By: Braggart_21
Ngumiti siya sa akin at kumaway pa. Familiar ang mestizong lalaking ito sa akin pero hindi ko lang maalala kung saan kami nagkakilala. Gumanti rin ako ng ngiti at kumaway din ng konti.
"Video games ka na naman P're?"
"Oo, ito lang kasi kasiyahan ko eh". Ang matipid kong sagot. "Nagtatrabaho ka ba dito?"
"Oo, nagpa part time lang ako sa cellfone shop na ito, kahit papano kumikita rin ako ng kahit na kunti pang allowance sa buong summer bago mag start ang pasukan"
Tumango lang ako at nagpaalam na. "Sige P're, see yah"
"Okay, see you din"
Sa mga early 90s uso ang mga video games sa malls kaya sa Glicos ako palagi tumatambay. Sa mall ko rin palaging nadadaanan ang mamang palaging bumabati sa akin. Ilang beses na rin akong na grounded sa pinagagawa ko kasi palagi akong nagbubulakbol at nahuhuli ng tatay ko na naglalaro ng video games.
Galing ako sa isang middle class na pamilya. Ang tatay ko ay may isang maliit na negosyo at ang ina ko naman ay isang guro sa public school system. Mahiyain talaga ako simula't sapul pa lang. Wala ako masyadong mga kaibigan maliban na lang sa mga mangilan ngilan kong mga kapitbahay at mga kasama ko sa kupunan. Varsity player kasi ako ng football simula elementary hanggang college. Gwapo naman ako kahit papano but that didn't help boost my self confidence. Ang iba naman ay nami miss interpret ang aking pagiging mahiyain sa pagiging suplado o arogante. Hindi rin ako masyado sa academics kaya twice ang effort na ginugugol ko sa pag aaral kaysa sa mga iba kong kaklase.
Sa hindi inaasahang pagkakataon naging magkaklase kami ng mamang palaging kumakausap sa akin sa Mall. First year first semester na noon ng kolehiyo. Sa unang araw ng pasukan, umupo siya sa aking tabi.
"Alam mo, ang supla suplado mo"
"Hindi naman, hindi mo lang ako kilalang lubusan"
"Na introduce na tayo noon pa ni Allan sa Chinese Commercial High School. At least man lang sana ay gumawa ako ng gestures of friendship sa kanya" Ang mapanumbat nitong sabi sa akin.
Kaya pala familiar itong taong ito sa akin kasi napakilala na nga pala kaming dalawa nito noon ni Allan sa Foundation Anniversary ng Chinese Commercial. Namula ako sa hiya kaya hindi na ako nakapagsalita. Hindi ko na rin maalala ang kanyang pangalan kaya hindi ko na rin tinanong. Baka kasi mas maging awkward pa. Kaya hinintay ko na lang na tawagin ng teacher ang kanyang pangalan at tinandaan ko na.
Simula sa araw na yon, Jay and I became friends. I was hesitant at first because he's so nice and sometimes it's too good to be true. Pinakilala ko siya sa aking mga magulang at napag alaman namin na he's a distant relative (Uncle). My family especially my younger brother is very fond of him.
"Dito ka na mananghalian sa amin palagi para makakain ka rin ng bagong luto" suggestion ng father ko kay Jay "Malayo layo din ang Barotac Nuevo at masyadong magastos ang kumain sa labas palagi"
Out of town din kasi nakatira ang family ni Jay. Jay commutes from his town to the city daily using his car. Pinakilala na rin ako ni Jay sa kanyang mga magulang na mga lolo at lola ko na (but they're young) at okay naman sa kanila ang aming pagkakaibigan. Jay comes from a well to do family so he can readily afford to treat me to restaurants, bars and almost all "gimiks". Embarrasing nga palagi pero bumabawi naman ako paminsan minsan.
"Pare, nakakahiya na itong palagi mong pagti treat sa akin"
"Kaw talaga, don't mention it. sa magkakaibigan dapat magkapatid na ang turingan at walang kwentahan"
"Ang bait mo talaga ang swerte ko talaga!" patawa kong pagkasabi.
"Mas maswerte ako" pero iniwasan ako nito ng tingin.
Parang magkapatid na ang turingan namin sa isa't isa. Sinusundo at hinahatid niya ako sa mga ensayo ko sa football and we started to invite each other to sleepovers. Si Jay ang unang tinuring ko na bestfriend. Alam namin ang mga gusto at ayaw at ang mga nararamdaman namin. Kung minsan ay hindi na tinginan na lang ay nagkaka intindihan na kaming dalawa.
Nagsimula lang mag iba ang lahat ng pumasok sa buhay ko si Mylene. Nagkakilala kami sa Summer Class before kami tumuntong ng 3rd year college, majoring year.
"Gabriel, ayaw ko sanang pakialaman ka sa personal na bagay pero hindi ko nakikitang may mabuting maidudulot si Mylene sa iyo"
"Jay, you should know the girl first kasi mabait naman siya eh"
"Ang sa akin lang ay nagpapaalala lang ako kasi kaibigan kita"
Medyo inis si Jay sa akin kasi pinagpatuloy ko pa rin ang pagsuyo ko kay Mylene. Nagbunga naman ang tiyaga ko at hindi umabot ang dalawang linggo ay nanging mag on na kami ni Mylene.
"Feeling ko Jay doesn't like me"
"Wag mo na lang pansinin yon. Medyo may mga mood swings yon, palibhasa unico hijo"
Simula nang magka girlfriend ako, hindi ko na rin napagtuonan ng pansin ang pagkakaibigan namin ni Jay. In fairness to him, ilang beses din siyang nag reach out pero naging busy ako kay Mylene. Noong dumating ang 3rd year 1st Semester, sa kauna-unahang pagkakataon ay nag enroll ng hiwalay sa akin si Jay. Hindi kami nagkikita sa school since iba ang kinuha niyang mga schedules. Medyo sumama ang loob ko sa kanya kasi hindi man lang niya pinaalam na nag enroll na siya at kumuha ng ibang mga schedules. Dahil abala ako kay Mylene, Football at school dineadma ko na lang. I told myself that a thing like that happen to friends. I missed his company though, at nagtatanong ang aking pamilya kung nasaan na si Jay.
"Ayan, hindi ka kasi marunong makikipag kaibigan" sinermonan ako ng tatay on how to nurture friendship pero deadma lang ako.
Tumagal lang ng anim na buwan ang relasyon namin ni Mylene dahil bumalik na ang buong pamilya niya sa Cebu. I was a total wreck when Mylene left. Nagsimula akong lumabas with my High School Tropa. I got hooked with the barkada, I didn't do drugs though. My body weight dropped enormously kaya my parents were alarmed.
"Pag ikaw nahuli kong nagdo druga, bubogbugin talaga kita" pagbanta ni ama pagkatapos ng dalawang oras na sermon.
In the middle of my 3rd year - 2nd Semester, nakatanggap ako ng tawag mula sa nurse ng hospital at pinaalam na si Jay ay naka admit. Dali dali akong tumungo sa Don Benito kung saan si Jay naka confine. Jay's car was side swiped by a very huge 10-wheeler truck in the Dumangas highway while heading to our school. Wasak ang kanyang kotse at kung hindi sa mga tao sa area ng aksidente, baka hindi na naka survive sa Crash si Jay.
"Nakatala ka sa person to be contacted in case of emergency ni Jay" paliwanag ng nurse "Tumawag kami sa mga magulang niya at mga kamag anak pero hindi namin sila ma contact"
"Maraming salamat nurse" yon lang ang naisagot ko.
May head injury siya na malaki sa kaliwang tenga. Tinahi na rin ito ng mga doctor sa Don Benito pero hindi tumigil ang pagdugo. Pinaalam ko na rin sa aking mga magulang ang nangyari kay Jay at sumunod na sila sa hospital. Napag pasyahan ng mga magulang ko na ilipat siya sa Doctor's Hospital. Noong nalipat na si Jay ay inulit ng mga doctor ang pagtahi sa kanyang sugat at inayos ito ng mabuti. Pumasya na rin ang aking Ama na pumunta ng Barotac Nuevo upang ipaalam ang aksidente sa mga magulang ni Jay. Sa kasamaang palad, nasa Maynila sila.
Doon na ako halos tumira sa hospital simula ng ma confine si Jay. Hindi naman nakaka bantay ang aking mga magulang dahil may mga trabaho din silang inaasikasong pareho. It took him five agonizing days din bago siya nagkaroon ng consciousness at another 2 weeks before he was discharged. Although Jay regained his consciousness, hindi kami masyadong nag uusap. The medicine that he was taking made him constantly drowsy. In his conscious state, he would just look at me without saying a thing. His stares made me uncomfortable sometimes but I just ignored it. Jay's parents arrived from Manila the day before he was discharged.
"Mare, Pare, salamat talaga sa pag alaga ninyo kay Jay" ang paulit ulit na sinasabi ng ina ni Jay sa amin.
"Wala yon, pamilya pa rin naman tayo kung tutu-usin" sagot naman ng aking ama.
Nang gumaling si Jay we went back to our normal lives.
Na surprise kami ng bisitahin kami ni Jay sa Christmas break. May dala dala siyang mga regalo sa aking mga magulang, bunsong kapatid at para sa akin. Tuwang tuwa ang mga magulang ko sa dalaw ni Jay sa bahay.
"Uy, hijo salamat naman at magaling ka na at napadalaw pa" ang tuwang tuwang nanay ko.
"Salamat din po sa inyo, kung hindi dahil sa inyo, hindi pa ako magaling hanggang ngayon"
Medyo matagal tagal din kasing hindi ito dumalaw sa amin simula noong may konting tampuhan sa aming dalawa dahil kay Mylene.
"Tito, Tita yayayain ko lang sana si Gabs na mamasyal"
"Walang problema hijo" sagot ng ama ko.
"Gabs, magbihis ka na, alis tayo"
Tumango lang ako at nagtungo na rin sa kuwarto ko. Medyo asiwa pa rin kasi ako kay Jay kasi matagal na kaming hindi nag uusap. Nang matapos akong mag bihis, lumabas na rin ako sa sala at hinihintay na ako ni Jay doon.
"Tara na" sabay kaway sa akin "Tito, Tita alis na po kami"
"Tay, Nay, alis na kami"
"Ingat kayo mga hijo"
Nagbiyahe kami pumunta kami sa downtown. Naasiwa pa rin ako at ganoon din siya siguro at nagsasalita lang siya kung kailangan at hindi maiwasan. Tumungo kami sa supermarket at namili ng samut-saring pakain, alak at kung ano ano pa. Dumaan din kami sa Department store section at namili din siya ng mga trunks, shorts, t-shirts, towels at kung ano ano pa. Na curious ako pero hindi ako nagtatanong sinunod ko na lang ang kanyang gusto para wala ng gulo. Nang matapos na kaming mag shopping lumakad na kami papuntang parking lot at nilagay sa trunk ng kotse ang mga pinamili namin.
"Pupunta tayo sa family beach house namin sa Barotac Viejo" tinitigan ako sa mga mata ko at ngumiti "Wag kang mag alala, nakapag paalam na ako sa mga olds mo"
"Ahhh" at tumango tango na lang ako. Hindi na ako nakipag talo. Alam ko kasi ang ugali ni Jay, ayaw niyang may sumasalungat sa kanya palagi at baka magulo pa.
Past 9 PM na rin kaming nakarating sa Barotac Viejo. We unloaded all our purchases at tumungo na kami sa beach house. Well-maintained itong 4 bedroom beach house na ito na gawa sa indigenous materials. Mga distant relatives din ni Jay ang pamilya na nag aalaga dito. May hinanda na rin itong mga pag kain nang datnan namin kaya alam ko pinlano ni Jay itong lakad na ito.
"Magandang gabi To" ang bati ng matandang babae sa amin. To is short pala for Toto, ang generic na tawag sa Ilonggo sa batang lalaki.
"Magandang gabi din Tiyay" magkasabay naming sagot ni Jay.
"Tiyay, si Gabs pala, bestfriend ko, nakapunta na siya dito noon"
"Ay oo nga To, naalala ko siya. Nakahanda na ang pag kain sa mesa. Kumain na lang kayo. Pag tapos na kayo, takpan ninyo na lang ang naiwan at bukas ko na liligpitin. May hinanda na rin ako diyan na pangpulutan ninyo at marami na ring ice sa ref"
"Salamat Tiyay" sagot ni Jay sa matanda.
Umalis na rin ito. Alam ko, inaantok na ang matanda. Sa rural area kasi maagang natutulog ang mga tao.
"Gabs, halika na, kain na tayo"
"Sige Jay, andyan na po"
Masarap ang kain ko kasi puro mga seafoods ang naka handa. Hindi pa rin kami gaanong nagkukwentuhan ni Jay. Napaka awkward naman kasi ng sitwasyon pero alam ko, hindi matatapos ang gabing ito may kasagutan na ang lahat ng ito. Niligpit na namin ang aming pinag kainan ng matapos kaming kumain. Tinuro na rin ni Jay kung saan kaming dalawa matutulog at binigay niya na rin ang damit na pampalit ko. Sabay na rin kaming nagpalit ng damit.
"Takot ako sa multo kaya dito tayong dalawa matutulog" patawang sabi ni Jay.
Tinaasan ko lang siya ng kilay,
"Please stop it, nininerbyos na ako sa pagtaas taas ng kilay mong yan" ngumiti ito at "Halika, doon na tayo sa veranda"
"Okay" tipid kong sagot.
Malamig ang simoy ng hangin sa dimly lighted veranda. Maganda ang view kahit na gabi kasi full moon. Sinimulan na rin namin ang aming inuman. Sa umpisa, medyo asiwa pa rin kaming pareho pero nang medyo lasing na kami ay naging masaya na ang aming kuwentuhan. Mga bandang 2 AM ay lasing na lasing na kaming pareho.
"Gabs, I've missed you"
"Ako rin Jay. Sorry sa mga nagawa kong kasalanan sa iyo" napayuko ako "sabi nga ni itay hindi daw ako marunong makikipag kaibigan"
"Hindi Gabs, ako ang hindi maka intindi. Selfish kasi ako" may tumulong luha sa kanyang mga mata. "Gusto kasi kitang masulo"
Natahimik kaming dalawa, walang umiimik.
"Ba't mo ako iniwasan Jay?"
Hindi ko alam kong dahil sa epekto ng alak o ano pa man ng humikbi na lang ito ng humikbi. Hindi ko na hinintay ang kanyang sagot. Tumayo ako at naglakad papuntang dalampasigan ng beach. Masarap ang dapya ng hangin. Malamig pero hindi ko ito alintana. Tumigil din ako sa paglalakad ng marating ko na ang hanggang tuhod na tubig at pinikit ko ang aking mga mata. Hindi ko alam kong gaano ako katagal sa ganoong posisyon ng maramdaman ko na lang na may tumapik sa aking mga balikat.
"Gabs, I've been wanting to tell you this"
"Jay, you don't have to say anything, I know"
"Gabs, but…."
"Alam ko na" humarap na rin ako sa kanya.
"but…….Gabs"
"Shhhhhhhhhhh.."
Hinawakan ko ang dalawa niyang mga kamay ng mahigpit at dinantayan ko ng halik ang kanyang mga labi. Tumutulo ang kanyang mga luha at pinahid ko ito.
"You don't have to cry, everything will be alright now"
"But…Gabs"
"Mahal din kita. Matagal ko na rin itong naramdaman pero ngayon ko lang na realize"
"Mahal na mahal kita Gabs. Kung alam mo lang kung anong hirap ang dinanas ko. Matagal na kitang gusto noon pa pero tila hindi mo ako pinapansin. Ang first 2 years of college ko ang pinakamasayang taon sa buong buhay ko dahal palagi tayong magkasama. Pinakilala mo ako sa iyong pamilya at tinangap nila ako. Ngunit pumasok si Mylene sa eksena. Gusto na kitang kalimutan simula noon pero nong maaksidente ako at araw araw kitang nakikita, nasa tabi ko lang pero ang parang ang layo mo, at ang hirap abutin"
"Let's start from the scratch okay?. This time, not as friends but as lovers"
Pinahid ko ang kanyang mga luha at hinalik halikan ko ang kanyang pisngi. Itinuon ko na rin ang aking bibig sa kanyang bibig at sinimulan siyang halikan habang yakap yakap naman namin ang isa't isa. Masuyo ang naging halikan namin. Inilabas ko rin ang aking dila at nagsipsipan kami ng dila. Doon namin pinagsaluhan ang kauna unahan naming pagpapahiwatig ng aming mga naramdaman sa isa't isa.
No comments:
Post a Comment