ni Rex sabay ngiti at pahid ng luha sa mata. Napangiti rin si Junard at saka ginulo ang buhok ni Rex. "Hmm, tulog na tayo bunso. Gabi na," anyaya na lang ni Junard kay Rex. Tumayo si Rex at kinuha ang palangganita at sinabing ibababa lang niya iyon at magbubuhos lang siya para presko bago matulog. Kumuha ng bihisan at twalya si Rex at bumaba na nga para maligo.

Habang nasa kwarto si Junard ay nagkaroon siya ng pagkakataon na makapag-isip-isip. Nawala na ang kalasingan sa kanya dahil sa ginawang pagpupunas ni Rex. Natutuwa siya sa pagiging maasikaso ng kaibigan at wala sa hinagap na maikumpara ito sa kanyang asawang si
Alice. "Maswerte si Jovi sa pagkakaroon ng nobyong tulad ni Rex" ang naisip pa ni Junard at napangiti siya dahil dito.

Nang magbalik si Rex sa kanilang kwarto ay nakita niyang mahimbing na ang tulog ni Junard. Nakahiga itong lapat na lapat sa kama habang ang isang paa ay nakababa sa sahig. Nakaunan ang ulo nito sa isang braso at ang unan ay nasa gilid ng katawan nito. Inayos muna niya ang pagkakahiga ng kaibigan at saka inilagay ang unan sa ulo nito. Sinarhan na niya ang ilaw ng kwarto at saka tumabi sa kaibigang si Junard.

Medyo naalimpungatan si Junard nang tumabi si Rex sa kanya at saka sinabihan ng "Good night bunso. Sleep well, ok." "Opo kuya, kaw din po," ang sagot naman ni Rex.

Ilang minuto na ang lumilipas ngunit di dalawin ng antok si Rex. Alumpihit siya dahil damang-dama niya ang init ng katawan ni Junard. Natatakot siya sa kanyang sarili. Halos mag-iisang taon na rin nang magkaroon siya ng pagkakataong makipagniig sa kapwa lalaki. Di nga ba't ang pinakahuli ay kay Jovi bago siya lumuwas ng Maynila? Paano kung di niya mapigilan ang sarili at magawan ng kahalayan ang kaibigan? Mabuti kung papatol ito at magpapaubaya, pero paano kung hindi at magkagulo sila sa kwarto? Ano ang sasabihin ng kanyang mga kamag-anak pag nalaman ang dahilan ng kaguluhan? Ito ang mga tanong
na bumabagabag sa kanyang isipan habang katabi sa higaan si Junard.

Walang kamalay-malay si Rex na hindi pa rin tulog si Junard at nakikiramdam. Hindi siya sanay na iba ang katabi sa pagtulog at ngayon nga ay buhay na buhay ang diwa niya sa gitna ng kadiliman ng kwartong ito. Nang kumilos muli ang katawan ni Rex ay tumagilid si Junard at iniunat ang kanyang kamay at saka nagsalita kay Rex.

"Di ka ba makatulog, bunso? Halika dito, higa ka sa braso ko, patutulugin kita," masuyong sabi ni Junard sa katabi.
"Kuya," alinlangang sabi naman ni Rex.
"Alam ko, sige na, i-unan mo ang bisig ko at patutulugin kita," muling anyaya ni Junard sa kanya.

Umusog nga si Rex sa kanyang kuya-kuyahan at inihilig ang ulo sa braso nito. Si Junard naman ay iniyakap ang isa pang kamay sa katawan ni Rex at saka tinapik-tapik ang likuran nito na parang nagpapatulog ng isang batang maliit. Masuyong hinalikan sa noo si Rex habang ibinubulong ang "tulog na bunso" nang paulit-ulit. Naluha si Rex sa sobrang saya niya ng mga sandaling iyon at lalo pang inilapit ang katawan sa katawan ng kuya niya at lalong isinubsob pa ang ulo sa may dibdib ni Junard.

Mahimbing na nakatulog ang dalawa…

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...