By: Kalboluis2003
"May balita ako!" sabay naming nasabi ni Jers nang magkita kami kinabukasan. Gusto kong ibalita ang sexy session namin ni Ram nang nakaraang gabi.
"Naaalala mo si Karen? Buntis sya!" naunahan niya ako.
"Pwede ba Jerry wag mong sirain ang araw ko! Napag-usapan na nating di babanggitin ang mga taong yan! Magpakasal man sila, wala na akong pakialam. Magna-1996 na. Babalik na ako sa Manila, magti-take ng CPA board exams, hahanap ng talagang trabaho" hindi ko na sya pinahirit. "Magsasama kami ng tirahan ni Ram."
Si Jers, nagkibit-balikat na lang sa desisyon ko at pang-aaway ko sa kanya. Watch na lang siya sa akin ng tahimik sa mga okasyong magkakasama kami katulad ng New Year na yon. Sa ganoong personal na klima ay ginugol ko ang natitirang limang buwan ng term ko bago mag-municipal election. Hinanda ko na rin ang sarili sa pagre-review sa Manila. Lahat ng arrangements namin ni Ram sa bahay, magiging share sa consumption, planado at pinagkasunduan.
Dahil sa parang asiwa ang pakiramdam kong may tampo sa akin si Jers na pabalik na ako sa Manila at hindi na kami araw-araw magkikita, dinalaw ko sya sa parlor.
Ginugupitan ni Jers ang isang pamilyar na lalaki. Si Pido, kasama ni Joseph sa dinalaw kong boarding house nila noon. Tumango ako sa kanya at binati naman ako ng ngiti. Strange, merong parang kurot sa dibdib ko kahit kaibigan lang ni Joseph ang nakita ko.
"Kailan ang luwas mo?" tanong sa akin ni Jerry.
"Sa linggo, ‘katapos ng Misa" sagot ko.
"Sya, kung uuwi ka dito sa eleksyon ibili mo ko ng electric na heating cap. Pumapalya na itong gamit ko dito" ganon, lang at inuutusan na naman ako ng aking parlor diva friend.
"Sus, next week lang andito na naman ako" pakli ko sa kanya dahil tatlong linggo pa ang layo ng eleksyon.
"Ay naku, kilala kita Daniela" lalong lumagitik ang gunting sa paggugupit ni Jerry sa buhok ni Pido. "Ikaw ang tao na magko-concentrate ng husto para makuha niya ang akala nyang gusto nya sa buhay. I am sure gagawin mong busy ang sarili mo sa pagre-review habang ginagampanan ang isang pagiging ulirang maybahay ni Ramses"
"Jers, akala ko ba happy ka para sa akin?" tanong ko sa kanya.
"Happy ako, kung happy ka!" dinuro nya ako ng suklay. "Noong una, may mga nakikita akong excitement sa relasyon ninyo, pero nang maglaon, para kayong marrying for convenience, alam mo yun?"
"Hindi naman namin itinatanggi yun a. May rason ang pagsasama namin, tutulungan ko sya sa final year nya, at sasamahan nya ako. Fucking best friends, masama ba yon?"
"E ano naman ang pinagkaiba nun kung iniyot kaya kita?" tanong sa akin ni bakla, nandidilat ang mga matang puno ng eyeshadow na blue at green ang talukap. Nakapamaywang ang isang kamay na may kukong mahahaba at kulay pula. Naubo si Pido na ginugupitan nya.
"Jers, may punto ka bang ibig sabihin?" tanong ko habang idinadasal na wag muna sana siyang ulanin ng kidlat sa sinabi niya at makapagpaliwanag muna bago tigukin ng mga diyoses.
"Bakla…mag-CPA ka at maligaya ako para sa yo. Pero wag mong ikakabit yong accomplishment na yon sa pagiging mag-on nyo ni Ram. Magagawa mo yon nang hindi dahil sa kanya. Tinatakasan mo lang ang posibilidad na kapag di mo tinabunan ang sarili mo ng Ram na yan ay may mga issues kang dapat harapin" Natatakot akong baka mahiwa niya ng blade ang litid sa leeg ni Pido sa sabay nyang pagdakdak at pag-ahit.
Kunot ang noo kong inisip ang malaman niyang pananalita habang nginungudngod niya sa shampoo bowl si Pido. Nagulat na lang ako nang halikan siya nito matapos patuyuin at ayusin ang buhok nito. Napagtanto kong si Pido ang source ni Jerry ng balita sa Laguna, ang hada niyang barkada ni Joseph.
Tama si Jerry, eleksyon na nang bumalik ako sa amin sa dami ng bago kong pinagkaabalahan at sa parang pagiging bagong kasal namin ni Ram. Kung hindi dahil sa pabili nya at sa pangako ko sa mayor na tutulong ako sa grupo nya, baka hindi pa ako umuwi. Matapos kong ibigay ang pabili ng diva na ang sabi sa akin ay "O di ba?" tumuloy ako sakay ng owner type na jeep ko sa headquarters nina Mayor Edwin. Malapit na ang lunch time noon at pagkatapos akong i-briefing ng coordinator kung ano ang gagawin ko ay binigyan na ako ng assignment slip. Sa Precinct 11-4 magdadala ako ng ng packed lunch ng mga official watchers namin. Tinunton ko sa chart kung anong barangay ang 11-4. Lugar nina Joseph.
Sa pagmamaneho ko papunta sa school ng baryong yon na ginawang voting precinct, parang may kaba akong naramdaman, hindi ko alam kung bakit. Nang makarating ako at i-park ang jeep ay ibinaba ko na ang isa sa mga kahon ng Styrofoam packs na puno ng pagkain.
"Tulungan na kita dyan" sabi ng pamilyar na boses sa likuran ko. Si Joseph. Basta yata may pagkakataon ay aasarin ako nito at sasaktan. Luming-linga ako at baka mayroong mga papalapit na watchers na naghihintay ng lunch nila. Wala ni isa. Pag pinayagan ko syang tulungan ako, mas mapapabilis ang ang pag-alis ko sa lugar na yon. Nanlilisik ang mga mata kong halos pabalibag na iniabot sa kanya ang isang kahon. Care ko kung may sabaw ang ulam na tatapon. Kinuha ko ang isa pang kahon at walang lingon na tumungo sa presinto habang sunod lang siya sa akin. Hindi ko na sinigurado kung watchers ko yung pinagbibigyan ko ng pagkain o kung nabigyan silang lahat, basta pag-abot ko ng mga packed lunch ay lumabas na ako mula sa hall.
Sunod pa rin si Joseph sa akin, na hindi ko mawari kung bakit masaya at parang excited na may sasabihin. "Dan, 18 na ako! Isa pa, nanganak na si Karen at…"
"Putang ina mo! Hindi ka pa ba nakuntento na ginulo mo na ako minsan?" sigaw ko sa kanya. Hindi ako nasiyahan at sinugod ko sya. Sinapak ko sya sa mukha. Sapul ang bibig niya, nasaktan ang kamay ko. Lalo akong nanggigil, sunud-sunod ko syang sinuntok, sinabunutan, kinalmot. Hindi siya lumaban, ni hindi nangilag. Nakita ko na lang na medyo duguan na ang mukha nya noong nailayo na ako ng mga nang-awat sa akin.
Datihang konsehal, naghasik ng election-related violence na hindi talaga related sa election: yun ang naglarong headline sa utak ko habang kinakalma ang sarili sa loob ng sasakyan. Iyon na nga ba yung matagal ko nang iniiwasan, ang ilabas ang tunay kong pagkatao sa publiko. Dahil sa matagal kong kinimkim na sama ng loob, sumabog ako.
Lumapit sa akin ang isang medyo may edad na babae, umiiyak. "Konsehal, pasensya na po kayo sa insasal ng anak ko" nanay pala ni Joseph.
Parang matutunaw ako sa sobrang hiya at ko pa ang pinaghingan ng dispensa. Naiyak na rin ako. "Pasensya na rin po, nabigla lang ako. Kung magdidemanda kayo, tatanggapin ko po ang asunto. Pero eto po, ipagamot po ninyo ang sugat niya" at nag-abot ako ng pera.
Pinagtinginan lang ako ng mga nakasaksi sa ginawa ko, walang gustong lumapit. Hinintay kong lusubin ako ng mga taong baryo o barkada nya pero walang gumalaw sa akin. Binuhay ko ang makina at nag-drive palayo. Sa sobrang hiya ko, hindi na ko babalik sa bayan namin, sabi ko sa sarili ko. Linampasan ko ang headquarters, ang bayan, dumiretso akong nag-drive sa Manila. Magulong magulo ang isip, at sobrang guilty sa ginawa ko.
Pag dating ko sa apartment, walang tao dahil umuwi din si Ram para bumoto. Uminom ako nang uminom hanggang sa datnan na nya ako kinabukasang lasing na lasing, nagwawala sa kahihiyang ako mismo ang gumawa. Kagaya ng dati, yung voice of reason nya ay nakapagpakalma sa akin. In-explain nya na siguro pinakawalan ko lang ang ngitngit ko, na natural naming nararamdaman ng taong galit. Pagkatapos non, comfortable silence ulit. Nadaan na naman sa paliwanag nya ang lahat.
Lumipas ang mga araw, naghintay ako ng subpoena, hitman, o molotov. Walang dumating, makalipas ang isang buwan, kalahating taon, CPA Board exams na. Sa pagitan ng paggawa ko ng mga term papers ni Ram, nang paghahanda ng gamit namin at pagkain, at minsang pag-alala sa krimeng ginawa ko, nairaos ang mahabang review pati ang actual exams na confident akong naipasa ko. Sa personal na relasyon namin ni Ram, ganon pa rin, nagsi-sex kapag dinalaw ng libog, magkasundo sa maraming bagay, pwedeng magkayakap lang ng matagal at di kailangang mag-usap.
Malapit na ang graduation ni Ram noong dumating ang resulta ng CPA board exams. Nasa top ten ako! Nag-celebrate kami, kasama ang pamilya ni Ram galing probinsya, kasami ang re-elected mayor na si Edwin, at syempre pati si Jerry. Kumain kami lahat sa labas sagot ni mayor, flowing ang lafang at inumin. Noong tumuloy kami sa isang lounge bar ay tipsy na ang
lahat, taas ng taas ng shot glasses.
Sabi ni Jerry, "Cheers, sa best friend kong hindi lang pang-CPA, pang-boxing federation pa!" Nagkaroon ng halong tawanan at kaunting unease. Hindi talaga ako pinatakas ng diva. Trust Jers to always find the words to keep me grounded.
Out of civility, tinanong ko kung kumusta na nga pala si Joseph, yung kaso ko sa kanya. Wala raw charges ang pamilya nya at sya naman ay nasa Bataan Export Processing Zone na nagtatrabaho, isang shoe factory.
"Lumipat na sila doon ng asawa nya at anak?" tanong ko.
"Hay naku Dan, mahabang kwento. If you do care, umuwi ka sa atin para malaman ang latest. Don't worry, tapos nang pagpyestahan at nakalimutan na pati ang episodic psychological lapse mo." Double meaning: if I cared daw, mai-intriga ba ako o pahuhuli ng buhay?
Pero dahil sa pasado na ako sa board ay natanggap ako sa isang multinational wealth management firm. Itinuloy ko na ang ambisyon na magtrabaho sa corporate world at si Ram naman ay nagdesisyong magpatuloy sa law school. City life imposed a routine for us: work fast, fuck fast, live fast.
Dumating ang December 1998, player na naman sa basketball si Ram si amin at di gaya ng nakaraang taon na hindi nya ako niyayang umuwi, noon ay pinilit nya ako. Huling taon na raw na pwede pa syang maglaro ayon sa age limit at importante daw sa kanya na nandoon ako. Bakit nga naman hindi, e sa basketball court nagsimula ang affair namin? As ever, may mahalagang rason, nagkaintindihan kami. Pumayag ako at nag-file ng leave, na halos isang buwan. Muntik nang hindi i-approve ng management kaya nakipag-negotiate akong maging on-call, sakaling may crucial na market changes na makaka-apekto sa mga accounts na hawak ko.
First day ko sa Nueva Ecija pagkatapos ng matagal na panahon ng disappearance. Tumuloy kami ni Ram sa bahay naming iniwan ko nung bumalik ako sa Manila at ipinabantay kay Jerry. Maayos ang lahat, walang tao dahil nasa parlor si Jerry. Ewan ko ba, parang bumalik lahat ng memories ko sa bahay na yun, na turn-on yata ako sa easy chair na witness sa una naming pagdu-do ni Ram. Inulit namin yun first time namin sa upuan na yun, quickie style. Natulog sya pagkatapos ng dinner, ako naman ay parang na-energize. E di ba nga naman, bato ni Darna sa ating mga bading ang hada? Lumabas ako ng bahay at tumungo sa parlor para sunduin si Jerry, alam kong pasara na sya ng time na yon.
Diretso akong pumasok sa parlor na nakabababa na ang mga blinds. Na-shock ako sa nakita ko. Si Joseph…nakatayo, nakataas ang t-shirt at nakayuko. Si Jerry, nakayuko sa tapat ng dibdib nya at nakakapit sa tagiliran ni Joseph. Si best friend at si puppy love? Putang ina! Ito ba ang latest? Hindi ko kayang tingnan, mga hayop sila!
Padabog akong lumabas, parang nagdidilim ang paningin ko. In 15 seconds, magwawala na naman ako.
"Daniel! Puta ka! Ginulat mo kami!" si Jerry humahabol.
"Obviously! Nagulat nga kayo sa ginagawa ninyo, mga baboy!" pumipiglas ako sa hawak nya.
"Mm! Gaga!" binatukan nya ako ng malakas. Hindi sampal. Batok. Nahilo ako kaya nakaya nyang hilahin ako pabalik sa loob ng parlor.
"Ayan, mag-usap kayo, mga inutil!" galit na si Jerry. Kahit alam kong ako ang dapat magalit parang hindi kayang salubungin ng powers ko ang mala-aswang niyang matang nandidilat. Lumabas sya ng pinto at isinara yon.
Nandoon na nakatayo si Joseph. Ang nakayuko nyang mukha kanina, ngayon ay nakaharap sa akin. Nakita ko, humpak ang mga pisngi, maputla ang balat at nagingitim ang gilid ng mga mata. Ang payat nya. Ano ito? Umandar na naman ang utak ko. Pero mas mabilis ang bunganga kong hindi rin maaasahan.
"Anong ginagawa nyo ni Jerry?" mataas ang timbre ng boses ko.
Kumunot ang noo nya pagkatapos ay napailing. Imbis na magsalita, naghubad sya ng damit at lumantad sa akin ang payat nyang katawan – impis at bakat ang mga buto. "Ito" sabi nya, sabay taas ng kanang kamay, may pinapakita siya sa tagiliran nya.
Lumapit ako, kinilabutan ako sa nakita ko. Gumagaling pa lang na incision ng operasyon sa pagitan ng dalawang ribs, mga isa't kalahating pulgada – yung mga ginagawang butas para saksakan ng tubo at i-drain ang lungs ng mga may pleural effusion o kaya infection.
"Mamamatay na ako't lahat Dan, masama pa rin ang tingin mo sa akin. Hindi mo pa rin ba ako papakinggan? Wala akong kasalanan sa yo" parang puno ng hinanakit, pagod at galit ang boses nya.
"Mamamatay? Walang kasalanan?" naubusan ako ng maisusumbat. "Di ba may anak ka sa babae mo?"
"Minsan ko lang nagalaw si Karen, noong gabing lasing kami. Hindi ko alam na nag-away sila ng boyfriend nya dahil delayed sya noon at nagpilit syang pakasalan. Desperada yung tao, ako naman first time ko. Nagising akong katabi sya, alam kong may nangyari. Itatanggi ko ba ‘yon?"
"Pero sabi ko, bago ko panindigan ang ginawa ko, uuwi muna ako dito. Hinanap kita, hindi tsamba na nandoon ako ng gabing yon, Dan. Sabi ko, kung maitatali ako habambuhay sa babaeng nagalaw ko, titikman ko muna yung ligaya na ipinangako sa akin noong bata pa ako.
Mahirap at magulo ang pagkabata ko pero nandoon ka noon. Naramdaman kong kahit ganon pala akong busabos, may magkakagusto sa akin. Mula noon, nasa isip ko, paglaki ko, magiging tayo. Hindi ko tiningnan na lalaki o babae ka, basta ang alam ko Daniel, ikaw ang
unang nagpahalaga sa akin". Tumutulo na ang luha ni Joseph.
"Masaya akong nagsama tayo kahit sandali lang at dahil don, maluwag kong tinanggap ang kapalaran kong dadating. Sabi ko, proud pa rin ako dahil napagusto kita, napaligaya kita kahit minsan lang. Bumalik ako sa Laguna para harapin ang problema, sumunod ka, at nagalit ka sa nalaman mo. Pero noon, hindi ko rin alam ang lahat ng totoo kaya hindi kita napigilan."
"Buntis nga si Karen pero hindi sa akin ang bata. Nagkaliwanagan sila ng dati nya at sila na ang nagsama. Ikaw ang una kong tinawagan noon, pero sinabihan mo akong tulong mo ang kailangan ko. Sinabi mo pang kasama mo ang boyfriend mo na si Ram pala. Papano naman ako lalaban? Ni si Jerry ayaw mong pakinggan. Sinubukan kong ako mismo ang magpaliwanag sa yo pero galit ka pa rin at binugbog mo pa ko. Yon ang pinakamasakit sa akin Dan, bumaba ng sobra ang tingin mo sa akin, nagawa mong pahiyain ang sarili mo at ako dahil sa galit." Humahagulgol na pagpapatuloy ni Jo. Napakasimpleng paliwanag, na ang tagal kong di pinakinggan. Diyos ko, ano ang nagawa ko?
"Pumunta ako sa Bataan para lumayo kina Karen at baka sakaling mabalitaan mo at magbago ang isip mo. Pero wala. Wala na akong halaga sa yo kaya nagbisyo ako, drugs alak, lahat, kahit alam kong masamang isabay yon sa delikadong trabaho ko. Nagtubig ang baga ko, naoperahan na ako, nawalan na ako ng trabaho pero wala ka pa rin. Sabi mo magmamahalan tayo pag laki ko Daniel!!!" Sumisigaw na sya, humihingal, umiiyak na parang bata. Pinagbabato niya ang mga bagay na malapit sa kanya. Sinuntok ang salamin, pero sa hina nya, ni hindi man lang niya naano yon.
"Ganun ba talaga ‘yon? Walang totoo sa sinasabi ninyo?" tanong nya sa akin. Takot na takot ako noon. Natakot ako na dahil sa ayaw kong makinig ng paliwanag, ay naging masamang tao na pala ako. Natakot akong baka sa harap ko mismo mamatay si Joseph na hinahabol na ang hininga. Lumapit ako sa kanya at kahit takot ay yumakap ako, wala na akong ibang alam na gawin.
"Tama na Jo," alo ko sa kanya habang dinadamitan. "Tama na. Pagagalingin kita, aalagaan kita gaya ng pangako ko noon." Sa papanong paraan ko gagawin ay di ko alam pero alam kong taos sa puso ko ang sinabi ko. Nandoon lang kami, umiiyak, parang hinahayang maging mapayapa ang paligid para sa aming dalawa. Maya-maya naging regular at malalim uli ang paghinga ni Joseph, saka lang ulit sya nagsalita.
"Iuwi mo ako, napagod ako. Gusto kong magpahinga" utos nya sa akin.
Iniuwi ko sya sa bahay at pinatuloy ko sya sa kabilang kwarto, tinulungang magbihis at pinahiga. Saka pa lang kami nag-usap ni Ram nang mahimbing na si Jo.
"I have always known na you would someday know kung sino ang greater love mo" tahimik na sabi ni Ram. "Kaya nga simula pa lang, sinabi ko na trip lang kita, binabaan ko na ang expectations ko sa relationship natin. With me, alam kong may passion ka pero hindi ko nakitang lumabas ang defining character mo na sharp at feisty. Sya lang ang nakakagawa non sa yo, yung napapraning ka, kahit banggit lang ng pangalan nya," sabay tingin sa pintuan ng kwartong tinutulugan ni Jo.
"Ram, I'm sorry…" sorry ako dahil alam ng mga malalapit sa buhay ko ang mga nangyayari sa loob ko…si Ram, si Jerry, maliban sa akin. Ang tanga-tanga ko.
"Don't be. Mahal mo din naman ako e, di ba? A gentle kind of love. Yun ang reason enough para magbigay ako. May mga needs ako na ikaw lang ang makakapuno, dahil pareho tayong may mga ambisyon. Kaya lang, masyado na kayong matagal naghiwalay. You deserve…no, you need to be together now. Besides, kapag abogado na ako at mas maraming ng fans, baka iwan din kita. Mabuti na yong iiwan kita ngayon sa mahal mo." Nakuha pa rin mag-rationalize ni Ramses, ang great love ko. Ramses the Great talaga sya. Greater nga lang talaga ang love ko kay Joseph, aminin ko man o hindi.
"Nasa kabila lang ako, Babe," sabi ni Ram habang nagsusuot ng sapatos sa bedroom. "Don na ako matutulog." Umuwi sya sa bahay nila ng gabing yon din pero pinatahan muna niya ako sa ang tagal-tagal kong pag-iyak. Ang bait-bait ng mga lalaking ito sa akin, sabi ko, pero bakit parang napakawalanghiya ko sa ginawa ko sa kanila? Umalis si Ram na may pangakong nandoon lang sya kung kailangan ko.
Umabot ng 10 months na massive therapy ang pinagdaanan ni Jo, maliban sa dati nyang sakit ay nagkaroon sya ng post-operation infection. Every weekend, weekday kung kinakailangan, umuwi ako noon para idating ang mga gamot nya, para samahan sa check-ups, blood tests, periodic x-rays, para i-encourage na ituloy ang mga nakakahilong dosage ng medication. Sobrang hirap kong pagbawalan syang wag balikan ang mga bisyong meron syang withdrawal symptoms, ang iwasang magpuyat, ang mahalin ulit ang sarili. Laging mainit ang ulo nya noon sa dami siguro ng iniinom nyang gamot, o sa tagal ng pagpapabaya ko sa kanya. At kahit gumagaling na sya noon, hindi agad na naging "on" kami. Matagal ang proseso ng healing at forgiving sa kanya.
Marami pa ring kwento mula noong gumaling sya hanggang ngayon. Meron pang mas malalaking peroblema akong hinarap sa relationship ko sa kanya pero palagay ko, the worst is over. Ano man ngayon ang mangyari, I hold on to one childhood promise, hindi lang dahil promise ko yun sa kanya, kundi sa honest na tinig ko yon noong bata pa ko: "Joseph, paglaki mo, boyfriend kita…"
---End---

No comments:
Post a Comment