by: Mikejuha
Agad kong tinawagan ang numerong ibinigay niya. “Sagutin mo, sagutin mo, sagutin mo….” Ang bulong ko, nanginginig ang kalamnan sa pagkainip na mag-ring ang kabilng linya.
At nagring nga…
Hindi pa nakatapos ang isang buong ring ay may sumagot na, “Hello!”
“Si Kuya Rom!” Sigaw ng isip ko. “K-kuya…” ang nasambit ko lang gawa ng magkahalong saya at excitement na narinig muli ang boses niya.
Para akong nakokoryenteng hindi makagalaw at nanatiling hinahawakan ang cp sa tenga ko.
“Anoooo?” Tanong niya, marahil ay nainip din sa di ko pagpatuloy sa sasabihin. “Hindi ka ba magsasalita? Wala man lang I love you, o sorry, o pigilan ako na huwag nang tumuloy?”
Napahagulgol ako. “I love you kuya. Huwag mo akong iwan. Antagal-tagal na kitang hinintay tapos ngayon, aalis ka na naman? Ayoko na. Wala na si papa, hindi ko na kayang mawala ka pa kuya!”
“O e di, kung ganoon, puntahan mo ako dito sa airport at ngayon na! Dalian mo baka magbago pa ang isip ko.” Sabay patay sa linya niya.
Hindi ko na nagawa pang magpalit ng damit. Dali-dali kong tinumbok ang pintuan ng kwarto upang diretso na sanang tumbukin ang car park at tawagin ang driver. Ngunit noong binuksan ko na ang pinto ng kwarto ko, laking gulat ko sa nakita. Nakatayo lang pala si kuya Rom sa harap nito, may dala-dalang isang pumpon ng mga malalaki at pulang-pulang mga rosas at sa kabilang kamay ay bitbit ang isang malaking karton ng pizza, galing sa paborito ko pang kainan.
“Surprise!!!” sigaw niya, bakat sa mukha ang sobrang excitement.
Napako ako sa kinatatayuan at hindi nakaimik kaagad. Syempre, nagmamadali ako, ang nakatatak sa isip ay magbibiyahe pa ako bago siya makita. Tapos, nandoon lang pala siya nakatayo sa labas ng aking kuwarto.
Tinitigan ko na lang siya, hindi makapaniwalang nasa harap ko na ang taong minamahal ko, ang taong tinitibok ng puso ko. Para akong napasailalim sa kanyang kapangyarihan; ang ngiting nasilayan ko sa mga labi niya ay sobrang nakakabighani; ang mga mata ay mistulang nangungusap. Naka t-shirt ng semi-fit na kulay blue at may stripes na yellow sa dibdib, naka-straight-cut na maong. Bakat na bakat ang hunk na katawan sa kanyang kasuotan.
“Ey… huwag mo akong titigan, malulusaw ako niyan!” sigaw niya.
Tila bumalik uli ang katinuan ng isip ko sa narinig. “A-akala ko ba nasa airport ka?” ang naisagot ko na lang.
“Nasa airport nga ako kanina. Kaso hindi ko na hinintay pa ang tawag mo. Kasi…” inilipat niya sa kabilang kamay ang bitbit na karton ng pizza kung saan naka hawak din ang mga bulaklak at dali-daling tinumbok ang pintuang naka-bukas pa rin, hinawakan ang door knob at pumasok habang nakabuntot naman akong sumunod sa loob. Noong nasa loob na kaming dalawa, agad niyang ini-lock ang pinto at sumandal dito, bitbit pa rin ang pizza at ang bulaklak sa kanyang mga kamay.
Humarap ako sa kanya, “Kasi, ano…?” ang pag-usisa ko sa nabitin niyang salita.
“…hindi ko na papayagang mapalayo uli ako sa iyo tol... Hindi na ako papayag na mawalay ka pa sa akin.” Sagot niya habang tinitigan ang mukha ko.
Hindi ako nakasagot agad sa sobrang kaligayahan sa narinig. Parang maiiyak ako.
“O, bulaklak mo…” dugtong niya.
Ngunit imbes na tanggapin ko ang bulaklak, niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan siya sa bibig.
Wala nang nagawa pa si Kuya Romwel kundi ang magpaubaya at ilaglag sa sahig ang dala-dalang bulaklak at pizza. Sinuklian niya ang mga yakap ko, ramdam kong mas mahigpit ito na para bang iyon na ang huli naming pagyayakapan at paghahalikan.
Mapusok. Para kaming mga mgnanakaw na nagmamadali at bilang na bilang ang sandali. Parang mawawala na ang isa’t-isa sa amin at walang paki-alam kung mapupunit ang mga damit o magkabali-bali ang aming mga buto sa higpit at mabilisang pagpadama ng aming kasabikan at pagkauhaw sa isa’t-isa.
Maya-maya, kinarga na niya ako sa kanyang mga bisig at inihiga sa aking kama.
(Torrid Scene. For request please email me at getmybox@hotmail.com although right now, it’s not yet available but if you email me, I’ll get back to you as soon as it’s done.)
At doon, nalasap naming muli ang tamis ng aming pagmamahalan.
Noong mahimasmasan na, “Kuya… hindi ka na babalik pa ng Canada?”
“B-babalik pa, tol… nandoon kasi ang anak namin ni Sandy na pamangkin mong tisoy… na guwapong-guwapo.” Pag-emphasize niya sa salitang ‘pamangkin na tisoy’. “At sa akin ipinamana ni Sandy ang mga negosyo at ari-arian niya. Ipinagkaloob na kasi sa kanila ang mga mana kahit buhay pa ang mga magulang nila upang matuto daw silang tumayo sa sarili at magpalago sa ibinahagi sa kanilang mga negosyo…”
May lungkot naman akong nadarama sa narinig. Mistulang may isang sibat ang tumusok sa aking puso. Gusto ko sana siyang tanungin kung ano ang plano niya sa akin. Ngunit naunahan na rin ako ng hiya. “B-bakit mo pala ipinalakad ang pagwalang-bisa sa pagiging Iglesias mo?” ang naitanong ko na lang.
“Wala lang, parang nawalan na kasi ako ng pag-asa noong di mo na ako kinibo eh. Ang tulis-tulis kaya ng mga titig mo, tumatagos sa buto ko. Parang gusto mo na akong lamunin ng buo e.” Sabay pabirong pananampal ng marahan sa mukha ko na may halong panggigigil. “Antaray ng… utol ng puso ko! Hmmm!” At kurot uli sa pisngi ko. “Kung di lang kita mahal, inilaglag na kita d’yan sa bintana eh.” dugtong niya, turo sa binatana ng kwarto ko sabay tawa, hindi alam na may lungkot akong itinatago.
“E, di sige, subukan mo” ang naisagot ko na lang.
“Huwag na…. Paano naman to?” Sabay turo din niya sa kanyang pagkalalaking gising pa rin ng kaunti.
Sabay kaming nagtatawanan.
Hinalikan niya ako sa bibig.
Maya-maya, naging seryoso ang mukha niya. Tinitigan ako. At ewan kung ano ang sumagi sa isip niya ngunit, “Tol… tandaan mo palagi, kahit na anong mangyari, huwag kang bibitiw sa pagmamahal mo sa akin. Mamatay man ako, sana ako pa rin ang laman ng puso mo. Dahil ako… hindi kita bibitiwan tol; kahit ano man ang mangyri. Pangako iyan.” Sambit niya habang nilaro-laro ng daliri niya ang mukha ko. “Maipangako mo rin ba sa akin iyan tol?” dugtong niya.
Naging seryoso din ako. Pinangmasdan ko ring maigi ang mukha niya, hinaplos din ito, “Pangako kuya… Mamahalin kita habambuhay; sa buhay na ito, at kung sakaling mayroon pa akong susunod pang mga buhay, ikaw pa rin ang mamahalin ko.” sabay yakap sa kanya.
Nagyakapan kami. Mahigpit, ramdam ng isa’t-isa ang bawat galaw ng aming kalamnan, ang bawat pintig ng aming puso…
Tahimik.
“Ano pala iyong hiniling mo kay Papa?” tanong ko noong biglang maalaala ang sinabi ni papa sa last will niya.
“Ah, iyon ba?” ang sagot niya, nag-isip at tinitigan ako.
Ewan pero parang may ibig sabihin ang mga titig na iyon, di ko lang lubos na maintindihan ang laman ng kanyang isip.
Sasagutin na niya sana ako noong bigla namang may kumatok sa kwarto. “Kuya? Nand’yan ka ba? Buksan mo ang pinto, kuya! May sasabihin ako!”
Si Noel.
Nagkatinginan kami ni Kuya Rom at binitiwan ang pigil na halikhik. Syempre, nakahubad kaming pareho. Dali-dali kaming bumalikwas sa pagkahiga at pinulot ang mga damit na nagkalat at pagkatapos ay isinuot ang mga iyon. Inayos na rin ni kuya Rom ang nagkalat na mga gamit at ang mga rosas at pizza na nakalatag sa sahig sa harap ng pintuan. Dali-daling inilagay niya ang mga ito sa mesa sa music corner ng kwarto.
“Sandali lang tol…!” Sigaw ko kay Noel.
Pagkatapos naming magbihis ay agad umupo ni Kuya Rom sa sofa ng music corner at nagpatugtog ng kanta samantalang ako ay tinumbok ang pintuan at binuksan ito.
Noong mabuksan ko na ang pintuan, nandoon din pala si mama, hawak-hawak ang kamay ni Noel. “Birthday daw pala niya ngayon.” Sambit ni mama. “Natandaan niya noong makita ang kalendaryo natin, naalala daw niyang itinuro sa kanya ng yumao niyang ina na ganitong buwan at petsa daw ang birthday niya…”
“Talaga?” ang excited kong tanong kay Noel. “E di 11 years old ka na ngayon?” tanong ko.
“Ten pa lang po kuya kasi noong nakaraang taon, 9 palang po ako.”
“Ah, OK… Tamang-tama dahil may sorpresa ako sa iyo…” Hinila ko ko si Noel sa loob ng kuwarto patungo sa kinaroonan ni Kuya Rom habang nakabuntot naman si mama. “Surprise!” sigaw ko noong makita na nila si Kuya Rom.
Nanlaki naman ang mga mata ni Noel at pati si mama ay nabigla din. Pero alam kong naintindihan na rin ni mama ang dahilan. Hindi naman kasi lingid sa kanyang kaalaman na nagmamahalan kami ni kuya Rom. At lalo na siguro noong makita niya ang mga bulaklak sa ibabaw ng mesa na dala ni kuya Rom.
“Kuya Romwel!!!” sigaw ni Noel sabay takbo sa kinaroroonan ni Kuya Rom. Niyakap niya ito, hinalikan sa pisngi atsaka kumandong.. “Akala ko ba pupunta ka ng Canada?” ang inosenteng tanong ni Noel.
“Ah… Oo nga pala. Kasi, noong nasa airport na ako, naramdaman kong may magbi-birthday ngayon dito eh.” Ang biro ni kuya Rom na nakangiting tiningnan si Noel.
“Alam mo ang birthday ko kuya?” ang puno ng kainosentehang tanong ni Noel.
“Ah… Oo! Ako pa. Malakas sa akin ang nagbi-birthday ngayon.”
“Yipeeeeeee! Nandito pa ang kuya Rom sa birthday ko!”
Tawanan kaming lahat.
“A-ano yan kuya?” Tanong ni Noel sa akin noong mapansin ang karton ng pizza sa ibabaw ng mesa.
“Pizza. At akin yan” biro ko.
“Hindi pa ako nakatikim ng ganyan.” Ang nahihiyang sabi naman ni Noel na parang gustong tumikim ngunit hindi lang masabi-sabi ng diretsahan.
“Ayaw mong humingi?” sabi ko sabay bukas sa pizza, kinuha ang isang slice at kinain, tiningnan siya. “Di ba dati noong una tayong magkita, nanghingi ka sa akin ng tinapay? Bakit hindi ka na nanghihingi ngayon?”
“Nahihiya ako eh.”
“Hahaha!” tawa ko. “Noon hindi ka nahihiya. Ngayon, nahihiya ka na?”
“Eh, kasi noon, nanginginig na ako sa gutom e, di ko na kaya. Ngayon, kaya ko pa naman…”
“Hahahaha!” Tawanan kaming lahat.
Pero ang totoo, touched ako sa sinabing iyon ni Noel. Niyakap ko na lang siya sabay halik sa pisngi. “Hmmmm! Ambait-bait talaga ng utol ko. “Syempre, sa ating dalawa iyan no. Bigay iyan ni Kuya Rom sa atin.” Ang sabi ko na lang.
Sumingitr naman si kuya Rom. “OK… dahil birhtday ni bunso, doon tayo kakain ng dinner sa labas, ako ang taya!” ang mungkahi ni kuya Rom. “Sama tayo ma?” dugtong niyang tanong kay mama, tiningnan ito.
“Ah, e… kayo na lang. Walang magbabantay sa bahay eh. Nandito ang tatlong apo ko.”
“E, di dalhin natin ang mga bata ma, isama na rin natin ang mga yaya?”
“Hindi na… mas maiging kayong tatlo na lang para mas lalong mag-enjoy kayo. At bukas, dito sa bahay, ako naman ang maghanda para sa birthday ni Noel.” Sagot ni mama. “At maraming pizza ang gagawin ko!” baling niya kay Noel.
Kotse ni kuya Romwel ang sinakyan namin patungo sa isang pinakasikat at pinakamahal na restaurant sa syudad namin. Sa harap ako nakasakay at sa likuran naman si Noel. Habang nagda-drive si Kuya Rom, kinuha iya ang cp niya at inutusan akong tawagan sina Kuya Paul Jake at Shane. Gusto niya raw isama sila sa blow out niya para kay Noel at makapag bonding na rin.
Natawagan ko si Kuya Paul Jake at nagsabing susunod daw sya sa venue. Sinabi ko ring on the way na kami.
Dinayal ko na naman ang number ni Shane. Kaso hindi ito ma-contact. “Kuya, hindi ko makontak si Shane...”
“Text mo na lang para makarating ang message.” Sambit ni kuya.
“Bakit ba walang signal si Shane? Saan ba siya?” tanong ko.
“Siguro ay nasa bukid na naman siguro…”
“B-bukid? Saang bukid? At anong ginagawa niya sa bukid?” ang curious kong pagtatanong, naintriga sa narinig na bukid. Baka kasi sa bukid namin iyon.
Sasagutin na sana ni kuya Rom ang tanong ko noong biglang may narinig akong bumundol sa likuran ng sasakyan namin, “BLAGGGGGG!” at umikes na ang sinasakyan namin “SCREEEEETTCCCHHHH!” Halos gumulong ito. Mabuti na lang at na-control kaagad ni Kuya Romwel ang sasakyan. Akala ko iyon na ang katapusan namin.
Lalabas na sana si Kuya Romwel noong may mga taong mukhang secret agent, may mga hawak-hawak na automatic at matataas na kalibreng mga baril at itinutok ang mga ito sa amin. Ang dalawa sa kanila ay nakatayo sa labas ng side ni kuya Romwel at ang dalawa ay nasa side ko naman. “Babaaaaa! Babaaaa!” ang sigaw noong isa.
Sa kabila ng matinding takot, nagawa ko pa ring sikretong pindutin ang call button ng cp ni kuya Rom na nasa upuan lang namin at hinayaan itong magring at nakalatag lang sa upuan. Kahit malabo, narinig ko pa rin ang pagring ng cp at ang pagsagot ni kuya Paul Jake “Hello! Jason? Ikaw ba yan?”
Ngunit dahil sa nakatutok sa akin ang baril ng dalawang tao at upang hindi nila mapansin ang cp, hindi ko ito kinuha o sinagot. Bagkus, sumigaw ako ng, “Ano ang gagawin ninyo sa amin?! Nandito pa kami sa Marcos intersection bakit ninyo kami hinarang? Huwag po ninyo kaming barilin!” ang sigaw ko upang marinig ni kuya Paul Jake ang lugar namin.
At marahil ay napick-up ni kuya Paul Jake ang aking ibig ipahiwatig, hindi na siya nagsalita pa, pakiwari ko ay nakikinig na lang siya.
“Huwag palang barilin ha? Mababaril talaga namin kayo kapag hindi kayo lumabas sa kotse na ‘yan. Kaya labas! Labasss!!!!” utos uli noong tao.
Tumalima naman si kuya Rom at noong binuksan na niya ang pintuan ng sasakyan upang lumabas, palihim kong ibinulsa ang naka-on pa ring cp upang masundan ni kuya Paul Jake ang nangyari.
Pinasakay kaming tatlo sa tinted na van. At noong nasa loob na kami, pumasok din ang mga lalaki. Anim silang lahat, mukhang mga hired killers at ang tatlo sa kanila ay tinutukan kami ng baril.
Magkatabi kaming tatlong pinaupo. Umarangkada ang sinasakyan namin sa palihis na daan patungo sa kabilang syudad.
Hindi naman ako tumigil sa pagtatalak at pati si kuya Romwel at hinikayat kong magsalita din. “Bakit ninyo kami pinasakay sa van ninyo! Kuya Romwel, magsalita ka, saan tayo nila dadalhin? Bakit nila tayo pinasakay dito? Anong gagawin nila sa atin?” habang inginungoso ko naman ang bulsa ko kung saan nandoon ang cp, ipinarating sa kanya na naka-on iyon.
Ngunit mistulang hindi nakuha ni kuya Rom ang ibig kong sabihin. At ang sagot lang niya ay, “Shhh! Huwag kang maingay partner. Baka lalong mag-init ang ulo nila at babarilin na tayo. Steady ka lang. Mamaya lang kakain na tayo, doon sa paborito mong kainan sa may maraming tubig.”
Nagtaka naman ako sa sinabi niya. “Partner? Kakain? Maraming tubig?” ano iyon? Sigaw ng utak ko sa pag-alalang iisipin ni kuya Paul Jake sa kabilang linya na kakain na talaga kami at ok lang ang lahat. “Kuya! Hindi tayo kakain no? Kini-kidnap na tayo!!! Hindi natin alam kung saan tayo dadalhin ng mga hoodlum na to!”
At dahil obvious na ang pagsisigaw ko, binusalan na nila ang bibig ko at pagkatapos ay piniringan kaming tatlo. “Ummmph! Ummphh!” ang ingay na lumabas sa bibig ko.
Mistula namang kalmante lang si Noel bagamat alam kong natatakot din siya. “Huwag ka na kasing maingay, kuya Jason baka saktan ka pa nila…” na sinagot ko naman ng “Ummphh! Ummpphh1 Ummpphhh!” na ang ibig kong sabihin ay, “Paano pa ako mag-iingay e, binusalan na nga ako!”
Habag natigil ang pagtatalak ko, narinig naman namin ang lider na may kausap. “Opo, everythign is under control po. Malinis po ang pagkagawa at on the way na kami sa site…”
May 30 minutos siguro ang paglalakbay ng van noong huminto na ito. Noong ipinasok na kami sa isang lugar, pinaupo kami sa sahig na semento, itinali kami ni Noel na magkatalikod, ang mga kamay namin ay nagpang-abot. Noong tinanggalan na kami ng piring at busal sa aking bibig. Unti-unting luminaw sa aking paningin ang nakaupo sa silyang nakatali ang mga paa at ang mga kamay ay nakatali sa likuran niya, nakaharap sa akin. Si kuya Rom at sa likod niya ay nakatayo si Kris at nakangiting demonyo.
Inikot ng mga mata ko ang paligid. Isang malaking bodega ang dinalhan sa amin ng grupo at may mga nakaimbak pang mga drums at sako-sakong hindi ko alam kung ano ang laman.
Mapapansing pinaghandaan ni Kris ang okasyong iyon dahil sa kanyang kasuotang faded maong at boots, itim na t-shirt na fit, pony tail na buhok at may mga gloves pa ang mga kamay. Pinapagitnaan siya ng dalawang lalaking karga-karga ang kanilang mga baril na nakahandang iputok. Sa di kalayuan ay may dalawa pang mga goons nagmamasid sa amin. Naisip ko na ang dalawa pang goons ay nasa labas at nagsibing mga lookouts.
Hinahaplos-haplos ni Kris ang mga balikat, ulo, at dibdib ni kuya rom at kinukurot-kurot ang mukha na mistulang may pigiil na pangigigil.
“Bulaga!!!!” ang pang-aasar na sigaw niya sa akin. “Akala ninyo hindi ko kayang gawin ito sa inyo no? Pwes nagkamali kayo. Nalimutan mo yata Romwel...” lingon niya kay kuya Rom “...na mayor ang aking tito at may private army ito. Hinahamon mo ako kaya magpasensyahan na lang tayo!”
Mistulang demonyo ang tingin ko sa mukha noi Kris sa sandaling iyon. Pakiramdam ko ay umakyat sa ulo ko ang lahat ng dugo sa katawan. “Pakawalan mo kami dito, impakta! Satanas!” sigaw ko.
“Ayyyyyyyyy! Antaray! Matapang pa rin ang peke na kapatid ni Romwel... Hmmm. Bakit ba kasi naman, nakikisingit ka sa relasyon ng may relasyon. Akala ko pa naman noong una ay kapatid talaga ang turingan ninyo, iyon pala, kapatid sa kapatid!” Humalakhak. “Hindi na kayo nahihiya sa mga sarili ninyo? Hindi pa kayo tinamaan ng kidlat ano?”
Hindi ako nakaimik sa sinabi niya, may halong pagkagulat kung paano niy nalaman ang lahat.
“O... di ba? Nagulat ka kung paano ko nalaman? Ito kasing mahal mo, sobrang tanga. Di ba noong namatay ang papa mo... ” napahinto siya ng sandali “...na papa ko na rin sana… di ba hinatid ako ng boyfriend natin, este mo na lang pala? Iniwanan ba naman sa kotse ang wallet ng honghang habang umihi siya? E, ako naman, syempre, wa-is” itinuro ang kanyang ulo “…naghahalungkat ako ng mga kung anu-anong pwede kong madiskubre at panlaban na rin sa kanya dahil sa pag etsapwera niya na sa akin. At eto lang naman ang nahagilap ko sa wallet niya o... di ba kayong dalawa ito??” Ipinakita niya ang ritrato namin ni kuya Rom kung saan pareho kaming hubo’t hubad, nagyakapan, at naghahalikan.
Bigla kong naalala ang kuha na iyon. Iyon iyong time bago siya umalis papuntang Canada kung saan pinagbigyan kami ni papa na magsama sa kuwarto ko. Akala ko kasi sa cp lang niya iyon itatago, nag-printout pala talaga siya para ilagay sa wallet niya.
“At heto may nakasulat pa sa likod o, at ang sabi, ‘Ang taong nagpapatibok ng aking puso; ang tunay kong mahal, ang utol ng puso ko!’ Awtsssss sweet naman, grabeh.” ang sarcastic niyang sabi sabay, “Eeeewwwww! Kadiri to the max!”
Hindi ko na nagawang umimik pa sa nakita. Tiningnan ko si kuya Rom na tila nahihiya at yumuko na lang sa kanyang nagawang kapalpakan. Pero sa totoo lang, touched din ako sa ginawa niya. Imagine, itinatago pa niya ang ritrato namin sa wallet niya.
“Alam mo Jason, hindi ko talaga maintindihan kung bakit baliw na baliw sa iyo itong gagong ito, e.” Turo niya kay kuya Rom. “… Kasi hindi naman siya bakla na katulad mo, di ba? Ano bang mayroon ka na kinababaliwan niya? Siguro matindi ang gayumang ginamit mo sa kanya ano?”
“Hoy! Hindi ko siya ginayuma! At tama ka, hindi bakla si kuya Romwel pero hindi rin siya baliw! Baliw lang ang pumapatol sa iyo! Kahit sinong lalaki, hindi ka papatulan dahil baliw ka!”
Pagkarinig niya sa sinabi ko, biglang nanlilisik ang mga mata niya at nilapitan ako. At noong nasa harap ko na ay, “Splakkk!”
Isang napakalakas na sampal ang tumama sa pisngi ko. “Mag-ingat ka sa mga pinagsasabi mo!”
“Huwag mong saktan si Jason!” sigaw ni Kuya Rom.
Na agad namang nilingon niya. “Ay, sorry po. Nasaktan ka ba, sweetheart? Sorry ha…? Ansarap kasi niyang sampalin eh. At heto pa oh...”
“Spllaaaakkkkkk!” Isang matinding sampal uli ang tumama at sa kabilang pisngi ko naman.
Hindi ako makapagsalita sa sobrang sakit ng pagtama ng kamay niya sa pisngi ko. Pakiwari ko ay maluha-luha na ako.
“Binabalaan kita, Kris, huwag mong idamay si Jason dito! Huwag mo siyang saktan!” Ulit ni kuya Rom.
“Ow, come on Romwel. Paano mo ako pagbabantaan ng ganyan? Look at you? Anong magagawa mo? Wala ka nang silbi at maya-maya lang, mawawala na rin kayo sa mundong ito, dahil ibabaon namin ang mga walang buhay ninyong mga katawan sa ilalim ng bodegang ito! Pero, dahan-dahan kong papatayin itong bansot na ito sa harap mo?! Gusto kong makita mo ang paghihirap niya. gusot kong makita sa pagmumukha mo ang sakit ng naramdaman kapag ang mahal mo ay mawawala sa iyo… Kagaya ng naranasan ko. Hmmmm. Exciting!”
“May sakit ka nga sa pag-iisip!” ang sigaw ni kuya Rom sa kanya.
“Talaga? Baka ikaw ang may sakit sa utak, Romwel. Lalaki ang pinatulan mo, di ba ikaw ang may sira sa utak niyan?”
“Oo, may sakit na sa utak kung may sakit. Pero malinis ang hangarin ko!”
“Waaahhhh! To the highest level na talaga to! Grabe! E, kung simulan ko na kaya ang pagpapahirap nitong mahal mo?” at itinaas uli niya ang kamay upang sampalin na naman ako.
Ngunit sumingit si Noel. “Huwag mong saktan ang kuya Jason ko!” sigaw niya, pilit na ibinaling ang ulo niya kay Kris.
“At sino naman itong hampas-lupang ito? Bagong ampon ba?” sabay tawa. “Gusto mo bang ikaw ang una kong ipapatay? Iyong mga bala ng baril, sa mga mata mo natin ipapatagos? Gusto mo iyon?” Pananakot niya kay Noel
Ngunit hindi natatakot si Noel “Ako na lang patayin mo, huwag lang mga kuya ko!”
“Wow! Atapang-na-bata! Mamaya, maghintay ka lang ha? Mabait naman ako, pagbigyan kita. Ikaw ang uunahin kong patayin.” Sabay tungo uli sa kinaroroonan ni kuya Rom at hinahaplos-haplos na naman ang mukha ng huli.
Habang abala si Kris sa pang-aasar kay Kuya Rom, binulungan naman ako ni Noel, “Kuya, matatanggal ko na po ang tali sa kamay ko. Huwag kang gumalaw kuya, tatanggalin ko rin ang tali sa kamay mo…”
“S-sige tol…” bulong ko rin.
Nasa ganoong sitwasyon kami ni Noel noong biglang napalingon ako sa isang nakatayong drum at napansing may mukhang sumilip. “Si Kuya Paul Jake!” sigaw kosa sarili. May isinesenyas siya sa akin ngunit hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin.
Bigla akong nabuhayan ng loob. Si Kuya Paul Jake kasi ay hindi lang magaling sa larong volleyball; magaling din ito sa taekwondo.
Natanggal ni Noel ang tali sa kamay ko ngunit nanatiling hindi kami kumilos, hindi nagpahalata. Tiningnan ko si kuya Paul Jake at tumango ako ng dalawang beses pagpahiwatig sa kanya na siya ang unang gumawa ng hakbang. Iyon kasi ang signal namin kapag naglalaro kami ng Volleyball at sa kanya ko ibigay ang bola bilang isa sa mga spikers at paluin niya ito papunta sa kalaban.
Dahil nakaharap lang si kuya Rom sa akin, nakita din niya ang signal ko, marahil ay napick-up niyang may tao sa likuran niya.
Sa hudyat kong iyon, biglang dumaluhong si Kuya Paul Jake sa gwardiyang nasa harapan lang niya, nilock sa siko niya ang leeg at binali ito, tahimik na inilatag ang walang buhay na katawan sa sahig at kinuha ang baril. Hindi pa man tuluyang nakalingon sa direksyon niya ang iba pang mga hoodlum, binaril na niya ang isa na nasa gilid lang ni Kris. Ang isa naman ay dali-daling naghanap ng pwesto at pinaputukan kaagad si Kuya Paul Jake.
Hindi nakakilos agad si Kris sa sobrang pagkagulat. Bigla namang itinumba ni kuya Rom ang kanyang inuupuang silya marahil sa isip niya upang hindi siya matamaan sa putukan.
Habang nakasentro ang mga gwardiya sa pagpapaputok kay kuya Paul Jake, dali-dali namang gumapang si Noel sa direksyon ni kuya Romwel na nakahandusay sa semento. Pilit na tinanggal ni Noel ang tali sa kamay sa likod ni Kuya Rom.
Kasabay sa ginawa ni Noel, dali-dali din akong tumayo, dumaluhong kay Kris na litong-lito pa sa kung ano ang gagawin. Nilundag ko at hinablot ang pony-tail niyang buhok at inilambitin ko ang buong bigat ng katawan ko dito na tila isang acrobat sa circus. Noong maduwal si Kris at natihaya sa semento, inupuan ko ang dibdib niya, hinablot ang buhok at iniumpog-umpog ang ulo sa semento.
Ngunit mahaba ang kanyang mga kamay. Sinakal niya ako sabay tambak sa akin sa sahig.
Bigla niyang tinumbok ang nakalatag na baril ng natamaang guwardiya at ginapang ito.
Samantala, natanggal na rin ang pagkatali ng kamay ni kuya Rom. Bagamat may tali pa ang kanyang mga paa, ang baril na tinumbok ni Kris ay siya ring baril na ginapang ni kuya Rom. Ngunit dahil mas malapit si Kris dito, una niyang nahawakan ang baril.
Sa pagkakita ko, maagap kong tinandyakan ang baril na nahawakan na ng kanyang mga kamay at natapon ito sa malayo. Agad namang kinuha ni Noel ang baril at mabilis na inihagis iyon kay kuya Rom.
Binaril kaagad ni kuya Rom ang guwardiya ni Kris na ang kasalukuyang pinapaputukan ay si kuya Paul Jake. Bagamat nakadapa lang at mahirap ang kalagayan ni kuya Rom, natamaan pa rin niya ito. Noong makita ni Kris ang nangyari, tumakbo siya patungo sa nabaril na alalay, akmang pulutin ang baril.
Ngunit binaril na rin siya ni kuya Rom. Tinamaan si Kris sa baywang. Bagsak. Tatlo na lang ang natirang tauhan ni Kris.
Dahil sa may tali pa ang mga paa ni kuya, itinutok niya ang dulo ng baril sa nakausli na tali. Natanggal ang tali niya. Pagkatapos, umakyat siya sa ibabaw ng mga nakapatong na sakong may mga laman upang matumbok ang puwesto ng mga nagtatago pang tatlong tauhan ni Kris.
Nasa ganoong nakatayo si kuya Rom sa ibabaw ng mga sako noong napalingon ako sa kinaroroonan ni Kris. Nakakilos pa pala ito at bagamat nahirapan na, itinutok pa ang baril sa akin. Sa pagkabigla ko ay hindi ako nakakilos. Ngunit bago ko narinig ang putok, naalipmpungatan ko na lang si Noel na biglang yumakap sa akin at siya ang sumangga sa bala na para sana sa akin. Bagsak si Noel habang si Kris naman ay tuluyan nang nawalan ng malay.
“Noelllll!!!!” Sigaw ko, yakap-yakap sa aking mga bisig ang duguan niyang katawan.
Tiningnan ko si Kuya Romwel na nakatayo sa ibabaw ng nakatambak na mga sako at napatingin din sa direksyon namin ni Noel. Habang nagkasalubong ang aming mga tingin, biglang sumulpot ang isang goon at pinaputukan si kuya Rom. Dalawang putok ang aking nakitang tumama kay kuy Rom; ang isa ay sa sentro ng dibdib niya at ang isa ay sa balikat.
Nagawa pa ni kuya Rom na lumingon sa taong bumaril sa kanya. At bago siya natumba, napaputukan pa niya ito at tinamaan sa dibdib, bumulagta sa sahig.
Kitang-kita naman ng aking mga mata kung paano na-outbalance si kuya Rom sa kinalalagyan niya. Unti-unti siyang nalaglag sa sahig na semento. Mistulang slow motion ang lahat at bagamat gusto kong tulungan siya ay wala akong magawa dahil sa sobrang pagkalito at gulo ng isip gawa ng si Noel ay may tama din at yakap-yakap ko pa.
Kitang-kita ko rin kung paano bumagsak ni kuya Rom sa sahig na semento at kung saan ang unang tumama dito ay ang ulo niya at nabagok ito.
“Kuya Rooooooommmmmm!!!!” ang sigaw kong sagad sa aking baga ang lakas at umaalingawngaw sa buong bodega.
At ang sunod kong naring ay tinig na ng mga car patrols ng mga kapulisan.
Matapos mahuli ng mga pulis ang natirang mga tauhan ni Kris na sumurrender, agad na dinala nila ang mga ito sa presinto habang si Kris ay dinala sa ospital sinamahan ng ilang mga escort na pulis.
Dinala din namin sina Noel at kuya Rom sa ospital. Si Noel ay conscious bagamat mad’yo malakas ang pag-agos ng dugo galing sa tama niya sa braso. Ngunit doon ako natatakot sa kalagayan ni kuya Rom. Mistula itong patay na hindi siya gumagalaw. Inalam ni kuya Paul Jake kung pumipintig ba ang puso niya at nag thumbs up naman ito. Hindi naman ako mapigil sa kasisigaw, “Kuya Rommmmmm!!!”
Sa pinakamalapit na ospital sila dinala. Kaagad silang ipinasok sa emergency room. Habang inasikaso sila ng mga duktor, hindi ako mapakali. Pakiramdam ko, sobrang bagal ang pagtakbo ng oras sa sandaling iyon.
Doon na rin kami nakapagkuwantuhan ni Kuya Paul Jake sa mga pangyayari. Kaya pala niya natunton ang lugar na pinagdalhan sa amin ng mga tauhan ni Kris at nakatawag pa siya sa mga pulis ay dahil sa binanggit ni Kuya Rom na mga codes galing sa cp kong sikretong nakabukas.
“‘Partner’, kasi ang pakilala ni Romwel sa akin kay Kris noong may dalawang beses kaming nagpang-abot sa restaurant na malapit sa bodegang pinagdalahan nila sa inyo. Paborito ko ang restaurant na iyon at naimbitahan ko siya doon upang i-try ang kanilang mga pagkain at makita ang sariwang ambiance nito dahil nakatayo ito mismo sa gitna ng lawa. Paborito din palang hang-out ito ni Kris at mga ka-tropa niya. Nagtatawanan pa nga kami noon dahil pagkabanggit ni Romwel na magpartner nga kami, dinugtugan ko naman ito ng ‘partner sa katarantaduhan’. At ang restaurant na iyon ay madadaanan kapag nanggaling ka sa Marcos intersection na siyang unang binanggit mo. At ang bodegang dinalhan sa inyo ay pagmamay-ari ng Tiyo ni Kris na isang politiko. Nakita na rin namin ni Romwel ito. Ibinunyag kasi sa amin ni Kris na sa bodegang iyoon nila ginagawa ang mga initiations kapag may mga bagong aplikante ang fraternity/sorority nila. Kaya noong mabanggit ni Romwel ang ‘kakain sa restaurant’ at ‘maraming tubig’… doon ko napagtagpi-tagpi ang ibig ipahiwatig niya: isang restaurant na nasa lawa at ang salitang partner ay nangangahulugang may kinalaman kay Kris. Kaya sa bodega na iyon kaagad ang sumiksik sa isp ko.” Paliwanag ni Kuya Paul Jake.
Nagulat naman ako sa narinig. Hindi ko kasi akalain na dahil pala kay kuya Rom kaya kami natunton ni kuya Paul Jake at ng mga pulis. Ang buong akala ko, hindi niya naintindihan ang pagmuestra ko na sikretong nakabukas ang cp ko. Lalo na noong sinabi pa niya na “kakain kami sa restaurant” na nadismaya ako dahil ang buong akala ko ay ang ibig niyang sabihin talaga ay dideretso kami sa planong kainan at kung ganoon, maisip ni kuya Paul Jake na ok lang kami at hintayin na lang niya sa venue na plano namin sa gabing iyon. Ang hindi ko pala alam ay coded messages na pala iyon para kay kuya Paul Jake.
“Ang galing talaga ni Kuya Rom! Kahit saan ang galing-galing niya!” bulong ko sa sarili. Lalo tuloy akong napahanga sa sa kanya. Ngunit lalo din akong naawa at natakot sa maaaring mangyari. Hindi pa rin bumalik ang kanyang malay-tao.
Nagpasalamat ako kay kuya Paul Jake dahil sa ipinakitang gilas din niya. “Magpartner talaga kayo, kuya!” sabi ko sa kanya. “Kasi, alam na alam ninyo ang mga kilos at ibig ipahiwatig ng bawat isa.”
Napangiti naman si kuya Paul Jake. “Ano ba yan selos o papuri?”
“Syempre naman papuri no! Di mo naman kailangan ang katulad ni kuya Rom eh.”
“Joke lang.” Bawi din niya. “Pero ang galing din ng ginawa mong pagbukas ng cp mo. Iyon ang daan upang marinig ko ang mga pag-uusap ninyo”
Isang pilit na ngiti ang binitiwan ko. “Salamat kuya.”
Pagkatapos ng halos dalawang oras, lumabas ang isa sa mga duktor na nag-asikaso sa kanila galing sa operating room at inilabas na rin si Noel na naka-stretcher ipapasok sa kanyang ward. “Ligtas na siya. Walang nang dapat ikabahala pa sa kanyang natamong tama.”
Niyakap ko si Noel at hinalikan sa pisngi. “Maya mag-usap tayo tol ha?”
Tumango naman ang bata.
“Dok… kumusta na po si Mr. Romwel Iglesias?” ang tanong ko sa duktor.
“Ah… So far unconscious pa rin ang pasyente. Apparently gawa ito nang pagkabagok ng ulo niya. Pero oobserbahan pa natin siya… Isang tama sa balikat ang natamo niya at naoperahan na rin ito.” paliwanag ng duktor.
“Di ba may tama din siya sa dibdib dok…? Kitang-kita ko kasi ang pagtama ng bala sa dibdib niya.” ang pagklaro ko sa nasaksihan ko kay kuya Rom bago siya bumagsak sa sahig na siya kong ikinatakot na baka ang tamang iyon sa dibdib ang kikitil sa buhay niya.”
“Hindi tumagos sa dibdib niya ang balang iyon. Nasangga ito ng pendant na suot niya… Maswerte sa kanya ang kwentas na iyon. Kung hindi dahil doon, siguradong sa puso niya tatama ng balang iyon.”
Kinilabutan naman ako sa narinig. Sa kuwarto ko kasi nagbihis si kuya Rom bago kami lumabas at napansin ko na ang medalya na iyon na suot-suot niya. Ito kasi iyong gintong medalyang ipinagkaloob sa kanya ni papa noong matuwa ito sa pagkakaroon ni kuya Rom ng mga anak. Ang totoo, masamng-masama ang loob ko sa pagbibigay niyon sa kanya. Kasi, iyon daw ay namana pa niya sa kanunu-nunuan ng mga Igelsias. Tapos, kay kuya Rom ipinagkaloob samantalang ako naman ang tunay niyang anak. Nagtatampo ako, umiiyak kasi pakiramdam ko ay talagang wala nang pagmamahal at tiwala ang papa ko sa akin.
“Alam kaya ni papa na ito ang magligtas sa buhay ni kuya Rom? O sadyang ito lang talaga ang tinatawag nilang devine providence.” Ang naitanong ko sa sarili. Bumalik-balik tuloy sa isipan ko ang mg paalala sa akin ni mama kapag ganoong nagrereklamo ako sa mga gustong kamtin ngunit hindi ko makuha. “May mga bagay na sadyang hindi nakalaan para sa atin. May mga bagay din na kahit nakalaan sa atin ay sadyang hindi pa panahon para maging atin. At may mga bagay din na napupunta sa ibang tao dahil sa mas kailangan nila ito kaysa sa atin. Lahat ng bagay sa mundo ay may dahilan kung bakit nandyan at bakit napupunta o hindi napupunta sa atin. Ang mahalaga ay dapat masaya tayo sa kung ano man ang ipinagkaloob sa atin at matuto tayong pahalagahan at ma-appreciate ang mga ito… Huwg mo nang questionin ang papa mo kung bakit kay kuya Rom mo ibinigay ang pendant na iyon. Isang araw, masasabi mo na lang sa sariling, ‘tama lang pala na hindi napunta sa akin ang bagay na iyon’...”
Sa totoo lang, hindi naman talaga ako naniniwala na darating pa ang panahon na masasabi ko iyong sinabi ni mama. Ang alam ko kasi, unfair talaga si papa; mas mahal niya si kuya Rom at bilib na bilib siya dito. Iyon ang dahilan kung bakit niya ibinigay ito kay kuya Rom. Kinimkim ko ang sama ng loob kong iyon.
Ngunit sa sinabi ng duktor na ang medalyang iyon pa pala ang sumangga sa balang sa puso sana ni kuya Rom tatama, doon ko napagtanto ang pagkamakasarili ko at pagkamababaw ng aking pag-iisip. Hindi ko inakala na hahantong pala sa ganoong pangyayari kung saan ang medalyang iyon ang siyang magligtas sa kanyang buhay.
“I-ibig sabihin dok, ligtas na si kuya Rom kahit na unconcious pa rin siya?” ang dugtong kong tanong sa duktor.
“Ligtas na nga ang buhay niya ngunit maselan pa rin ang kanyang kalagayan. Malamang na nagdulot ng problema ang pagkabagok ng ulo niya sa semento na siyang naging dahilan ng kanyang pagka-unconscious. Kung hindi pa siya magising hanggang bukas, malamang na nagkaroon nga ng problema. Ang tanging magagawa natin ay hintayin ang resulta ng CT scan…”
Lungkot na lungkot ako sa narinig na pahayag ng duktor. At ang nagawa ko na lang ay umiyak. Niyakap ako ni kuya Paul Jake. “Huwag tayong mawalan ng pag-asa tol… ipaglaban ni Romwel ang buhay niya.” ang pag-encourage sa akin ni kuya Paul Jake.
Dahil nasa operating room pa si kuya Rom at hindi pa kami pinayagang makita siya, inihatid muna namin si Noel sa kanyang ward.
“Tol… ligtas ka na. At bukas daw ay pwede ka nang makalabas dito sabi ng duktor. Salamat sa pagligtas mo sa buhay ko ha? Buti a lang at sa braso ka lang natamaan” ang sabi ko kay Noel noong mailipat na ito sa kama. Hinaplos-haplos ko ang mukha niya.
“Ok lang iyon kuya. Gagawin ko pa rin iyon kapag may nagtangka sa buhay mo”
“Ay… huwag mo nang gawin iyon! Hindi puwede. Paano kung mamatay ka?”
“E, ganoon din naman kuya kung hindi mo po ako pinulot sa kalsada… patay na rin po ako ngayon.”
Ramdam kong may sumundot naman sa puso ko sa sinabing iyon ni Noel. Niyakap ko na lang siya at hinalikan sa pisngi. “Hmmm. Ambait talaga ng utol ko. At matalino pa. Mwah!”
Maya-maya dumating naman si mama, hindi magkamayaw sa pag-alala sa nangyari. Niyakap ko siya at dun na humagulgol, humugot ng lakas sa kanya.
Kinabukasan, lumabas ang resulta ng CT scan at nakita ang crack sa bungo ni kuya Rom. May blood clot daw at kailangan ang agarang operasyon na isinagawa naman kaagad.
Naging successful ang opersayon bagamat nanatiIi pa ring unconscoius si kuya Rom. Sabi ng mga duktor, oobserbahan lang ang kanyang kalagayan at may chance naman daw na manumbalik pa ang kanyang malay. Yun nga lang, kung sakaling manumbalik ang kanyangmalay, may posibilidad din na magkaroon ng epekto ito sa normal na mga functions ng kanyang katawan.
Malungkot kaming lahat sa nangyari. Ilang araw at ilang gabi rin akong nagbantay kay kuya Rom. Galing sa school diretso ako sa ward niya at doon na rin natutulog, doon kumakain. Kahit na hindi niya ako narinig o naramdamn, ibinigay ko ang lahat ng suporta sa kanya. Habang pinagmamasdan ko siyang walang malay na tila nahihimbing lang sa pagtulog, hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Bumabalik-balik ang mga eksena kung saana masayang-masaya kaming dalawa, ang unang pagtatagpo namin sa volleyball court ng eskwelahan pinapasukan namin, ang pagsasali namin sa mga liga kung san siya ang bantay at bodyguard ko, ang pagsagip niya sa akin noong nalunod ako sa ilog. Naalala ko rin ang pagbigay niya sa akin sa singsing na minana pa niya sa papa niya, sa pagbibigay niya sa akin ng kung anu-anong bagay at mga alaala, ang pagluluto niya sa paborito kong pagkain, ang pang-aasar niya, ang paglalambing, ang pagpaparaya kapag may hiniling ako kahit nahihirapan pa siya, ang pagtapon ko sa singsing niya sa ilog at halos malagutan na siya ng hininga sa pagsisid noon at pagkatapos ay ibinigay niya uli sa akin… Hindi pa ako handa na mawala ang lahat ng iyon. Hindi ko kaya...
“K-kuya… kung naririnig mo man ako, mahal na mahal kita. Huwag kang bumitiw kuya. Kasi sabi mo sa akin, huwag akong bibitiw sa iyo eh. Sana ikaw ganoon din sa akin. Hindi ko kayang mawala ka kuya. Please kuya, lumaban ka.” Ang mga salitang pabalik-balik kong ibibubulong sa tenga niya.
Dinala ko na rin ang lahat ng mga ala-ala na ibinigay niya sa akin – ang singsing na isinuot ko na, ang gold bracelet, ang kumpol ng mga rosas na isa-isa kong ipini-preserve, ang mga litrato namin… lahat.
Naglagay din ako ng malaking streamer sa loob ng ward niya na ang nakasulat ay, “Kuya… Welcome Back!” at may maraming iba’t-ibang kulay na mga baloons at yellow ribbons, na nangangahulugang naghintay ako at hindi nagbago ang pagmamahal ko sa kanya.
Kung titingnan ang loob ng ward ni kuya, mistulang may welcome party ito, ang saya-sayang tingnan. Pilit kong ipinakita sa mga taong malakas ang kutob kong babalik pa rin ang malay ni kuya, na hindi ako mabibigo sa paghihintay sa kanya.
Ngunit, isang kabaliktaran ito sa tunay na pangyayari. Hindi pa rin nagising si kuya.
Alam ko, nahahabag na sa akin ang mama ko at mga kaibigan namin kuya Rom. Habang tumatagal kasi, naramdaman kong unti-unti na ring nawalan sila ng pag-asa.
Patuloy pa rin ang pag-usad ng araw at mistulang walang pagbabago sa kalagayan ni kuya Rom. Ngunit nanatiling matatag ako, hindi pa rin nawalan ng pag-asa.
At bagamat hindi ako sigurado kung maririnig niya, pabalik-balik kong ipantugtug ang paborito naming kanta na lalo namang nagpatindi sa pangungulila ko. Kahit nagka-crack ang boses ko sa pag-iiyak, sinasabayan ko pa rin ang pagkanta sa paborito naming kanta kagaya ng ginagawa naming dalawa palagi sa kwarto ko.
“Sometimes I feel like I'm all alone
Wondering how, what have I done wrong
Maybe I'm just missing you all along
When will you be coming home back to me
There were times I felt like giving up
Haunted by memories I can't give up
Wish that I never let you go and slip away
Had enough reasons for you to stay
Can you feel me, see me falling away (see me falling away)
Did you hear me, I'm calling out your name (calling out your name)
'Cuz I'm barely hanging on
Baby you need to come home... back to me
Sleepless nights 'cuz you're not here by my side
Cold as ice I feel deep down inside
Maybe I'm just missing you all along
When will you be coming home
Can you feel me, see me falling away (see me falling away)
Did you hear me, I'm calling out your name (calling our your name)
'Cuz I'm barely hanging on
Baby you need to come home back to me...”
Sa bawat tugtog ng kanta na iyon, sumiksik sa isipan kong sadya talagang mapaglaro ang tadhana. Ang bawat kataga kasi ng noon ay may dalang mensaheng halos tugma sa aming kalagayan. Kagaya ng binanggit sa kanta, nagmamakaawa akong sana ay bumalik na ang kuya ko sa akin, inaasam na maramdaman niya ako, na marinig niya ang aking panaghoy; ang pagtawag ko sa kanyang pangalan…
Isang araw, dalawang araw, tatlo, apat, lima… isang linggo. Wala pa ring pagbabago sa kalagayanni kuya Rom.
“Josh, anak… turuan mo ang sariling tanggapin na ang katotohan… at ang maaaring mas higit pang masakit na maaaring darating pa.” payo sa akin ng mama ko.
Ngunit hindi ako natinag. “Ma… habang buhay pa si kuya Rom, hindi ako nawawalan na pag-asa ma!” Ang padabog kong sabi. “Kasi po, hindi ko malimutan ang huli niyang sinabi sa akin na kahit na anong mangyari, huwag akong bibitiw dahil hindi rin daw siya bibitiw ma… Nangako siya sa akin ma, at nangako din ako sa kanya! Kaya, hindi maaaring mawalan ako ng pag-asa. Alam ko, nand’yn lang siya. Alam ko, nakikinig siya sa akin ma…”
Hindi na magawang magsalita pa ni mama. Alam ko, nabalisa na rin siya sa kalagayan ko.
“Alam mo kuya, naintindihan kita…” ang wika naman ni Noel na noon ay isang maliit na bandage na lang ang nakatakip sa unti-unti nang gumaling niyang sugat.
“Buti ka pa tol… naintindihan mo ako.”
“Kasi… noong malapit nang mamatay ang inay, ganyan ang naramdaman ko.”
“Ngunit hindi mamatay ang kuya Rom tol. Alam ko, hindi niya tayo iiwanan…” ang pagtutol ko naman sa pagkumpara niya sa kalagayan ni kuya Rom sa nangyari sa kanyang nanay.
“Mahal mo si kuya Rom?”
Tumango lang ako.
“Mahal ko rin si kuya Rom e…” Ang puno ng kainosentehang sabi ni Noel. “Alam mo kuya, sabi sa akin ni kuya Rom sa airport noong inihatid namin siya papuntang Canada, na mahal na mahal ka raw niya at palagi daw kitang babantayan, at alagaan. Kaya noong nakita kong babarilin ka na doon sa bodega, tinakpan kita kasi ayokong mabaril ka at naalala ko rin ang sabi ni kuya sa akin. Atsaka Iglesias na raw ako kaya dapat matatag din ako at matapang katulad niya.”
Napaiyak na naman ako sa narinig. Niyakap ko na lang si Noel. “Oo, Iglesias ka tol, na kaya palagi nating tandaan ang mga sinabi ni kuya Rom sa atin ha?”
Ewan, pero sa dinaanan kong hirap, tanging ang pangako ni kuya Rom at ang mga naririnig kong kwento tungkol sa kanya na lang ang nagpaptibay ng loob ko. “Hindi ako bibitiw kuya dahil iyan ang pangako natin sa isa’t-isa” ang palagi kong ibinubulong sa kanya.
Dahil dito, natuto din akong manalangin ng taimtim sa kanya sa taas. Alas dose palagi ng hatinggabi ako nagpupunta sa kapilya ng ospital at nanalangin.
“Lord, pasensya na po kayo dahil minsan, nalilimutan kita at minsan din, nagtatampo sa ibinigay mong klase ng pagkatao ko. Inaamin ko naman, hindi ako naging mabait na tao. Marami akong pagkakasala, marami akong pagkukulang… Subalit, marami din po akong masasakit na dinadanas sa buhay na ibinigay ninyo. At ikaw lang ang bukod tanging nakakaalam sa lahat ng hirap at sakit na naranasan ko sa buhay. Simula noong marealize ko ang kakaibang naramdaman ko, sobrang sakit na ng kalooban ko na nahirapan akong tanggapin ito. Muntik na akong mawalan ng pag-asa. Muntik na akong magpakamatay sa nalalamang ganitong klase ang pagkatao ko. Ngunit ibinigay mo sa akin si kuya Rom. Sa kanya tumibok ang puso ko. Hindi ko ginusto ang lahat. Bagamat marami din akong pinagdaanang hirap sa kanya at maraming beses din akong nagreklamo at nasaktan sa relasyon namin, ngunit ngayon ko po narealize na hindi ko pala kayang mawala siya sa buhay ko. Handa kong isakripisyo ang lahat, mabuhay lamang si kuya Rom ko. Kahit ano po ang ibibigay ninyong kapalit, tatanggapin ko, manumbalik lang po ang malay niya. Kahit anong hirap pa po ang kabayarang ipataw mo, intindihin ko po at tatanggapin. Kahit buhay ko po, handa kong ialay para sa kanya. Mahal na mahal ko po siya. Kahit ako na lang po ang kunin mo, maintindihan ko po. Kasi, kahit mabuhay man ako ngunit kunin mo ang taong minahal ko, gugustuhin ko na rin pong mamatay. Ayaw ko po sa klase ng pagkatao na na ibinigay ninyo sa akin. Mahirap po kasi, marami pong balakid sa pag-ibig. Hindi ko kayang magkunyari, hindi ko kayang harapin ang mga pangungutya. Ngunit kinaya ko po ang lahat, tinanggap bagamat masakit at mahirap. Ito po ay dahil sa kanya – kay kuya Rom. Kung mawawala po siya sa akin, hindi ko po alam kung paano mabuhay. Sana ay huwag mo siyang ipagkait sa akin panginoon. Kinuha niyo na po ang papa ko. Sana, huwag po ninyong kunin si kuya Rom sa akin…”
Natapos na akong magdasal noon at bumalik na sa ward ni kuya. Pnasin kong nagkagulo ang mga nurse at duktor na nagmamadaling pumasok sa ward ni kuya.
Matinding kaba ang bumalot sa buong pagkatao. At namalayan ko na lang ang sariling nagtatakbo din sumugod sa ward. Noong nasa loob na ako, narinig ko naman ang sigaw ni Noel, “Kuya Rommmmm!!! Kuya Rommmmm! Huwag mo kaming iwan kuya Rom!!!”
Tiningnan ko ang mga appratus sa at huminto na ang mga ito. Ang monitor ng graph na may tumataas-baba pang mga linya ay deretsong linya na lang ang nakikita. Pinindot pala ni Noel ang distress button ng ospital noong mapansin ang mga monitor na hindi na humihinga si kuya Rom.
Dali-daling ni-revive ng mga duktor ang paghinga ni kuya. Tinanggal ang damit niya sa kanyang dibdib at biglang inilapat doon ang de-koryenteng metal. Mistulang tumalbog ang katawan ni kuya sa pagdiin niyon. Tiningnan ng mga dukto ang monitor kung nanumbalik ba ang pintig ng puso ni Kuya.
Ngunit wala pa rin.
Idiniin ulit ang mga aparatong iyon sa kanyang dibdib.
Wala pa rin.
Hanggang sa ang nakita ko ay ang pag-iling na ng duktor, tiningnan ako at buong lungkot ang boses na nagsalita, “I’m sorry. He’s dead...”
“Kuuuuuuuuuuuuuuuuuuuyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!” ang salitang umalingawngaw sa buong ospital.
(Itutuloy)