Monday, June 4, 2012

MATT AND DAN 1


Beep. Beep.
  
Tumunog ang cellphone ko. Nagtetext na si Sharlene.
  
Nasan ka na ba? Kanina pa kami dito naghihintay sa resto.

 Sh*t! Bakit ba naman kasi ang trapik ngayon! Bilisan niyo naman please. Sobrang late na ko sa appointment ko.

 “Manong, wala ba tayong ibang pwedeng daanan? Late na kasi ako eh,” sabi ko kay manong driver.

 “Naku, sir, mas mapapalayo pa tayo kung mag-iiba tayo ng daan,” sagot ni Manong.

 “Ganon ho ba.”
  
Wala na ko magagawa kundi magtiis. Kung bakit ba naman kasi minamalas ako ngayong araw na to eh. Di bale. Tatawagan ko nalang si Sharlene.
  
“Hello? Shar. Sobrang sorry talaga! Di ko na alam kung ano gagawin ko. Yes, nasa taxi ako ngayon. Sobrang traffic. I know, I know. Nakakahiya na talaga. If you want let’s just cancel the meeting. Wala na ko mukhang ihaharap sa inyo ngayon. Are you sure? Ok lang sa inyo magantay some more? Sobrang sorry talaga Shar. Referral mo pa naman ito sakin. Sige. Paki sabi nalang sa kinakapatid mo sorry din. I’ll be there as soon as possible. Ok. Salamat talaga. See you in a while. Bye.”

 Grabe naman. Bilisin niyo! Parang di yata gumagalaw ah, naisip ko. Ah hindi, ayan na gumalaw na ng konti. Sana wag mainip sina Sharlene, sabi ko sa sarili ko. Cliente din yung kinakapatid niya.
  
At ayun, tumigil nanaman ang taxi. Pesteng trapik to! Napabuntong hininga nalang ako sa inis. Umpisa palang ng araw ganito na ang nangyayari. Nag-inhale exhale ako. Pampakalma lang. Sana ma-close ko ang deal later, dasal ko. Binuksan ko ang bag ko at nilabas ang mga papeles. Tinignan ko lahat para masigurong walang magiging problema mamaya. Ok naman na. Ready to attack na.
  
Napatingin ako sa bintana ng taxi. Napansin kong marami-raming tao na ang pinili nalang maglakad. Siguro nagmamadali na rin sila? Maglakad nalang din kaya ako? Wag na. Papawisan lang ako.
  
Kaya ayun. Nanitili akong nakaupo sa taxi. Pinagmasdan ko nalang ang mga taong naglalakad. Para hindi lalong mainis, inaliw ko nalang ang sarili ko. Tinignan ko ang mga higanteng billboard ng mga pinaka-sikat na produkto sa bansa. Naging ugali ko na rin kasi na tignan ang mga yon pag napapadaan ako dito. Nakita ko ang ilang mga kilalang artista, pati na rin ang mga hindi kilala. Aba, bago yung billboard na yun ah, sabi ko sa sarili ko. Tinignan ko ng maigi ang larawan nung modelo. Bagito rin siguro siya. Hindi ko pa siya nakita kahit saan. Ang laswa naman. Di ko kaya mag-pose ng ganyan, napag-isip isip ko.

 Actually, di naman talaga malaswa. Opinyon ko lang yun.

 Hay salamat! umandar na rin ang taxi pagkalipas ng mahigit sampung minuto. Aba teka, mukhang tuloy-tuloy na ang biyahe! Sa wakas! Haha! Tuwang-tuwa ako sa pangyayari.

 “Ito talagang gobyernong to,” sabi ni manong driver, “maguumpisa ng proyekto di naman agad tapusin. Di ba nila naisip na ang daming napeperwisyo dahil sa mga hukay-hukay nilang yan sa kalsada?”

 Natawa ako. Ang seryoso ni Manong. “Oo nga ho eh. Palibhasa, puro bulsa lang nila ini-intindi.”

 “Hay nako. Kaya hindi tayo umaasenso eh,” sagot ni Manong.

 Napangiti nalang ako at hindi na sumagot. Tama naman siya eh. Para ngang walang asenso.

 Nagtext ako kay Sharlene na malapit na ako. At humingi ako muli ng despensa. Sabi niya ok lang daw yun. Naiintindihan niya naman daw.
  
Wow. Siya naintindihan niya. Pano kaya yung kasama niya?
  
Late ako ng isang oras mahigit. One hour and fourty-three minutes to be exact. Dali-dali kong binayaran si Manong at bumaba ng taxi. Pasok ako agad sa restaurant at agad hinanap si Sharlene. Ayun! Nakita ko siyang nakaupo sa may corner table. Magisa.

 Sh*t! Umalis na nga, sabi ko sa isip ko.

 Nakita niya na ko. Kumaway siya. Dahan-dahan akong lumapit. Asar na asar ako sa sarili ko dahil wala na ang cliente ko.
  
“Shar, sobrang sorry talaga. It’s my fault really,” sabi ko. Sobrang lungkot ko talaga. Ano nalang ang sasabihin ni Sharlene sa pamilya niya tungkol sakin? Isa sila sa mga pinakamalaking cliente ko. Pag nadismaya sila dahil dito, di lang sila ang pwedeng mawala sakin. Marami pang iba. Hay! Bakit ka ba naman kasi nalate eh!

 Napansin siguro ni Shar na malungkot ako. Natawa siya. “Hoy ano ba. Cheer up! Its ok. Para kang t*nga.”

 “If I wasn’t late siguro may cliente ako ulit. Alam mo naman how important this is to me, right?” sabi ko.

 “Anong siguro? You haven’t lost your client,” sabi niya. Ano ba, nanunukso yata ito eh. “Nagpunta lang siya sa rest room.”

 “No way!” laking gulat ko. Tinignan ko ang upuan sa tabi niya. May plato at may iced tea sa tapat nito sa ibabaw ng mesa. Di ko napansin yun ah! Marahil dahil nalungkot ako bigla. Teka, mukhang swerte parin ako!
  
“Uh-huh,” sabi ni Sharlene. Tatawa-tawa.

 Wow! Nakahinga ako ng maluwag. May pag-asa pa ako maging Top Agent ng kompanya namin. Ngayon, kelangan ko nalang siguruhin na maging maayos ang lahat.

 Inilabas ko na lahat ng papeles para ready na sakaling dumating na ang cliente ko. Habang nagaayos ako, nagsalita si Shar. Sabi niya, “O, eto na pala siya eh.”

 Tinaas ko ang ulo ko at tumingin kay Shar. Di ko namalayan na may tao palang nakatayo sa likod ko.
  
“Dan, this is Matteo Rutigliano. He’s my kinakapatid,” pagpapakilala ni Sharlene.

 Tumayo ako at humarap kay Matteo. Muntik na ko ma-off balance.
  
Si Matteo… yung lalaki sa billboard.
  
“Hey. What’s up?” sabi niya habang inabot ang kamay niya para makipagkamay sakin.
  
Natigilan ako dahil hindi ko akalain na siya pala ang naghihintay kanina pa sakin dito kasama ni Sharlene. Nakatingin lang ako sa kanya.

 Inaantay niya parin abutin ko ang kamay niya. Napatingin siya kay Sharlene.
  
Tila nahimasmasan ako. Nakagalaw na ko sa wakas. Kinamayan ko siya.

 “I’m good, thanks. Listen, I’m really sorry for being late. Well, super late. I got caught in the…” pero di ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita si Matteo.
  
“Yeah, yeah. Blame it all on the traffic. Nothing new there, really.” At umupo siya sa tabi ni Sharlene. “So, can we start now? I’ve eaten a lot waiting for you. Know what that means to me? Not good.”

 Medyo nainis ako sa banat niya. Ayos ka rin ha, isip ko. Sinadya ko bang mangyari yun? Di naman ah. Naramdaman kong umakyat ang dugo sa magkabilang tenga ko.

 Napansin siguro ni Sharlene na medyo napahiya ako ng konti, kaya siya na ang nagsalita. “Matt, ano ka ba. It’s nobody’s fault. Ok lang yan. We’re all here so let’s just get on with it.”

 “No, it’s ok, Shar,” sabi ko. “It’s my fault really. I don’t know what else to say but sorry.”
  
“Well, you can go yap about what you came here for. So we can get it over and done with,” sabi ni Matt. Nakatitig siya ng maigi sakin na parang sinusukat ang pagkatao ko.
  
Ano ba tong tao na to? Pangasar ka ba o ano? Isa pa sasapakin na kita ng makita mo kung ano hinahanap mo. Teka lang, ako pala ang may atraso. Relax, Dan. Kaya mo yan.
  
Tumingin ako saglit kay Sharlene. Tumango siya na parang senyales na magumpisa na ako. At yun na nga ang nangyari. Inumpisahan ko na ang pagalok sa kanya ng insurance.
  
——————————————————————
  
Ako nga pala si Daniel Marc Burgos. 24 years old. Isa akong insurance agent. I have been an agent for 4 years now. When I left school, ito kagad ang naging trabaho ko.
  
Masaya maging ahente. I get to meet a lot of different people. At hindi basta-bastang mga tao ito. May mga sobrang yaman. May mga di gaanong mapera, yun bang gusto lang masecure ang kanilang future. May mabait, may masungit, may walang kwenta kausap. Ganun talaga. Kaya ako, I treat my job as an adventure. Hunting adventure to be exact. Ako yung hunter, my clients are the prey.
  
Iba kasi yung pakiramdam kapag may nakumbinse kang mag-invest sa insurance. Nakakataas ng self-confidence. Nakaka-boost ng ego. Para bang pakiramdam ko eh ang galing galing ko. Pakiramdam ko lang naman yun.

 Di pwede ang mahina dito sa trabahong ito. Mas lalo na ang mahiyain. Kapalan kung kapalan ng mukha ang labanan. Kung hindi, walang laman ang tiyan mo. Sa trabahong ito ako natuto, nagbago. At dito ko rin mahahanap ang tunay na kahulugan ng buhay at mabuhay.
  
——————————————————————
  
Tahimik namang nakikinig si Matteo sa lahat ng sinasabi ko. Hindi siya nang-i-interupt. Basta tinitignan mabuti yung kopyang binigay ko sa kanya habang ako ay nag-e-explain. Life Insurance ang inaalok ko sa kanya. Tutal dito na siya nagta-trabaho, mabuti nang may ganito siyang investment.

 Halos isang oras din yun na puro ako lang ang nagsasalita. Hanggang sa matapos na nga ako. Sinusubukan kong basahin ang itsura niya. Kukuha ba, o hindi. Pero nahirapan ako. Hindi manlang nagbago ang itsura niya mula nang magsimula ako magsalita. Ilang saglit lang, binato niya sa gilid yung kopya niya. Aba, antipatiko tong lokong to ah, sabi ko sa isip ko.
  
“So?” tanong ni Sharlene kay Matteo. “What do you think?”

 Di umimik. Uminom ng iced tea. Nagtinginan kami ni Sharlene. Siguro kung marunong magbasa ng utak si Sharlene, nabasa na niya na kanina ko pa sasapakin yung kinakapatid niya. Nilapag ni Matteo ang baso niya pagtapos uminom. Tumingin sa malayo. Finally, nagsalita na din. Akala ko na-pipi na ang loko.

 “I think it’s cool.”

 Natawa si Sharlene. Pati ako natawa. “What do you mean it’s cool?” sabi ni Sharlene.

 “Its OK. Know what I mean?” tumingin siya sakin.

 “So, you’re getting one?” sabi ko. Please say yes, dasal ko. Please.
  
Tinitigan niya ako sa mata. Eto nanaman siya. Parang pinagaaralan nanaman ako. Hoy! Sagot na! Naiinip na ko.
  
Then it came. “Not yet.”

 What? Pagtapos kong magmadali papunta dito at magsalita ng isang oras di ka kukuha? Bibingo na sakin talaga to.

 “So you’re not getting one? That’s ok.” Nagumpisa na ko magligpit ng mga papeles. Inabot ko yung kopyang binato niya sa gilid. Pero hinawakan niya yung kamay ko.

 “Did I say ‘No?’ I said not yet. Means I’ll think about it.”
  
Hinila ko yung kamay ko. Hawak ko parin yung kopya niya. Sabi ko sa sarili ko, ang wierd nito ah. Kanina ka pa.
  
“I think I’ll be needing that,” sabi ni Matteo. Nakalahad ang kamay.
  
Wala na akong magawa kundi ibalik sa kanya ang kopya. Or dahil gusto ko talagang maibenta yun kaya ko binigay? Ewan ko. Basta binigay ko ulit sa kanya. Hinablot niya yun mula sa kamay ko. Aba naman talaga. Ubos na ang pasensiya ko kay Matteo. Pero kelangan ko magpigil. Professional ako eh.

 “Are we done here?” tanong niya.
  
“Yeah. Just give me a call in case you’ve already decided,” kalmado kong sagot. Binigay ko rin sa kanya ang calling card ko.

 “We’ll see,” kinuha niya yun at tumayo. Uminom ulit ng iced tea. “I’ll wait in the car,” bulong niya kay Sharlene.

 Tumayo ako. “Nice doing business with you, Matteo.” Inabot ko ang kamay ko para makipagkamay.
  
Tinignan niya lang ang kamay ko. “It’s Matt.”

 At ayun. Lumabas na ng restaurant.

 I was dumbfounded. I’ve never had a client like this one. Arogante na, bastos pa. Napailing nalang ako.

 “Huy, pagpasensyahan mo na si Matt,” sabi ni Sharlene. “Di naman ganun yun eh. Mabait yun. Promise.”
  
“Yeah. Kitang-kita ko nga eh,” sabi ko sarcastically. With matching hand gestures, “Yun o, diba? Ang bait!” Natawa si Sharlene. “Alam mo, kung hindi lang kita best friend, nasapak ko na yun.” Lalo siyang natawa.

 “I know! Cool ka lang ano ba.”

 “Pagsabihan mo yan ah. Saka… Sabihin mo wag na siya magisip ng matagal,” nakangiting sabi ko.
  
“Oo, akong bahala dun. Don’t worry,” sagot ni Sharlene.
  
“Thanks. I owe you big time.”

 —————————————————————

 Nakatayo ako sa tapat ng restaurant. Inaantay ko kasi makaalis muna sina Matteo at Sharlene bago ako kumuha ng masasakyang taxi papuntang opisina. Nakita ko si Sharlene na tinapik si Matteo at tinuro ako. Ano kaya yun? Tanong ko sa sarili ko. Maya-maya umandar na ang kotse nila. Huminto sa tapat ko. Binaba ni Shar ang window niya.
  
“Dan, nakalimutan ko nga pala banggitin kanina. May dinner later sa bahay. Mom and Dad are expecting you. I won’t take ‘no’ for an answer!” sabi ni Sharlene. Ano ba naman ito? Biglaan? Pano nalang kung may gagawin ako sa gabi? Buti nalang kamo wala. “See you later!” pahabol niya habang umandar na paalis ang kotse nila.Hay. Ito talagang best friend kong ito. Mahilig manggulat. Nasanay nalang ako sa tagal naming magkakilala.

 Our friendship started way back in High School. Transferee lang kasi ako sa school nila. 2nd year kami nun. Alam niyo naman ang pakiramdam ng bagong lipat diba? Parang takot kang pumasok dahil wala kang kilala. Malungkot dahil lagi kang magisa. Ganun ang naramdaman ko nun. Para akong alien. Si Sharlene ang una kong naging kaibigan.
  
Anyway, ang unang encounter ko kay Sharlene ay medyo nakakaaliw. Di ko yun makakalimutan.

 Magkaklase kami sa Biology. Nasa harap siya nakaupo habang ako naman tahimik sa likod ng classroom. Sabi ni Miss Roxas, teacher namin, ngayon daw namin gagawin yung project namin. Pero bago yon, magbubunutan daw muna ng magkakapartner. Lahat ng mga pangalan namin ay nilagay niya sa isang lalagyan. Ang mga babae kong kaklase biglang nagsuklay, nanalamin, at parang kinikilig-kilig pa. Parang t*nga naman, natatawa kong sabi sa sarili ko.

 Ang mga lalaki naman nagsipag-ingay. May naghiyawan at nagtawanan. Sabi ng isa sana daw wag niya makapareha yung isa naming kaklase na babae. Pangit daw kasi. Kapal din nito, sa loob-loob ko. Sabi naman nung isa kanya daw si Sharlene Yuzon.

 “Silence!” sabi ni Miss Roxas. Tumahimik lahat. “Ok, since nabanggit niyo si Ms. Yuzon, siya ang unang hahanapan natin ng partner.”
  
Muling naghiyawan ang mga lalaki. Bumunot na ng pangalan si Miss Roxas. “Mam! Alvarado ho ba ang nabunot niyo?” tanong nung gustong makapareha si Sharlene.
  
“Hindi. Kaya you keep quiet, Mr. Alvarado.” tugon ni Mam. Tawanan ang lahat. “Asa ka kasi boy!” tukso ng isa sa mga lalaki.

 “Ok. Enough of that. Ms. Yuzon, ang partner mo for this project ay si Mr. Burgos.” sabi ni Mam.

 Natahimik ang lahat. Si bagito, partner ni Sharlene? Swerte ng kumag! Yan marahil ang nasa isip ng mga kaklase ko habang naglalakad ako papunta sa harapan. Umupo ako sa tabi ni Sharlene. Napansin kong tahimik siya, at tila kinakakabahan.

 Matapos ang pilian ng partners, nagsalita muli si Miss Roxas. “Now that you have your respective partners, you may put on your lab gowns and gloves. Magsisimula na tayo.”
  
Tumayo kami lahat at nagsuot na ng gowns at gloves. Tinignan ko si Sharlene. May sakit ba to? Naisip ko. Namumutla na siya nung mga oras na yun.

 “Ok class, paki tanggal na ang takip na nasa harapan ninyo.”

 Tinanggal na ng mga classmates ko ang takip. AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!
  
Nagulat ako at napatingin sa likod. Nagtititili ang isa naming classmate. “PALAKA!” sigaw ni Alvarado. Tawanan kaming mga lalaki habang nagtitilian ang ibang mga babae. “Ang arte niyo naman!” tukso ng ilang mga lalaki.
  
Sa ibabaw ng ingay sa klase, narinig ko nagsalita si Sharlene. “Oh my God,” sabi niya. Napatingin ako sa kanya. Parang lalo siyang namutla at nanghina. Minabuti ko nang tanungin siya.

 “Are you OK?” sabi ko.

 Tumayo siya ng maayos pero nakahawak sa table. Medyo mabilis ang paghinga niya. Di na siya nagsalita. Umiling nalang. At ayun. Nasuka siya sa harapan ko. Yuck!
  
Nagulat ang lahat. Pinagtinginan kaming dalawa. Ako naman gulat na gulat sa sinapit ko. Hanggang…
  
Hinimatay si Sharlene.
  
“MA’AM!” sigaw ko.
  
——————————————————————
  
Naglalakad na ako papunta sa bahay ng mga Yuzon. Mayaman ang pamilya nila. Si Tito Gary ay executive ng isang advertising agency. Si Tita Lani naman ay associate editor ng isang women’s magazine. Tatlo ang anak nila. Pangalawa si Sharlene at unica hija siya. Si Kuya Arthur ay nasa Amerika nagtatrabaho. Si Fredrick naman nasa college na.

 Pinapasok na ako ni Mang Jun, yung guard nila, nang makita niya ako sa gate. Pinatuloy na ko sa living room.

 Teka, akala ko ba may dinner ngayon? Parang wala naman yatang ibang bisita maliban sakin. Sandali, baka mali naman ang dinig ko kay Shar?

 Bago pa ko mabaliw sa kakatanong sa sarili ko, bumaba ng hagdan si Sharlene. “Dan! Kanina ka pa ba?”
  
“Akala ko ba may dinner ngayon? Bakit walang tao?” tanong ko.
  
“Meron nga. Dinner lang naman ah. Di ko naman sinabing party no,” sagot niya.

 “Ah oo nga naman,” pahiya ako ng konti.

 “Tara. Nasa dining room na sila.” Kumapit si Sharlene sa braso ko at naglakad na kami.

 “What’s the special occasion ba? Biglaan naman yung dinner.”

 “Wala. Celebration lang. Wooo, if I know excited ka na kumain!” tukso ni Sharlene.
  
“Obvious ba ko masyado?” sabi ko. Tawanan kaming dalawa.
  
“Daniel!” bati ni Tita Lani. I hugged her and she kissed me on my right cheek. “Kamusta ka na? Buti nalang you made it.”

 “Ok naman po, Tita. And thanks for inviting me,” sagot ko naman.

 “You’re part of the family, Dan,” sabi naman ni Tito Gary. “You know you’re welcome anytime sa bahay ko.”
  
“Salamat po, Tito.” I shook his hand.

 Nakaupo si Fredrick. Paglapit ko sa kanya, he stood up. Ngayon nalang kami ulit nagkita nito. We greeted each other. Ugali na namin na maghandshake, then bump each other’s right shoulder. Buddies din kasi kami. We played basketball on weekends before. Ako ang nagturo sa kanya maglaro. Nahinto nalang when I started working. Mas matangkad na siya sakin ngayon.

 “Kuya, tabi na kayo ni Ate. Lipat nalang ako sa tabi ni Mommy,” sabi niya.

 “Ok,” sabi ko. Umupo na kami ni Sharlene.

 Akala ko wala na kami inaantay ng biglang may sumulpot sa pintuan ng dining room.

 “You guys aren’t starting without me, are you?”
  
Si Matteo. Dito pala siya nakatira.
  
The model that he is, ayun at naka-posing sa may pintuan ang loko. Pero nagulat siya nung makita niya ako.

 “Of course not! Ikaw kaya ang reason ng dinner na ‘to. Lika na, join us,” sabi ni Tita Lani. Napangiti si Matteo.

 Ah, para sa kanya pala itong dinner na to, naisip ko. Marahil dahil dun sa bago niyang billboard. Naunang pumalakpak si Tito Gary. Woooooooo!!! hiyaw ni Fredrick. Pumalakpak na rin kami nila Tita at Sharlene. Mukhang nag-enjoy si Matteo sa atensyon na nakuha niya. Lalong lumaki ang ngiti niya.
  
“Awww. Come on guys, that’s too much,” pa-humble niyang sinabi. Naglakad na siya papunta sa bakanteng upuan sa kanan ko. Tinapik niya ang balikat ko bilang pagbati bago tuluyang umupo.

 “Kuya Matt, kilala mo na si Kuya Dan, right?” sabi ni Fredrick.

 “Yeah. We met this morning,” sagot niya. “I’m surprised to see that you even went here just to make sure you close the deal. Talk about perseverance, man.”
  
Nagkatinginan kami ni Sharlene. Sila Tito naman nagulat sa sinabi ni Matteo.
  
“Hindi siya nagpunta as an agent, no. He’s my guest,” sabi ni Sharlene. Aba, ang sungit ha! sabi ko sa isipan ko. Napangiti ako sa banat na yon. In yo’ face! Hahaha.
  
Natameme si Matteo. Si Tito na ang nagpaliwanag. “Matt, ganito kasi yan. Dan and Sharlene have been friends since high school. He’s as much a part of this family as you are. Ewan ko nga diyan sa dalawang yan eh. If you ask me, mas gugustuhin ko pang maging son-in-law yang si Dan.”
  
“Daddy talaga,” protesta ni Sharlene.
  
“Oo nga, Ate. Ako botong boto kung si Kuya Dan ang boyfriend mo,” singit ni Fredrick.
  
“See. Bakit? Anything wrong with what I said? Ikaw ba, Dan. What can you say?” sabi ni Tito.
  
Napatawa nalang ako. Ano bang dapat ko isagot? Bigla akong napa-isip. “Ah, Tito, nakay Sharlene na po yung desisyon. Malimit ko ngang sabihin sa kanya kung gano siya kaswerte sakin.” Sabay tawa.
  
“Kapal talaga!” sabi ni Sharlene. Nagtawanan kami lahat. Nakikinig lang si Matteo. Marahil ay inoobserbahan ang mga pangyayari.
  
Nagumpisa na kami kumain. Grabe. Ang daming pagkain. Ito ang paborito ko dito sa bahay na to. Well, bukod siyempre sa pamilya Yuzon na parang pangalawang pamilya ko na rin. Syempre, ang highlight ng gabi, yung cake para kay Matteo na may nakalagay na “Congratulations!”

 Ngayon nalang kami ulit nagkasama kaya naman matinding kamustahan at kwentuhan ang nangyari. Si Tita kinamusta sina Nanay. Si Tito naman kinukulit ako na sa kanya nalang daw magtrabaho. Sabi ko naman depende po sa offer. Ang lakas ng tawa ni Tito. “Pero anak, I’m serious.”

 “I’m serious din po, Tito.” Nagtawanan kaming lahat.

 Pagtapos ng dinner, lumabas ako sa veranda nila. Magpapababa ako ng kinain. Yosi break.
  
Di ko namalayan na sumunod pala sakin si Matteo. Habang nag-yo-yosi ako, deep in thought, bigla siyang nagsalita.

 “Seems like y’all are close to each other,” sabi niya.

 Napatingin ako sa kanya at napangiti. “Yeah. Pretty much,” sagot ko. “Yosi?” I offered him one.
  
“Nah. I don’t smoke.” Natahimik siya sandali. Tumingin sa langit. Tila pinagmamasdan ang buwan. Ilang saglit, nagsalit siya ulit. “So, you and Sharlene. You guys got something goin’ on or what?”
  
Nice! Parang si Kuya Arthur lang dati ah. Tinanong din kasi ako ni Kuya kung nililigawan ko ba daw si Sharlene. Humithit muna ako ng yosi bago ako nagsalita. “Nope. Magkaibigan lang talaga kami ni Sharlene.”
  
“Aren’t you even attracted to her?” usisa ni Matteo.
  
“Don’t get me wrong, maganda si Sharlene. Pero parang magkapatid lang talaga kami. Kaya nga we can joke around like that. Sobrang kampante kami sa isa’t isa,” sagot ko. “Bakit?”
  
Di siya sumagot. Pinagmasdan ulit ang langit. Maya-maya, nagsalita siya ulit. “When we were having dinner, you laughed a lot.”

 So? What’s the big deal? Masama na ba tumawa ngayon? Sabi ko nalang, “Oo. Ganun talaga kami when we’re together. Lagi kaming masaya.”
  
“I don’t think so,” sabi niya.
  
“Huh? What do you mean?” tanong ko.
  
“You’re unhappy.”
  
Manghuhula ba ito o ano? What gave him the idea na unhappy ako? I’m never unhappy. “What made you say that?” naguguluhan kong sabi sa kanya.

 Tinignan niya ko ng derecho. Tapos sabi niya, “Your eyes…they’re empty.”

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...