Natural paghihirap na naman ng kalooban ang nararamdaman ko. Pagdating sa tapat ng bahay naming. Nakita ko si Ruel kasama ang mga barkada nya na umiinom ng alak. Kita ko sya na nakayuko lang pero ang mga kaibigan nya tawanan ng tawanan. Halata kay Ruel na hirap na hirap sya. Pero di ko pinansin yun. Diretso ako sa bahay hangang sa makarating ako sa room ko. Sumilip ako sa bintana nang nakatanaw rin pala si Ruel patyungo sa kinaroroonan ko. Kitang kita ko sa mga mata nya ang pagsisisi. Instead na makipagtitigan ako sa kanya. Sinara ko ang bintana at humiga sa kama. Maya-maya ...
Di ko na mapigilan ang sarili ko na sumilip sa bintana. Wala na rin si Ruel pero ang mga barkada nya nandun parin. Masayang nag-iinuman. Humiga ulit ako. Nanghinayang sa mga pangakong binigay ni Ruel. Nasira na ang mumunting pangarap namin.
Linggo ng umaga, usually kasabay ko si Ruel sa pgsisimba tapos mgsimba daan kami sa mall at manonood ng sine. Pero iba na ngayon. Ako na lang mag-isa. Malyungkot syempre dahil ilang taon na walang patlang lingo lingo na kasama ko sya sa pagsisimba,. . Paglabas ko ng kwarto kita ko si michelle bihis na bihis. Kinausap ako ni Mitch pinsan mukang di ka na nglalabas jan sa room mo ha. Sabay ka na lang sa amin mgsisimba kami. Sumagot ako “mas gusto ko magisa, para makapgdasal ako ng maayos, kasi kyung may kasama dadaldalin lang ako” so tuloy tuloy akong lumabas ng bahay. Kita ko si Ruel nkangiti. Parang alam nya na baba ako. Pero di ko sya pinansin. Dirediretso ako. Tinawag nya ako. Frank sandali lang. Biglang sumunod si Mitch. Ruel hindi sya sasabay kaya tayo na lang. Bigla nawala ang ngiti ni Ruel na ikinagulat ko naman. Pero di ko na binigyan pansin baka kasi nililinlang nanaman ako ng aking mga mata. Iniwan ko ang dalawa at pumara agad ng taxi para di na makasunod ang dalawa.
Sa simbahan. Dun parin ako pumuwesto sa dating pwesto naming ni Ruel. Lumuhod ako. Nagdasal ng taimtim.” Lord, bakit naman po ganun. Mali bang mahalin ko si Ruel.? Kyung mali, Pero bakit hinayaan mong mahulog ang loob ko sa kanya, alam mo ngayon ang nararamdaman ko. Hindi ko kaya. Masaya ka ba na nakikita akong nahihirapan. .?” Lumuluha na pala ako ng di ko namamalayan. . Di ko pansin ang mga katabi ko. Kaya di ko alam kyung sino ang nag-abot ng panyo habang lumuluha ako. Napalingon ako. Hilam ang mata dahil sa luha. Pagtingin ko siruel pala. Pagtingin ko sa mga mata nya parang may kyung anyung gustong sabihin at nakikita kong namumuo ang luha sa kanyang mga mata. Instead na kuhanin ang panyo tumayo ako at lumabas ng simbahan. Ayaw ko ng pahabain pa ang ugnayan namin. Lalo lang ako masasaktan.
Kinabukasan, Lunes na ng gabi. May kumatok sa pinto ng kwarto ko. Si Junjun. Anak ng pinsan ko. Tito pinabibigay ni Kuya Ruel. Nakita ko isang sobre. Pero kinuha ko na lang at sinabing salamat. Sinara ko ulit ang pintuan.Nanginginig na binuksan ko ang sobre.
Baby ko, ( Kahit galit ka Baby parin ang tawag ko sayo).
Nangilid ang luha ko. Miss ko na kasi sya. Nagpatuloy ako sa pagbabasa..
Alam kong nagkamali ako, nagsisisi na ako. Di ko kaya na mawala ka. Tatandaan mo ba ang sabi ko sayo noon, “ikaw nag buddy ko at partners sa lahat ng gagawin ko.” Noon pa lang alam ko na mahal na kita at kakaiba ang nararamdaman ko sayo. Naging mapusok ako aaminin ko pero sana unawain mo. Lalaki ako at di ko maiwasan na matukso sa pinsan mo. Frank, iba ang pagmamahal ko sayo hindi isang init lang ng laman. Parang gumuho ang mundo ko ng nakita kita nyung gabi na yun. Oo nasarapan ako sa pagkakasasa naming ni Michelle, pero panandaliang ligaya lang ang dulot noon. Kyung alam ko lang ang kapalit noon ay habang buhay na kalyungkutan dahil mawawala ka sa piling ko. Di sana di ko na nagawa. Di ko kaya na hindi mo ko kinikibo. Di ko kaya na binabaliwala mo ako. Frank ngsisisi na ako sa nagawa ko. Sana maramdaman mo ang sinseridad ko. Di ko na alam kyung panu ko papatunayan na ngsisisi ako. Frank miss na miss na kita. Ang halakhak mo. Ang mga biro mo. Na kunwari seryoso ka pero napapatawa mo ko. Ikaw lang nakakagawa sa akin nun. Pag my problema ako lagi kang nanjan. Para pangitiin ako at mabawasan ang problema ko. Frank di ko kaya na mawala ka.Patawarin mo sana ako.
Nagmamakaawa at nagmamahal,
ruel.
x’s: Ikaw parin ang Baby ko. Ipagtatangol kita kahit kanino man. I love you.
Ewan ko ba bakit di na naubos ang luha sa mata ko. Ano ba ito, factory ba ako ng luha, kyung meron lang cancer sa pagluha siguro ako na ang kauna unahang nagkaron nun. Natawa na lang ako sa isipin na yun. Tiyak ko na pag narinig ni Ruel yun matatawa nanaman yun sa akin. Weird kasi akong magisip. Oo tama sya walang sawa sya naipagtangol ako. Namiss ko narin ang kasweetan nya. Sa buong buhay ko sya ang unang unang lalaki na nagpakita ng ganyung ka special na pagtrato sa akin. Humahagulgol nanaman ako. Miss na kita Ruel. Pagkatapos magbasa nga ng sulat nya. Naisipan kong magpahingin s bintana. Ksimaalinsangan yung gabi na yun.Pagbukas ko ng bintana, nakita ko siruel sa may tindahan my dalang gitara at sa harap nya ay dalawang bote ng San Mig. Dinig na dinig ko kyung anu ang tinitipa nya sa gitara. Growing Old with you. Kanta ni Adam Sandler, gustong gusto nya yyung kanta na yun. Lalo na pag ako ang bumabanat sa Videoke sa mall, dami kasi huminto at pumupunta sa videoke para silipin kyung sino ang kumakanta (ibig sabihin, pangtanghalan ng kampeon ang boses ko) Humugot ako ng isang malalim na hininga. Tinitignan ko sya na para bang ngmamakaawa. .“Cge sa linggo. Babatiin na kita mahal ko. Miss na miss na rin kita. Hindi ko rin kaya na mawala ka.” Yun ang binitawan kong pangako sa sarili ko. Patuloy sa pagtugtog si Ruel na akala mo eh hinaharana ako. Pero pasimple alam kong para sa akin yun. Ngumingiti ngiti na sya ksi kala nya nagugustuhan ko ang kanta nya. Syempre kinikilig na ako. Pero di ko pinahalata. Dali dali akong bumaba at lumabas ng bahay kunwari may bibilin ako sa tindahan, pagdating ko sa tindahan. Bigla ako ng kumanta, pero mahina lang. I’ll take your medicine when your tummy aches, build a fire when the burn is break. All I wanna do is growing old with you. Nakangiti si loko kala nya bati na kami. Pero nyung nakuha ko na ang binili ko dali dali akong umalis at pumasok sa bahay. Nakangiti na ako that time. Atleast alam ni Ruel na di na ako galit sa kanya. Pero napagpasyahan ko na sa lingo ko na sya babatiin.
Mabilis na tumakbo ang araw… Linggo na. Excited na ko. Babatiin ko na si Ruel. Miss na miss ko na kasi sya. Pagbaba ko ng kwarto ko, nakita ko sila mama at papa kausap si Mitch mukang serious ang pinaguusapan. . Kaya nakiupo ako sa tabi ni mama. Frank anu ang dapat nating gawin.? Bakit Ma ang tanong ko.? Yang pinsan mo Buntis. Biglang nanlaki ang ulo ko sa narinig ko. Pero di ko pinahalata. May inabot si Mitch sa akin. Sobre. Binuksan ko un at nakita ko ang pregnancy test. Dalawang line. Positive nga. Buntis si Michelle.
Di ko alam kun anu ang gagawin ko. Ang tanging nasabi ko na lang.? Paano? Kanino.? Sino.? Sunod sunod na tanong ko sa kanya.Si Ruel, pinsan natandaan mo ba na after ng paguwi natin galling sa Disco. My ngyari sa amin ni Ruel “sino ba naman ang di makakalimot nun.” Natulala ako. Bigla na lang my pumasok s pintuan nmin paglingon ko si Ruel. Kasama ang Nanay nya Si Tita Marie.O ayan na pala simarie, pagusapan na natin ang gagawin natin sa mga batang to. Nakatingin ako kay Ruel na nangyungusap ang mata.? Anu ito.? Gusto nya mgexplain pero di pede dahil nandun ang mga parents namin.Umupo si Tita marie sa tabi ni Mitch at si Ruel sa harap naming ni mama. Nagsalita si Tita Marie, papanagutan ni Ruel ang ngyari kay Michelle. Ipapakasal natin sila. Kasal.? Para akong sinaksak. Kasal.? Napatingin ako kay Ruel. Walang magawa si Ruel. Nangingilid ang luha. Di ko alam kyung bakit maaring ayaw pakasal o dahil alam nya sa pangatlong pagkakataon nasaktan nanaman nya ako.Nagpaalam akong kukuha lang ng tubig at magpreprepare lang ng merienda. Pero ang totoo unti unti ng bumabagsak ang luha ko. Pag tayo ko. Tuluyan ng tumulo ang luha ko na di nakaligtas sa paningin ni Ruel. Hagulgul ko na pilit pinapatahan ang sarli ko. Dahil baka marinig ako sa sala. Ilang minuto nakaramdam ako na my taong paparating. Kyung kayat inayos ko ang aking sarli. Si Ruel para. Sorry. Di ko sinasadya. Pagharap ko. Kita ko sya umiiyak na.
Yung pinipigilan kong pagpatak ng luha kanina ay bigalang sumabog na muli at napayakap kay Ruel. Iiwan mo na ko talaga ang sabi ko sa kanya. Bakit lagi mo ko sinasaktan. Wala naman ako ginaw sayo na masasaktan ka. Lahat naman ng ginawa ko sayo magaganda. Minahal kita ng lubusan. Bakit ito ang kapalit. Alam ko, “Baby. Di ko rin alam. Bakit nagkaganun. Isang gabi lang naman yun. Bakit may nabuo.” “baby lumayo na tayo. “tumakas na tayo. Di ko sya kaya panagutan. Ikaw ang mahal ko. Handa na akong ipaglaban kina tito at tita na mahal kita at hindi si Mitch.” Di ko alam kyung matutuwa ako. O matatakot sa plano nya. Pero nasa isip ko lang nasasaktan ako sa nagyayari. Bigla sumigaw si mama. Frank ilabas mo na ang merienda.Dali dali akong ng ayos ng sarli at una kong pinapunta sa sala si Ruel. Sumunod ako na normal lang ang kilos. Nagsalita si Papa. After 2 months napagdisisyunan naming na ikasal kayo ni Mitch. Tulala si Ruel pero di makaangal. Tumayo na lang ako at ngtyungo sa kwarto. Duon ko pinakawalan ang luha at galit ko sa mundo. Bakit ngayon pa. Kyung kelan handa na akong mahalin ulit si Ruel. Bakit ngayon pa. Walang sawang pagluha.
Nang gabing yun, nagdesisyon akong magbakasyon sa Davao sa mga kamag anakan ni mama. At ng gabi ring yun nagpaalam ako sa kanila sa plano ko. Pumayag naman si mama tutal malapit nanaman ang pasukan at gusto ko makita muli ang mga pinsan ko sa side ni mama. At tito at tita ko pati narin silolo at lola.Kaya kinabukasan ng madaling araw hinatid ako ni mama. Di ko akalain na nandun si Ruel sa hagdan nila at umiinom. Pero di ako ngpahalata na nakita ko sya. Alam ko nakatingin sya sa akin. Kitang kita nya ang malaking maleta na bitbit ko at kasabay si mama. Lalapit sana sya ng bigla na pinaandar ni mama nag kotse. Nilingon ko sya. Nakatayo sa tapat ng house naming at nakatanaw sa kotse namin.
Habang nasa domestic airport ako ay nagsalita si Mama.
“Hangang kelan mo gusto magstay dun? Tandaan mo after 2 months kasal ng pinsan mo. Darating ang mga tita mo at mga kapatid ni Mitch at dito sila ikakasal ni Ruel.”
Sumagot ako kay Mama. “Ma, siguro sa probinsiya na lang ako mag-aaral.” Ngumiti si Mama, “Ikaw pa tatagal diyan sa province?!” Alam nya na nagbibiro lang ako sabi ni Mama, “Ikaw rin maubusan ka ng pasalubong tiyak dami ibibigay sayo yung mommy ni Mitch na mga imported na pabango at mga sapatos at damit. Alam mo naman na favorite ka nun. Gusto ka na nga ampunin eh!” Ngumiti lang ako. Humalik na ako kay Mama at nagpaalam.
“Anak magiingat ka ha!” Bumalik ako at niyakap ulit si Mama, gusto kong magsumbong sa kanya sa sakit ng dinaranas ko. Mahigpit na yakap at napahagulgol na lang ako. Nagulat si Mama pero niyakap na rin nya ako nang mahigpit. “Lilipas din yan anak. Kaya mo yan!”, ang sabi ni Mama. Nagulat ako sa katagang binitawan nya. Isa nga siyang ina at alam nya ang nararamdaman ko. Alam nya na may paghihirap sa puso ko. Di man ako nagsasalita pero alam nya. Lalo akong naiyak. Nakisimpatya si Mama. Pero kahit di nya inopen yung tungkol kay Ruel? Alam kong alam nya.
Pagkayakap kay Mama ay tumalikod na lang ako at pumasok na sa airport. Pasigaw na bilin ni Mama. “Tawag ka agad anak at pag nandun ka na ha. Para alam kong safe ka.”
Nakarating naman akong safe sa bahay nila lola at lolo. Tuwang tuwa sila dahil bata pa ko noong napasyal sa kanila. Panay papuri lahat ng pinsan ko. Ang gwapo gwapo ko daw at mukhang artista. Kung kayat tuwang tuwa si lolo sa pagPapakilala sa buong kapit bahay na apo nya daw ako. Tumawag ako kay Mama na safe na akong nakarating sa house nila. Tapos tinanong ako ni Mama kung nagsabi daw ba ako kay Ruel na aalis ako. Kasi hinanap nya daw ako. Di na lang ako sumagot. Alam ko alam ni Mama na ayaw ko na sagutin yun. So iniba nya ang usapan. Tapos binigay ko ang cp ko kay lola para kausapin ni Mama. Puro tango lang ang nakita ko kay lola. At bigla siyang tumingin sa akin, siguro nagbibilin si Mama about me. Kaya after nun ay niyakap ako ni lola. At sabi
“Naku apo ko. Mahal na mahal kita talaga.” Napaluha ako at ngumiti. “Talaga lola na parang nglalambing.” “Syempre apo. Di ba Berto ang sabi nya sa lolo ko?” “Oo apo ikaw nga ang paborito naming ng lola mo kasi hawig na hawig mo ang Mama mo nung bata pa sya. Tulad mo masayahin din sya at malakas humalakhak. Pilya sya at lagi kami pinapataw ng lola mo. Kung anu ang gusto mo sabihin mo lang apo. Special na special ka sa amin ng lolo mo ang wika ni lola.”
Dinala ako ni lolo sa isang silid aklatan. Pinakita nya sa akin ang mga lumang picture ni Mama. Si Mama ang kulit nga noong bata sya. Lahat ng picture nya bloopers. Kakaiba. Pansin mo agad. Kasi ang mga larawan noon panay serious ang mga taong pipicturan. Mga nakatayo lang at nakapose parang babarilin sa luneta pero si Mama kakaiba. Meron dun na nakataas ang dalawang kamay. MiNasan naman nakapatong ang paa sa ulo ng batang nasa ibaba nya. Lahat halos ng kuha nya. Puro bloopers. Kaya tawang tawa si lolo tuwing titingnan nya iyon at sabing namimiss ko na nga ang Mama mo. Napansin kong nalungkot si lolo. Pero bumawi rin dahil sabi nya. Basta nandito naman ang paborito kong apo. Masaya na kami.Lumipas ng mabilis ang isang buwan masayang masaya ako. Halos makalimutan ko ang problemang iniwan ko sa Manila. Pero hindi si Ruel. Nasa puso at isip ko parin sya. Mahal ko sya. Yun ang totoo.Masaya ng bawat araw na nagdaan. Naroon na yung nag-swiswimming kami sa batis. Naghuhuli ng isda kasama ang mga pinsan ko. Nagpupunta sa mga tanimang gulay at sinubukan ko rin mag-araro. Tawa ng tawa si lolo dahil hinihila ako ng kalabaw. Pati si lola. Dahil di nga ako sanay at first time kong lumubog sa putikan at mag-araro. Kung andito lang san si Ruel. Masaya sana kami ngsasama ngayon. Humugot na lang ako ng isang malalim na hininga.Lumipas ang isang buwan pa. Tumawag si Mama sa akin.
“Frank di ka pa ba uuwi dito? Bukas na ang kasal ng pinsan mo at ni Ruel. Ikaw pa naman ang bestman nila. Hinahanap ka narin ng tita Becky mo (Mama ni Mitch) at magugulat ka sa pasalubong nya. Isang kahon ng mga imported na damit, pabango at sapatos. Pede mo nang itapon lahat ng luma mong damit dahil sa dami ng dala para sayo ng tita mo.”
Sabi ko na lang. “Ma, mukhang dito na lang ako magbibirthday. Request kasi nila lolo at lola, bibigyan daw nila ako ng malaking party dito buong bayan daw invited.”
Mas excited ako sa bigay na surprise nila lolo at lola kesa sa mga pasalubong galing Canada. Kapalit nun talagang wala na sa akin si Ruel. Sa mata ng tao. Sa mata ng batas. At sa mata ng Diyos. Putol na ang ugnayan namin. Kailangan tangapin ko na na wala na talagang pagasa pa na madugtyungan ang aming sumpaan. Sa next week Birthday ko na. Bukas kasal na ni Ruel. Kailangan ko na siguro makalimot.
“Ikaw ang masusunod anak. Basta ba masaya ka jan at safe. Masaya ako para sayo. Ako na lang ang bahalang magdahilan kina Tita mo ok.” Biglang katahimikan. .
“Frank?!” “Anu po yun Mama?” ang sagot ko naman. “Ok ka na ba talaga jan.
Katahimikan ulit.
“Ma. Alam kong kahit di ko sabihin sa inyo alam kong alam mo na iba ako. Iba nga pagkatao ko. Ewan ko alam kong di kayo nagkulang ni Papa sa pagPapalaki sa akin. Ma, di ko ginusto ito.” Nagagaralgal na ang boses ko pero nagpatuloy parin ako. “Ma, alam mong mahal ko si Ruel. Mahal ko siya. At nakita mo naman na mahal nya rin ako. Kung panu nya ako sinamahan sa bawat araw na wala kayo ni Papa. Mahal ko na si Ruel ma. Sorry po alam kong malaking kahihiyan itong sinasabi ko sa inyo. Pero ma. Ikaw lang ang makakaintindi sa akin. Ma. Wag kang magagalit sa akin please. Kakalimutan ko na sya. Pinipilit ko ma. Ang hirap ma.” Di ko na napigilan na humagulgol.
Tahimik… narinig ko si Mama na humihikbi.
“Ma?!” Ang sabi ko. “Frank noon palang alam ko na. Hinayaan kita kasi wala naman akong nakikitang masama na nangyayari sa inyo ni Ruel. Nakikita kitang masaya. Kaya wala akong tutol. Mali man yun sa paningin ng lahat pero ako ang ina mo. Hangat masaya ka. Masaya ako anak…. Tulad ng lolo at lola mo hinayaan rin nila ako kung anu gusto ko gawin sa buhay ko. Basta alam nila na masaya ako susuportahan nila ako.”
Iyak na ako ng iyak.
“Ma. Salamat. Pipilitin kong makalimot. Nahihiya ako sa inyo.” “Anak wag ka mahiya. Tao ka lang. Tulad naming mahirap kalabang ang puso. Alam kong hirap ka na Frank. Kaya noong nagpaalam ka na gusto mo umuwi jan. Alam kong di mo na kaya. Ganyan din ako noon sa mga lola at lolo mo. Tulad mo pag di ko na kaya lumalayo na lang ako. Kaya hinayaan kitang hanapin ang sarili mo. Frank kung san ka masaya wala kaming tutol ng Papa mo. Alam nya na rin at wala naman sya sama ng loob sa nangyari. Gusto ka nga nyang yakapin at sabihan na mahal ka nya.”“Ma. Hu hu hu hu…” Puro ako hagulgol habang kausap ko si Mama. “Salamat ma, maraming salamat.”“Basta ikaw anak… Kaya pala sabi ng lolo at lola mo na mana ka sa akin.” At nagkatawanan na lang kami.“Miss u Mama.””Ikaw rin anak. Bilang regalo sa iyo. Uuwi kami diyan ng Papa mo para makisalo sa Birthday mo. I love you anak.”“I love you rin ma. Bye.”
Dun naputol ang usapan naming mag-ina, masaya ako at tanggap ako nila Mama at Papa. Maging sila lolo at lola. Lumapit si lola sa akin.
“Miss mo na ang Mama mo apo?” “Opo lola. Sabay yakap sa kanya. Alam mo apo. Naiintindihan ka namin. Alam nating kasalanan ang magmahal sa kapwa mo lalaki. Pero tao tayo. Hindi tayo perpekto. May puso ka at may puso rin ang taong minamahal mo. Natural darating ang oras na titibok ito. Kapag tumibok ito di mo mapipigilan na sunduin ito.” Natawa ako. “La’ para kang si Donna Cruz, kapag tumibok ang puso, lagot ka at siguradong huli ka”. Natawa rin si lola. “Ikaw talagang bata ka. Niyakap nya ako ng mahigpit ni lola. “Basta apo gawin mo kung san ka magiging masaya. Dahil minsan lang tayo daraan sa mundong ito. Kaya hala sige. Magpakasaya ka. Ang huling payo ni lola. Nandito lang kami ng lolo mo. Mahal ka naming apo. Dito lang kami ng lolo mo at Mama at Papa mo.”
Masayang masayang ako. Dahil nawala man si Ruel nandito naman sila lolo at lola, at si Mama at Papa na tanggap ako kung anu man ako.
Kinabukasan araw ng kasal ni Mitch. Naghihitay ako ng tawag at balita galing kay Mama. Anu na nangyari. Masaya ba si Ruel? Anoong lagay nila? Anu ang handa? Kung anu anong gumugulo sa isip ko that time. Hangang sa gumabi na wala parin akong natatangap na tawag galing sa kanila. Napagpasyahan kong ako na ang tumawag. Pero hindi sinasagot ni Mama ang tawag ko. Nagtaka ako. Bakit kaya? Anong ngyari? Inisip ko na lang baka ayaw na ni Mama malaman ko ang nangyari sa kasal dahil mahihirapan lang ako at masasaktan. Hinayaan ko na lang.
Hanggang sa lumipas ang araw at kaarawan ko na. Madaling araw palang gising na ang lahat. Abala sa pagluluto. Halos di ako magkandaugaga sa nakikita ko. Lahat kumukilos. Daig pa ang piyestahan sa baryo. May mga banderitas pa sa harap ng bahay. Bongga talaga ang birthday na binigay ni lolo at lola. Kaya dali dali ko silang hinanap at nakita ko si lolo na tumutulong sa paghihiwa ng mga isasahog.
“Lo’ Good morning po.”“Gising na pala ang Celebrant natin. Happy Birthday apo. Sana magustuhan mo itong simpleng inihanda naming sa iyo.”, ang wika ni lolo.“Lo’ anoong simple kulang na lang dumalo ang presidente sa birthday ko. Ang dami nyo handa. Meron litson baka pa. Wow. Nasan po si lola?“Nanjan lang ang lola mo at naghahanda narin para sa birthday mo.”
Nakita ko si lola na tuwang tuwa habang my kausap sa telepono. “La’ mukhang happy ka ha.” Ngumiti lang si lola.“Mas magiging masaya ka Mamaya apo. Sinisigurado ko.”Sumagot naman ako.“Natural La’, panu ba naman ngayon ko lang mararanasan ang ganitong handaan. Ang saya saya. Salamat lola. I love you.”“I loveyou din apo. Sige at mag-ayos ka na at maya maya lang darating na ang Mama at Papa mo at ibang pinsan mo sa Maynila.”“Talaga. Hay salamat. Kala ko di sila makakapunta dahil noong isang linggong huli naming pag-uusap wala man lang akong narinig sa kanila. Sige La’ at mag-aayos muna ako.”
Di ako magkandaugaga sa kung anong damit ang isusuot ko. Kahit simple lang ang mga damit na ito pero ang ganda. Parang pamprovince talaga. Pinili ko ang puting longsleeve na yari yata sa pinya. Ewan ko ba at puting slacks na yari rin sa pinya. Ternong terno. Kahit pamprobinsya ang suot ko litaw ang kagwapuhan ko. Handa na ang lahat ng bumaba ako. Malaking cake. Mga bisita. Ang dami! Pagbaba ko lahat binati ako. Isa isang hinalikan ako sa pisngi. Yung iba kinamayan ako. Hinahanap ng aking mga mata ang miss na miss ko na. Pero wala parin sila Mama. Maya maya. Bigla may tumigil na sasakyan sa harap ng bahay. Kitang kita ko si Papa ang nag-dridrive. Patakbo kong tinoongo ang VAN.
“Papa!!!” Niyakap ko si Papa. “Happy Birthday anak. Ang ganda ng suot mo ha.”“Cute ng baby ko.” Nawala ang ngiti ko.
“Cute ng baby ko???”, tanong ko sarili ko. Si Ruel lang ang tumatawag sa akin ng ganun. Bumaba si Mama sa Van at niyakap ko rin sya ng mahigpit. “Ma, kala ko di na kayo darating eh.”“Ikaw ba nman iindiyanin ko pa. Eh ikaw lang ang ‘baby ko’.”Nanaman? Bakit ‘baby’ ang tawag nila sa akin? Inisip ko na lang siguro miss na nila ako kaya siguro napatawag nila ako ng ganun. My inabot sa akin si Mama isang box. Dali dali kong binuksan ito. Tuwang tuwa ako dahi bagong cellphone na my camera na regalo ni Mama. “Wow Ma salamat ha.” Sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit. “Galing sa amin nyan ng Papa mo.”, ang wika ni Mama. Isa isang nagbabaan ang mga pinsan ko sa VAN. Isa isa rin nila akong binati at inabutan ng regalo. “Wow!!!” sabi ko na lang sa mga pinsan ko, “for the first time ha inabutan nyo ako ng gift.” Nagkatawanan ang lahat. Niyaya ko na silang tumungo sa kanya kanyang mga lamesa para makakain na sila at alam kong gutom na silang lahat dahil sa byahe.
“Ma, Pa. Tara na. Kumain na tayo.”
Lumakad sila Mama ng konti kasabay ang mga pinsan ko.
“O yung VAN di nyo pa sinara. Pambihira talaga kayo.” Ewan ko ba. Alam ko naman na walang mawawala sa Van kahit iwan yun ng nakabukas, pero di ko alam bakit naisipan kong isara iyon. Hinawakan ko na ang pinto ng Van at itutulak pasara (sliding door type yung pinto sa gilid). Bigla parang my pumugil sa loob. So ang tendency di ko sya naisara. Napatingin ako sa kinaroroonan nila Mama at Papa at mga pinsan ko. Gulat ako dahil lahat sila nakatingin sa akin pati sila Lolo at Lola. Na animo’y tuwang tuwa sa akin. Na para bang hinihintay nila kung anu ang gagawin ko. Nagulat ako baka may naipit or nasira ang pinto. Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng Van. Nanigas ang buong katawan ko. Nanlamig. Nanginig ang mga kamay ko. Nahihirapang huminga. Di ko alam kung anoong gagawin ko. Di ko alam kung anoong sasabihin ko. Basta nakatingin na lang ako sa loob ng Van. Natitig na wari mo tinatanong “bakit”?
Biglang ngsalita ang dahilan ng ikinagulat ko. “Baby. Happy Birthday! I miss you and I love you.” — Si Ruel.
Di ko namalayan na tumutulo na ang luha ko. Napatingin ako kina Mama at Papa.? Nakangiti lang sila sa akin. Waring nangungusap ang aking mga mata sa aking nakita. Bumaba si Ruel sa Van. Tumungo sa kinaroroonan ko at niyakap ako. Nanginginig ang tuhod ko at napayakap na rin ako ng mahigpit kay Ruel.
“Baby. Mapapatawad mo ba ako? Miss na miss na kita. Sorry Baby.”
Iyak parin ako ng iyak. Na wari mo nananaginip lang ako. Kung panaginip man ito sana wag na akong gisingin dahil masayang masaya ako nakapiling ko muli ang taong nagpapasaya sa akin. Ang taong mahal ko. Humarap ako kay Ruel.
“Anong ginagawa mo ditto? Bakit ka nandito? Nasan si Mitch? Bakit mo sya iniwan dun?”, ang sunod sunod na tanong ko. Bigla tinakpan ng hintuturo ni Ruel ang mga labi ko. “Baby relax ka lang. Di ba sabi ko sayo di kita iiwan. Mahal kita. At di kita pababayaan. Ipaglalaban kita. So kaya ako nandito ngayon.”“Panu si Mitch ang tanong ko sa kanya? Kinasal ka na. Bakit mo pa sya iniwan?”Muli tinakpan ng daliri ni Ruel ang aking labi. “Baby, di natuloy ang kasal, yung ipinagbubuntis ni Mitch hindi pala sa akin. Sa araw ng kasal balak ko ng tumakas ng oras na yun. Siguro dahil alam ng Diyos kung sino ang totoong nagmamahalan gumawa sya ng paraan para di matuloy ang kasal, bigla dumating ang dating nobyo ni Mitch from Canada. Sinabi nyang papanagutan nya na si Mitch. Nagulat ang lahat sa inamin ng BF ni Mitch. Wala nang nagawa si Mitch kundi umamin. Noong nasa Canada pa lang sya buntis na sya at sinabi nya sa BF nya na buntis sya at ayaw sya panagutan, kung kayat naisip ni Mitch na magbakasyon sa Pinas, yun pinapalano nya na pala noong nakita niya ako kung panu nya papalabasin na ako ang nakabuntis sa kanya. Para meron sumagot sa dinadala nya.”
Napayakap ako sa kay Ruel. “Thank you Mahal ko. Teka teka. Naalala ko merong pinabasa sa akin si Mitch ha, text message mo. Ang sabi pa yata sa pagkakatanda ko ay ‘Mitch, mukhang mahal na kita. Pagbigyan mo na ako. Sisiguraduhin kong masasarapan ka sa akin –Ruel’
Nagulat si Ruel sa Sinabi ko. Baby wala akong tinitext na ganun sa kanya. Eh nahuli kita diba na ngtetext noong paglabas ko ng banyo. Tapos bigla mo tinago ang cellphone mo. atawa na lang si Ruel. “Baby.” At sabay na hinugot ang fone nya. Pinabasa nya sa akin ang sent message.
‘Michelle, wag ka ng umasa na mauulit pa ang ngyari sa disco bar dahil meron na akong mahal na iba.'
Napangiti ako sa nabasa ko. “Eh bakit nakita ko sa fone nya galling syo yung text?”“Baby sya lang ang gumawa nun. Kaya pala nya hiniram ang fone ko noong nasa discohan tayo.”
Ngiti na lang ang sagot ko. Kinikilig kasi ako at masaya sa nangyari.“Ooooopss last question?”, ang sabi ko. “Panu ka napunta sa room ni Mitch noong gabi na yun? “Pagkababa ko ng room mo di ko alam na inaabangan pala ako ni Mitch sa baba ng hagdan. Nakita ko sya na hubo’t hubad. Hinila niya ako. Sorry Baby dun ako nagkamali. Wala kong nagawa kasi naging marupok ako. Pero Baby ipinangangako ko sayo. (nakatitig sya sa mata ko) ikaw lang at wala ng iba pa. Humarap man sa akin na hubo’t hubad si Rosana Roces wala akong gagawin sa kanya. Ngayon pa na ok na kina Mama at Papa?”. Tumingin sya sa direkson nila Mama at Papa. “At ganun rin ako. At sabay pa kami nag thank you. O Baby my tanong ka pa ba?” “Hmmmm. Wala na po.” Sabay ngiti ng pagkatamis tamis. “Namiss ko yan…” ang sabi ni Ruel. “Talaga? Ikaw miss ko ang lahat sayo.”“I love you Baby.”“ I love you din Kuya Ruel.”
At sabay na kaming naglakad patyungo sa lamesa para kumain.
“Baby di mo ba check yung cellphone mo.”“Ay oo nga pala! Nakalimutan ko. Kasi ikaw na yung pinakamagandang regalo sa birthday ko.” “Ang Baby ko marunong na mambola” ang sabi ni Ruel na ikinatawa ko naman. Dali dali kong kinuha ang cellfone. At ini On ko ito. Ang welcome na picture na lumabas ay picture noong baby pa ako, karga karga ako ni Mama at Papa. Tapos sabi ni Ruel tignan mo yung mga nakasave na photos. Pumunta ako sa gallery then inopen ko. Picture ko un ng baby pa ako. Mula yata noong sangol hangang sa present picture. Pati noong picture naming ni Ruel nandun narin. Napangiti ako. Sobrang saya. Tinanong ko si Ruel.
“Sinong nag-ayos nito.”“Ako. Binigay ni Mama lahat ng picture mo at pati cellfone. Ayusin ko daw para pagsilip mo magulat ka dahil nakasave na diyan ang mga magagandang alala mo.
“Salamat po,” ang sagot ko. “Sobra sobrang gift na ito.”“Basta ikaw Baby!”, ang sagot namn ni Ruel.
Hangang sa tumayo si lolo at nagsalita sa Microphone. Tinatawag ako. Yun pala para hipan ang kandila sa cake. Dali dali akong lumapit sa harapan at sinidihan ni lolo at ang kandila. Sabay sabay silang kumanta ng happy birthday. Di ko napigilan na maluha. Kasi nasa harapan ko ngayon ang mga taong mahal ko at siyempre sa pagtangap sa amin ni Ruel ng buong pamilya. Nagsalita si Papa.
“Anak magwish ka muna bago mo hipan yang kandila.”
Pumikit ako at dumalangin at nagpasalamat kay God sa lahat ng niregalo nya sa akin. Nagpalakpakan ang lahat ng hipan ko ang kandila. Lumapit si Ruel sa akin at hinila ako sa likod ng bahay. Habang nagkakagulo ang lahat sa palaro at sa paghiwa at pagkain ng cake.
“Baby ko (hawak nya ang kamay ko). Pagpasensyahan mo na ang regalo ko ha.”
Nakatitig ako sa kanya kung kayat di ko napansin na may binunot sya sa bulsa nya. Singsing. Isinuot nya sa akin yung singsing na yun. Saktong sakto. Meron din pala sya. Parehong pareho. Tinitigan ko ang sing sing. At tumingin ako kay Ruel. Tsaka ko hinubad. At pinahubad ko rin ang sing sing nya. Nagtatanong is Ruel kung bakit. Naguguluhan. . Kasi serious na serious ang mukha ko at akala nya ayaw kong tanggapin ang singsing na yun. Sinabi ko sa kanya.
“Sandali lang.” Iniabot nya sa akin ang singsing nya. Pinagtabi ko ang sing sing na yun. At tinignan ko parehas kung may nakaukit sa loob ng ng sing sing. Nakita ko parehas may petsa araw ng birthday ko at sa singsing ko nakaukit ang pangalan nya. Isa na lang dahan dahan kong sinilip ang sing sing nya. Puno parin ng pagtataka ang mukha ni Ruel. Wari moy naguguluhan na natatakot sa ginagawa ko. Noong nakita ko ang pangalan ko sa sing sing nya. Bigla akong natawa. Tawa ako ng tawa. Tuwang tuwa. At napayakap ako sa kanya ng mahigpit.
“I loveyou Ruel!” Lito parin si Ruel kung anong tinatawa ko. “Kanina para kang serious na di ko maintindihan kung nagagalit ka ba o ayaw mo sa regalo ko. Ngayon na man tawa ka ng tawa. Baby yan ba epekto ng pagtigil mo dito?”
Tawa parin ako ng tawa. At sinagot ko sya.
“Kasi baka po wedding ring nyo ito ni Mitch at sa akin mo ibinigay dahil di natuloy ang kasal nyo”.
Natawa narin ang mahal ko.
“Baby naman. Ikaw talaga. Kaya lalo kita namiss eh. Kakaiba ka mag-isip.”
Kinuha ko ang singsing ni Ruel at isinuot sa kanya at sinabing “I love you at mamahalin kita hangang sa huling paghinga ko.” Niyakap ako ni Ruel. At kinuha nya ang singsing sa akin at isinuot. “Baby. I swear. Di ka na iiyak. Di kana luluha. Di kana masasaktan. Di kita iiwan. Habang buhay kitang mamahalin.”, sabay luhod at suot ng singsing. “I love you…” na nakatitig sa akin. Ang sarap pakingan parang musika sa pandinig ko. I love you daw sabi ni Ruel. Haaayyyy. Hinalikan ko sya sa lips. Siyempre dampi lang dahil ayaw kong makitaan kami ng sino man na ginagawa yun in public place. Dapat kaming dalawa lang. Gusto kong wag mawala ang respeto sa akin ng mga mahal ko sa buhay at nirerespeto ko naman sila. Ganun din ang gusto ni Ruel sa harap ng lahat ng tao para lang kami magkabuddy. Partner sa lahat ng bagay. Para nandun parin ang respeto.
Alam ko ito an ang simula talaga ng habang buhay na kasiyahan namin ni Ruel. Dalawang taong nagmamahalan. Walang tutol. Walang hadlang. Bagkus sinuportahan pa ng mga taong ngmamahal sa amin. Masaya ako at ganun din si Ruel. Si Ruel ang buhay ko ang lahat lahat sa akin. At ramdam ko na ganun din sya sa akin.
-Wakas.
No comments:
Post a Comment