Monday, June 4, 2012

MATT AND DAN 3


Sabay na kaming umalis ng location ni Sharlene. Naibigay na rin sakin ni Kit yung mga pictures ko kanina. Kinuha rin niya yung calling card ko. Masyado yata siyang natuwa sa mga litrato ko. Sabi niya kasi ipapakita daw niya yung mga yun sa mga kilala niya at baka may magkainteres na kunin ako para maging model. Kahit na yung mga print lang daw, at least may pangdagdag kita daw ako. Naisip ko, wala nga namang masama dun.

 Habang nagmamaneho si Sharlene, napansin niya sigurong tahimik akong nakaupo.
  
“Uy! Anong iniisip mo?” usisa niya.
  
“Ha? Wala naman,” sagot ko.
  
“Wala raw. Halata kayang may iniisip ka. Ano yan, problema na naman?” tanong niya. Kilala niya talaga ako. Alam niya agad pag may gumugulo sa isip ko.
  
“Wala yun. Don’t worry about it,” sabi ko. Pero sa totoo lang, iniisip ko yung sinabi ni Matteo. Pati na yung nakita ko sa litrato ko.
  
“Ok. Sabi mo eh,” sabi niya. “Maiba tayo. Ang gwapo mo talaga kanina, promise. Walang biro.”
  
“Wooshoo… Tama na, Shar. Bumenta na yan,” sabi ko.

 “Hay naku. Mag-re-react ba ng ganun si Kit kung hindi siya bumilib kanina? Isa lang naman siya sa mga pinakamagaling na photogs ngayon no.”

 Di ako umimik.
  
“Biruin mo, kinuha pa niya yung contact number mo. Ang galing mo talaga mambulag, Dan!” sabi niya.
  
Natawa ako. Medyo awkward yung sitwasyon para sakin. “Actually, masarap pala yung feeling no?”

“Enjoy talaga sa ganun. Pano kaya kung maging model ka din no? Oh my God, for sure mas maraming magkakagusto sayo! Ngayon ngang di ka sikat marami ka nang fangirls eh, how much more kung sikat ka na? Naks naman!” tukso ni Sharlene.

“Nasan ang fangirls? Nasan? Bakit single parin ako hanggang ngayon?” tanong ko. Nagtawanan kaming dalawa.

“Pa-humble ka rin masyado no? Masyado ka kasing choosy. Ang dami kayang nagkakandarapa sayo nuon pa.”

Now this is more awkward.

“Alam mo, Shar, hindi ako choosy. Wala lang talaga akong time para sa ganyan. Alam mo naman ang sitwasyon ko diba.”

Natahimik si Sharlene. Nag-iisip habang nagmamaneho. Maya-maya, bigla siyang nagsalita. “Yung sitwasyon ba talaga ang dahilan, o yung nakaraan?”

Di ako nagsalita. Bakit ba kailangan pang banggitin yan?

“Uy, di ka na sumagot,” sabi ni Sharlene.

“Let’s not talk about it,” paki-usap ko.

We rode in silence.

——————————————————————

I got home around 9 PM. Tinanong ako ni Nanay kung kumain na ba daw ako. Sabi ko oo, pero sa totoo lang wala akong gana kumain. Dumerecho ako sa kwarto ko. Nilagay ko ang bag ko sa kama at umupo saglit. Nag-isip. May kumatok sa pinto ng kwarto ko. Pagbukas ko si Nanay pala. May sakit ba raw ako. Wala po, Nay. Ok lang ako. Ligo lang ang katapat nito, sabi ko.

Pagkatapos ko maligo, nahiga na ko.

Di mawala sa isip ko yung tanong ni Sharlene.

Yung sitwasyon ba talaga ang dahilan, o yung nakaraan?

Bakit ba kasi kelangan pa niya itanong yun? Ok na ko eh. I’m doing fine. Its been awhile. Akala ko nalimutan ko na yun. Pero hindi pala.

Pinikit ko nalang ang mga mata ko, hoping that the darkness will hide the ghosts of my past. Pero hindi eh. Mas naging malinaw pa sila sa dilim.

Beep. Beep.

May nagtext. Kinuha ko ang cellphone ko. Si Sharlene.

Danny boy, cheer up na ha? Sorry for bringing it up again. Smile ka na okie?

Nagreply ako.

Ok lang. Don’t worry. Good night.

Pumikit ulit ako. Ilang sandali…

Beep. Beep.

Binuksan ko yung message.

See you tomorrow. 7 PM. Dinner.

Si Matteo yung nagtext.

Bakit dinner?

Nagreply ako.

Bakit dinner?

Sumagot agad si Matteo.

I’m not free in the morning and afternoon.

Naisip ko siguro busy. Sinagot ko nalang siya ng “Ok.”

——————————————————————

Kinabukasan, di ako umails ng bahay. Wala naman akong appointment kasi. Minabuti kong magpahinga nalang sa kama. Or dahil nasa isip ko padin yung kagabi? Di ko alam.

Mga bandang 5 PM, naghanda na ko. Para in case magtext si Matteo, ready na ko umalis.

Nagtext siya before 6 PM. Dun daw kami magkita sa Italian Restaurant. Umalis ako agad. Ayoko na ma-late ulit. Mahirap na.

Dumating ako five minutes before 7 PM. Wala pa siya. Pumasok na ako. May reservation daw kasi siya dun. Aba, ayos to, sabi ko.

Nagantay ako sa table. Mabuti nang maaga ako at ako ang magantay. Kesa naman maulit yung nangyari dati. Pagkalipas ng 15 minutes, nakita ko ang isang familiar-looking car. Pagkaparada, bumukas yung pinto sa driver side. Si Matteo yung lumabas.

Naka peach v-neck shirt siya, slim jeans na color black, tapos naka-jacket. Sobrang casual niya samantalang ako naka-polo at slacks. Adik.

Pumasok na siya ng restaurant at naglakad patungo sa table namin. Tumango siya sakin in acknowledgement. Tumayo ako from my seat.

“No, no, no, no. Take your seat, bro. You’re too formal,” sabi niya. Umupo na kami.

“Salamat ha,” sabi ko.

“Saan?” sagot niya.

“Marunong ka naman pala mag-Tagalog,” sabi ko.

“Of course. I’m half-Pinoy,” nakangiting sabi niya. Aba, good mood si loko, naisip ko.

“Akala ko kasi you just understand Tagalog. Marunong ka rin pala magsalita,” sabi ko.

“I understand it, yeah. I speak a little, not too much,” paliwanag niya. “Anyway, why thank me?”

“Wala. Kasi you’re getting one. Its a big help to me,” sagot ko.

“Ah, I see.” Tinitigan niya ako saglit, tapos ngumiti. Ano kaya yun? sabi ko sa sarili ko. May topak talaga tong tao na to. “You wanna order now? Or you wanna finish the deal first?”

“Whatever you want, bro,” sabi ko.

“Ok, let’s have the insurance first. We’ll eat later.”

At yun na nga. Another feather on my cap. Pumirma na si Matteo Andrea Rutigliano sa kontrata.

——————————————————————

Habang nakain, nagkwentuhan kami. Ok naman pala itong si Matteo. Akala ko nung una masama ang ugali. Di naman pala. At yun, di ko inaasahan pero mabilis akong napalagay sa kanya. Para bang matagal na kami magkakilala.

Out of the blue, bigla niyang naitanong. “What does your name mean?”
  
“My name?” sabi ko.
  
“Yeah. Yung pangalan mo, what does it mean?” sagot niya.
  
“I have no idea. Kelangan ba meron?” tanong ko.
  
“You know, our names have their own meanings. Parents don’t give names just like that. Sometimes, our names describe what we are as a person,” sabi niya.
  
Wow. Ang lalim nun ha. Medyo nalunod yata ako. “Eh, what does your name mean?”

 “Well, Matteo means ‘Gift from God.’ That’s what my parents consider me to be. Andrea on the other hand means ‘Manly.’ No need to explain further, right?” paliwanag niya. “Fits perfectly, don’t you think? I’m a manly gift from God.”

 Natawa ako. “Yeah, right.”

 Pinagmasdan niya na naman ako. Nainsulto yata dahil pinagtawanan ko siya? I went back to eating. Nagsalita siya ulit, “You should know your name’s meaning, too.”

 “Maybe next time. I’ll research on it,” sabi ko. Pero sa totoo lang, wala akong balak gawin yun. Its a petty thing para sakin. Sinabi ko lang yun for him to let go of the topic.

 Good thing, di na niya ulit namention yung topic na yun. Kinwento nalang niya na kahapon, nasa final casting pala siya kaya di siya pwede. Sabi ko ano yung final casting? Yun pala yung last step para makakuha ka ng commercial sa TV. Nag-audition daw kasi siya para sa isang project. Ayun, umabot siya hanggang final casting. Hopefully daw makakuha siya ng feedback next week.

 Ayos din to no. Masipag din, sabi ko sa sarili ko. Akala ko kasi isang spoiled brat lang ito na galing ng ibang bansa. Dun ko naisip na may something different sa kanya. Kung ano yun, di ko alam. Basta, may kakaiba sa kanya.
  
——————————————————————

 Pasado alas-nueve na ng gabi. Sabi ko baka pwede na ko mauna.

 “Oh yeah, I didn’t notice the time. Sorry,” sabi niya.

 “Ok lang. I had a good time,” sabi ko.

 “Really?” sagot niya. Parang na-amuse siya sa sinabi ko. Ano yung nakita ko? Evil grin?

 “Yeah. O baka sabihin mo na namang I have dead eyes,” biro ko.
  
“I’m not saying that tonight, bro,” sabi niya.
  
Ok. Wierd na ulit siya. Tumayo na ko para umalis. Pero pinigilan niya ako.

 “I’ll drive you home,” sabi niya.
  
“Wag na, bro. Its ok. I’ll just get a cab,” pagtanggi ko.
  
“I insist,” sabi niya.
  
Ano pa bang magagawa ko? Nakakahiya man, sumabay na ako.
  
Yung gamit niyang kotse ay yung kotse ni Kuya Arthur. Nasa Amerika naman kasi siya. Nakababa ang windows namin kahit naka-air con. Naisip ko, “Wow! Ang cool nito.” Haha. Nagpatugtog si Matteo. Puro R&B.

 Kwento niya, he loves having a good time. May pagka-night person daw siya. Saka mahilig gumimik. Pero hindi siya nalabas with big groups. Mas gusto niya yung two or three people lang. Mas intimate daw kasi.
  
Ako naman, I’ve long given up on these things. Ngayon, I have better things to do than go out and have a good time.
  
Medyo nag-isip siya. Sabi niya di daw dapat ganun. “You have to unwind once in a while, you know.” Yan ang sabi niya.
  
Tama nga naman. Don’t get the wrong idea. I’m not a stuck up person na walang ibang alam kundi magtrabaho at mamroblema. Its just that I have a different perspective now than before.

 Medyo tahimik kami pagtapos. Yung music lang ang maririnig. Pareho yata kaming may iniisip. O naubusan na kami ng pag-uusapan. Hanggang huminto kami sa tapat ng malaswa niyang billboard. Napatingin ako dun. Tumingin ako kay Matteo. Tinitignan din niya pala yun. Sabi ko, “Looks familiar. Have you met him, bro?”

 Nagtawanan kaming dalawa.

 Na-curious ako. Tinanong ko siya, “What does it feel like? Seeing yourself in one of those?”

 Di siya sumagot. Ngumiti lang.

 “Is that what you really wanna do?” ininterview ko na siya.

 “A bit. At least for now, that’s what I wanna do. Pero, not forever. I look forward to finding a real job, know what I’m saying?” sabi niya.
  
Tumango lang ako. Iba nga siya.
  
Bigla ko naisip itanong. “Bro, why didn’t you get the insurance the first time around? Bat nag-isip ka pa?”
  
Tinignan ko siya waiting for an answer. But it never came.
  
——————————————————————
  
Sandali lang yung byahe namin. Wala na kasing traffic nung mga oras na yun. Huminto kami sa tapat ng bahay namin.

 Binuksan ko na yung pinto ko at bumaba. Di ko na pinababa si Matteo. Sinara ko yung pinto tapos sumilip ako sa bintana.
  
“Hey, thanks for the ride,” sabi ko sa kanya.
  
“No problem. Anytime,” nakangiti niyang sabi.
  
“Ok. Ingat ka.” Tumayo na ko ng derecho at tinapik ko yung bubong ng kotse.

 Nilabas niya yung kaliwang kamay niya at kumaway. Umandar na siya paalis.

 “Good guy,” sabi ko sarili ko. At pumasok na ko ng bahay namin.
  
——————————————————————
  
What a good day this has been. Tinawagan ko si Sharlene para sabihing ok na yung insurance ni Matteo. Ako na bahala dun. She congratulated me kasi I’m on my way to being the Top Agent daw. Natawa ako. Di pa kaya. Malayo pa yun. Pero Matteo is a welcome addition sa clientele ko. Tinanong ko kung nakauwi na si loko. Wala pa raw.

 Naligo muna ako bago maghanda para matulog.

 Beep. Beep.
  
Nagpupunas pa ko ng buhok eh. Istorbo naman tong cellphone na to.
  
Binuksan ko ang message. Nagtaka ako sa laman.
  
Hey, Attractive.
  
Si Matteo yung nagtext.
  
Nagreply ako.
  
Wrong send.
  
Ilang saglit, nagreply ulit siya.
  
Nope. Its for you.
  
Nawiwierduhan na ko talaga dito.

 Nagreply ako ulit. Sinakyan ko nalang.

 Alam ko naman yun. You didn’t have to tell me that.

 Beep. Beep.
  
Yeah. Kaya nga your name fits you perfectly.
  
Ano ba to? Ito na naman si name.
  
What do you mean?
  
Ang bilis niya sumagot.
  
Daniel means Attractive.
  
Wow. Ni-research niya pala.

 Ayos din ito ah. Talagang nag-effort pa para hanapin yun. I didn’t know what to say.

 Ah ok.

 Yun na ang naging reply ko. Walang kwenta no?

 Beep. Beep.

 Yup. Told ya.
  
Natawa nalang ako. Para makumpleto na, tinanong ko na rin yung ibig sabihin ng Marc. Ilang saglit, nagreply siya.
  
You sure you wanna know? I don’t know if this is really you…

 Dahil curious na rin ako, sabi ko ok lang. Tapos sinagot naman niya.

 Marc means ‘dedicated to Mars’ and ‘warlike.’ Are you a warfreak, bro? lol

 Haha! Ako warfreak? Hindi kaya. Sobrang bait ko nga eh! Nagreply ako.

 Not likely. But I’d consider myself a warrior. Baka ganun, bro?

 Beep. Beep.

 Haha! Siguro. I like that. Attractive warrior.
  
Di na ko nagreply.
  
Beep. Beep.

 Hey sleepyhead! Are you sleeping na?

 Ang kulit din nitong tao na to. Nagreply ako.

 Yep. I’m falling asleep in about 2 minutes.
  
Nagreply agad siya.
  
Alrighty. Good night Daniel Marc a.k.a. Attractive Warrior.
  
Natawa ako. Rub it in, man. Di ko pa maramdaman masyado.
  
Good night Mr. Rutigliano.
  
Message sent.
  
Pero sa totoo lang, hindi pa ako inaantok.

 ——————————————————————

 Attractive Warrior.

 Ayos ah. I never thought my name meant something like this.

 I kinda like it.

 Nakangiti akong nahiga sa kama.

 I felt good. Ewan ko kung bakit. Basta I felt good. Really good.

 Nakahiga ako pero hindi ako inaantok. Nakatingin lang ako sa kisame. Nag-iisip.

 Totoo kaya yun? That your name defines your person?
  
Parang gusto ko na maniwala. Pero. Baka naman nagkakataon lang yun.
  
Siguro nga.
  
Ang gandang coincidence naman kung sakali.
  
Di ko sinasabing I’m attractive or what. Actually, I never thought of myself like that. Di naman ako pangit, pero di rin naman ako talaga yung gwapo. If I’ll rate myself, I’d say I’m above average.
  
Let’s see…
  
I’m 5′ 9″.
  
Medyo may pagka-singkit. Brown eyes.
  
Makapal ang kilay.
  
Pointed ang ilong ko. Namana ko yun kay Tatay.
  
Maliit ang mukha, pero medyo prominent ang cheek bones ko.
  
I always liked my smile. Yun din kasi ang unang napapansin ng mga tao sakin.
  
I have a dimple on my right cheek.
  
Nice teeth, thanks to my orthodontist.

 Yung buhok ko manipis. Wash and wear nga siya eh. Parang wig lang diba? Sobrang dali i-manage.

 Slim ako. I don’t go to the gym, pero medyo defined yung upper body ko. Dahil na rin siguro sa paglalaro ng basketball dati.
  
Ano pa ba?… Hmmm…
  
Ah, I wear size 10 shoes.
  
Ayun.
  
Nothing special right? Kaya hindi rin ako lubos maniwala sa sinasabi ni Matteo. Siguro sa pagiging warrior, pwede pa. Pero dun sa pagiging attractive, hindi masyado.
  
Kasi tignan niyo, kung attractive nga ako, bakit walang nagkakagusto sakin?
  
Yung fangirls na sinabi ni Sharlene nung isang gabi, nasan sila? Di ko sila makita.

 Bakit single parin ako ngayon?

 At bakit hindi ako sinagot nung nililigawan ko dati?
  
Oops.

 Ayoko nasana yun sariwain pa.

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...