Monday, June 4, 2012

MATT AND DAN 4


“Shar,” sabi ko, “is there something wrong with me?”

 Malungkot si Sharlene. Namamaga na yung mga mata niya. “No! There’s nothing wrong with you.” Tapos niyakap niya ako. “Wag na wag mong iisipin yan.”

 Bakit ganun? Tanong ko sa kanya.

 “Tanga lang talaga siya! She’s not worth it, Dan. Believe me,” sagot niya. “Wag mo na pagaksayahan ng panahon yun.”
  
Ano bang nangyari? Bat umabot sa ganitong eksena?

 3rd year high school kami nun. Yun yung una kong experience with love. At medyo hindi maganda ang nangyari.
  
Classmate namin si Princess Santos. Isa siya sa mga sikat na babae sa campus dahil sa ganda niya. 2nd year palang kami, gusto ko na siya. At alam yun ni Sharlene. Pero di pwede eh. Dahil may boyfriend na siya. First to be exact.
  
Isang araw, nakita ko si Princess magisa. Umiiyak. Nilapitan ko siya.
  
Medyo naghesitate akong magsalita kasi baka bigla niya ako sigawan. Kaya mahina yung boses ko nung tinanong ko siya. “Ok ka lang?”
  
Di siya tumingin sakin. Nagpunas ng luha. Suminghot. “Pasensya na ha. Di ko kasi mapigilan eh.”
  
Tumabi ako sa kanya. “Anong nangyari?”
  
Humarap siya sakin. Pulang-pula na yung mga mata niya sa kaka-iyak. “Wala na kasi kami ni Jeric eh. Naghiwalay na kami.” Tapos ayun umiyak siya ulit. Inakbayan ko siya para i-comfort. Hanggang umiyak na siya sa balikat ko. Di ko siya pinigilan. Hinayaan ko lang siya umiyak. Biglang dumating si Sharlene at nakita kami. Pero sinenyasan ko siya na mamaya na kami magusap. Sumenyas din siya ng “Anong nangyari?” Sabi ko mamaya ko na ikwento. At umalis muna siya.

Nung wala na yata siyang luha, sabi niya, “Sorry ha. Mukha akong tanga. Ikaw pa yung iniyakan ko. Nakakahiya.”

 Alam ko na yung ibig sabihin nun. Nalaman niya kasi na gusto ko siya. Kung pano, hindi ko alam.
  
“Ok lang yun,” sagot ko. “Tama na ang iyak.”

 “Oo,” sabi niya. “Sana pwede nalang tayo pumili ng mamahalin no?”

 Tumawa lang ako. Sabi ko, “Oo nga eh. Kung pwede nga lang talaga. Yung piliin natin eh yung mahal din tayo.”
  
“Tulad mo?” tanong niya.

 Ngumiti nalang ako at di na sumagot.

 Pero, mukhang nagbunga naman ng maganda yung pangyayaring yun. Naging malapit kami sa isa’t isa. Palagi kaming magkasama, magkausap, magkatext. Minsan nga nagseselos na si Sharlene dahil nababawasan yung oras na magkasama kami. Pero ok lang daw. Naiintindihan daw niya. Syempre, in love kasi ang best friend niya.
  
Dun ako nagsimulang mag-ayos ng sarili. Magbihis ng maayos. Magpabango. Nakakahiya naman kung hindi ko gagawin yun. Eh Princess and I were already dating.
  
Yup. Madalas kaming lumabas dalawa. Nakita ko kasi na mukhang naka-move on na siya. Hindi na rin siya umiiyak. Palagi nang nakatawa.

 Sa madaling salita, ramdam kong she’s ready for another relationship.

 Tinanong ko sa sarili ko, what if I take our relationship to the next level? Aksyunan ko na kaya yung nararamdaman ko? Siguro naman alam na niya na gusto ko siyang maging girl friend.

 Sabi ni Sharlene, why not? Go for the gold Danny boy!

 Bumili ako ng bulaklak. Sosorpresahin ko si Princess. Sana maging ok ang lahat.

 Pinuntahan ko siya sa bahay nila. Nag-door bell ako.

 Si Princess ang lumabas. Nagulat siya nang makita niya ako.

 Binuksan niya yung gate. “Anong ginagawa mo dito?” tanong niya.

 “Para sayo nga pala,” sabi ko sabay abot nung dala kong bulaklak. “Pwede ba kitang makausap?”

 Kinuha niya yung bulaklak. “Para san to?”

 Princess, napag-isipan ko na ito ng maraming beses. At ngayon handa na ko. Matagal na kong may gusto sayo pero hindi ako gumawa ng move dahil alam kong meron ka pa. Pero ngayon nakapagdesisyon na ko,” sabi ko. “Princess, can you be my girlfriend?”

 Nakatitig lang siya sakin. Nagulat yata sa sinabi ko. Maya-maya, sumagot siya. “Dan, I want to thank you sa lahat ng ginawa mo for me. Ikaw yung isang reason kaya ako sumaya ulit. Pero…” Biglang bumukas yung pinto nila. At nagulat ako sa nakita ko. Si Jeric.

 “Dan, I’m sorry. Kami na kasi ulit ni Jeric,” nakatungo niyang sabi sa akin.
  
What the fuck. Parang sinuntok ako sa sikmura.
  
“Ah.” Yun lang yung nasabi ko. Tapos I walked slowly backwards. Nung medyo malayo na ko, I turned to walk away. From this dream. From Princess. From the hurt.

 Si Sharlene ang unang pinuntahan ko nun. Siya ang umiyak para sakin, dahil ayaw lumabas ng luha ko.
  
“Anong akala niya sayo? Clown? Entertainment habang hiwalay sila ng ex niya?” galit na galit niyang sinabi.

 “Yaan mo na. Baka hindi niya lang ako kaya mahalin,” mahina kong sabi.

 “Bobo siya! Ano pang hahanapin niya sayo? Naku nanggigigil ako dyan sa babae na yan! Masyadong user!” galit paring sabi ni Sharlene.

 “Bahala na siya. Kung yun ang gusto niya wala na ko magagawa,” malungkot kong sagot.

 Yun yung isa kong experience with love.

 Yung isa… Sikretong malupit.

 Beep. Beep.

 Nagising ako sa text ni Matteo.

 Hey sleepyhead! Wake up.

 Maaga pa. 8:35 AM palang. Lunch pa yung meeting ko sa office. Argh!

 Nagreply ako.
  
Go away. Its too early.
  
Maya-maya, nagreply ulit siya.

 I got the part.

 Anong part? Napa-isip ako. Di ko alam yung tinutukoy niya. Or dahil tulog pa yung isip ko at bukas lang yung mata ko. Nagreply ako.

 Which part?

 Medyo matagal yung reply niya. Pero dumating din.
  
The TVC I auditioned for. I was told I was cast.
  
Dun ko lang naalala na may inaantay pala siyang feedback. Wow! Swerte ni loko! Commercial model na rin.
  
Congrats! Sisikat ka na!
  
Nagreply siya.
  
LOL. =)
  
Babalik sana ako sa pagtulog, pero nagtext ulit siya.
  
You doing anything tonight?
  
Hay. Kulit.
  
Wala naman. Why?

 Beep. Beep.
  
Celebrate tayo.
  
Nagreply ako.
  
Bakit ako? Why don’t you celebrate with your friends?
  
Bilis niya magreply.
  
You’re my friend, right?
  
Ok. Wala na akong sinabi.
  
——————————————————————

 Dinaanan ako ni Matteo sa opisina. Di ko akalain na maarami pala akong gagawin kaya medyo nasira yung plano. Dapat kakain kami nun sa labas. Treat niya. Pero nag-iba nalang kami ng plano dahil kumain na ko sa office. Inom nalang daw. Kaya ayun, sa isang Restaurant and Bar kami nagpunta.
  
Umorder siya ng bucket ng beer, saka ng food niya kasi di pa siya nagdi-dinner. Pinili din niya dun sa smoking area dahil alam niyang naninigarilyo ako.

 “Thanks nga pala,” sabi ko.

 “That’s nothing. Thanks din for celebrating with me,” nakangiti niyang sinabi.

 “So, yung commercial, when are you going to do it?” tanong ko.

 Di siya agad nakasagot dahil nanguya siya. Ako naman inumpisahan ko na yung isang bote ng beer. Tig-tatlo kasi kami.
  
“We’re shooting it out of town. Tito Jonas, my manager, knows all the details. Basta what I know is its two shooting days. They’re making three versions,” paliwanag niya.

 Uminom ako ng beer. Wala akong kaalam-alam sa ganyan. Basta napapanuod ko nalang yung mga yun sa TV. Ni minsan, di ako nagka-interes sa ganun.

 Tinanong niya ko, “Haven’t you tried out for commercials?”

 “Nope.” Mabilis kong sagot.

 “Why?”

 “Wala lang. I’m not interested,” paliwanag ko. “And I’m shy.”

 Natawa siya. “Its fun. You should try it.”

 “I don’t know if I will,” sabi ko.

 Natawa kami pareho.

 Di ko inakalang may bisyo pala to si Matteo. Ang akala ko kasi pag model ka dapat healthy living. Sabi niya sakin ok lang daw uminom, he can burn the calories in the pool. Wag lang smoking.
  
“Pool?” sabi ko.
  
“Yep. I’m a swimmer,” sagot niya.
  
Ah, kaya pala. Kaya lean ang katawan niya. Broad shouldered. Slender ang waist. Perfect V-shaped torso. Hindi yung katawan na resulta ng pagbababad sa gym.

 “Varsity?” tanong ko.
  
“Yup. Gradeschool to College,” pagmamalaki niya.
  
Ayos ah. Siguro sa tubig ito nakatira.
  
“Ikaw? Are you into swimming?” tanong niya.
  
“Nope. I can hardly float,” sagot ko. Nagtawanan kami.
  
“Come with me minsan. Let’s swim,” yaya niya.
  
“I don’t think so. I might drown,” sabi ko.
  
Natawa siya. “You’re with me naman.”
  
I smiled. “Bakit? Salbabida ka ba?”

 “Nope,” sagot niya. “But I can save you.”

 I choked on my beer.


“Bro, I wouldn’t jump into the water knowing I’ll drown in the first place. I’m not a dimwit,” sabi ko.

“Wow. Dimwit. That’s a strong word,” sabi niya. Uminom siya sa huling bote niya ng beer. Ubos na yung akin.

Tama ba yung sabi ko? I’m not a dimwit? Yeah, tama nga. There was one time na aaminin kong dimwit ako. Pero nuon pa yun.

“You keep surprising me,” sabi ni Matteo.

“You, bro, give me the creeps,” sagot ko.

Natawa siya ng malakas. “Why so?”

“Wala. Basta. Ganun lang talaga,” sabi ko.

I-iling iling siya. Ano kaya iniisip niya sa sinabi ko? Inubos na niya yung beer niya.

“Let’s go?” tanong niya.

“Yeah,” sabi ko.

Hinatid niya ko ulit.

——————————————————————

Tinawagan ako ni Sharlene. Nagpapasama magshopping. If I know, gagawin lang niya akong hanger ng shopping bags niya.

Pagdating namin sa mall, nagumpisa na siya mag-ikot. Tinanong ko, “Ano bang bibilihin mo?”

“Ewan ko. Maghahanap palang,” sagot niya. Tapos kumindat.

Sus. Patay tayo jan. Magkakaron na naman ako ng kalyo sa paa. Siguro kung magkakaron ulit siya ng boyfriend, ang una kong sasabihin dun sa lalaki eh “Good luck.” Mag-invest siya sa sapatos dahil mapupudpod yun pag sinamahan niyang magshopping si Sharlene.

Maganda magdala ng damit si Sharlene. Fashionista siya eh. Laging nakaporma, laging maganda. Parang kahit ano isuot niya, ok ang resulta. Eh maganda naman kasi talaga siya. Payat, chinita, mahaba ang buhok. Makinis, sexy. Kaya nga ang daming nagpaparamdam sa kanya, di lang niya pinapansin.

Sawi rin kasi siya sa pag-ibig. Naka-tatlo na siyang boyfriends. Yung pinakamahaba niyang relationship was for 9 months. Yung dalawa, 3 months saka 4 months. Ewan ko ba kung ano ang nagiging problema. Kasi sa pagkakaalam ko, ok naman si Sharlene.

Habang namimili siya ng damit, tumunog yung cellphone ko.

 Nagtext si Matteo.
  
We’ve shot some scenes na. Wish me luck naman!
  
Wow! Nagumpisa na pala yung shooting niya. Nag-reply ako.
  
Good luck!

 Napa-ngiti ako. Di ko namalayan na tinatawag pala ako ni Sharlene.

 “Huy!” Sinundot niya yung tagiliran ko. “Bakit ka naka-ngiti jan? Para kang tanga.”

 “Ah. Wala. May naalala lang ako.” Nagsinungaling ako. Bakit nga ba ako naka-ngiti?

 “Anong maganda? Itong white or itong brown?” tanong niya.
  
“Yung white,” sagot ko.
  
“Good choice. We think alike,” sabi niya.

 Kumuha siya ng size niya tapos pumasok sa fitting room.

 Tinignan ko yung cellphone ko. Walang text.
  
Ilang saglit, lumabas siya.
  
“Ano? Bagay?” tanong niya sakin.
  
Naisip ko, kahit basahan yata isuot mo maganda parin ang resulta. Sinagot ko siya, “Sobra.”
  
Ngumiti siya tapos pumasok na ulit sa fitting room.

 “Ang ganda ng girlfriend mo, sir. Bagay na bagay kayo kasi gwapo ka tapos maganda siya,” sabi nung saleslady.
  
Natawa ako. Lagi kami napapagkamalan kasi ni Sharlene. “Salamat. Nambola ka pa, miss.”
  
“Hindi, sir. Totoo po yun.”

 “Salamat.” At yun, lumabas na si Sharlene. Binayaran na niya yung damit.

 Inabot niya sakin yung paperbag. Inakbayan ko siya habang naglalakad kami palabas.

 Nakita kong tinitignan kami nung saleslady. Nakangiti siya. Kinawayan ko.

 “Sino yun?” sabi ni Sharlene.

 “Wala. Bago nating fan,” sabi ko. Tapos natawa siya. Alam na niya yung ibig sabihin nun.

 Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa. Tinignan ko. Walang text. Teka, bakit ba ako check ng check ng cellphone ko? Di naman ako ganito dati. Binulsa ko ulit yun.
  
After 3 solid hours of shopping, naka-limang paperbag ng damit at apat na kahon ng sapatos si Sharlene. Ang sakit na ng paa ko. Pero parang hindi siya napagod. Gusto pa ngang mag-ikot pero surrender na talaga ako.

 Naawa naman yata sakin kaya ayun, kain nalang daw kami.We went to a coffeshop. Naupo na siya at binigay sakin yung wallet niya.
  
“Treat mo?” sabi ko.
  
“Oo. Nakakahiya naman sayo no,” natatawa niyang sabi. “Gusto mo pa-foot spa pa kita? Baka kinalyo ka na kasi.”

 “Ok na to. No need for that,” sabi ko.

 “Ikaw na bahala. Alam mo naman yung gusto ko eh.” Nilagay niya yung mga gamit niya sa gilid.

 Nagpunta na ko sa counter para umorder. Dalawang iced coffees tapos isang slice ng chocolate cake at isang danish.

 Habang hinahanda yung order ko, kumuha ako ng tissue at straw. Pag-ikot ko, may nakabangga ako.
  
Pagtingin ko, nanlaki yung mata ko.
  
Pati siya parang nagulat na makita ako dun.
  
Si Sean.
  
Napatingin ako sa direction ni Sharlene. Nakatalikod siya. Hindi niya nakita kung sino ang nandito.
  
“Daniel?” tanong niya.
  
“Sean?” sagot ko.

 “Oo, ako nga.”

 “Anong ginagawa mo dito?” sabi ko.

 Patay na. Malaking gulo ito.

Ayos din yung tanong ko no? Ano pa bang dapat gawin sa ganitong lugar?
  
“Tagal nating di nagkita ah,” sagot ni Sean.
  
Awkward.
  
“Kamusta ka na?” tanong niya.

 “Ako ba ang gusto mong kamustahin o si Sharlene?” sabi ko.

 Yumuko siya at ngumiti.

 “Kamusta na siya? Alam ko kasi stylist siya sa magazine.”

 “Updated ka, bro, ha,” natatawa kong sabi sa kanya. “Bakit pa? At bakit ngayon lang? Aren’t you a few years late?”

 Hindi siya agad sumagot. “Alam mo, Dan, isa ka sa mga rason kung bakit hindi na ako nagpakita kay Sharlene. You made me realize how stupid I was back then. Natakot ako. At nahiya ng sobra. But things have changed. What I want to do is talk to her.”
  
Kinuha ko na yung order ko. Napansin siguro ni Sean na para sa dalawang tao yung dala ko. Ngumiti ako sa kanya at sinabi ko, “Why don’t you find out how she’s doing yourself?” Tinuro ko si Sharlene.
  
Nagulat siya marahil na nasa isang lugar lang sila ni Sharlene. After 5 years, ito nalang ulit ang chance na magkausap sila.
  
Sino ba si Sean? Siya lang naman ang ex-boyfriend ni Sharlene. Siya si 9-month relationship. At sa pagkakaalam ko, siya yung pinaka-minahal ni Sharlene sa lahat.

 Magkakaiba kami ng course. Accounting ako, Advertising si Sharlene, at Computer Science naman si Sean. Ang layo diba? Pero tadhana na yata na mag-krus ang landas naming tatlo.
  
Nung unang beses na pinakilala ni Sharlene sakin si Sean, masama agad ang impression ko. Di naman sa may mali siyang ginawa o ano. Basta lang hindi tugma ang mga bagay-bagay. Alam niyo naman siguro yung tinutukoy ko? Meron lang talagang mga tao na sa unang tingin palang, alam mong di mo magugustuhan. Ganun yung naramdaman ko kay Sean.
  
Kwento sakin nun ni Sharlene, nagpakilala daw sa kanya si Sean sa tapat ng college niya. Barkada daw niya yung isang classmate ni Sharlene. Nung una, hindi niya masyadong pinapansin. Pero nung nagtagal, medyo nakulitan na siya dahil lagi daw nasulpot sa college nila. Hanggang ewan ko kung ano ang nakita niya dun sa lalaki. Laging nalutang ang isip tuwing magkasama kami. Napansin ko na medyo naglilihim-lihim na siya sakin nung mga panahon na yun.

 “Huy! Nililigawan ka ba nung kumag na yon?” tanong ko.

 Nagulat siya sa tanong ko. Pero wala na siyang ibang nagawa kundi magtapat. “Danny boy… Ano kasi eh… Kami na.”
  
Wala akong nasabi. Natulala lang ako sa kanya.

 “Super sorry talaga!”

 Nagtampo ako. “Bakit di mo manlang sinabi sakin?”

 “Eh kasi alam ko di mo siya gusto eh,” nakayuko niyang sabi. “Sorry na. Di ko napigilan eh.”

 “Ang harot mo rin no?” sabi ko sa kanya. Natawa siya.
  
“Thanks!” sabay yakap sa kin.
  
“Sus. May magagawa pa ba ako?”
  
“You’re the best talaga!”

 “Malamang.”

 Turns out, di lang pala ako ang may ayaw kay Sean. Pati na rin sina Kuya Arthur at Fredrick. Balita ko nga eh hindi raw nakakatagal si Sean sa bahay nila Sharlene. Pinagtutulungan yatang takutin nung mag-kuya. Sa skwela naman, bantay sarado naman sila sa kin.
  
Mabait naman si Sean. Masipag din. Base sa kwento ni Sharlene, gusto daw ni Sean magpunta ng ibang bansa para kumuha ng master’s degree. Wow. Ang taas ng pangarap ng kumag.

 Masaya naman silang dalawa kahit na medyo may konting oppression mula sa kin at sa mga kapatid ni Sharlene. Actually, nun ko lang nakitang maging masaya sa isang relasyon si Sharlene. Kaya kahit pano, naging kampante ako.
  
Yun pala, there was something else going on.

 Isang araw, pumasok si Sharlene ng naka-jacket. Nagtaka ako dahil mainit naman. Nung lapitan ko siya, hindi siya tumingin ng derecho sakin. Parang nagmamadali. Ano kayang problema nito?
  
“Daniel, mamaya na tayo magusap,” sabi niya sa kin at nagpatuloy sa paglakad.
  
Nagtaka ako dahil hindi niya ako tinatawag na Daniel. Its either Dan or Danny boy.
  
Nung lalagpasan na niya ako, hinawakan ko yung braso niya at sinabing “Sandali lang.”
  
Pero nagulat ako sa sumunod na nangyari.
  
Sumigaw si Sharlene. Hindi dahil sa galit.
  
Kundi sa sakit.

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...