by: DALISAY
CHAPTER 3 (Ang Mahabang Buhok ni Monty)
Hindi mapakali si Monty ng dumating ang vacant nila. Sakto iyon sa oras ng lunch break. Kanina pa niya iniisip kung ano ang mangyayari o maaaring mangyari kapag nagkita sila sa canteen ni Ronnie. For sure, wala lang magawa yun kaya napagkatuwaan siya. Sa loob ng ilang oras ay halos kilala na niya ito. Thanks to Almighty Jordan.
Ang mga nakalap nitong impormasyon ay mabilis na naibahagi nito sa kanya. Ganun katindi ang lawak ng koneksiyon nito sa campus. Nang tanungin niya ito kung paano nito nagawa iyon, isang simpleng ngiti lang at kibit ng balikat ang ginawa nito. Napapantastikuhan man sa ginawa ng kaibigan ay nagpapasalamat pa rin siya.
Natapos ang mahabang bell na naging hudyat kanina para sa patatapos ng kanilang klase. Nakita niya na tumayo si Jordan sa kinauupuan nito na may kalayuan sa kanya.
"Halika na Claudia." yaya nito sa kanya.
"Claudia ka diyan! Luka-luka!" natatawa niyang sabi. Umagay pa siya sa paglalakad nito.
"O sige, ikaw na lang si Katrina." nakangising sabi nito.
"Halili?" tanong niya.
"Ambisyosa!" sagot ni Jordan.
"Inggitera!"
"Ilusyunada!"
"Eklatera!"
"Kemedora!"
"Tutchangera!" sabay tawa niya dahil hindi agad nakasagot ang kaibigan. Namula agad ito sa narinig.
Lumingon ito sa paligid. Pulang-pula ang mukha. "Walanghiya ka talaga! Buti na lang walang may knowing-galore sa hanashi mez! Wit ganun friend. Below the belt yun." arte nito sabay bulanghit ng tawa.
"Eh bakit? Totoo naman na tutchangera ka ng mga survivor philippines sa atin. Mind you, alam ko ang tsismis ng mga serbisyong totoo sa paligid tungkol sa'yo." his lips etched a devious smile.
"Hoy! Anong chismis yan? Anekwaboom?" curious na tanong nito. Tinatalunton na nila ang hagdanan pababa.
"Bet mo daw mang-tutchang ng mang-tutchang. Eh iyong isa raw na survivor philippines na wititit nagpa-keme sayotik, ang nag-information dissemination sa pandaigdigang merkado."
"Sobra!!! Witititchina-bambambini cologne summer fresh sa pagka-truli bells yan teh. Trudis na yung tutchang, pero wiz si wata nag-Pilita Corrales sa nyoyaw ng tutchang." naiinis na sabi nito sa kanya.
"Nakakadiri ka bakla!" exaggerated pa siyang sumimangot.
"Well my friend, you don't exactly smell like a rose. Hawaan mo nga ako ng linis mo ng magkasing-linis na ang mga pagkatao natin." nakangusong sabi nito.
"Alam mo Jordan, hindi ako nagmamalinis. Makinis pwede pa." sabi ni Monty na dinugtungan pa ng malakas na tawa.
Nagkakatuwaan pa rin silang magkaibigan ng makarating sila sa canteen. Dahil lunch time, jam-packed ang mga estudyante. May mga maiingay. May mga tahimik na kumakain. May nagsusulat. May nakatambay. At kung anu-ano pang eksena na maaaring makita sa isang canteen ng mga estudyante.
"Friend, mukhang marami na masyadong tao rito, ayoko namang magsigawan tayo habang nag-uusap diba?" sabi niya sa kaibigan na ini-scan ang paligid.
"Hoy!" untag niya rito ng tila hindi nito marinig ang sinabi niya.
"Ha, o bakit? Ano yun?" tila nagulat na sambit nito.
"Sabi ko, masyado ng crowded dito. Lipat na lang tayo sa Wendy's."
"Ha? How about yung lunch date nino ni Ronnie? Huwag mong sabihin na iindiyanin mo yung tao?" naka-kunot noong tanong nito.
"Haller. Malay ko ba kung totoo yun o hindi. Saka isa pa, feeling ko nangloloko lang yun eh. Or baka sabog. Di ba sabi mo na rin, hindi ganoon kaganda ang reputasyon niya?" nagtatakang tanong niya rito.
"OA ka teh. Ang sabi ko rin sa'yo kanina, ayun yun sa tsismis. Saka ano bang masama sa lunch date? Its just a date mare, its not as if you're marrying him or something!" mas OA naman nitong sagot sa kanya.
Hindi naman din nakasagot agad si Monty sa sinabi ng kaibigan. Napag-isip pa nga siya. Bakit nga ba siya nagre-react ng ganun? Di bale kung girl talaga siya. May tinatawag na "women's privilege" at kasama na roon ang pag-iinarte sa mga paanyayang dates.
"Oh, ayun na siya." kinikilig na sabi nito.
"Sino?"
"Si Ronnie." nangingiting sabi nito. Sinundan niya ng direksiyon ang tingin nito. Mula sa kulumpon ng mga estudyante ay parang hinawi ng malakas na alon awtomatikong nagsitabihan ang mga ito. From his swagger moves at hindi maipagkaka-ilang sex appeal na halos magpatigil sa pagkain ng ilang kababaihan, kabaklaan at kapamintahan sa buong sankinabartolomehan. At sa kanya lang ito nakatingin.
Monty felt like they were the only person in the world. Bakit? Sino bang hindi hahaba ang buhok bigla-bigla na pwedeng maging dahilan ng matinding pagkakatrapik sa kabuuan ng edsa sa pagkakatingin na iyon ni Ronnie sa kanya. Nararamdaman niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Feeling niya, lalabas na iyon sa ribcage niya anumang oras.
Finally, nakalapit na ito.
"Hey. You ready?" maiksing bati nito. Tinanguan lang nito si Jordan na nakatanga naman dito with obvious admiration in his face.
"Hello din sa'yo Mister." sarcastic niyang tugon sa pagbati nito. He heard him chuckled.
"Halika na, nagugutom na ako eh." preskong sabi nito sabay hawak sa kamay niya. Natigilan na naman siya. Pagkatapos lang ng isang linggo ay heto na naman at may nakahawak na namang lalaki sa kamay niya. As devastatingly handsome as Ronnie. Hindi mapuknat ang pangigilalas at pagkagulat na nadarama niya ng mga oras na iyon.
"Ah friend. Sige kita na lang tayo mamaya." sigaw iyon ni Jordan na nagpanumbalik sa huwisyo niya.
Mabilis na bumitaw siya sa kamay nito. Nangungunot ang noong tiningnan naman siya ni Ronnie.
"Saan mo ko dadalhin?" tanong niya.
"Sa lugar kung saan pwede tayong kumain." tinatamad halos na sabi nito.
"In case you forgot, we're in a place called "canteen". This is where students of SBU eat." Monty said sarcastically.
"C'mon, don't I know that? Estudyante rin ako rito." naiinis na sabi nito.
"Weh, di nga? Akala ko kasi member ka ng sindikato sa hitsura mo." matabil na sabi niya.
Nakita niya ang pagdilim ng mukha ni Ronnie. He suddenly felt guilty. His words actually hit home. Isa sa mga sinabing impormasyon ni Jordan kanya ay muntik ng mapatalsik ito noon sa unibersidad nila for allegedly using weed and actually selling it. Natigil lang ang issue dahil isa sa founder ng eskwelahan ang ama nito. Napakagat siya ng labi sa nasabi.
Oh my God! Me and my big mouth.
He saw him clenched his fist in control anger.
Oh my God! He's gonna make suntok of me na!
Napapikit na lang siya sa kinatatayuan. Hinihintay na dumapo ang kamao nito sa kung saan mang bahagi ng katawan niya. Huwag naman sana sa fez! Hindi kasi siya makakilos sa hindi niya maipaliwanag na dahilan.
Ang hinihintay na pagdapo ng kamao nito ay hindi nangyari. Bagkus, nagsalita ito sa isang napakalamig na paraan.
"I'm only inviting you for lunch Monty. There's no need for your insults." His face blank. As if he was never there. Pero malinaw niyang narinig ang sinabi nito. At nakita rin niya ang bahagyang lungkot na gumuhit sa mga mata nito.
He felt remorse eating his system. Bakit ba kasi naipasok niya pa ang isyung yun. Pero teka? Kung hindi siya guilty sa kasalanang yun, bakit siya nagalit at nainsulto? Ibig sabihin totoo yun? Mga katanungan na pilit na nagrarason sa nagawa niya.
Ronnie turned his back on him. Dahil doon, mabilis niyang tinawid ang espasyo sa pagitan nila at hinawakan ito sa braso.
"R-ronnie. Wait."
"Wait for what Monty?" sabi nito.
"Ah eh. I'm sorry. I didn't mean to say those words." guilty niyang sabi.
"Its okay. Stigma ko na iyan dito. Sanay na ako." Ronnie said then turne his back again.
"Ronnie, wait."
"What?"
"I'd like to make it up to you." sabi niya saka ngumiti ng alanganin.
"How?" his face passive.
"I don't know. But I'm taking back my words earlier. I know its uncalled for." he said.
"Ten dates with me."
"Huh?"
"I said have ten dates with me." sabi nito ulit. In a much louder voice. Natutureteng lumingon siya sa paligid and found a few students with their curious eyes on them. Some even smiled.
"What do you mean?" nagtatanga-tangahan niyang sagot. Siyempre alam niya ang ibig sabihin nun. Hindi lang siya makapaniwala.
Ronnie's eyes met his. Nakakapanlambot ng tuhod ang titig nito. Parang feeling niya ay mawawala siya sa sarili anumang sandali.
"I'm sure na alam mo iyon. Sige na Monty, I'm okay. Kumain na kayo ni Dalisay. I'll keep in touch." iyon lang at mabilis na itong tumalilis sa gitna ng mga estudyante.
"Pero Ronnie." hindi na niya ito naabutan.
"Ano ba yan mare, ano bang nangyari? Bakit mukhang nagtampo si Papa Ronnie?" sabi ni Jordan na nakalapit na pala sa kanya.
"I told him na mukha siyang sindikato or something." nakayukong sabi niya.
"Ha? Eh gaga ka pala ng isang-libo't isang beses eh. Bakla, hindi mo ba alam na ang dami palang nagkakandarapa mapansin lang ni Papa Ronnie? Kahit ganun ang reputasyon niya, kiber na ang mga babae at buong kabadingan dito sa San Bartolome sa mga ganoong bagay. Tapos ikaw, iinsultuhin mo lang yung tao. You really have some nerve my friend!" mahabang sermon nito sa kanya.
"Pwes! Hindi ako ang mga taong iyon. At ikaw, mukha namang atat ka sa kanya, e di ikaw na lang ang makipaglunch-date sa kanya." he said furiously to his friend.
"Hoy. Hindi ako ang kaaway mo. Hindi rin kita inaaway. Sinasabi ko lang kung anong ginawa mo. Kahit saang anggulo, mali ka. At alam mong hindi ako kunsintidor na kaibigan." naiinis na rin na sabi nito sa kanya.
Natigilan siya sa sinabi nito. Muling naghari ang guilt feelings sa kanya. "Pasensiya na friend. Hindi na mauulit." he smiled at him.
"Hay naku. Pasensiya, biskwit yun. Pasalamat ka at friendship talaga tayo. Kung hindi, naranasan mo na ang pakiramdam ng persona-non-grata sa pagtalak mo sa akin kanina." natatawang sabi nito.
They hugged and searched for a table to eat when they heard their stomach grumbled. Nagatatawanan silang naupo sa napiling mesa. Nagpasya si Jordan na siya na ang o-order ng pagkain nila. Nang maka-alis ito ay kinuha niya ang cellphone at nag-check ng messages. Bihira pa alng ang may cellphone ng panahon na iyon. Only the rich and able lang. At kasali siya sa bracket ng "able".
Nang matapos mag-check ay kinuha niya ang notes para sa Sociology nila. Hindi niya pa kasi napapag-aralan ulit iyon at may quiz sila mamaya. Busy with his notes, he felt a hand in his shoulder. Nagulat siya ng mapagtanto kung sino iyon.
It was Orly.
His masculine scent assaulted his nose. Bahagya siyang napapikit para samyuin iyon. Pagdilat niya, isang nakangiti pa ring Orly ang nakabungad sa kanya, with mischief in his eyes.
"O-orly." he stammered.
He bent his head closer to his. Akala niya hahalikan siya nito. Napapikit talaga siya. Then he heard him say, "Sabi ko sa'yo huwag kang masyadong halata na crush mo ko." he said whispering.
He felt all flushed with embarrassment. Kahit wala pang nakarinig sa sinabi nito, feeling niya ay lalamunin na siya ng lupa anumang sandali.
Orly chuckled then claimed the seat next to his. Hindi pa rin siya makapagsalita.
"Hoy! Joke lang yun. Huminga ka naman diyan." biro pa nito sa kanya.
"Heh!" aniya ng makabawi.
"Sorry!" he said while laughing.
"Hindi ka magpaparamdam ng isang linggo tapos kung anu-ano sasabihin mo pagkakita sa akin." nakaingos niyang sabi. Then napakagat-labi. Hindi talaga siya nag-iisip. Baka isipin nitong na-miss niya ito.
Nilingon niya ito ng unti-unti. Then he saw him smiling widely. With a glint of amusement in his beautiful eyes. Naramdaman na naman niya ang hiya kaya nagbawi siya ng tingin.
"Na-miss mo ko no?" sabi nito.
Patay!
"Hindi ah." hindi tumitingin na sabi niya.
"Na-miss mo ko eh." pangungulit nito.
"Hindi nga. Kalimutan mo na yung sinabi ko. Wala lang akong tulog." pagsisinungaling niya.
"Ako kasi na-miss kita." bulong nito sa kanya. His warm breath sent different feelings to his senses. Nalilitong nilingon niya ito na isang pagkakamali. Muntik ng magdaiti ang mga labi nila sa ginawa niya.
Oh my God for the third time around! Ilayo mo po ako sa tukso!
Nanuyo ang labi at lalamunan niya sa posisyon nila. At ang kumag, mukhang aliw na aliw sa discomfort na nakikita sa kanya. Hindi niya alam kung aatras ba siya or mag-i-stay. OR! I-smack niya kaya ito? How would he take it? I-smack down kaya siya nito? Huwag naman sana.
With a lot of things going on in his mind ng mga sandaling iyon. Laking pasalamat niya ng tumili ang isang taong kilalang-kilala niya.
"Ahhh!! Ahhh!!! Monty Labrador na rin ang pangalan ko bukas! Ahh!!! Ah!!!" nakakalokong emote pa nito ahbang dala-dala ang tray nila ng pagkain. Natatawang umayos siya ng pagkaka-upo at sinaway ito na patuloy pa rin sa pagtili.
"Bakla ka! Manahimik ka nga!"
"Sorry naman." nakangising sabi nito na parang balewalang tumungo sa lamesa nila at inismiran ang mga naistorbong kumakain.
"Ang haba ng hair mo girl! Hi Orly." malanding bati naman nito kay sa lalaki.
"Hello Dalisay." hinawakan pa nito ang kamay ng kaibigan niya at hinalikan ang likod ng palad nito.
"Oh my god! I wanna dead na! As in now na!" nag-eemote na sabi nito. Natatawang binalingan niya ito at itinama.
"I wanna die. Baklang to."
"Ikaw na si Webster! Emote lang yun no?" naiinis na sabi nito.
"How are you Orly? tanong niya rito.
"I'm fine. But first, let's give that kiss a try." then he pressed his lips with his. With all the students around them and with Jordan who almost fainted when the kiss happened.
As for him. He almost stopped breathing.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment