Saturday, January 7, 2012

SI JOSEPH AT AKO 1


By: Kalboluis2003

‘Wala pa yung DVD ng Elektra dadaanan ko pa mamaya paglabas ko ng office.' Kausap ko sa phone ang longtime partner ko na si Joseph na nasa Nueva Ecija ngayon, inaasikaso ang pagpapatayo ng kwarto namin karugtong ng lumang bahay nila. Sa mga nakakarinig sa opisina, para lang kausap ko ang pamangkin ko na merong pabiling kung ano ano dito sa Manila. Pang-asar ang tawa nya sa kabila ng linya ‘Pare, ang lalim ng boses mo…parang totoo…kakalaglag ng panty.'

Alam niya na di ko sya matilian, magladlad bigla sa office, at mabulilyaso ang pangarap kong umangat konti sa accounting firm. Yes mga dudes and sistahs, isa ako sa mga closet na striving yuppies na kailangang i-relegate sa obscurity ang personal kong buhay mula sa aking propesyon dahil kailangan ko ng maayos na trabaho at may ambisyong mabuhay ng maayos. Aminin man kasi natin o hindi, hindi pa rin naman ganoon ka sensisitibo sa gender at sexuality ng mga empleyado nila ang mga opisina dito sa atin. Meron mang formal na policy sa gender sensitivity, iba pa rin yung nagiging treatment ng mga matatandang bosing na educated sa old school. Pati mga colleagues mo, kapag umamin ka parang ‘Ay bakla, sa creative department ka…' o kaya hanggang novelty na lang ang turing sa iyo, na hindi kayang mag-handle ng responsibildad o seryosong trabaho. Anyways…


Pasimple pa rin akong sumagot, di sinakyan ang panunukso niya dahil sanay na ako dito. (Minsan nga noon, nag-away kami bago ako pumasok sa office sabi niya pag di kami maayos na naghiwalay pag labas ko ng apartment, tatawag siya sa office at magpapakilalang asawa niya ako. Lower agad ang timplada ng lola ninyo, bwiset no?)

"Sya pakisabi kay Nanang, half-day ako ngayon. Gusto ko ng pinakbet saka pritong isda na hapunan". Si Nanang, nanay niya…tsismosa, minsan nakakasira ng moment pero generally okey dahil tanggap ako sa kanila bilang kanilang ‘daughter-in-law'.

Konting pasimpleng lambingan pa sa telepono bago mag hang-up gaya ng "Yung alaga nating kambing, pakisilong ng maaga para di magkasakit, okey?" na ang ibig sabihin, "Yung horny mong dick, ihanda mo na dahil mapapalaban mamaya".

Haaayy. Friday…pauwi na naman ako…and I can't really help myself but smile. Matapos ang isang linggong bakbakan na trabaho, I am coming home for the weekend to have a simple meal kasama ang asawa ko. ‘Asawa'…seven years of living together and being a member of each other's family…yun lang yata ang salitang akma sa pagsasama namin kahit gaano ka-pretentious o kataray pakinggan. Kung lilingunin ko ang pinagdaanan namin, parang nakakagulat na pwede palang mangyari. Hindi rin naman kasi biro ang mga kasamang dasal, action na Rambo style, at mga eksenang hindi kaya ng powers ni Ate Vi na i-characterize pero eto sa relasyon namin ni Jo.

At hindi lang naman kasi pitong taon ang love ko sa damuhong lolo ninyo. Pareho kami ng bayan sa probinsya pero magkaiba ng baryo. Fourth year high school ako noon (dalagita), grade four siya (totoy) noon. Lakwatsera ako kasama ang mga friends kong mga lalaki, ako ang muse at palagi kaming pumupunta sa baryo nina Jo para mamitas ng mangga, bayabas, kung ano ano pa. Take note, walang mga scooter at jeep noon, kanya kanyang bike kami, at kung saan saan nakakarating, basta libre ang pagkain at gimik. From a poor family ako, pero from a poorer family si Joseph. Habang rampa ako to death with my friends, work to death naman siya after school hours sa pangunguha ng damo na ipapakain sa livestock nila. (You know, mga paalagang kalabaw, kambing, etc.) Ewan ko ba, parang gumaganda ang araw ko pag nakikita ko yung bata batutang Joseph na yon noon.

Pero bata pa lang sya, kita mo na ang potentials. Dark, matambok ang butt, proportioned na ang mga limbs, masungit ang mata, parang balbunin pag laki kasi makapal ang buhok, kilay, pilikmata at animal kung ngumiti. (Hindi ko pa alam i-pin point na yun ang mga physical qualities na gusto ko sa kanya noon, pero yun pa rin naman ang gusto ko sa kanya ngayon. And besides noong iba pa ang mga boy friend ko, ganoon ding qualities ang mga gusto ko e.) Kapag binabati ko si Joseph, parang nahihiyang natatakot: binibilisan ang paghakot ng naipong damo, at nagmamadaling lumalayo. Yung mga barkada ko, sabi sa akin palagi noon, "Hoy bakla, makukulong ka sa iniisip mo! Musmos pa yan!"

Musmos pa rin naman ako noon kung tutuusin: madaling magkagusto, madaling makalimot. Dahil virgin pa rin naman ako, wala pang yearning na ma-satisfy kung ano man ang di pa natitikman. Nakalimutan ko si Joseph, nagkaron ng ibang crushes, nag-aral, inenjoy ang simpleng buhay sa probinsya. Pagkatapos lang ng ilang buwan, subsob na rin ang barkada sa review ng National College Entrance Exams (Dyos ko, fear ko talaga noon ang maging valedictorian pero bagsak sa NCEE. Yung mga hindi na naabutan ito, basta kailangan ito para
makapagpatuloy ka sa college, okey? Further questions tungkol sa historicity nitong school event na ito ay kawalang galang na sa nakakatanda, hmp!) Madali't salita nakapasa ang lola sa NCEE, sa UP with a scholarship, naging abala sa paghubog na sariling niyang ideolohiya ek ek, at maagang nakatapos ng kolehiyo. Pero dahil nga sa libis-ng-nayon, anak-pawis, hampas-lupa etc. ang drama, nagdesisyon na manilbihan sa sariling bayan bilang konsehal(a) sa munisipyo sa edad na 22.

Noong time na yon, power and money were there to be had. So were the guys. Small town, alam ng lahat ang pagiging girlish ko at alam din nila ang aking qualification kaya mainit naman ang reception sa akin ng mga tao. Mainit din syempre ang tingin ng mga barako dahil akala nila trophy wife and lola ninyo. I went in and out of relationships, yung iba kasing meaningful ng Webster's 9th New Collegiate Dictionary, pero yung iba were just mercy fucks (on my part/on the guy's part, che, whatevah!). Merong mga dapat nagtagal pero either hindi nakayanan ang pagka lukaret ng lola ninyo or di nakayanan ng lola ninyo ang expenses. Some just did not understand that despite my being me, gusto ko pa ring magsilbi sa bayan kaya kung nag-aalburoto at hindi nai-date dahil may consultative meeting ako sa mga constituents ko, e goodbye muna sila.

1995, nagpasayaw ako minsan sa plaza bilang fund raising sa nalalapit na pagho-host ng bayan namin ng inter-town sports cup. Para sulit ang entrance fee, I got the best mobile disco sa Pampanga, kumpleto sa video screens at malupet ang sounds. Dumalo sya…17 pa lang sya noon pero parang mama na. Palibhasa kahit matalino, hindi na siya napag-aral ng mga magulang kaya napilitan ng magtrabaho sa mga pabrika sa Laguna: nabanat at na-develop nang maaga ang katawan. Sa taas kong 5' 7" mas matangkad na siya noon ng mga 3 inches.

Gwapo…yun lang ang pumasok na salita sa utak ko. Naka shirt ng black at naka Levi's ng button fly. May pino nang balahibo sa mga braso at may umbok na rin sa mga inaasahang parte ng katawan. Lahat ng taon na hindi kami nagkita at gingugol ko sa kung ano-anong bagay at tao na akala ko ay importante sa akin, parang biglang naging hindi importante kumpara sa moment na yon. Nandoon siya at ako, merong music at masaya ang paligid.

Si Joseph, hindi na batang mahiyain…malakas na ang loob na lumapit sa akin. Iniabot ang kamay na nakangiti, sabay bating ‘Kumusta, konsehala ?' Imbis na maimbyerna ako sa pagiging impertinente ng pagbati nya, napatitig ako sa kamay niya bago ko abutin. Grabe ang laki! Hindi ko napigilan, sa gitna ng maingay na pa-disco na yon, na i-imagine ang kamay na yun na tinatanggal ang damit ko, na humahaplos sa aking katawan. Napakalaking effort at pagpapapanggap na hindi ako masyadong apektado sa kanya ang aking ginawa para lang bitawan ko ang kamay na yon, para formally na buksan ang pa-disco at gawin ang natitira pang trabaho ng isang host.

Nang maisaayos na ang mga kinita sa entrance at naitabi na ang pambayad sa mobile disco, hinayaan ko namang i-enjoy ng working group ko ang gabi. Dahil kabataan naman ang sector ko sa konseho, kahalu-bilo ko ang lahat ng dumalo at hindi na rin lumayo sa grupo si Joseph. Wala siyan pakialam sa stares o questioning looks ng mga hindi nakakakilala sa kanya, at panay naman ang kindat sa akin ng mga kaibigan kong alam kung sino siya. Para sa mga nasa tamang edad na, merong kiosk na nagtitinda ng beer at ibang drinks. (Pero tama man o mali, it's the province babe, maagang natututong uminom ang kabataan at kahit na sino pwedeng bumili ng maiinom niya. At sino ba naming nagtitinda ang aayaw sa kita? Saka recently lang naman na-require yang huwag magbenta sa minors ng alak. Ako nga, pinapabili ako noong bata pa ako ng tita ko ng Chinese na shoktong sa tindahan kung hindi maganda ang pagre-regla niya. And besides, ang stand ko dyan dati, salamat sa alak at gumaganda ang ilan sa ating mga syonget!)

Lumalim ang gabi, nakainom na ako, at itong si Joseph, parang nakakarami na rin. Nagiging aggressive, cocky, ika nga. Confident sa pagkalalaki at porma, isinasayaw na ako. Hinapit niya ang mukha ko papalapit sa bibig niya na akala ko hahalikan niya ako then and there, at pasigaw na sinabi(kasi nga disco at maingay e di sisigaw di ba?) "Naalala mo ba yung pangha-harass mo sa kin nung bata pa ako?".

Syempre feeling precious ang lola, "Anong pangha-harass?"

"Joseph, paglaki mo, boyfriend kita ha?" ginaya niya ang boses ko, tinutukoy yung paborito kong linya noong kinukulit ko pa sya. Natatandaan pa rin pala niya.

Natawa na lang ako. "Pwede mo nang gawing yon sa akin ngayon, di na kita tatakbuhan," sabi niya habang gumigiling siya sa likuran ko sabay sa tugtog na
Carolina ni Shaggy. Kung iisipin ko kung gaano kalaswa ang hitsura naming ganoon sa publikong lugar, nahihiya akong natatawa.

Shit, sabi ko sa isip ko, malakas talaga ang tama ko sa mokong na to, and he knows it. Tukso, as in. Kung gugustuhin ko, magagawa ko na ang matagal ko nang inaasam. Pero iba ang nakikita kang sumasayaw sa iyong sariling pa-disco at nage-enjoy, at iba ang dating sa makakakita kung ikaw ang unang lalabas sa affair na iyon para manglalake.

Nagdesisyon ako. Bago matapos ang gabing ito, sabi ko, isang definite na incident ang mangyayari sa buhay namin nitong puppy love kong ito.

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...