Wednesday, August 7, 2013

TASK FORCE ENIGMA 1

By: Dalisay
CHAPTER 1

Itinukod ni Bobby ang mop sa pader ng cr na iyon sa loob ng isang club sa Quezon city pagkatapos niyang matiyak na malinis na iyon. Nagtatrabaho siya roon bilang janitor sa gabi. Nag-aaral kasi siya sa umaga ng isang non-formal education sa isang government agency. Wala kasi siyang pang-matrikula para sa isang state college or university.

Nagtatapos ang duty niya ng alas-dos ng umaga saka siya uuwi sa tinutuluyan nila ng kanyang tiyahin na matandang-dalaga. Silang dalawa na lang ang natira sa kanilang mag-anak ng matangay ng malaking baha sa probinsiya nila ang buong pamilya nila limang taon na ang nakalilipas. Labis niya iyong dinamdam sapagkat nagsisimula pa lang siyang mangarap ng magandang buhay para sa kanila ng sirain iyon ng sakunang nangyari sa bansa.

Piniga niya ang basahan na ginamit niyang pamunas ng salamin sa cr. Sinipat niya ang relo sa bisig. Ala-una singkwenta y singko na. Tamang-tama lang niya natapos ang gawain. Inalis niya ang malungkot na ala-alang pumukaw sa kanya kani-kanina lang. Masaya siyang lumabas sa parteng iyon ng club. Pinuntahan niya ang kanilang locker room at inabutan doon ang kwelang kasamahan na si Monday.

"O' Tol, tapos ka na?" tanong ni Monday.

"Oo pare. Nakuha mo na ba sweldo mo?" balik-tanong niya.

"Oo 'tol. Ang laki nga ng bawas sa akin. Dalawang late lang naman ako. Namputsa talaga si Miss Kring-kring! Porke't ayoko magpahipo sa kanya eh itinuloy ang pagbabawas sa aking tardiness. Hmp!"

Natawa siya sa obvious na paghihimutok nito pero tinandaan yung sinabi nito. Isang bading si Miss Kring-kring. Isang mataba at malaking bakla. Pero maputi at mahilig maglagay ng kolorete sa mukha. Mapagkakamalan mo ngang babae ito na batang version ni Donya Buding sa lakas ng kinang ng mga alahas na suot-suot nito. Kinabahan siya kasi may late din siya noong nakaraang araw. Baka ganoon din ang gawin nito sa kanya.

"Ikaw 'tol? May late ka ba?" tanong nito na parang nabasa ang iniisip niya.

"Meron p're. Noong Huwebes." naiiling na sabi niya.

Pumalatak ito. "Nakow, ay malamang ga na hiritan ka ng matabang bading na ire. Ala eh, sigurado iyan." sabi pa nito sa puntong batangenyo.

"Hindi naman siguro p're. Saka hindi ako type ni Mam Kring." kabadong tanong niya saka alanganing tumawa.

"Ay hindi ako naniniwala di-yan. Kay gwapo mo kaya 'tol kahit medyo may kaiitiman ka. Di mo lang napapansin pero lagi na lang nakatingin sa'yo ang baboy na i-yon. Ay mukhang takam na takam sa katawan mo at sa bukol mo." saka ito humagalpak ng tawa.

Mas lalo siyang kinabahan kaya ginawa niyang salihan ang pag-tawa nito. Isang beses pa lang siya na-late dahil sa nagkasakit ang tiyahin niya at di niya maiwasang mag-alala sa kalagayan nito. Napa-iling na lang siya habang kinukha ang mga gamit. Nagbihis siya at nagpaalam na dito para tunguhin ang opisina ng manager nila na si Miss Kring-kring.

"Miss Kring?" tanong niya habang kumakatok. 

Tahimik sa parteng iyon kasi soundproof ang area sa pasilyo papuntang manager's office. Nakarinig siya ng paanyaya ng pagpasok. Pinihit niya ang seradura at itinulak iyon paloob. 

Bumulaga sa kanya ang manager nila na nakakasilaw ang kinang ng yellow summer dress na humahakab sa matabang katawan nito. Sa ibang sitwasyon marahil ay malamang na matawa siya. Mababaw lang kasi ang tawa niya. Pero dahil sa nalaman niyang hiniling nito kay Monday ay nawala ang kasiyahan niya pag nakakakita ng mga nakakatawang tanawin.

"Miss Kring. Kunin ko lang po ang sweldo ko." kabadong sabi niya.

"Maupo ka muna." Malambing na tugon nito. 

Inangat nito ang tingin at saka siya pinasadahan ng titig. Kinilabutan siya sa paraan ng titig na iyon. Hindi na bago sa kanya iyon dahil sa club na iyon ay lagi siyang nakakatanggap ng mga ganoong klaseng tingin sa mga kasamahang dancer na babae at yung ibang choreographer na bading. Pati na rin sa tinitirahan nila ng tiyahin.

May hawig kasi siya sa artistang si Rico Yan na minsan ng pinagtawanan ng mga nakakakilala sa kanya. Bobby kasi ang pangalan niya at hawig niya ang kapatid nito. Alaga rin siya sa ehersisyo. May ipagmamalaki rin siya sa bandang ibaba ng katawan niya at hindi daya ang pamumukol noon.

Pero ngayon parang gustong umurong ng alaga niya sa klase ng tingin na ibinibigay nito sa kanya. Binuklat nito ang records nila. Saka ibinalik ang tingin sa kanya.

"May late ka palang isa." nakangiting tanong nito.

"Opo Mam. Noong Huwebes." kinakabang ngumiti siya.

"Pero okay lang po na mabawasan ako." sabi pa niya.

"Pwede naman na hindi ka mabawasan eh." malanding tanong nito.

Patay sigaw ng utak niya. Mukhang hihirit na. Inayos niya ang pagkaka-upo at pinunasan ang gumigiting pawis sa noo niya sa kabila ng pagiging air-conditioned ng kwarto.

Tumayo ito at lumapit sa kanya at ipinatong ang kamay sa balikat niya. Nasamyo ng pang-amoy niya ang matapang na pabango nito. Nalukot ang ilong niya lalo ng tumapat ito sa kanya sa kabilang silya at naupo.

"O-okey lang Miss Kring na bawasan ako. Late naman po kasi talaga ako." alanganin siyang ngumiti.

"Magagawan naman natin ng paraan iyan." tumayo ulit ito at ini-lock ang pinto saka bumalik sa kanya.

Shit! hindi na maganda ito. Tumayo rin siya at sinalubong ito.

"Miss Kring, kunin ko na po iyong sweldo ko kasi may sakit si Tiya." nagmamadaling sabi niya.

"Mamaya ka ng konti umalis. May sasabihin kasi ako sa iyo. Maupo ka muna ulit." saka nito kinuha ang kamay niya at hinila siya paupo. 

Mukhang wala siyang kawala sa isang ito. Kapag naman sinaktan niya ito ay malamang na mabugbog din siya ng mga bouncer na kadikit nito sa labas. Limang buwan pa lang siya roon. Mahirap maghanap ng trabaho. 

"Bobby ang pangalan mo di ba?" tanong ni Kring.

"Opo mam." 

"Pwede kong alisin ang late mo, sa isang kondisyon."

"Ah ano po iyon Mam?" kinakabahang tanong niya.

Inilapat nito ang palad sa maskulado niyang dibdib. Natawa ito.

"Huwag kang kabahan Bobby. Madali lang ang ipapagawa ko sa'yo. Kikita ka pa." sabay kindat nito.

"Ah mawalang-galang na po Mam Kring pero di po ako pumapatol sa bakla." kinakabahan man ay nagawa niyang sabihin dito ang nasa isip.

Nakita niya ang kislap ng pagkagulat sa mata nito. Hindi siguro nito inaasahan iyon. Pero maya-maya ay ngumiti ito. Nagtaka naman siya sa naging kilos nito.

At least nasabi ko na. pangungumbinsi niya sa sarili.

"Nakakatuwa ka Bobby. Paano mong naisip na "iyon" ang ipapagawa ko sa iyo." he quoted in the air and laughed.

Nangungunot-noong tinitigan niya ito. "Eh, ano po ba iyon?" nabawasan na ang kaba niya.

"May ipapakisuyo ako sa iyong bag. Pag labas mo, tumayo ka lang sa poste sa tapat tapos kapag may humintong sasakyan ay sumakay ka kaagad. Huwag mong titingnan ang laman ng ha. Iyong bag, iwan mo sa harap at pagkatapos ay magpababa ka sa restaurant na hihintuan ninyo. Kunin mo iyong bag naman na nasa trunk ng kotse at pumasok ng restaurant. Sabihin mo may reservation ka sa pangalang Levi Cruz at maupo ka doon sandali saka mo iwan iyong bag sa ilalim ng mesa. Pagkatapos noon ay umalis ka na at umuwi. I-text mo ako kung nagawa mo ang lahat ha. Nakuha mo ba?" tanong nito.

"Opo." Naguguluhan man ay sumagot na siya. Bahagya pa niyang pinakawalan ang kanina pang pinipigilan na hininga.

"Good."

"Yun lang po ba?"

"Oo. Sa ngayon. Oh hetong sweldo mo." saka abot sa kanya ng pay envelope niya at pinapirma siya. Nakuha niya iyon ng buo. Iniabot din nito ang bag na pinadadala sa kanya na medyo may kabigatan. Nagpasalamat siya at saka tinungo ang pinto ng pigilan siya ng pagtawag nito.

"Bakit po Mam?" takang tanong niya.

"Hindi kita type." nakakalokong sabi nito. Napahiya siyang konti at saka lumabas ng tuluyan. Naiinis na isinukbit niya ang bag na pinadadala nito. Nakasalubong niya si Monday na naka-duty pa rin hanggang alas-sais. Sumaludo siya rito at lumabas na ng club. Tumayo siya sa pwestong sinasabi nito at saka hinintay ang kotseng hihinto doon.

Nagte-text siya sa tiya niya na pauwi na siya ng may tumapik sa balikat niya. Si Mandarin iyon. Isang belyas. Magandang babae ito at napakalaki ng hinaharap. Mukhang gising na gising ito noong nagsabog ang diyos ng biyaya. Ngumunguya ito ng chiklet.

"Hoy Bakla. Saan ka pupunta?" maangas na sabi nito.

"Diyan lang. At hindi ako bakla." nagtitimping sabi niya.

"Asus. Sigurado akong bakla ka. Eh bakit ba eh hindi ka yata tinigasan noong idikit ko iyong boobs ko sa iyo sabay dakot ng ano mo." nakakalokong wika nito.

"Hindi kasi kita type. Saka baka magka-sakit lang ako sa'yo." mahinang sabi niya. Kahit na naiinis ay di niya magawang patulan ito sapagkat babae pa rin ito.

"Hah, bakit hinihinaan mo pa? Natatakot kang umamin na bakla ka?" sigaw pa nito sa kanya. Nakakakuha na sila ng atensiyon. Hinila niya ang braso nito at inilapit ang mukha sa mukha nito. Nakita niya ang pagpikit nito saka ito binitawan.

"Bakla pala ha. Naghihintay ka lang na mahalikan ko eh." pang-aasar niya rito. Namumula at napapahiyang umalis ito at bumalik sa loob. Nagtawanan ang mga miron sa labas at ang iba ay pumalakpak pa. Nangingiting sumaludo siya sa mga ito.

Doon may humintong kotse at niyaya siyang sumakay. Inilagay niya ang bag sa harap at sumakay sa likod. Pinagmasdan niya ang driver pero di niya maaninag ang mukha nito dahil sa suot na cap. Maya-maya lang ay nasa resto na sila. Bumaba siya saka kinuha ang isa pang bag sa trunk na medyo magaan naman.

Pumasok siya ng restaurant at sinabi ang kunwaring pangalan saka naupo sa table na nakalaan doon. Ilang saglit lang ang hinintay niya saka pasimpleng iniwan ang bag sa ilalim. Nagkaroon siya ng kutob sa ginagawa niya. Mukhang di maganda iyon. Pero sabi kanina ni Miss Kring ay higit pa sa sweldo niya ang kikitain niya. 

nang buksan niya ang pay envelope ay nagulat siya na sobra iyon ng kinse mil. Mukhang naging tauhan siyang bigla ng isang ilegal na gawain. Pero kailangan niya ng pera. May sakit ang Tiya niya. Kailangan nila ng pampa-ospital nito. May leukemia ito. Kailangan nila ng pera na ganoon kalaki para sa pagpapagamot nito.

Kung maghahatid lang siya palagi ng mga bag na iyon at kikita ng malaki eh dedma na lang kung ganoon. Tumayo na siya ng masigurong walang nakakita sa ginawa niyang pag-iwan. Hindi na rin niya nilingon ang restaurant at wala na ang kotse paglabas niya. Nag-taxi siya at umuwi na ng may ngiti at kaunting kaba.


"Its confirmed. May bago silang courier ayon sa informer natin. Lalaki daw." pangungumpirma ni Rovi kay Rick. 

Nasa isang espesyal na misyon siya bilang non-commissioned officer ng AFP. Magkasama sila nito sa defunct Task Force Enigma. Isang elite covert operations team ng sandatahang lakas. Binubuo iyon dati ng labing-limang miyembro na nalagas na pagkalipas nang panahon. Ang layunin noon ng grupo ay sugpuin ang krimen na nasa underground at naka-dikit sa mga opisyal ng gobyerno.

Kontrobersyal ang grupo dahil ang bumuo noon ay ang self-confessed gay General dati na ngayon ay retired na na si Gen. Luther Mariano. Matikas itong heneral noong bata pa kaya ng magladlad ito ng kapa sa buong army ay marami ang nagulat. Niyaya pa nito na magladlad ang mga ibang may kakaibang sexual preference din. 

Na-pressure siya noon dahil ang sabi ng hepe nila noon ay sisibakin sila sa pwesto kapag nangyari na nagladlad sila. Wala raw bading sa departamento nila. Nagrebelde siya noon at saka sumama ng pasikreto sa grupo ni General Mariano. Nagulat siya na may singkwenta ang taong inabutan niya roon. Pare-prehas sila ng emosyon noon.

Nakakita siya ng kakampi sa mga nagpunta doon. Isa kasi siyang discreet na bisexual. Ayaw naman niyang mawalan siya ng trabaho pero kung ideyolohiya na niya ang nakataya at pagkutya ng pagkatao niya, eh lalaban siya. Mabuti at marami sila roon.

Inilahad ng heneral ang gaol ng meeting na iyon. Gagawa daw sila ng team na llusaw sa katiwalian ng gobyerno at magpoprotekta sa mga naaapi. A secret operational group na ang bubuo ay silang mga bakla, bisexuals at lesbians. Nag-set ito ng training sa isang training camp sa Cebu. Mga foreigner ang trainer nila. 

Nagpasiklaban sila ng mga kasama. Tinuruan ng mga survival tactics at combat skills. Pati bomb detonating at gadgets and technological expertise ay itinuro din. Unti-unti ay nababawasan sila sa hirap ng training. Ang sumusuko ay nabibilang sa security and detective agency ng heneral.

Pagkalipas ng isang taon ay sanay na silang lahat sa training a ready for deployment na. Labin-lima sila na natira. Kabilang sina Rick at Ito na noon ay parehas ng Major. Si Cody na isang marines at doktor sa batang edad nito. Si Jerick na kagaya niyang bagong graduate sa police academy. At si Perse na isang kapitan at pulis-probinsya. Nalansag ito ng maging okay na ang gobyerno at nawala na ang ilang kilalang crime-organised group six years ago.

"Bago rin daw ang drop point nila." pagpapatuloy niya ng report dito. Nakatulala lang ito. Mukhang malalim ang iniisip.

"Putek o. Nasa dreamland ka na yata Colonel Puyat ah." pang-aasar niya rito sabay tapik sa hita nitong nakapatong sa lamesa ng opisina nito.

"May bago silang courier at may bagong drop point ayon sa informant mo. Ano pang ibang sinabi mo? Nasa dream land ako? Eh kung barilin kita dyan?" naiinis na ratsada nito.

"Huwag naman Master. Ikaw naman di na mabiro." natatawang nagtaas siya ng kamay. 

Kahit alam niyang biro lang ang bantang iyon ay sigurado siyang kaya siyang katayin nito kapag nainis sa kanya. Team leader nila ito dati sa TFE. Kayang-kaya nitong torturin siya kahit manlaban pa siya. Scared!

"Rick-toy, huwag mo na silang isipin. Masaya na sila." sabi niya dito.

"Sino bang tinutukoy mo?" naiinis na tanong nito.

"Eh di sino pa? Yung dalawang iyon." sabay turo niya sa picture frame na may picture nila Pancho, Gboi at Rick. Kuha iyon sa Siargao kung saan nagkasundo ang mga puso nito. It was a celebrated love story. Parehas na umiwas sa media sina Pancho at Gboi at naglayag gamit ang yate ng huli sa lahat ng panig ng Pilipinas. Masaya siya that the murder inclined love story ng mga ito ay nagtapos ng maganda.

"Tang ina. Mag-report ka na nga lang." sigaw nito.

"Anyway." pagpapatuloy niya. "Waiter daw doon sa loob ng club ni Tabachingching ang nagdala kagabi. Anong gagawin natin? Alam na natin ang flow nila. papalit-palit lang sila ng courier."

"Set them up. Magaling ka naman sa disguise. Unahan mo iyong kotseng darating. Kopyahin lahat. Saka natin i-interrogate ang courier nila. Ako na magpapa-amin sa isang iyon." tinatamad na sabi nito.

"Naisip ko nga rin iyan. Sige. Ako ng kikilos. Piece of cake." mayabang na sabi niya.

"Oo na."

"Sige tol. Alis na ko. Huwag ka ng magmukmok." nagtatakbo siya palabas ng bunutin nito ang baril nito. 

Natatawang tinungo niya ang sekretarya nito at kumuha ng budget at ng endorsement para makahiram ng sasakyan. Sa grupo ng TFE siya ang nasanay sa disguises at infiltration. Espiya kumbaga. Pero ang paborito talaga niya ay judo at ang butterfly knives na laging baon niya. Asintado siyang pumukol noon. Isa pa niyang paborito ang swiss knife niyang thirty-two tools.

Pagkakuha ng budget at endorsement ay tinawagan niya si Major Perse Verance para sa gadgets naman na kakailanganin niya. Nang masabi ang pakay ay tinungo na niya ang opisina nito. Kailangan na niyang ihanda ang lahat para walang sablay. Sakaling manlaban ang courier na target nila ay patutulugin nila ito. Iniimbestigahan kasi nila ang isang drug trafficking operation sa isang sikat na night club na pag-aari ng big-time drug lord Park Gyul Ho na isang Korean National. 

Nagpasya siyang magpakulay ng buhok at magpagupit para sa disguise. May kulay kasi ang buhok niya at itim ang buhok ng driver na gagayahin niya. Mahirap ng mabuko. Nagdaan din siya sa isang store para bumili ng damit na pang-driver. Alas-sais pa lang ng gabi. Ipinasya niyang matulog na lang muna at madaling-araw pa naman ang misyon na gagawin niya. Minutes later he was dozing off.


Itutuloy....

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...