Thursday, January 23, 2014

PARAFFLE 11


By: Mike Juha
Tinitigan niya ang aking mukha at pagkatapos, marahang iginapang doon ang kanyang hintutrong daliri na parang iginuguri-guri lamang – sa aking mata, sa ilong, at noong makarating na ito sa aking mga labi, bahagya niyang pinisil-pisil, nilaro-laro, halos ipapasok na niya ang daliri niya sa loob ng aking bibig. Mistula siyang nangigigil...

Hinayaan ko lang sya. Ninamnam ko ang kanyang pangigil sa aking bibig.

Pagkatapos, ibinaba niya ang kanyang daliri; sa aking baba, sa aking leeg. Bahagya kong iniangat ang aking ulo upang bigyang daan ang pagguguri ng kanyang daliri sa parteng iyon. Napahawak ako ng mahigpit sa kanyang braso, ang isa kong kamay ay marahan kon inihaplos ko sa kanyang likod.

Hinayaan ko pa rin siya sa kanyang ginagawa, ang mga mata kong tila naalipin ng kanyang hipnotismo ay nakatitig lang sa kanyang maamong mukha, ang mga mata ay seryosong nakatutok sa aking mukha.

Patuloy pa ring iginuri-guri niya ang kanyang daliri. Ibinalik iyon sa aking mukha na para bang sinamsam ng sensasyon sa bawat pagdampi ng kanyang daliri sa aking balat habang ang bawat emosyon na nakaukit sa aking mukha ay pilit na inuukit din sa kanyang isip.

 Pakiwari ko ay nag-uusap ang aming titig, ang aming puso ay sabay na pumipintig, at ang aming mga damdamin ay parehong nasasabik, nagnanasa, nagkakaintindihan... Parang nasa suspended animation ang lahat. Huminto ang pag-inog ng mundo, huminto ang pabugso-bugsong pag-ulos ng hangin sa digding ng floating cottage at sa aming mga katawan.


 Hanggang sa parang isang slow motion na unti-unting inilapit niya ang kanyang mga labi sa mga labi ko... at noong dumampi na na ito, naramdaman ko sa aking balat ang init ng kanyang pagnanasa. Nag-aalab ang kanyang halik. Mapusok... Para akong isang nilalang na naalipin sa ilalim ng kapangyarihan ng isang napakaguwapong imortal at unti-unti akong nilulunod niya sa batis ng kanyang kaligayahan.
  
At habang sinamsam ng mga labi at dila niya ang tamis ng paglapat ng aming bibig, ibayong sarap at kiliti naman ang aking naramdaman. Mistula akong nakoryente, babilis ang pagkabog ng aking dibdib habang patuloy na sinipsip at naglalaro ang aming mga dila.
  
Nabalot sa ingay ng aming mga ungol ang paligid, ang sentro ng aking isip ay siya at ang lahat ng mga bumabagabag doon ay biglang nawala.
  
Habang patuloy ang paglapat ng aming mga labi, niyayakap ko siya ng mahigpit habang marahan din niyang hinahaplos ang aking buhok, ang aking mukha.
  
Maya-maya, hinubad na ni Aljun ang kanyang t-shirt at pagkatapos, hinugot naman niya ang aking t-shirt upang matanggal ito sa aking katawan. At noong pareho na kamang walang pang-itaas na saplot, muli niya akong niyakap at siniil ng halik.

 Para akong lumulutang sa ikapitong alapaap. Napakasarap ng aking pakiramdam habang dama ko sa aking balat ang init ng kanyang katawan at sa aking bibig ay dama ang kiliti ng pagsisipsip at paglunok nya sa aking laway na sinuklian ko rin ng pagsisipsip sa kanyang dila at paglunok din ng kanyang laway.
  
Iyon na yata ang pinakamasarap na laway na natikman ko sa tanang buhay ko... ang laway ni Aljun.
  
Nasa ganoong sarap ang ako sa aming halikan noong maalala ko ang pangako ko sa aking sarili na hindi magpadaig sa bugso ng damdamin ko sa kanya. Bigla akong kumalas sa aming yakapan.
  
Na siyang ikinagulat niya. ‘B-bakit? M-may problema ba?” ang tanong niya.
  
“A-ayoko Boss... N-antatakot ako at ayaw kong mahulog ang damdamin ko sa iyo.”
  
“A-ano bang problema? G-gusto naman natin ito, di ba?”
  
“Hindi lahat ng gusto ay tama. Hindi lahat ng pwede ay nakabubuti...”
  
“P-pero... O-ok lang naman sa akin e.”
  
“Hindi mo naintindihan boss... 365 hours ka lang sa akin. Pagkatapos ng 365, iba na ang lahat. Paano kung tuluyang mahulog ang loob ko sa iyo? Paano kung... matuto akong mahalin ka?”
  
“B-bakit? Mahal mo na ba ako?”
  
Hindi ako kumibo. Nanatili siyang nakatitig sa akin.
  
“A-ayokong sa unang pagkakataong magmahal ako, isang lalaki ang mamahalin ko, at lalo nang ayaw kong isang lalaki ang sisira sa aking puso. Ayokong maging isang bakla... at masasawi ng dahil lang sa isang lalaki.”
  
Natahimik siya.
  
“Ikaw ba ay... kaya mo akong mahalin?” ang tanong ko.
  
Hindi siya sumagot.
  
“M-magiging kawawa naman ako boss... kung sakaling hahanap-hanapin ko ang gagawin mo sa akin ngayon ngunit hindi na kita makikita pa dahil ang hinahanap-hanap mo ay iba. Paano naman ako? Paano naman ang... naramdaman ko?”
  
“B-bakit? M-mahal mo na ba ako?” ang paggiit niya.
  
“Hindi ko alam boss... pero namimiss kita kapag hindi kita nakikita.” Ang naisagot ko. “I-ikaw? Nami-miss mo rin ba ako?” ang tanong ko rin sa kanya.
  
“Oo naman. Pipiliin ko bang magbibirthday sa piling mo kung hindi kita na-miss? Gugustuhin ko bang sasarilinin ka dito sa cottage na ito, sa ganitong oras ng gabi kung hindi ka mahalaga sa akin?”
  
May sayang dulot sa aking pagkatao ang kanyang sagot. Ngunit may mas mahigit pa ditong katotohanang nais kong malaman. “Mahal ba niya ako?” Iyan ang tanong na gusto kong malaman ang kaaagutan. Ngunit hanggang sa isip ko na lang ang tanong na iyon. Wala pa akong lakas ng loob na itangong ito sa kanya.
  
Binitiwan ko ang isang malalim na buntong hininga. “A-ano ang nararamdaman mo kapag kasama mo ako?” ang tanong ko na lang.
  
“Masaya... nalilimutan ko ang lahat ng problema...”
  
“Bat mo naitangong na ok lang sa iyo kung may mangyari sa atin?”
  
“Wala lang. Baka gusto mo lang. Ang bait mo kasi sa akin. At nangigigil ako sa iyo...”
  
“Iyon lang iyon? Nangigigil? Hindi mo talaga siya gusto?”
  
“Gusto ko syempre... Nalilibugan ako.”
  
“Nalilibugan...” ang pag-ulit ko sa kanyang sinabi.
  
“Ang libog kasi ay kusang umaatake. Manonod ka lang nga dalawang asong nagtatalik, malilibugan ka rin, diba?”
  
“Oo naman. Pero hindi ko nanaisin na makikipagtalkik sa aso. Syempre hindi. I mean, ayaw ko.” At hinaplos niya uli ang aking mukha. “Gusto ko sa iyo. Dahil gusto kita...”
  
Ngunit hindi pa rin ako nakumbinsi sa kanyang sagot. Gusto ko sanang sabihing “Gusto mo ako, dahil nalilibugan ka...” Ngunit hinayaan ko na lang dini ito sa aking isip. At ang aking naisagot na lang ay, ‘H-hindi pa ako handa sa sex na sinasabi mo boss... Gusto kong sa babae ko ito unang matikman. Gusto kong malaman kung sakaling natikman ko na ito sa isang babae, kung hahanap-hanapin ko pa rin ito sa kanya, o ba kaya, kung pagkatapos ko itong matikmn sa kanya, ikaw pa rin ang hahanap-hanapin ko at ikaw pa rin ang nanaisin kong makatalik...”
  
Natahimik siya ng sandali. “Naintindihan ko...” ang sagot niya.
  
At muli, naglapat ang aming mga labi. Ngunit hanggang doon lang. Yakapan, haplos... Halikan sa halos buong parte ng aming mga katawan... sa leeg, sa dibdib... sa tyan... sa pusod...
  
Hanggang sa pareho kaming napagod. Tawanan ngunit hindi pa rin maalis-alis ang mahigpit naming yakapan. Para akong isang babaeng iniingat-ingatan ang puri na inireserba niya sa araw ng kasal.
  
Sumikat ang “G” na letra simula noong maisiwalat ni Aljun na nagsimula sa ganoong letra ang first name ng kanyang crush. May mga nagpa-print talaga ng t-shirt na may tatak na, “My initial is G. someone’s got a crush on me.” Mayroon ding, “I’m Gwen. And I’m Aljun’s crush!” At ang pinagkakatuwaan ng mga kababaihan sa kanilang mga facebook accounts ay ang pagpapalit ng initials ng kanilang mga pangalan, kagaya ng, “I used to be Yolly. Now, I’m Golly” or “Mercy to Gercy”, “Terry to Gerry”, “Helen to Gelen”, ang iba ay dinagdagan na lang ng... “Girly Rose”, or “Girly Mary”.
  
At ang kumakalat na haka-haka ng mga estudyante sa campus na crush ni Aljun ay either si Giselle or si Gina. Marami din ang alam kong ang bet ay si Giselle pero sa tingin ko, it’s Gina talaga.
  
Anyway, iyon ang pagkakaalam ko.
  
Now enter the tsismosa. “Fwend! Fwend! Nakakalurkey talaga ang mundo ngayon! Di ko na maintindihan!” ang birit ni Fred noong magkita kami sa student center.
  
“Kinakabahan na naman ako sa iyo ha. Huwag kang ganyan. Puro sakit ng ulo ang dulot sa akin kapag ganyang may bahid na misteryo ang iyong pananalita.”
  
“Huh!” ang sagot ni Fred na nagulat. “Ang ibig sabihin Fwend, tumalab na siya sa iyong pag-iisip at hindi ka na makakain, hindi na makatulog, hindi makapagconcentrate? As in hinda na talaga siya maiwaglit sa iyong puso isip at damdamin? Iyong feeling na walang tulog ngunit hindi inaantok, iyong pakiramdam na hindi makakain ngunit hindi nagugutom, o iyong pakiramdam na pabalik-balik ka sa CR pero wala namang lumalabas?”
  
“Puro ka katarataduhan e! Ano ba iyang sinabi mong hindi mo na maintindihan?”
  
“Woi!!! Aminin! Excited ka no?”
  
“Bakit? Tungkol saan ba yan at kailangan kong maging excited?”
  
“Tara! Punta tayong computer laboratory at tingnan natin sa university publication site ang mga kaganapan tungkol sa pamabansang crush at sa kanyang lihim na letrang ‘G’.”
  
Pumunta nga kaming computer laboratory at noong mabuksan na namin ang site. Heto ang mga nabasa ko. Ang headline, “A peek into the inner mind of Aljun Lachica, his secret crush, and that damn ‘G’...”
  
May mga ikinikwento doon tungkol sa naganap na surprise party sa kanyang ibinigay ng mga council officers at departmental and school organization officers, ang interview ng editor sa amin... at pati ang pagkanta namin ay nandoon din! Grabe detalyado talaga, at andaming views! May mga nag-download pa talaga ng mga kanta namin.
  
Tapos dahil may clue na isang transferee ang crush niya, pinost ang mga pictures ng mga transferees na may initials na G at isa-isang itinabi ang mga ito sa litrato ni Aljun.
  
Una, ang tandem nina Aljun at Gina at mayroon itong caption na “G as in Gina?”
  
Pangalawa ay ang tandem nina Aljun at Giselle at may caption din ito na “G as in Giselle?”.
  
Ngunit doon sa pangatlong tandem ako nawingdang dahil ang inilagy na litrato ay ang kuha sa stage kung saan kami ni Aljun ininterview at nakunan pala ang saglit na paghawak niya sa aking kamay! At ito ang caption, “Or... G as in Gener???” na may tatlong question mark!
  
“O ano??? Di naloka ka rin? At mas lalo ka pang maloloka dito; heto tingnan mo ang result ng poll...”
  
At dali-daling tiningnan ko ang resulta ng poll nila. Aljun-Gina, 40%; Aljun-Giselee, 11%; Aljun-Gener, 49%. “Woaaaahh!!! Bakit sila ganyan???” sigaw ko, hindi ko na napigilan ang mag-react at mapalakas ang boses.
  
“O, ang boses mo! Ang boses mo! Mas eskandalosa ka pa pala kaysa sa akin eh.” ang pigil na salita ni Fred, pahiwatig sa palagi kong pagbabara sa kanya kapag lumalakas ang boses.
  
Napalingon tuloy sa akin ang iba pang mga nagko-computer. “Eh... bakit ba isinali pa ako d’yan?” ang tanong ko, pigil na pigil ang boses.
  
“Anong magagawa natin kung nandyan na iyan. At lalo nang wala tayong magagawa kung ang tandem ninyo ang gusto ng mas nakararami?” Ang birit ni Fred.
  
“Hindi maaari iyan no! Ayaw ko nang ganoon!”
  
“Wow! Conservative ang drama! Hoy, fwend... Alam mo bang ang lahat ng mga conservative ay nasa kumbento na dahil ayaw nilang maging kamukha ni Miss Tapia?”
  
“OA ka naman. Ang sa akin, nakakahiya doon sa tao. Atsaka, iyong tao ay purely friendship lang iyon, kuya-kuyahan ko lang kumbaga. Wala nang iba kasi, may ibang mahal iyong tao?”
  
“May ibang mahal iyong tao? Talaga?” Ang gulat na tanong ni Fred.
  
“Oo! At babae iyon!” ang sabi ko.
  
“Talaga?Sino? Sinabi niya ba sa iyo fwend?”
  
“Iyang mystery ‘G’ na transferee. Di ba alam naman ng lahat iyan?”
  
“Uy... kaw ha?” ang may pangungutyang turo sa akin ni Fred ang mga mata ay may bahid kalokohan at nakangiti. “Alam kong ikaw ang ‘G’ na iyan...” Sabay tawang parang kinilig.
  
“Hindi nga ako iyan! Sigurado ako!” ang may halong pagkainis na sabi ko.
  
“O sya... itatanong natin iyan kay Aljun.” Ang casual na sabi ni Fred sabay tayo at yayang lumabas na kami sa computer laboratory room.
  
Nasa student center kaming nakaupo ni Fred, nakayuko ako sa pagbabasa ng note ko noong biglang. “Hi Boss!” ang narinig kong boses.
  
Biglang napaangat ako ng ulo. Si Aljun at umupo sa tabi ko, pinagitnaan ako nina Fred.
  
“Wala kaming pasok sa Economics, may sakit pala ang professor namin kaya naisipan ko kaagad na pumunta dito. Alam ko kasing wala kayong pasok eh at dito kayo naglalagi kaya... iyon. Buti naman at nakita kita rito Boss...”
  
Nilingon ko si Fred na kinikilig sa narinig at nagtatawa ng patago. Sa inis ko, agad kong tinapakan ng pwersahan ang kanyang kaliwang paa.
  
“Arekop!” ang mahina niyang sambit.
  
“Ah... kumusta na ang master ko? Ok lang ba?” ang tanong uli ni Aljun.
  
At muli naramdaman ko na naman sa aking gilid ang tila naglupasay na si Fred, tinatakpan ng kamay ang bibig sa pigil niyang pagtitili.
  
At muli, tinapakan ko ang kanyang paa.
  
“O-ok naman ako boss. Ikaw? Musta ang araw mo?”
  
“Heto... Ok naman. Pero mas ok ngayon. Nakita kita.”
  
“Ayyiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!” ang sigaw na ni Fred, hindi na napigilan ang sobrang pagkakilig.
  
“Gago talaga!” sa isip ko lang sabay lingon sa kanya at bitiw ng nanggaliti na titig na sya naman niyang ikinayukyok na parang asong ang buntot ay nakatago sa ilalim ng kanyang bayag.
  
“Anong nagnyari Fred?” ang tanong ni Aljun kay Fred.
  
“Ah... e... nabasa ko kasi ang text ng kaibigan ko, tuwang-tuwa lang ako. Hehehe. Sensya na po...”
  
“Ok. Lang yan bro... At oo nga pala, alagaan mo ang master ko ha?” ang sabi ni Aljun kay Fred.
  
“Ah, oo naman! Alam kong mahal mo ang kaibigan ko eh.” Ang banat ni Fred na palihim ko namang kinurot na ang beywang sa pagkarinig ko sa kanyang patutsada.
  
“Hindi lang mahal. Mahal na mahal ko talaga iyan! Master ko iyan eh. Hindi ako papayag na may manyaring masama d’yan!” ang sagot ni Aljun.
  
Nilingon ko si Fred na palihim nang nagbi-beautiful eyes. Ansarap talagang sapakin. At sabay naman siyang nagpaalam na pupunta ng CR. Marahil ay gusto lang niyang bigyan kami ng pagkakataong mag-usap. 
  
At habang naglakad siya papuntang CR, nagpagewanggewang pa at kumakanta –

Kay sarap ng may minamahal
Ang daigdig ay may kulay at buhay
At kahit na may pagkukulang ka
Isang halik mo lang limot ko na
Kay sarap ng may minamahal
Asahan mong pag-ibig ko’y tunay
Ang nais ko’y laging kapiling ka
Alam mo bang tanging ligaya ka?
Sa tuwina’y naaalala ka
Sa pangarap laging kasama ka
Ikaw ang ala-ala sa ‘king pag-iisa
Wala nang iibigin pang iba
Oh, naaalala ka
Sa pangarap laging kasama ka
Ikaw ang ala-ala sa ‘king pag-iisa
Wala nang iibigin pang iba…
  
Ang sarap talagang batukan. Nakakainis!
  
At naiwanan kaming dalawa na lang ni Aljun. Noong kami na lang dalawa, yumuko na lang ako, kunyari ay binabasa ang aking notes. Hindi ko alam kung hiya ang naramdaman ko o paninibago dahil sa nangyari sa amin sa beach... Iyon bang hindi ako sigurado kung tama ba ang ginawa ko sa gabing iyon o ang sinabi ko ba sa kanya ay hindi naka-offend sa kanya, o baka may pagbabago na dahil binigo ko ang gusto niyang mangyari sa amin.
  
“Bakit ka walang kibo?” tanong niya. “Nandito naman ako”
  
“Ay! Nandito ka pala?” ang biro ko na lang na medyo napahiya sa hindi ko pagkibo.
  
Natawa siya. Ngunit natahimik din. Tinitigan ang mukha ko.

 “Bakit mo ako tinitigan ng ganyan?” ang tanong ko.
  
“Tinitigan ko lang ang mga labi ng una at nag-iisang lalaking nahalikan ko...”

 Ewan ko ba. Parang natunaw na naman ako sa sinabi niya. Hindi makaimik, at pakiwari ko ay simputi ng papel ang aking mukha at may venom na pumasok sa aking katawan at hindi ako makakilos. Hindi halos makahinga, at hindi alam kung ano ang isasagot. Mainsulto ba ako o kiligin sa narinig... Napayuko uli ako.
  
Nasa ganoon kaming... ewan kung masasabi iyong pagbobolahan o paglalandi noong bigla namang dumating si Gina. “Hi Jun! Hi Aljun!” ang bati niya, walang kamuwang-muwang sa namuong intimate moments namin ni Aljun.
  
Syempre, nag “Hi!” din kami. At naupo na si Gina, katabi ni Aljun.
  
Ewan... parang may isang sibat na biglang tumama sa aking puso sa pagkakita sa reaksyon ni Aljun na nandoon si Gina. Parang bigla siyang sumaya at pakiwari ko ay kay Gina na nakatuon ang kanyang mga mata. O, baka naalipin lang ako sa tinatawag nilang insecurity? O jealousy ba?
  
“Woi! Nangunguna ang tandem ninyo sa poll ah!” ang sambit ni Gina, pahiwatig sa poll sa student publication site na naunang nabasa namin ni Fred sa Computer Lab kung saan ang “freak” love team namin ni Aljun ang may pinakamaraming boto.
  
“Ah iyon ba?” ang sagot ni Aljun.
  
“Oo. Pero huwag kayo ni Jun ha?” ang sabi ni Gina.
  
“Bakit naman? Pwede nman iyon, diba?” ang tanong ni Aljun na may halong biro.
  
“Crush ko kasi si Jun. At sa akin lang siya.” Birong sagot ni Gina sabay bitiw ng nakakalokang tawa.
  
Na sinagot ko naman ng, “Crush din naman kita Gina eh! Kaya no problem.”
  
Na biglang inireact naman ni Aljun ng, “Makaalis na nga dito!” at tumayo.
  
Bigla naman siyang hinwakan ni Gina sa bisig. “Woi huwag kang umalis Aljun! Crush din naman kita eh...” ang pang-amo niya kay Aljun.
  
“Ah kung ganoon, sige. Hindi na ako aalis...” ang biro ding pagbalik ni Aljun sa pag upo.
  
Tahimik. Pakiramdam ko ay bigla akong na out-of-place.
  
“Jun! Hindi ko pa nasagot ang assignment ko kay Professor Lobramonte. Tulungan mo naman ako o..” ang sabi ni Gina sa akin.
  
“Nasaan ba yang question mo, baka familiar ako d’yan. Nagiging professor ko din si Lobramonte eh!” ang sagot ni Aljun.
  
“Ayan si Aljun, paborito niyang professor si Lobramonte” ang sagot ko na lang.
  
At inilabas ni Gina ang notes niya at silang dalawa ni Aljun ang nagturuan...
  
“Ah... mag CR muna ako ha? Dito muna kayong dalawa.” Ang pagpaalam ko. Parang hindi ko kasi kaya ang sakit na naramdamang silang dalawa ang nag-turuan at halos magdikit na ang mga mukha sa pagbabasa ng notes. Parang hinid ko alam kung saan ako lulugar sa aming tatlo.
  
“Sasamahan kita Boss?” Ang tanong ni Aljun na biglang kumalas sa pagbabasa ng notes.
  
“Huwag. Dito na kayo. Nandoon din naman si Fred eh.” Ang sagot ko na lang.
  
Noong makapasok na ako sa CR, nandoon pa si Fred. “O, bat parang byernes santo ang mukha mo?” ang sabi sa akin ni Fred.
  
“Anong byernes santo? Kung ipapako kaya kita sa krus para tuluyang maging byernes santo ang mukha ko, gusto mo?” ang birit ko.
  
“Ay ang taray!” sagot ni Fred. “May dahilan! At kung ano man iyan, malalaman ko!” sabay tawa. “Wag kang mag-alala fwend, ako ang bahala kung ano man iyan!” dugtong niya.
  
Hinintay ako ni Fred na matapos at noong matapos na ako, sabay kaming bumalik sa aming puwesto.
  
“Haynaku! Alam ko na ang dahilan. Selos! Love mo na talaga si Aljun Fwend!” ang sabi ni Fred habang palapit na kami sa inuupuan nina Aljun at Gina.
  
“Tanga ka talaga... bakit ako magseselos d’yan? Hindi ko naman karelasyon iyang tao at wala namang ginawang masama ang mga iyan?”
  
“Hmmmm! Deny-to-death ka pa rin fwend...” ang huling birit ni Fred gawa nang nakarating na kami sa aming inuupuan.
  
Busy pa rin sina Gina at Aljun sa pagtuturuan sa assignment noong bigla ring dumating si Giselle sa lamesa namin at umupu ito nang wala man lang paalam sabay sabing, “Hi Aljun!”
  
Biglang napatingin si Aljun sa harap niya. “H-hi!” ang sagot niya na bakas sa mukha ang pagkagulat sa hindi inaasahang nag-greet at naupo sa harap niya.
  
“I’m Giselle, a transferee in this university. How are you?”

 “I-I know you. I’m fine thanks!” ang sagot ni Aljun na tulala pa rin sa pagka-presko ng babae. “Ah.. meet Gina, Jun, ang Fred!” ang pag-introduce ni Aljun sa amin sa kanya noong mapansing hindi kami pinapansin ni Giselle..
  
Iniabot ni Gina ang kanyang kamay kay Giselle upang makipagkamay subalit hindi ito pinansin ng huli. Bagkus... “Wow! Siya pala si Gina! Ang karibal ko sa ‘G’ na crush ng most eligible, most good-looking and most sought-after bachelor ng university!” ang walang kapreno-prenong sabi ni Giselle.
  
“Hayan pa o... Si Jun. Kasali iyan sa poll. At ang tandem nila ang nangununa!” ang sagot ni Gina sabay turo sa akin.
  
“Whatever! Hindi naman siguro bakla si Aljun upang patulan siya no... Kaya I’m not threatened.” Ang sarcastic namang sagot ni Giselle.
  
“Woaaaa!” Sa isip ko lang. “Ganyan siya ka prangka?” Nilingon ko si Fred na mukhang nagtitimpi sa pangigigil na makabanat at naghintay lang ng pagkakataon.
  
“Aljun, we have a party tonight sa flat ko... birhtday ko kasi kaya I am inviting you to come and join the fun!” ang sabi ni Giselle.
  
“Ah...” ang naisagot ni Aljun habang tiningnan ako na tila nagpaalam o nagpatulong kung paano sagutin ang alok. Ngunit yumuko ako. “E... hindi kasi ako mahilig sa party e. And besides, may schedule ako mamaya kay Jun.”
  
“Well... pagkatapos ng schedule mo sa kanya., Kahit 12 midnight pa, hintayin ka namin. The party is still alive by that time.”
  
“I’m really sorry Giselle. I’m busy...” ang sagot uli ni Aljun.
  
“Aljun naman. Give yourself a time! Maiintindihan ka naman siguro ng mga taong walang ginawa kundi ang mang-alipin sa iyo no! Ano sila? Siniswerte? Magsaya ka naman! Mag enjoy! You are young! Huwag sayangin ang oras!” ang paliwanag pa niya na parang ako ang pinaparinggan dahil sa serbisyo ni Aljun sa akin.
  
Nunit binanatan na siya ni Fred. “Hoy, bruha... inayawan ka ng tao, don’t you understand? Kapal-face ka ah! At matuto kang rumespeto! Transferee ka lang dito! Punyeta!”
  
“Hoy bakla! Hindi kita kinakausap! Si Aljun ang kausap ko! Mal-edukada!”
  
“Ababababa! Mal-edukada pala ha!” sabay tayo ni Fred na handa na sanang manapak o manambunot. “Sige tingnan natin ang pagka mal-edukada ko! ang bakla ay pumapatol sa babaeng walang breeding!”

Sa bilis ng pangyayari hindi kami nakakilos agad. At pati si Aljun ay hindi rin nagawang pigilan si Fred.

Mabuti na lang at dali-daling tumayo si Giselle at tumalikod sabay banta kay Fred ng. “Makakaganti din ako sa iyo!” at baling kay Aljun, “Aljun I’ll wait for you tonight!”

Wala na kaming nagawa kundi ang magtawanan sa ginawa ni Fred.

“Grabe naman ang babaeng iyon! Hindi ko kaya iyon?” sabi ni Gina.

Ngingiti-ngiti lang si Aljun sabay sabing, “Salamat Fred... You’re my hero.” Ang biro niya kay Fred.

“All the time Aljun. Basta ikaw. I’ll be your knight in shining armour!” At nag high five ang dalawa sabay tawanan.

Tawa nang tawa rin si Gina sa sinabi ni Fred at nagreact. “Si Fred na ngayon ang knight in shining armor huh! Biglang naging lalaki!”

Sa gabing iyon, inihatid pa rin ako ni Aljun sa flat ko. Wala namang pagbabago. Nandoon pa rin ang pagka-sweet niya. Siya pa ri ang nagluto ng dinner namin, naghugas ng mga plato pagkatapos naming kumain.

Kuwentuhan pa rin kami, at ang walang kamatayang pagkakanta niya sa akin. Walang nagbago. Natuwa naman ako dahil syempre, napatunayan ko kung gaano sya kabait, kung gaano siya kapursigido at ka seryoso sa kanyang task sa akin. Wala talaga siyang masamang hangin sa ulo, walang inhibitions... Parang ang sarap niyang maging kaibigan, o maging parte ng puso...

“Bakit di ka nalang pumunta sa party ni Giselle pagkatapos mo dito? Para naman makilala mo siya at mag-enjoy na rin, di ba? Puro ka na lang responsibility, pag-aaral, student council, practice ng lawn tennis...”

“Ayaw kong sayangin ang oras ko sa isang bagay na hindi naman akonag-eenjoy. Anong gagawin ko doon? Hindi naman ako mahilig sa sayawan, hindi mahilig sa sosyalan. Ano ang gagawin ko doon?”

“Sabagay...”

“Ikaw ba gusto mo talagang pupunta ako doon?”

“Iyong totoo?”

“Oo. Iyong totoo...”

“Eh... syempre hindi. Nandoon kaya iyong babaeng walang preno.”

Napangiti siya. “Nagseselos ka?” biro niya.

“Hoy... Mr. Aljun Lachica, huwag masyadong assuming. Bakit ako magseselos? Ano ba tayo?”

“Ah... Sa ngayon, wala pa tayo. Pero baka lang, baka lang in the future, malay mo...”

Tawa naman ako nang tawa. Pero sa loob-loob ko, nagtatanong ang aking iisp kung inaakit niya lang ba ako o sadyang sanay lang siyang maglaro ng damdamin. “Babae ang gusto kong matikman, Mr. Lachica, hindi po lalaki...” ang tugon ko na lang.

“Ay oo nga pala. Sorry. Biro lang po... Pero, again, malay natin...” sabay bitiw ng nakakalokong tawa at tampal sa aking mukha na parang nanggigigil. “Ok. Aalis na ako. Ingat palagi dito.” Sabi niya bago tuluyang lumabas ng pinto at niyakap pa ako at hinalikan sa pisngi. “Mwah” At umalis na.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang nakalabas na. Bigla din akong naging seryoso at binitiwan ang malalim na buntong-hininga. “Hindi ka mahirap mahalin, Aljun Lachica... Nasa iyo na ang lahat at walang taong hindi mahulog ang loob sa iyo. Ang problema lang ay kung kaya mo rin bang panindigan at suklian ang pagmamahal ng isang kagaya ko...? Hindi kaya malaking problema lang ang magiging dulot nito…?”

Alas 9 kinabukasan noong makarating ako ng campus. Pagkaupo nang pagkaupo ko kaagad sa silya ko sa isang subject kung saan classmate ko si Fred, masamang balita kaagad ang sumalubong sa aking pandinig. “Alam mo bang nagpunta daw pala si Aljun sa party ni Giselle kagabi...?”

Pakiramdam ko ay may sumabog na sampung granda sa aking harapan sa narinig kong sinabi ni Fred.

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...