Thursday, August 1, 2013

KUNG KAYA MO NANG SABIHIN 18

Nakatayo lang siya sa bintana ng hospital suite na yun. Sa taas ng palapag na iyon ay nakikita niya halos ang kabuuan ng Quezon City. Halos said na ang pakiramdam niya. 
Wala ng natirang maaari pang maramdaman. Nakakalungkot na with all the wealth na nakapalibot sa kanilang pamilya ay hindi iyon naprotektahan mula sa dalawang bagay. Inggit at Paghihiganti. 

Tiningnan niya ang dalawang taong natitira sa kanya ngayon. Isa sa mga ito ang salarin, ayon sa mga pulis subalit wala pa siyang balak alamin iyon. Parehas na hindi pa rin nagigising mga ito bagama't stable na ang kalagayan. Mukhang iniiwasan ng isa't-isa ang makaharap siya. Ngunit anu't anupaman ay kailangan nilang magharap-harap. May nagbabantay na pulis sa loob kung sakaling magising ang mga ito. Pinakiusapan na rin niya ang mga naging kaibigang alagad ng batas.

Naalala rin niya si Pancho. Huli niya itong nakita noong araw na may humabol sa kanila. Luckily, may nabuhay sa isa sa mga nakasagupa nila at iyon ay nasa pangangalaga na nila Rick. Mukhang nakarekober na raw ito at ngayon nga ay naghahanda ng sinumpaang salaysay sa mga pulis.

Sinulyapan niya si Elric. Nadale lang ito ng pagkakataon. Hindi para rito ang pagkawala ng brakes ng sasakyan niya. Para sa kanya dapat iyon. A strong pang on his chest came as he remembered how his brother insisted that he talk to Pancho alone and take a cab going home after they talk.

Isang swerte na buhay pa ito sa lakas ng impact ng pagkakabangga nito sa isang puno sa central island. Iyon nga lang, kinailangang putulin ang isang paa nito at hindi niya pa alam kung ano ang magiging reaksiyon nito kapag nalamang nailibing na ang ina sa durasyon ng pagiging coma nito. Tiyak na magiging hysterical ito. Sino ba naman ang hindi.

Nilapitan niya ang natutulog na tiyahin. Technically, ito na lang ang natitirang kamag-anak niya na kadugo talaga niya. Hindi niya alam ang iisipin kung sakaling ito ang salarin na kumitil sa buhay ng ama niya, ni Mildred at ang nagbayad ng mga tao upang patayin siya. Nakakalungkot kung magkakaganoon. Siguro napakalaki ng rason nito. Pero, mapapatawad kaya niya ito? Kung sakali man, matitiis ba niyang ilagi nito sa kulungan ang natitirang buhay nito sa mundo?

Nahahapong tumingala siya para hilutin ang nananakit na batok. Halos di na niya maaninag ang paligid sa tindi ng pagkalabo ng mata niya. Napakapit siya sa gilid ng hospital bed na kinahihigaan ni Mercy. Nakita siya ng pulis na nagbabantay at tinanong siya kung okay lang siya. 

"Actually, No. I'm not okay. Can you take me to the sofa?" paki-suyo niya rito at agad na tumalima. Pagakaupo niya ay siyang bukas ng pintuan at pumasok ang grupo nila Rick, Rovi, Perse at yung dalawa ay di niya kilala. Basta yung isa ay may suot na salamin pero di maikakailang gwapo at may dalang laptop na agad umupo sa single seater at kinutingting na ang dalang aparato. Habang ang isa ay animo doctor na sinipat sipat ang dalawang nakahiga at nagulat pa siya ng makitang may stethoscope na inilabas sa dalang bag at maliit na flashlight at tsineck ang mga ito.

Tatayo sana siya upang pigilan at tanungin kung sino ito ng pigilan siya ni Rick. "Ah, alam niya ang ginagawa niya Gboi. Iyan si Doc Cody Unabia. Pasensiya na at inutusan ko kasi na i-tseck niya ang vital signs ng dalawa para malaman kung gising na ba ang isa or nagtutulug-tulugan na lang." mahabang paliwanag nito.

Nanghihinang bumalik siya sa pagkaka-upo at tiningnan na lamang ang doktor sa ginagawa nito. Masakit ang buong katawan niya. Halos wala pa siyang tulog. Naglamay at nagbantay pa siya dito sa ospital. Gusto niya kasing kahit anong mangyari ay naroroon siya paggising ng mga ito. Gusto niyang siya ang unang magtanong.

"Mukhang di rin maganda ang lagay mo ah. Natutulog ka pa ba?" tanong ni Rcik sa kanya.

"Oo, Colonel. Ikaw talaga. Ang taas pala ng posisyon mo inilihim mo pa sa amin." sinubukan niyang magbiro at ngumiti ng bahagya kahit batid niyang hindi iyon umabot sa mga mata niya.

"Hindi naman secret yun. Nataon lang na mahaba ang Lt. Col. kaya Tinyente na lang. Pero maiba tayo. Nagkita na ba kayo ni Pancho?" pag-iiba nito ng usapan saka tumabi sa kanya. 

Inalok rin niyang maupo ang mga kasama nito. Nakilala na niya sina Perse at Rovi dahil sumunod ito sa kanila pagkatapos ng clean-up sa tulay. Sumama rito si Pancho para sa statements nila. Nagpaiwan na siya para asikasuhin ang kapatid at tiyahin.

"Siyanga pala. Si Doc Cody ulit at ang isang iyon na may sariling mundo ay si Jerick Salmorin. Dating sarhento ngayon gigolo." sabay taas baba ng kilay ni Rick at naki-high five pa sa mga kaharap. 

Sumagot naman ang nasa single seater na di kalayuan sa kanila na mukhang naiirita na. "Feeling mo santo ka? Uy tinyente, isang demonyito na lang ang pipirma, papalit ka na kay Satanas." pang-iinsulto nito na ikinibit balikat lang ng nanunang mang-asar.

"In despair yan kaya ganyan." sabi pa ng makulit na Tinyente sabay mabilis na sapo ng ibinatong maliit na bola ng kaasaran. 

"Shit ka. paano kung di ko nasalo ito?" galit na sabi ni Rick sa nambato.

"Eh nasalo mo diba? Pasensiya na, nadulas sa kamay ko." sarkastikong paghingi ng tawad ni Jerick.

"Ayos ah, kapag nadulas din ito sa kamay ko bahala ka ha." pananakot ni Rick at umayos na ng upo.

"Ang sweet n'yo naman." pang-aasar niya sa dalawa.

"Hindi ah. Iyan lang ang in-love pa rin sa akin hanggang ngayon."

"Ha-ha! I forgot how to laugh!" inis na sagot ng nasa single-seater.

"All right. Tama na iyan. Para kayong mga bata. Itigil na ninyo iyan mga lovebirds. Mamaya na. Okay?" saway ni Perse.

"Asus, naiinggit ka lang Katiyagaan eh. Halika, kiss kita dito." panunukso ni Cody na nakalapit na sa kanila. 

"Hi. Cody is the name. Examining dead people is the game." nakangiting sabi nito sa kanya at naglahad ng palad.

Tatanggapin na sana iyon ng makatikim ito ng kutos sa inasar na Major. "Uhm! Umayos ka ungas. Poporma ka pa diyan eh kay Bossing na iyan." saka ito tumingin kay Rick.

"Ah ganoon ba? Pasensiya na. Kiss na lang sa cheeks? Pwede?"biro ulit nito sa kanya.

"Ha?" tanong niya. Napapantastikuhan siya sa kulit nito. Parang hindi doctor. Pero infairness, gwapo ang isang ito at malamlam ang mga mata. Nakarinig siya ng tikhim na nagpalingon sa kanya kay Rick. Nakasimangot ito at parang kakatayin ng tingin si Cody. Natawa siya sa inaasal ng mga ito.

"Ang kukulit ninyo. Para kayong mga bata." sabi niya in-between his laughter. Natigil ang tawa niya ng makitang nakatingin sa kanya ang mga ito ng may iba't-ibang reaksiyon sa mukha. Ang sa doktor ay nahihiya habang kumakamot ng ulong nabatukan. Si Perse ay parang anumang sandali ay handa siyang dalhin sa mental. Ganoon din si Rovi na kulang na lang ay tumakas sa loob ng kwartong iyon. Si Jerick ay passive at muling bumalik ang atensiyon sa laptop habang si Rick ay masama ang tingin sa kanya.

Kumalma siya at inalis ang bara sa lalamunan bago nagsalita. Huminga pa siya muna ng malalim bago sinalubong ang naiinis na tingin sa kanya ng Colonel. "Anong problema mo? Bakit ganyan ka makatingin?" natatawa pa rin siya pero pinipigilan niya iyon.

Umiling ito. "Wala lang." parang sira na sabi nito saka kinuha ang folder na hawak ni Rovi. "Oh basahin mo. Kaysa tumitingin-tingin ka sa iba." saka nito paisang ibinigay sa kanya ang folder.

"Ano ba ito?"

"Reports iyan ng mga insidente involving your brother and Aunt."

Binuklat niya iyon at nakita niya ang pangalan ng kanyang tiyahing si Mercy. Ayon sa report ay nakita raw itong lumabas ng hotel na pinagtuluyan nila ng gabing matagpuang patay si Mildred sa mansiyon. Bibili yata ito ng gamot dahil ayon sa napagtanungan ay nagtanong daw ito sa gwardiya kung saan may malapit na botika. Ipinasya raw nitong maglakad ng malamang ilang kanto lang ang lapit ng nasabing establisyimento. Ilang saglit lang ay nakita na itong nakahandusay sa kalsada gawa ng pgakakabundol sa isang sasakyan. 

Nagulat daw ang nagmamaneho ng sasakyan dahil itinulak lang daw ito ng kasamang lalaki na may hawak dito pagkatapat ng sasakyan nila sa mga ito. Mabilis ang takbo nila kayo ito nabundol. Nakita naman ng ilang bystanders ang lalaki kaya nahuli ito at nabugbog pa ng magtangkang manlaban. Sa kabilang papel ay nakita niya ang larawan ng isang lalaki.

"Sino ito?"

"Iyan yung lalaking tumulak sa biktima." si Perse.

"Parang familiar siya sa akin." sabi niya at nahuli niya ang pagtitinginan ng mga ito.

"Pamilyar talaga dahil iyan ay ang kalaguyo ni Mildred na minsan ay naging hardinero ninyo." si Rick.

"Oo nga. I saw him before. Pero anong pangalan niya?"

"Nandiyan sa report."

"Josefino Jurado." wala sa loob na sabi niya. Nanginig na lamang bigla ang kamay niya sa galit. Bigla ang pag-ahon ng emosyon sa dibdib niya para sa lalaking gumawa ng kalapastanganan sa tiyahin niya.

"Bakit niya raw ito ginawa?" nakatiim-bagang na sabi niya? Asking no one in particular. He just kept looking to man on the picture. As if by doing so, he would inflict the same damage to this bastard.

"Actually andito rin sa report. Pero since emotional ka na. Let me just tell it to you." si Rick at inagaw sa kanya ang folder. Hindi naman niya iyon inintindi pa. Ito na ang pagsisiwalat na hinihintay niya.

"Ayon sa imbestigasyon. Noong madaling-araw na maaksidente si Mercy ay inaabangan na talaga kayo doon ng suspek na si Josefino Jurado. Nakita siya ng ilang tauhan ng hotel at mga bystanders na matagal ng nakatayo o naghihintay sa waiting shed sa labas ng hotel. Kahit sino sa inyo ay maari niyang kantiin gawa ng ang sabi niya ay ipinaghihiganti lang niya si Mildred. Isa pa, utos ni Mildred na alisin ang babaeng ito sa buhay niya."

"Why?" shocked niyang tanong.

"Dahil sa insultong pagtanggap ng iyong ama sa biktima. Dagdag pa iyan ni Jurado."

"But it was her birthright. Hindi niya dapat iyon ikagalit. Siya nga na dating sekretarya ng Daddy ay hindi ko na kinontesa na pinamanahan ng malaki dahil sa asawa siya. Ang mansiyon ng mga Arpon ay mananatili lamang sa mga mansiyon." mariing sabi niya.

"Unfortunately ay hindi niya nakikita iyon." 

"Okay. Ano pa ang nasa report? Sino ang pumatay sa D-daddy." bigla siyang naging emosyonal. Siguro ay dahil sa ilang araw na rin siyang walang tulog.

"Well. Sa paglilibot namin sa mansiyon ninyo ay nakakuha kami ng mga substancial evidences na may kaugnayan sa kamatayan ng mga namatay doon. Like yung marbles na nakita namin sa scene of the crime. Pati iyong syringe na ginamit para sa champagne ng Tita Mildred mo and iyong insecticides na nasa bodega. Gumamit pa kami ng mga canine specie para lamang duon. Malakas kasi ang kutob naming naroroon din ang mga ebidensiya, at hindi nga kami nagkamali. Iyong iba ay ibinaon ang iba ay nasa loob ng bodega na itinago kasama ng ilang kagamitan doon."

"So ibig sabihin, nasa mansiyon din ang pumatay sa Daddy ko at Tita Mildred?" 

"Oo. Noong gabing namatay si Don Armando ay ang Tita Mildred mo ang tumawag sa ospital hindi ba? Parang mali naman na mauuna kang tatawag ng ambulansiya kaysa ng tulong sa paligid mo pagkatapos mong makita ang asawa mo na nakahandusay sa ibaba ng hagdan.. A scream for help would have been sufficient enough para makakuha ng tulong sa mga kasama sa mansiyon."

"What are you saying? Si Tita Mildred ba ang pumatay sa Daddy?" nasosorpresang tanong niya.

"Yes. Nagtatalo sila ng Daddy mo noong gabing iyon bago maganap ang krimen. She made it looked like an accident. Nakalagay na ang mga holen sa hagdanan at kailangan na lamang ay ang presensiya ng Don sa crime scene. Tumutugma rin ito sa isang salaysay ng katulong na nagkataong nasa itaas at may kinuhang labahan sa mga kwarto sa itaas na nakaligtaan niya. Narinig daw niyang nagtatalo ang mag-asawa at pinapalabas ng Donya ang Don sa kanilang kwarto. Nakababa na ang katulong at nagtuloy sa servant's quarter na nasa kabilang wing ng mansiyon kaya duon siya bumaba sa kabilang panig ng hagdanan. Hindi na rin niya narinig ang pagkalabog ng Don dahil sa earpiece na inilagay niya sa tenga."

"It doesn't make sense. Wala siyang mapapala kung papatayin niya ang Daddy dahil protektado ito ng pre-nuptial agreement nila. Anong ugat ng pagtatalo nila?" manghang sabi niya.

"Lucky for us. Naiwan ng Daddy mo na naka-on ang surveillance camera niya sa kwarto. Naghalughog lang kami at sinuwerte na nakita namin ang bug na nasa ibabaw ng antigong aparador at naka-konekta sa isang connecting room na mukhang sikreto sa karamihan dahil maliit lang ito at kailangan mong buksan mula sa mga naka-display na libro sa estante." 

Duon lumapit sa kanya ang kaninang busy na si Jerick at inilapit sa kanya ang laptop na naglalaman ng video na sinasabi ni Rick. Nagugulat siya sa nalalaman. Hindi niya alam na mayroong ganoon ang kanyang ama, but thank god for little mercy. Mukhang makakatulong ito sa kaniya.

"Lakasan mo ng kaunti at paki-ulit mo." sabi nito sa kasama.

Nang maiharap sa kanya ang aparato ay nagsimula na ang video na ipinapakita sa kanya.
Umalingawngaw ang malakas na boses ni Mildred sa paligid.

"That is unfair Armando! Utterly disgusting and unfair! Bakit kailangan mong isama sa will mo ang bastardang babaeng iyon?" sigaw nito sa ama niya.

"You don't get it Mildred. I have to. Hindi na nga siya kinilala ni Papa ng maayos. Ako pa ba na kapatid ang magkakait sa kanya ng karapatan niya sa bahay at sa pamilya na ito? It's time to build the bridges that once was burned. Matagal ng wala ang Mama, hindi na dapat pang intindihin ang galit niya kung isasama ko ang ate sa last will and testament ko."

"But it doesn't make any sense at all honey. Hindi mo na kailangan pang kilalanin ang bastarda mong kapatid. Panatilihin mo na lang na ganoon ang mga bagay. Mas makakabuti iyon." prantikong sabi nito.

"There's no way na tutulad ako sa Papa. Kung susundin ko ang sinasabi mo. Wala na ang Ate Mercy ay hindi pa niya nakukuha ang dapat na para sa kanya."

"Let her rot in hell. That old hag. Pabayaan mo na siyang ganyan. Hindi naman niya siguro mamasamain kung sakaling hindi na siya pamanahan. After-all your family has been very good to her. Hindi na siguro niya iyan hahabulin pa?" matalim ang dilang sabi ng madrasta.

"Ah Mildred! How did I marry a bitch like you? Wala kang puso. Hindi ka pa makuntento sa kung ano ang ibibigay ko sa iyo. The companies are Gboi's birthright. As well as the house. Nakasaad iyan sa testamento. Check with Benedict if you want but I won't hear any of this now. Let me sleep for the love of Christ! Will you?!" napipikong sabi ng ama.

"Well, if that is the case. Sleep outside Armando. I don't want to see your face here when I wake up." tumayo ito at iminuwestra ang pinto.

"What? I can't sleep in my own room? In my own bed? What kind of a sick joke is this?" napupunding turan ng kanyang daddy.

"This s no joke honey. It's either I'll sleep here alone or I'll go out and find myself a hotel to sleep to." banta nito.

"Fine. Go outside. If you think I didn't know that you are meeting with someone, you had another think coming. Hindi ako natutulog sa pansitan, Honey! You sleep here. I don't care. I'd rather trust a snake this time." maanghang na bulalas ng ama sa esposa.

Nakita niyang namutla ang madrasta at sinundan ng tingin ang asawa na ngayon ay palabas na ng kanilang kwarto. Saglit lang itong natilihan at matagumpay na ngumiti bago sinundan ang asawa. Nakalipas ang ilang minuto ay may mahinang kalabog siyang narinig sa paligid. Pagkatapos ay ang humahangos na itsura ng kanyang madrasta na tumatawag sa telepono.

Nakaharap ito sa camera at hindi nito itinago ang ngiti sa labi habang nakikipag-usap sa telepono at umaarte na nadisgrasya ang esposo saka malakas na tumawa pagkatapos na tapusin ang tawag. Muli itong lumabas at pagbalik ay may dala na itong bag na may lamang kung ano. Doon natapos ang video.

"Walang-hiya siya. I don't want to speak ill of the dead but she deserved to die. Whoever might've killed her." maigting na sabi niya.

Walang umimik sa mga kasama niya sa kwarto. Nanaitili lamang ang mga ito sa pananahimik nila. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Bakit kailangan niyang patayin ang kanyang ama? Dahil sa pera? Heto pa, kailangan pa niyang malaman kung sino ang gustong pumatay sa kanya kung patay na si Mildred? Tuluyan ng nawala ang galang niya sa madrasta.

"I guess you want to know kung sino ang mga nakasagupa ninyo? Tama ba?" tanong ni Rick.

"Tama ka." iniabot nito ang isa pang folder sa kanya. Report iyon ng aksidente ni Elric. Binasa niya iyon at nanlaki ang mata niya ng mabasa ang kabuuan ng report. Nalaman niyang pagkatapos na basahin iyon ay pigil niya pala ang hininga. Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang nasa paligid. Lumapit siya sa kapatid at halos hindi siya makapagsalita sa sobrang shock na nadarama.

"How could you, Elric?" nanghihinang sabi niya. Napaupo siya sa upuang katabi ng higaan nito. Napasabunot siya sa buhok niya. "After all this time. Alam mo kung sino ang may gawa ng lahat ng ito and yet you remained silent and tried to kill me and Pancho in the process." sabi niya habang nakayuko. Halos ang kausap ay ang sarili.

"Actually. Si Elric ang nagtatago ng missing link sa lahat ng ito. Siya ang pumatay sa kanyang foster mother na si Mildred. Salamat kay Jerick at na-trace namin ang pinagmulan nilang dalawa at nalaman namin na halos tiyahin na lamang niya ang babae. Pinatay niya ito sa konklusyon namin na nalaman nito ang pagpatay ng ina sa amain. Kinumpronta nito iyon na nauwi sa pagpa-plano nito na patayin ang ina-inahan. Nagulat din kami sa natuklasan namin at ipa-tseck pa namin sa NSO ang authenticity ng mga birth certificates na tutugma sa relasyon nilang dalawa. Buti na lang at may Archives Hacker tayo rito." sabay high-five ng tinyente kay Jerick.

"Hinid niya pala talaga ina ito kaya nagawa niyang patayin. Hindi na nakakapagtakang ako rin ay pagplanuhan niya." mapait na sabi niya. "So siya ang nabiktima ng sarili niyang kagagawan?" pangungumpirma niya sa naging dahilan ng pagkaka-aksidente ng kapatid.

"Tama. Nakuha rin sa sasakyan ang mga cellphones at sim cards na ginagamit nito para i-text si Pancho. But I think may conflict dito. Ang totoong may-ari ng mga cellphone at sims ay walang iba kung hindi si Mildred. Nakita namin ang ibang mensahe sa ibang sim cards na ginamit nito pagte-text. Kasama na ang unang text at rehistro ng tawag bandang madaling-araw sa dalawang numero. Kukumpirmahin lang namin na ang mga numerong ito ay sa inyo." Nagdial ito at nag-ring ang cellphone niya.

Naalala niya ang madaling-araw na may tumawag sa kanila ni Pancho na nagsasabing alam nito ang relasyon at kung nasaan silang dalawa. "Pero hindi lalaki iyong tumatawag? takang-tanong niya sa mga ito. Nagdial ulit si Rick at inanyayahan siyang sagutin ang tawag. May pinindot ito at naging boses babae ito. Nakuha niya agad ang ibig sabihin non. Isa iyong uri ng cellphone na kayang magbago ng boses. Maraming kagaya nun sa greenhills.

Napupuyos na sumandal siya. "So, she killed my father and then kept Pancho posted. Bakit hindi kayo gumawa ng entrapment dito? And how did you come up with Elric killing Mildred?" sunod-sunod niyang tanong sa mga ito.

"Here." ibinigay nito ulit ang report.

"He killed her by trying to poison her. Ang kaso sa nipis ng karayom ey hindi lahat nai-secret sa loob ng bote ng champagne ng i-inject niya ito through the cork. Nakatulog si Mildred at nadulas ang ulos sa pagkakasandal na naging dahilan para malunod siya. Binalikan siya ni Elric sa loob ng banyo ilang oras matapos niyang makita ang ina na pumasok sa kwarto nito. Nang makita niya siguro na nakalubog ito ay iniangat nito iyon at saka ini-ayos ng higa sa tub."

"Sa taranta niya siguro ay di sinasadyang nahawakan niya ang faucet ng tukuran niya ito para maiayos ang ina sa pagkakahiga nito. He didn't notice also the trace his shoes made on the tiles. Hindi alos maaninag iyon but nagawan ng paraan ng mga SOCO. Na-trace sa kanya ang prints at ang syringe na ibinaon niya sa garden na nakita namin using the dogs."

"Natuklasan rin niya ang mga cellphones at sim na ginamit ng ina at ipinagpatuloy ang pagtetext sa mga ito na ituloy ang plano. At sila ang mga nakasagupa ninyo. Sila rin ang nagtanggal ng brakes sa Hummer mo na hindi sinasadyang nasakyan ni Elric. He was trying to meet up with them ng maalalang iyon ang sasakyan na pinatatanggalan niya ng preno. At iyon nga. Minalas siya."

Everything is now in the open. Isa na lang. Ano ang tunay na motibo ni Josefino Jurado at itinuloy pa rin ang tangkang pagpatay sa kanyang tiyahin? Isinatinig niya iyon.

"Well, ang sabi niya ay si Mercy ang pinagbibintangan niyang pumatay kay Mildred na kalaguyo niya."

"Bakit kailangan niyang patayin ang nanay niya?" tukoy kay Elric.

"We suspected that he killed her because of one single reason."

"What reason?"

"That he won't have the control over your father now that he is dead. He blamed his mother for that and since she's not his real mother so he decided to kill him. Idinugtong lang namin ito sa mga salaysay ni Pancho na Elric was pinning for your company's presidency."

"Yes, that makes sense. And all the killings made sense now. Naalala ko. Since wala pa akong will. Kapag nawala ako ay open-contest ang lahat ng ari-arian until to the next of kin. That's it." nahahapong sabi niya.

Walang naka-imik sa mga ito. Galit na galit siya. Gusto niyang gantihan ang katabing si Elric at ihagis ito sa bintana. Gusto niyang magwala, pero what for? Para saan pa ang pagganti? Ang akal niyang nawala ng luha sa mata niya ay agad na bumukal. Ngumuyngoy siya sa kanyang palad na nakatakip sa mukha niya. Wala na siyang paki-alam. Pare-parehas lang ang mga ito. Si Mildred, Si Elric at maging si Pancho.

Lahat sila ay mapaghiganti. Lahat ay nababalot ng poot ang puso. Kailangan niyang lumayo. Kailangan niyang mapag-isa. Nakakalungkot lang. Kahit ganoon pa ang mga nangyari ay may pitak sa puso niya ang mga ito lao na si Pancho. Na minahal niya ng labis. Mabuti pa sigurong hindi na siya bumalik. mas maayos pa ang buhay niya siguro.

Tumayo siya. Pinahid ng palad ang luha. "Are you okay?" tanong ni Rick.

"No. But I soon will be. Can you do me a favor?" he asked bitterly.

"What is it?"

"Can you help me get away from here? I'll leave a check. Paki-ayos na muna ang lahat dito. Make sure this bastard rot in hell pagkagising niya and get my aunt out of his reach. Lalayo muna ako. Kahit saan. Tulungan mo ako, Rick. Please." nagmamaka-awang sabi niya habang bumubukal ang luha sa kanyang pisngi.

"Okay. Are you sure." medyo hesitant na pagpayag nito.

"Hell yeah!" full of conviction na sabi niya.

"Come with me." then he reached for his hand.

"Ikaw na muna ang bahala rito Perse." baling ni Rick sa kasamahan.

Tumango ito. "Wait." Pahabol na sabi niya.

"Please I don't want Pancho to know about this."

Napipilitang tumango si Rick at niyakag na siya palabas ng hospital suite.

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...